"I'm sorry we have to go." Seryosong sambit nito saka ako hinila palabas ng restaurant. Hindi na ako nakapagpaalam pa ng maayos dahil sa paghila sa akin ni Troy palabas.
Naiwan sila na nakaawang ang labi.
Hindi ito umiimik habang nagdadrive, nakakunot parin ang noo, madilim ang mukha at nagiigting ang panga. ramdam na ramdam ko ang tensyon dito. Para syang bomba na konting kibot ko lang ay sasabog nalang ito bigla. Hindi na ako nagsalita pa at nanatili nakuntento nalang sa pagtanaw sa bintana.
Namataan ko nalang na pumasok ang sasakyan sa gate ng exclusive subdivision, teka. Pupunta ba kami sa bahay nya? Hindi nya ako ihahatid sa apartment?
Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito nang maipasok na nya ang sasakyan sa garahe, agad akong napatingin dito, humarap ito sa akin na kalmado na ang itsura hindi kagaya kanina na madili. Maaliwalas na ito at mariin akong tinititigan.
"Babe. I'm sorry about what happened. Promise hindi na ito mauulit." Sambit nito habang nakaharap sa akin, ngumiti ako at sinapo ang mukha nito ng mga palad ko.
"Don't say that alam ko namang wala kang alam tungkol don, I trust you." Tugon ko saka ito hinalikan, mababaw na halik ang binigay ko rito at saka ngumiti, he bit his lip saka hinawakan ako sa buhok para mahalikang muli, it was deeper this time, he kissed me hungrily. Pareho kaming naghahabol ng hininga nang maghiwalay ang mga mukha namin.
Muli akong namangha sa ganda ng bahay nito, pangalawang beses ko nang nakarating dito pero hindi ko parin maiwasang mamangha sa ganda ng mga structures at disenyo nito.
"Do you want some drinks?" Tanong ni Troy nang mabuksan nang tuluyan ang ilaw ng buong bahay, ngumiti lang ako at tumango rito saka sya dumeretso sa kusina para kumuha ng maiinom.
Sinundan ko naman sya at sumandal sa center island, bahagyang napakunot ang noo ko nang mapagtantong walang ibang tao bukod sa amin.
"Nasaan pala si manang?" Tanong ko rito. Lumapit ito sa dining dala ang isang bote ng wine at dalawang wine glass.
"Stay out sya, she'll go home in the evening and come back in the morning para maglinis." Tugon nito saka hinila ang isang upuan at minandohan ako na maupo na.
"Thank you." Sambit ko nang makaupo na, agad naman syang umikot sa katapat kong upuan para doon maupo. "You mean, tayo lang dalawa ang nandito?" Muli kong tanong dito.
He just smirked at me habang nagsasalin ng wine, agad na naginit ang pisngi ko, why do I have to asked that, you're so stupid Ayah!
Kinuha ko nalang ang baso ko saka uminom, while he was just looking at me. Nagpasya syang magluto para makakain kami ng dinner, pagkatapos namin kumain ay hinatid na nya ako sa apartment. Troy was the type of person na agaw pansin sa mga kababaihan dahil sa kagwapuhan nito pero hindi lang iyon ang nagustuhan ko sa kanya. He never failed me to feel secured and loved. He always makes me feel na nadyan sya palagi sa tabi ko, sandali kong nakalimutan ang nangyare sa meeting, I trust him. And I trust his love for me.
---
Nagayos na ako ng mga gamit, tinapos ko na ang lahat ng trabaho ko at sinukbit na sa balikat ang bag para makaalis na, may meeting si Troy sa labas at hindi na nya ako pinasama pa dahil kasama naman nya si Sir Charles.
Naglalakad ako papalapit sa lift nang may narecieve akong notification from our company website. Agad akong napako sa kinatatayuan ko at bumagsak ang dalawang balikat nang makita ang isang article na pinost sa website ng company. It's a picture of Troy together with Sienna in a restaurant. It also says that they are talking about their company merging and engagement.
