Ilang araw pa ang lumipas nang hindi ko pinapansin si Troy sa trabaho, inaabala ko ang sarili sa mga trabaho ko para lang hindi sya magkaroon ng pagkakataon na makalapit o makapag-usap kami. I know it's not right. But I needed this, I need this for myself. Para makapag-isip.
Pero wala nga yata sa bokabularyo ni Troy ang sumuko. Ilang araw ko nang nadadatnan na palaging may bulaklak sa table ko o di kaya ay mga chocolate, naiinis ako sa sarili ko kapag hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing madadatnan ko ang mga regalo nyang iyon sa table ko.
Tiningnan ko ang office nito pero wala pa sya, agad akong napalingon at napangiti nang marinig kong tumunog ang lift. Pero agad napawi ang mga ngiti ko nang si Ms. Elly ang iniluwa non, nakangiti ito sa akin habang papalapit.
"Good morning Ms. Elly." Bungad ko rito.
"Good morning din Ayah, Um can you do me a favor?" Tugon nito. Bumaba ang tingin ko sa hawak nitong folder at agad na sumagot.
"Sure Ms. Elly. Ano po iyon?" Nakangiti kong tugon dito.
"President won't be here, may meeting sya sa bahay nya this afternoon. Kailangan nya kasi itong documents for the meeting, I have a emergency meeting with the directors pwede bang ikaw nalang ang magdala nito sa bahay nya?" Aniya, agad akong napangiti at tumango. I will be able to see him, para akong nabuhayan sa sinabi nito.
"No problem Ms. Elly ako nang bahala." Nakangiti kong sambit dito.
"Thank you Ayah." Tugon nito saka pumihit na patungo sa lift.
Hindi ko na timawagan o tinext pa si Troy na ako ang magdadala ng documents sa kanya, I want to surprise him. Excited akong makita sya, aaminin kong namiss ko sya ng sobra sa ilang araw na hindi ko pagpansin sa kanya. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko habang nagdadrive papunta sa bahay nito. Agad naman akong pinapasok ng guard dahil nakilala na ako nito.
Dumeretso na ako sa loob ng bahay nya dahil alam ko naman ang passcode ng gate nito, sinalubong ako ni Manang nang makapasok ako sa loob, narinig nya siguro ang pagsara ko ng pinto, bakas dito ang gulat at kaunting takot? Binalewala ko nalang iyon saka ngumiti rito.
"Good morning po Manang. Nasaan po si Troy?" Bati ko rito.
"Um, nandoon po sa office nya Ms. Valdez." Aniya. Binaling ko ang tingin sa taas saka naglakad papunta sa hagdan.
"Sige po, pupuntahan ko muna." Sambit ko. Hindi ko na ito pinansin nang muli sana itong magsasalita, she looks weird.
Dumeretso ako sa office ni Troy at bahagya pang bumuntong hininga bago ko binuksan ang pinto. I smiled widely when I open the door. Pero ganoon nalang kabilis nawala ang pagkalaki laki kong ngiti nang makita kung sino ang nasa loob ng silid.
Pareho silang napaangat ang tingin sa akin, si Troy ay nakaupo sa swivel chair nito habang si Sienna at nakadukwang dito at nakatungkod ang kamay sa mesa, halos idikit na nito ang mukha nya kay Troy, pareho silang may parang tinitingnan na kung ano sa ibabaw ng mesa, they're both smiling nawala nalang nung buksan ko na ang pinto at makita ako ng dalawa.
My heart skip a beat, parang may biglang bumara sa lalamunan ko. I didn't expecting this, hindi ako prepared sa ganitong tagpo. I bit my lip nang maramdaman ang kirot sa puso ko, agad napatayo si Troy at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin magkahalong takot at gulat ang rumehistro sa mukha nito habang si Sienna ay nakangiti lang sa akin na para bang wala lang sa kanya ang maabutan ko silang dalawa rito.
Kahit hirap na hirap ay nagawa ko paring bumati sa dalawa, tumikhim ako at umayos ng tindig bago nagsalita.
"G-good morning President. P-pinapaabot po ito ni Ms. Elly, kailangan nyo raw po ito para sa meeting, may emergency meeting sya kaya ako nalang ang pinapunta nya." Sambit ko saka lumapit sa table nito at nilapag doon ang folder, pero napako ang tingin ko sa mga pictures at magazines na nakapatong sa mesa nito, mga pictures of wedding gowns and receptions.
