Chapter-0-11

2014 Words

Nagtatakbo siya papasok sa loob ng bahay habang umiiyak. Hindi niya napigilang umiyak dahil sa nalaman niya. Nasaktan siya dahil may plano na pala ang lolo niya sa kanya at wala siyang kaalam-alam. "Ma'am Yanna, ano po ang nangyari?" Tarantang tanong sa kanya ni Manang Meding nang makasalubong ito sa loob ng bahay. Sinulyapan niya lang ito at nagpatuloy sa pagtakbo patungo sa hagdan habang umiiyak pa rin sa sama ng loob. Natigilan pa siya at sinulyapan ang silid na kinaroroonan ng lolo. Gusto niyang kausapin ito para alamin mula rito ang totoo, iyon nga lang ayaw niya itong ma istorbo dahil nagpapahinga na ito. Hindi na ganoon kalakas pa ang lolo niya, baka may mangyari pa rito at kasalanan pa niya. Nagtuloy siya sa pagtakbo habang umiiyak. Kailangan niyang maghintay pa ng bukas para

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD