Chapter 8

1480 Words
"Now i know why Troy is acting strange lately." Natatawang sambit ng lalaking katabi ni Ms. Irene.  Tiningnan naman ito ni Troy saka muling uminom ng wine. "Stop it Dylan, you're making her uncomfortable." Saway nito sa lalaki. "He's conern now kuya." Tugyo naman ni Sir Charles, hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko, tinutuligsa parin ako ng nangyari kanina kaya hindi ako mapalagay hanggang sa marinig ko ang boses ni Ms. Irene. "Tumigil nga kayo, by the way Ms. Valdez. This is my husband Dylan, kapatid ni Charles. Pasensya kana huwag mo nalang pansinin yang mga iyan." Sambit nito, bahagyang napaawang ang labi ko sa narinig at binaling ang tingin kay Troy na noon ay nagumpisa ng kumain. Mali ang hinala ko?  Muli kong sinulyapan ang katabi ni Ms. Irene. Kung titingnan mo nga ng maigi ay may pagkakahawig sila ni Sir Charles. "Hi, Im Dylan Montenegro, sabihin mo lang sa akin kapag inapi ka ni Troy akong bahala sa kanya." Pakilala nito saka inilahad ang kamay, inabot ko naman iyon para makipagkamay at napangiwi. "Ayah Valdez. Nice meeting you Mr. Montenegro." "What are you talking about? I never do that Dylan." Sabat naman ni Troy saka muling uminom ng wine.  Tahimik lang akong kumakain habang naguusap sila, marami silang pinaguusapan tungkol sa business si Ms. Irene naman ay panay ang sulyap sa akin, ngumingiti lang ako kapag nagtatama ang mga mata namin, mukhang matagal na silang magkakakilala.  Nagbibiruan pa minsan. Nadadala narin ako sa tawanan nila lalo na kapag nagbibiro si Charles at lihim akong napapangiti kapag nakikita ko ang mga dimples ni Troy. Sana palagi nalang syang ganyan, nakangiti at hindi galit. Para kasing may liwanag sa mga ngiti nya, at madilim naman kapag galit. Pagkatapos ay nagpaalam na sila Ms. Irene at Mr. Montenegro, susunduin pa daw nila sa school ang anak nila, may hinatid lang na mga dokumento si Mr. Montenegro at may pinagusapan lang sila tungkol sa bagong launch na product ni Troy.  Si Charles naman ay nagpaiwan dahil may mga tatapusin pa, muli kaming bumalik sa office ni Troy. Muling bumalik ang pagkaseryoso ng mukha nito na kanina lang ay walang kasing liwanag. Hindi ko nalang iyon ininda at tinuon ang atensyon sa trabaho, maya maya lang ay narinig kong may kinausap si Charles sa phone tumayo ito at lumabas ng office, pagbalik ay kinuna na nya ang bag na dala. "I need to go, hinahanap na ako ni Andrea. I will finished it at home and i will send it to you later." Sambit nito kay Troy, tumango naman ito.  "Okay" maiksi nitong tugon.  Parang kinabahan ako bigla, ngayong aalis na si Charles kami nanamang dalawa ang maiiwan. Muli nanamang umurong ang dugo ko sa ugat. Napaangat ako ng tingin kay Charles ng magpaalam narin ito sa akin. "Ms. Valdez, mauna na ako." Sambit nito,ngumiti naman ako saka tumugon.  "Ingat kayo Mr. Montenegro." Sambit ko, gumanti rin ito ng ngiti saka tuluyan ng umalis. Sandaling katahimikan ang nanaig sa buong silid, halos pigilan ko ang paghinga para lang hindi makagawa ng kahit na anong ingay.  Nang tumingin ako sa wrist watch ko ay halos alas sais na ng gabi, tinapos ko lang ang huling dokumento saka sinukbit ang bag sa balikat at tumayo.  "President.." sambit ko kay Troy na noon ay abala at nakatutok parin sa laptop nya. "Natapos ko na yung pinapagawa nyo, mauuna na ako." Dugtong ko, inangat nito ang tingin sa akin saka tumayo.  "Ihahatid na kita." Baritonong tugon nito, saka kinuha ang susi ng sasakyan nya sa isang drawer. "HIndi na po president. I have my car." Tugon ko, sandali itong natigilan at nilapag sa lamesa ang susi, tumango lang ako saka pumihit na patalikod rito para tunguhin ang pinto. Pero agad din akong naestatwa nang magsalita ito. "Why you left me?" He said with a baritone voice.  