Ito ba ang tinitingnan nila kanina bago ako dumating? Ano? Nagpaplano na ba sila sa kasal nila? Bahagyang napaawang ang labi ko, nangingilid narin ang luha ko. I didn't know what to say, dapat ba akong magalit? Magwawala ba ako? Aalis?
"Ayah.." Narinig kong sambit nito, muli akong tumikhim nang maramdaman ang pagbabara sa lalamunan ko.
"I-I have to go." Garalgal kong sambit saka mabilis na lumabas ng office nito, lakad-takbo ang ginawa ko para lang mabilis na makalabas sa bahay na iyon, hindi ako makahinga I feel suffocated. Paulit-ulit na rumerehistro sa utak ko ang naabutan kong eksena kanina.
Naririnig ko ang pagtawag sa pangalan ko ni Troy pero para akong bingi na hindi ito pinapansin at nagpatuloy lang sa paglabas ng bahay, until someone grab my hand. Dahilan para mapahinto ako sa paglalakad. From the perfume and his soft hand, I knew it was Troy.
"Ayah, magusap muna tayo." Aniya, mariin akong napapikit pilit na nilalabanan ang matinding emosyon na gustong kumawala mula sa akin. "Babe, it's not what you think." Dugtong nito.
Humarap na ako dito at saka pilit na ngumiti. "I have to go President, I have a lot of work to do in the company." Buong tapang kong tugon. Nakita ko ang pagaalala sa mga mata nito.
"Ayah, please magusap muna tayo I can explain. She's just here bec.."
"I don't care." Pagpuputol ko rito. "Whatever the reason why she's here, or why you didn't tell me, It's none of my business President. I'm just here to work as your secretary. Excuse me." Sambit ko saka kumawala sa pagkakahawak nito, mabilis akong sumakay sa sasakyan ko, nagawa pa ako nitong habulin at subukang buksan ang sasakyan pero hindi ko na ito pinakinggan pa at pinaandar nalang ang kotse.
Parang gripong sunod-sunod na umagos ang luha ko, malinaw na sa akin ang lahat.
Troy isn't the right guy for me, loving him is superficial.
Impossible and painful.
Ang sakit ng dibdib ko, nang pakiramdam ko ay hindi ko kayang magpatuloy sa pagdadrive ay huminto ako sa gilid at hinawakan ang dibdib. Bakit ang sakit sakit? Dumapo ang tingin ko sa phone ko na kanina pa maingay dahil sa pagtawag ni Troy.
Mariin akong nakapikit at napayuko sa steering wheel habang patuloy parin sa pagagos ang luha ko, this is not my first heartache pero bakit mas masakit?
Nagpaalam ako kay Ms. Elly na hindi na ako makakabalik ng office dahil sumama ang pakiramdam ko. Pumayag naman ito kaya dumeretso na ako pauwi sa apartment, ramdam ko ang pamamaga ng mga mata ko. Hinang-hina akong pumasok sa kwarto at nilock iyon, saka humiga sa kama at muling nilabas ang sama ng loob ko hanggang sa nakatulugan ko nalang ang pag-iyak.
Ilang mahihinang katok ang nagpagising sa akin mula sa pagkakatulog, agad akong lumapit sa pinto nang marinig ang boses ni Jenny. Inayos ko pa ang sarili bago humarap dito pero pagbukas ko ng pinto ay agad itong nagulat sa itsura ko.
"Friend, umiyak ka ba? Anong nangyari? Sabi ni Ms. Elly hindi ka na daw bumalik sa company dahil masama ang pakiramdam mo. Anong nangyari?"Kunot-noong tanong nito.
As if on cue, muling naglandasan ang mga luha ko sa pisngi at humagulgol ng iyak, agad naman akong niyakap ni Jenny para aluin, para akong batang nagsusumbong dito dahil sa paghagulgol ko. Sobrang sakit ng dibdib ko.
Inabutan ako nito ng tubig nang tumigil na ako sa pag-iyak. Ramdam ko ang muling pamamaga ng mga mata ko at hapdi rito.
