Napalunok siya habang kabadong nakatingin kay Albie na kay Mark naman nakatingin. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan ng dalawang lalake. Mag isa siyang bumaba ng kay Snow at mabilis na lumapit sa nobyo na halatang galit na. Marahil kanina pa ito naghihintay sa kanya at ito pa ang nakita nito. Kung bakit naman kasi nakalimutan niya ang nobyo niya at masyado siyang na focus kay Mark. Kung bakit kasi hindi siya nag ingat man lang. "Albie," tawag niya sa nobyo nang lapitan ito. Agad siyang yumakap rito at hinalikan ito sa pisngi para sana mabawas ang inis nito sa kanya o galit. "Saan ka ba galing Yanna? At sino ang kasama mo?" Tanong nito sa kanya na mukhang hindi umubra rito ang pagyakap at paghalik niya sa pisngi nito. Sinulyapan niya si Mark na nakatayo sa tabi ni Snow at nakatingin sa

