Sa library siya pumasok kung saan naghihintay sa kanya ang lolo niya at si Mayor Mark. Nais man sana niyang habulin muna si Albie at kausapin pero ilang beses na siyang tinawag ni Manang Meding dahil pinapatawag na siya ng lolo niya. "Maupo ka na Yanna," saad ng lolo niya pagpasok pa lang niya sa pintuan. Nakita niyang nakaupo na ang lolo niya si Mark, sadyang siya na lang ang hinihintay ng mga ito. Humugot siya ng malalim na paghinga at lumakad na palapit sa kinauupuan ng mga ito. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman. Naroon ang takot, pangamba at tila kawalan ng pag asa, dahil mukhang kahit anong gawin niya ang gusto pa rin ng dalawa ang masusunod para sa kanya. Naupo siya tapat ni Mark na kalmado at hindi man mababakasan ng ano mang kaba, hindi katulad niya na tila sasab