"Dejavu ba ito? Pero mas grabe ang iniyak mo ngayon kay Troy kesa kay Dave noon. Friend, ano nang plano mo?" Sambit nito saka umupo sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.
"Umpisa palang naman, alam ko nang mali. Kaya ngayon, gusto kong itama ang lahat ng pagkakamaling iyon. H-hindi kami para sa isa't isa ni Troy, masasaktan at masasaktan lang ako kapag nagpatuloy pa kami." Garalgal kong sambit dito, bumuntong hininga naman ito saka ako hinawakan aa kamay.
"Ayah, walang mali sa pagmamahal tandaan mo iyan. Mali lang siguro yung taong minahal mo pero yang nararamdaman mo, walang mali dyan." Tugon nito.
I bitterly smiled at her saka nagsalita at pinunasan ang luha
"Ganun siguro talaga, malas lang siguro talaga ako sa mga taong minamahal ko." Tugon ko saka ako nito muling niyakap.
---
Hindi parin ako pumasok kinabukasan, hindi ko pa sya kayang makita. At kailangan ko pang ihanda ang sarili ko, hindi ako pwedeng humarap sa kanya ng ganito ang itsura ko. Pinatay ko ang phone ko pagkatapos kong tawagan si Ms. Elly na hindi ako makakapasok.
Binuksan ko ang laptop ko saka nagsend ng resignation letter sa HR department. I should end this, I shouldn't have started this. Natalo ako, natalo ako sa sarili kong laro. I knew this time will come, at alam ko sa sarili ko na sa kahit na anong anggulo mo pa tingnan hindi talaga pwede.
Tama ang mga sinabi ng iba, hindi pwedeng magsama ang dalawang taong galing sa magkabilang mundo. Mas masasaktan lang kami pareho kapag pinagpatuloy pa namin ito. Kailangan kong magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat. Naligo ako at nagbihis saka nagdrive papunta sa U.S Embassy for filing my visa, I know this is the right thing to do.
Ang lumayo at sumuko.
Nakatulala ako sa kung saan at hindi namalayan ang pagdating ng isang lalaki.
"I didn't expect to see you here, Ms. Valdez." Baritonong sambit nito saka umupo sa tabi ko. Napaawang ang labi ko nang makilala ang lalaki. Si Landon.
"Mr. Alvarez." Mahina kong tugon nang lingunin ito, ngumiti lang ito ng bahagya.
"I guess you are filing for your visa, bakit natauhan ka na ba? Narealize mo na bang hindi kayo bagay ni Troy?" Sarkastikong sambit nito, napakunot ang noo ko, bakit ba ang rude ng lalaking ito? Wala naman akong ginagawang masama sa kanya a? Tss.
"Bakit ka ba ganyan? May ginawa ba akong masama sayo? Bakit ganyan kababa ang tingin mo sa akin? Napaka sarcastic mong tao." Kunot-noo kong tugon dito, ngumisi ito bago nagsalitang muli.
"It's because I'm Troy's friend, ayokong may mangyaring masama kay Troy, ayokong maulit ang nangyari noon. I already warn you." Seryosong sambit nito, may kung anong nagpagulo sa utak ko, nangyari noon? What does it mean?
"Anong ibig mong sabihin?"
"You don't need to know, what for? You're already decided to leave right?" Tugon nito, napayuko ako at bumuntong hininga, tama sya. Hindi ko na kailangan pang malaman kung ano man ang nangyari kay Troy dati, I'm leaving him. Nakapagdesisyon na akong iwan sya at alam komg iyon ang tamang gawin.
---
Pinilit ko nalang na pumasok kahit na masama ang pakiramdam ko, masakit ang ulo ko pagkagising ko ng umaga. Katulad ng inaasahan Troy already in the office nang dumating ako agad itong lumapit sa akin pagkabukas ng lift.
"Ayah." Mahinang sambit nito.
"Good morning President, natapos ko na po yung schedule nyo for this day." Malamig kong tugon dito saka dumeretso sa table ko para kunin ang folder na ibibigay ko sa kanya. Ramdam ko ang pagsunod nito at hindi nga ako nagkamali nasa likuran ko lang sya nang muli ko itong tingnan.
"Ayah, please kausapin mo naman ako." Sambit nito, pero agad kong binigay ang folder at kinuha ang ilang papel para ibigay kay Ms. Elly.
