Dumako ang tingin ko sa bag nang tumunog ang phone ko, baka si Jenny. Sinabi nya kasi kanina na magoovertime sya, kinuha ko ang phone ko sa bag saka umupo sa couch, kumunot ang noo ko nang makita ang unknown number sa screen, pero agad din iyong napalitan ng pagawang ng labi nang mabasa ang text message.
*Come to my house tomorrow, 9am.* -Troy
Kasunod noon ay ang address ng bahay nito, sandali pa akong tumitig sa text message nito, inisa isa ang bawat letra, halos maitapon ko ang phone ko nang magring ito, natawag sya! Natawag si President! Sasagutin ko ba? Well ofcourse Ayah! You're his secretary siguradong malalagot ka kapag hindi mo sinagot yan. Nanginginig ang kamay kong nilapat sa tenga ang phone.
"H-hello?" Utal kong sambit, narinig ko ang paghinga nito sa kabilang linya bago nagsalita. Galit ba sya?
"Where are you? Bakit hindi mo sinagot ang text ko?" Baritonong boses nito, hindi naman malakas pero nakakatakot.
"Sorry president, nasa bahay na po ako." Tugon ko. Calm down Ayah.
"Next time, answer my text messages Ms. Valdez, it's included in your job description." Muling sambit nito lalo akong kinabahan dahil sa tono ng boses nito.
Hndi mapagkakailang CEO, bossy e.
"Yes bos--president." I was shaking, nagkamali pa ako ng itatawag, mariin kong kinagat ang labi, hindi na ito sumagot at binabaan ako ng phone. I felt of short of breathe while we were talking in the phone. Nakahinga lang ako ng maluwag nang binaba na nya. Ayah! Ano ba tong gulong pinasok mo! Pagkundina ko sa sarili saka muling humiga sa couch.
---
Pumunta ako sa tinext nitong address in Alabang, it's a exclusive subdivision, hindi pa nga ako pinapasok sa loob hangga't hindi nacoconfirm na bisita nga ako. Pinapasok rin ako kalaunan nang makumpirma at matawagan ang bahay ni President, i can't help but keep on glancing sa lahat ng bahay na madaraanan ko, hanggang sa marating ko ang bahay ni President, it's almost in the secluded area ng village.
Ito na yata ang pinakamalaking bahay na nakita ko, ginarahe ko lang ang sasakyan ko sa tapat at lumapit sa malaking gate, its a modern house. Nagdoorbell muna ako saka may sumagot sa security camera boses ng isang babae. Babae? Kusang nagbukas ang gate nang magpakilala ako rito.
Sumalubong sa akin ang isang malaking garden sa kabila naman ang garahe at mga mamahaling sasakyan, mga pito siguro yon. May lambo pa. Napaawang ang labi ko ganun ba talaga sya kayaman?
Pagpasok ko sa loob ay sumalubong sa akin ang isang may edad nang babae siguro ay kasambahay nya dahil sa uniform nito. Sya ba yung kausap ko kanina?
"Good morning po, tuloy kayo nasa office nya si President." Bungad nito sa akin, ngumiti naman ako saka tumuloy na.
"Good morning din." Sambit ko rito saka iginala ang paningin sa buong paligid.
Agad na umagaw ng atensyon ko ang isang malaking chandelier sa gitna ng kisame, very minimize ang style ng bahay, puti, gray at itim ang nakikita kong kulay sa paligid. Bagay na bagay sa isang domineering na kagaya ni Troy. Napangiti ako pero agad na napawi iyon nang may lumabas na babae na nakaputi at nakaapron, galing sa isang pinto na hinuha ko ay kusina.
She looks angelic litaw ang natural na ganda nito para akong nakakita ng anghel na bumaba sa lupa. Maputi at matangkad ito,hanggang baywang ang buhok na kulot ang dulo. Her smile was the prettiest smile that I've ever seen.
"Hi." Nakangiting bati nito sa akin nang makalapit na ito, ginantihan ko rin ito ng ngiti pero naroon parin ang amazement sa mukha ko, malapit ko nang kwestyunin ang salitang "nobody's perfect" na kasabihan dahil sa kanya, from face to body hanggang sa boses, kumpara sa boses kong parang panglalaki lalo na kapag bagong gising. Hay ang unfair ng mundo.
"Troy is in his office, manang pakisamahan nyo nalang po sya doon." Mahinhing sambit nito saka hinaplos sa balikat ang kasambahay, agad naman itong kumilos at sinamahan ako paakyat sa taas nagawa ko pang magpasalamat bago makaalis, ngumiti itong muli saka tumalikod na at pumasok muli sa nilabasan nyang pinto kanina. Habang papunta sa office nito ay hindi ko magawang hindi magisip, girlfriend nya ba iyon? Dito rin nakatira? O baka asawa?
