Kinabukasan halos wala siyang tulog magdamag lang siyang nakatitig sa kisame at iniisip ang lahat ng pinag usapan nila ni Mayor Mark. Ang labo kasi ng nangyayari sa kanya ngayon, dahil tila kailangan niyang magpakasal sa lalaking hindi naman niya lubusan kilala na sinasabing pinili ng lolo niya para sa kanya. May boyfriend siya at mahal niya si Albie, kaya malabong magpakasal siya sa Mayor na iyon. May mga plano na sila ni Albie kahit sabihin pang bata pa sila pareho, at hindi siya naniniwala na niloloko siya ni Albie. Maaaring gawa-gawa lang ng Mayor na iyon ang sinasabi nh lolo niya. Magaling magpa ikot ang mga Mayor na katulad niya. Laging pa victim para makuha ang simpatya ng mga tao. Ganun marahil ang ginagawa nito sa lolo niya kaya nakuha nito ang loob ng lolo niya. Tulala niyang s