"President, ito yung schedule nyo for today. Kung wala na kayong ibang kailangan aalis na ako." Sambit ko saka naglakad papunta sa lift, pero hindi pa man ako nakakailang hakbang ay mabilis nitong nahawakan ang braso ko at hinila ako paharap dito dahilan para mabitawan ko ang hawak kong mga documents.
"What's the meaning of this?" Seryosong sambit ni Troy habang hawak-hawak ang resignation letter ko, dumako ang tingin ko roon at bumuntong hininga bago nagsalita.
"I want to quit my job, President." Sambit ko saka yumuko.
"Why?" Kunot-noong tanong nito.
Bumuntong hininga ako bago sumagot saka inangat ang tingin dito, nilalabanan ang mga titig nito na nakakapapalambot ng tuhod ko, iniipon ang lahat ng lakas ng loob ko para hindi bumigay sa harapan nito.
"I have an offer in Seattle, at hindi na ako babalik." Sambit ko nang hindi kumukurap. Bahagyang napaawang ang labi ito at lumapit sa akin para kunin ang kamay ko, pero umiwas ako. I step back dahilan para matigilan ito, nakatitig ito sa akin na para bang nasasaktan, muli kong iniwas ang tingin dito, hindi ko kayang makita ang sakit na gumuguhit sa mukha nito, hindi ko kaya, nasasaktan ako.
"So you're leaving me again?" Mahinang tugon nito, nanginginig ang kamay ko at may kirot akong naramdaman sa puso ko nang marinig ang pagkabsag ng baritonong boses nito.
"I'm sorry, nakapagdesisyon na ako. Tinatapos ko nalang yung mga natitira kong trabaho. I'm leaving next week." Sambit ko, muli itong humakbang papalapit sa akin salitan nyang tinitigan ang mga mata ko, I've tried my best to hide my feelings at nang hindi nya mabasa ang nasa isip ko ay muli itong nagsalita at tumango.
"You already decided without telling me? Ganun lang ba kababaw sayo itong relasyon natin? Basta ka nalang gumawa ng desisyon na hindi ko alam? No, hindi ako papayag. You're not leaving." Mariing sambit nito, saka tumalikod. Kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang paghikbi, unti-unting namumuo ang tubig sa mga mata ko kaya tumingala ako para pigilan ito,
Muli itong humarap sa akin with a blood shot eyes . "Is this because of Dave? Hanggang ngayon ba may nararamdaman ka parin sa lalaking iyon kaya ganun lang kadali sayo ang iwanan ako?!" Singhal nito, napaawang ang labi ko at umiling.
"How could you say that, matagal nang tapos ang tungkol sa amin ni Dave." Marrin kong tugon dito. Lumapit itong muli sa akin saka ako tinitigan sa mga mata.
"Then please, don't leave. Don't do this to me babe, hindi ko kakayanin. Please." Pagmamakaawa nito, agad akong umiwas dito nang makita ang sakit sa mukha nito.
"Hindi mo ba naiintindihan Troy?! Engage kana! Hindi na tayo pwede, our free trial of relationship was already ended. Please, irespeto mo nalang ang desisyon ko."Pinilit kong mnatiling matigas sa harapan nito kahit na kanina pa gustong kumawala ng luha ko. Ngumiti ako ng bahagya saka muling nagsalita. "Please excuse me." Dugtong ko, hindi ito nakasagot at natigilan sa sinabi ko.
Bumaba lang ang tingin nito sa sahig, nangingilid na ang luha ko kaya kinuha ko na ang mga folder sa sahig at naglakad papalayo rito, pero bago pa man ako makarating sa lift ay natigilan ako ng yakapin ako nito mula sa likuran.
"Ayah, please don't leave me. I love you, please.." garalgal nitong sambit, hindi ko na napigilan pa ang luha ko at tuluyan na itong umagos sa mga pisngi ko.
"Bitawan mo ako Troy, tapos na tayo. You are already engage, kalimutan mo na ako, yun din ang gagawin ko." Sambit ko saka kumawala sa pagkakayakap nito at nagmamadaling pumasok sa lift. Hindi ko na ito nagawa pang tingnan, pero nakita ko ang pagyugyog ng balikat nito, he's crying!
Pagkasara ng lift ay agad akong napaupo at humagulgol ng iyak.