Ilang beses akong umiling para iwaksi ang mga tumatakbo sa isip ko, hindi ko namalayan ay nasa tapat na kami ng isang pinto. Kumatok muna ang kasambahay at sinabing nandito na ako, wala pang ilang segundo ay sumagot narin ito.
"Come in." Its him.
Pagpasok ko sa loob ay agad akong sinalubong ng malamig na temperatura dahil sa aircon at mint scent galing sa airfreshner, deretso ang tingin ko sa table nito, agad akong nginitian ni Charles na nasa gilid lang ni Troy na noon ay salubong ang kilay at nakatutok sa laptop nya.
"Hi Ms. Valdez, goodmorning." Bati sa akin ni Charles.
Ngumiti naman ako saka nagsalita. "Good morning Mr. Montenegro,good morning President." Naiilang kong sambit, inangat ni Troy ang tingin sa akin at sumandal sa swivel chair nito, here we go again, my heart race again nang magtama ang mga mata namin.
Tumayo ito saka may kinuha sa table at lumapit sa akin at inabot iyon. Nakatingin lang ako sa mga papel dahil hindi ko magawang tingnan sya sa mukha, para akong natutunaw. Hindi naman sya ganyan tumingin sa akin dati, although nahuhuli ko sya minsan na nakatitig sa akin pero hindi naman ganito na para bang gusto nya akong kainin ng buo.
"Revise this documents here. I won't go to office today." Baritonong sambit nito, hindi sya papasok sa opisina nya? Ibig sabihin dito rin ako magtatrabaho ngayon? Pero paano mo makakausap si Ms. Elly tungkol sa demotion ko?
"Why are you not answering me?" Muling sambit nito, napatikhim ako.
"O-okay President." Halos mautal ko nanamang tugon, lumapit ako sa couch at doon nilapag ang mga documents, may laptop narin doon. Hindi na ito nagsalita pa pero nanatili paring nakatayo at ramdam ko ang paninitig nito, narinig ko pang tumikhim si Mr. Montenegro saka lang ito bumalik sa swivel chair nya.
Umupo narin si Charles sa kabilang couch habang abala ring nakatingin sa laptop nito. Tinuon ko nalang ang atensyon ko sa ginagawa dahil sa kaseryosohan ng dalawa, pero hindi ko maiwasang magawi ang tingin sa direksyon ni Troy, nakatapat kasi ang inuupuan ko sa table nya kaya kapag titingin ako sa laptop ay nakikita ko rin sya sa gilid ng mga mata ko, such a big distruction, lumipat kaya ako?
Pero bago ko pa magawa ay may mahihinang katok akong narinig sa pinto, hindi naman nagangat ng ulo ang dalawa at patuloy lang sa ginagawa, hanggang sa pumasok ang isang babae, yung babae kanina na sumalubong sa akin, she's smiling again at me, hindi ko maiwasang mailang kaya wirdong ngiti ang naigawad ko sa kanya. God Ayah!
"Break muna, masyado naman kayong seryoso dyan." Sambit nito saka nilapag sa isa pang lamesita ang mga biscuits at tea na dala nya, sinalinan nya ang tatlong tasa at unang inabot kay Charles.
"Thank you sister in law. The best ka talaga." Tudyo nito saka ngumiti, ngumiti rin sa kanya ang babae, they seems close.
Parang matagal na silang magkakilala, baka matagal na sya nakatira dito at madalas syang nakikita ni Charles, pero kailan pa? Saka sister in law? Magkasosyo sa negosyo si Troy at itong si Mr. Montenegro, baka kapatid na ang turingan nila kaya tinatawag niyang sister in law yung babae. May kirot akong naramdaman, bakit?
Sunod naman itong lumapit kay Troy, binalingan nya ito ng tingin and for the first time i saw him smiling, i saw his dimples. Walang kahirap hirap nitong iginawad ang mga ngiting anim na buwan kong hindi nasilayan, iba rin ang mga tingin nya rito. Hindi kagaya ng mga tingin nya sa akin na kulang nalang ay saksakin ako. Matalim at madilim.
Bumaba ang tingin ko sa mga dokumentong inaayos ko, bakit ba kasi ako nandito? Hindi ko namalayan ang paglapit ng babae sa akin at pagabot nito ng tsaa, agad ko iyong inabot.
"Thank you." Mahina kong sambit.
"By the way Im Irene." Nakangiting sambit nito sa akin, tumango lang ako saka nginitian rin ito. "Papunta na nga pala rito si Dylan, pagdating nya bumaba na kayo para makakain na tayo." Nakangiti nitong sambit sa dalawa, tiningnan naman sya ng mga ito saka ngumiti.