Napaawang ang labi ko at hindi makapaniwala, kaya pala hindi ako magawang tawagan o itext, busy pala kay Sienna. Kaya ba hindi na nya ako pinasama sa meeting nya?
Pagbaba ko sa lobby napansin ko ang ibang empleyado na nagbubulungan at nakatingin sa mga phone nila, malamang nakita na nila ang article. Ang iba ay nakatingin at nakataas ang kilay sa akin, I bit my lip with anger wala akong ibang magawa, kaya mabilis akong lumabas ng company.
"Ayah!"
Napalingon ako sa babaeng tumawag sa akin mula sa likuran, si Jenny. Nakakunot ang noo nito, tila nahihinuha ko na kung bakit. Malamang nakita narin nito ang article. Mapait akong ngumiti rito. Pumunta kami sa isang restaurant at doon nagusap. &I can't believe this, paano nagawa sayo ito ni President?& Nakaawang ang labing sambit nito saka uminom ng juice nya.
"Jenny, hindi pa naman confirm e, hindi pa tayo sigurado kung totoo nga iyon." Sambit ko rito. Lalo lang napaawang ang labi nito saka ako inismiran. Pareho kaming napatingin sa lalaking lumapit sa amin, gulat at pagtataka ang rumehistro sa mukha ko nang makita ito. Bakit sya nandito?
Kumunot naman ang noo ni Jenny nang lingunin nya ito.
"Ayah?"
Baritonong boses ni Dave. "Excuse me. Bakit ka nandito? At anong kailangan mo sa kaibigan ko?!" Singhal ni Jenny dito at tumayo pa saka hinarap ang lalaki agad ko naman itong hinawakan sa braso upang pigilan ito sa mga binabalak na gagawin. Nagtitinginan narin ang ibang customer sa restaurant kaya hindi ko maiwasang mapayuko.
"Jenny, ano kaba ang daming tao dito." Sambit ko, isang segundo pang tinitiga ng masama ni Jenny si Dave bago ito muling bumalik sa upuan, muling binaling sa akin ni Dave ang tingin at lumapit ng bahagya.
"Kamusta kana? I've been wanting to talk to you, pero hindi lang ako makakuha ng tyempo, I'm glad nakita kita dito." Nakangiting sambi nito.
Hindi ko alam kung anong nagiging reaksyon ko, hindi naging maganda ang paghihiwalay namin ni Dave kaya wala akong nakikitang rason para magkamustahan kami. Isa pa, matagal na kaming wala at matagal na akong nakamove on sa kanya. May dapat pa ba kaming pagusapan?
"A-anong ginagawa mo dito?" Nakangiwi kong tanong, muli itong ngumiti saka tumugon.
"I was passing by, and then nakita kita. Ayah, you don't know how much I missed you. Noong nakita kita sa party narealize ko na hindi pa pala ako nakakamove on , Ayah mahal parin kita." Aniya, saka himawakan ang kamay ko. Napaawang ang labi ko hindi dahil sa gulat kundi sa wierd na pakiramdam, hindi ko alam kung maiinis ba ako dito o matatawa.
Sa loob ng ilang buwan? Halos magiisang taon na nga e, ngayon pa nya sasabihin na mahal nya parin ako? Na hindi pa sya nakakamove on?
"T-teka lang Dave, I'm sorry. Pero hindi ko alam kung bakit mo sinasabi yan pero it's too late. I don't love you anymore." Sambit ko saka bumitaw sa kamay nito mabilis kong kinuha ang bag saka tumayo para umalis.
"Excuse me."Dugtong ko nang malagpasan ko ito si Jenny naman ay nakasunod lang sa akin.
Pagkalabas ay mabilis kong pinara ang taxi na dumaan, thank God at hindi nanagtangka pang sumunod si Dave sa amin. "Siraulo na ba yung lalaki na iyon? Matapos kang iwan sa restaurant ngayon sasabihin nyang mahal ka pa nya? Kung hindi lang maraming tao kanina, nako. Baka nasapak ko na yung lalaking 'yon Ayah." Sambit nito.
Hindi na ako nagsalita pa at tumango nalang dito, alam ko namang hindi rin ito magpapaawat kaya hinayaan ko na. Nasa bahay na kami nang makarecieve ako ng text galing kay Troy.
*Where are you?*
Tinitiga ko lang ang screen ng phone ko hanggang sa bigla itong magring. Isang international number ang rumehistro rito. Bahagyang napakunot ang noo ko, sinagot ko rin ang tawag at nilapat sa tenga ang phone.
"Hello Ayah? Oh God, finall.."Sambit ng pamilyar na boses ng babae sa kabilang linya.
"M-ma?" Patanong kong tugon rito, sinisigurong tama nga ang hinuha ko.
"Ayah! Anak, ang sa wakas natawagan rin kita, how are you? Did you get my mail?" Tugon nito, bahagyang napaawang ang labi ko at napangiti nang muling marinig ang boses nito. Last year pa yata kami huling nagkausap dahil abala ito sa negosyo nila ng asawa nya at ako naman ay abala sa trabaho.
"Okay lang ma, kamusta kayo? Si tito John?"
"We're good darling, oh by the way inasikaso mo na ba yung visa mo? Kailanga mo nang asikasuhin iyon, malapit nang magopen ang classes dito." Sambit nito.
"Um, ma. M-may kailangan pa po pala akong gawin, hayaan nyo babalitaan ko nalang kayo kapag naasikaso ko na yung visa ko." Aniko saka yumuko, I haven't decided yet, at ayokong magalala pa si mama sa akin dahil lang sa mga issues ko.
"Okay sige anak. Magiingat ka dyan ha. Balitaan mo ako." Sambit nito.
"Okay ma ingat din dyan, bye." Tugon ko saka binaba ang phone, lumapit sa akin si Jenny na parang nagaalangan sa sasabihin nito.
"Um, Ayah. S-si President, nasa labas." Mahinang sambit nito, nilingon ko ang bintana at dahan-dahang lumapit rito, nakita ko sa labas si Troy na nakatingala sa bintana kung nasaan ako, he looks exhausted, nakabukas na ang ilang butones ng polo nito at hawak sa kaliwang kamay ang coat nya. Lumayo ako sa bintana at pumihit palabas ng bahay.
Agad akong sinalubong ni Troy nang makita ako nito. I crossed my arms in my chest and didn't look at him.
"What are you doing here President?" I coldly asked.
Hinawakan ako nito sa dalawang balikat at yumuko para hanapin ang mata ko, may kirot sa puso ko nang makita sa malapitan ang pagod sa mukha nito. Halos dalawang araw kaming hindi nagkita dahil sa dami ng nakaschedules na meetings nito sa labas ng company simula pa kahapon.
"Babe, g-galit kaba?" Mahinang sambit nito. Bumuntong hininga ako saka inangat ang tingin sa mga mata nito. Tumikhim ako saka nagsalita
"Why would I be? President, kung wala ka nang ibang kailangan papasok na ako sa loob." Mariin kong sambit, sandali itong tumitig sa akin. Binabasa ang mga mata ko I tried my best to not give him any emotions, masyado nang maraming nangyari sa araw na ito. Wala na akong lakas pa para makipagtalo pa rito.
"Babe, yung tungkol sa article.."
"Please, I don't have energy for this. Umuwi kana Troy, saka na tayo magusap." Sambit ko rito saka muling pumihit papasok sa loob. Napansandal pa ako sa pinto nang maisara ko ang pinto. My heart aching, and I'm stressed. Ang daming tumatakbo sa isip ko, sunod-sunod ang mga nangyayari sa akin.
Kailangan ba talagang ganito kahirap? Nagmahal lang naman ako pero bakit kailangang sa tuwing gumaganda na ang takbo ng relasyon ko saka naman dumarating ang mga pagsubok na ito? I trust Troy. Malaki ang tiwala ko sa kanya, hindi nya ako magagawang lokohin, alam ko sa sarili ko iyon. Nakikita ko sa mga mata nya na mahal nya ako, pero bakit ganito?