"Okay thank you Irene." Nakangiting sambit ni Troy, malamyos ang tono na kulang nalang ay bumulong na. Sinundan pa nya ito ng tingin hanggang sa tuluyang makalabas, napaawang ang labi ko at binaba na ang tingin sa ginagawa, umarte na parang wala lang.
Pero deep inside nabubulabog ako sa mga pumapasok sa isip ko, who is she? Halos mangalahati na ang ginagawa ko nang tumunog ang phone ni Sir Charles, sinagot nya iyon at saka inangat nito ang tingin sa amin saka nagsalita.
"Dylan is here." Sambit nito, tumango lang si Troy habang ako ay nakikiramdam lang sa dalawa, tumayo si Charles at tinungo ang pinto. "Sasalubungin ko muna." He added then he walks towards the door at lumabas na, sinundan ko pa ito nang tingin, dapat rin ba akong lumabas? Nang muli kong binalik sng tingin sa laptop ay napansin ko ang pares ng mata na nakatitig sa akin, kumalabog ang dibdib ko. Don't look at him Ayah, dont! Pagtuligsa ko sa sarili pero huli na ang lahat namataan ko nalang na nakatingin narin ako dito. Nanlalaban ang mga titig nito, hanggang sa tumayo sya at lumapit sa akin. Halos hindi na ako huminga nang itukod nito ang kamay sa hawakan ng couch at nilapit ang mukha sa akin, I saw his firm muscle moved. Napalunok ako at tinaas ang tingin sa mga mata nito. Titig na titig at ayaw akong lubayan.
"Are you playing games with me Ayah?" He said huskily. "You left me in the hotel, and now you're pretending not to know everything we did six months ago in London." He added while scanning my face. Parang may kung ano sa lalamunan ko at hindi ako makasagot ng diretso rito, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at pangangatog ng kamay.
"I-i dont know what are you talking about President." Mahina kong sambit pero sigurado akong narinig nya, i saw him smirking at me. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang lapit ng mukha nito sa akin, pati nga yata mga pores ko sa mukha kitang kita na nya.
"Let me remind you then." He said huskily before he claimed my lips!
He's kissing me, malalim. Mapusok. Nakakapaso.
Lalo pang lumalim nang ikulong nito sa mga palad ang mukha ko. He's brushing my lips hungrily, nagprotesta ako pero para itong matigas na pader. Para akong nanghihina, hinawakan ko ang kamay nito na nakahawak sa mukha ko pero wala paring nangyari, halos mauubusan na ako ng hininga ganoon rin siguro sya kaya kumawala ito, we're both panting. He's an expert. Hinawi ko ang kamay nito saka tumayo at lumabas ng office. Tumakbo ako papunta sa banyo kahit hindi ko alam kung tama ba ang direksyon ng tinatakbuhan ko, nakita ko ang nakaawang na pinto at sinilip iyon, pumasok ako sa loob at nilock ang pinto nang makumpirmang banyo nga iyon. Naghahabol ako ng hiningang sumandal sa pinto ay hinawakan ang labi kong nangangatal pa. Why did he do that? At naaalala nya ang nangyari sa amin, pero bakit? Bakit parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya? Its just a one night stand diba? Bakit parang galit na galit sya sa ginawa kong pag-iwan sa kanya? Diba karelasyon si Irene? Nakita ko kung paano nya tingnan yung babae, kung paano nya ngitian. Pero bakit nya ako hinalikan? Para saan? Kailangan kong makausap sa lalong madaling panahon si Ms. Elly. Hindi ako makakatagal dito. Hindi ko kaya. Mariin akong nakapikit habang nakatingin sa salamin. Napatingin ako sa pinto nang may kumatok rito at narinig ang boses ng babae, inayos ko muna ang sarili bago ito pagbuksan.
"Ms. Valdez, pinapatawag na po kayo ni President sa dining, kakain na raw po." Sambit nito, tumikhim lang ako saka tahimik na sumunod dito.
Pagbaba palang ng hagdan ay naririnig ko na ang mga boses ng naguusap, narinig ko kanina na dumating na yung hinihintay nila. Sabay sabay nila akong nilingon pagdating ko sa dining, maraming nakahandang pagkain, nakaupo sa gitna si Troy na noon ay nakatitig nanaman sa akin sabay inom ng wine nito, sa kaliwa ay si Ms. Irene may katabi syang isa pang lalaki, wari ko ay ito yung hinihintay nilang dumating sa kanan naman sa pangalawang upuan ay si Charles na nakangiti rin sa akin. Tumayo si Troy at hinila ang upuan na nasa kanan malapit sa kanya, tiningnan lang ako nito saka muling bumalik sa upuan nya.
"Ms. Valdez, upo kana para makakain na tayo." Nakangiting sambit ni Ms. Irene, ngumiti ako rito saka lumapit narin at umupo.