Kinuyom ko ang kamay ko, i bit my lip as soon as i felt uneasy, here we go again. Why he always brings it back? Ano pa bang kailangan nya? "I dont know what you're talking about president." Sambit ko rito habang hindi ito nililingon. "f**k!" Napaawang ang labi ko at napaharap dito nang marinig ko ang pagmumura nito. I saw how frustrated he his. "Would you stop playing games Ayah! Alam kong alam mo ang sinasabi ko." He added, and furrowed his brows. "M-mauna na ako President." Muli kong sambit, nagmamadali akong lumapit sa pinto para lumabas pero, muli akong natigilan nang narinig ko ang pagsasalita nito. "Is this what you want ha Ayah? You left me that day pagkatapos may mangyari sa atin, bigla ka nalang nawala. What are you thinking? Bakit ka umalis? Bakit ganoon lang kadali sayo na kalimutan ang lahat? Bakit?!" Singhal nito, nanginginig ang kamay ko na nakahawak sa seradora ng pinto, nangingilid na rin ang tubig sa mata, halos sumabog ang puso ko sa dagundong at kirot nito, bakit ganito? Suminghap ako at nagipon ng lakas ng loob at saka humarap dito. "Because that just a one night stand. It's better for us if we just forget it." Sambit ko rito habang nakataas ang noo, hindi ko alam kung dala lang ba iyon ng frustration nya pero may nakita akong gumuhit na sakit sa mukha nito, sandali pa itong tumitig sa akin na buong loob kong nilabanan. Baka dahil natapakan ko ang ego nya kaya sya nagkakaganito ngayon, sino nga namang lalaki ang hindi mafufrustrate kapag naunahan silang iwan ng ka one night stand nila di ba? "Do you regret what happened?" Muling tanong nito, it struck me, do i regret it? No. Because the days when I'm with him was the happiest one. I didn't regret anything because I know to myself that I surrender, I submit myself to him. Willingly. "Yes." Mahina kong sambit, i felt the dryness of my throat na para bang ang hirap hirap magsalita. "That should not happened in the first place." Dugtong ko, saka pumihit na at lumabas ng silid, napahawak ako sa dibdib at mariing napapikit nang makalabas ako ng tuluyan, nanginginig parin ang kamay at tuhod ko, nagmamadali akong lumabas ng bahay at sumakay sa kotse ko.  I don't know but i felt a sudden pain in my chest. Parang tinutusok ang puso ko, hindi ko masabi sa kanya ang totoo, but what I've said is not a lie. It's just a one night stand na dapat nang kinakalimutan, it's just a lust that we both felt that night, no more than that. He's angry at me simply bacause i step on his ego, and he can't help it. That's it. Kailangan ko nang makausap si Ms. Elly bukas na bukas din.  "Ayah?" Bungad sa akin ni Jenny nang makapasok ako sa loob ng bahay, mukhang nagising lang ito sa pagdating ko dahil papikit pikit pa ng mata. "Ngayon ka lang dumating? Wala ka sa office kanina, sabi ni Ms. Elly nasa bahay ka daw ni President." Dugtong nito. Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng tubig saka ito sinagot. "Oo, doon nya ako pinapunta may pinatapos lang syang mga documents. Nagising ba kita?" Sambit ko, lumapit ito sa akin at sumandal sa center island. "Kamusta? Anong sabe nya sayo noong nagkita kayo?" Usisa nito. "He's mad ofcourse, kakausapin ko si Ms. Elly bukas,magpapademote ako." Sambit ko rito saka naglakad papunta ng sala, sinundan naman ako nito at umupo sa tabi ko. Nakaawang ang labi sa akin. "Why?pinahihirapan ka ba ni President?" "Hindi naman, kaya lang.." kaya lang hindi ko yata kayang makita si Troy at umarte na parang walang nangyari, hindi ko kayang magpanggap na hindi naaapektuhan sa tuwing tinititigan nya ako, isa pa alam kong galit sya sa akin dahil iniwan ko sya, tinakbuhan ko sya pagkatapos nang nangyari at hindi nya matanggap iyon. "Kaya lang ano?" Muling sambit ni Jenny, napasinghap ako saka pilit na ngumiti rito at tumayo na. "Matutulog na ako, matulog kana rin maaga pa ang pasok natin bukas." Aniko saka naglakad papunta sa kwarto. "Ayah? Ituloy mo muna yung kwento mo, pabitin ka naman e." Angal nito habang nakatingin sa akin at nanatili parin sa couch. "Matulog ka na." Pahabol kong sambit saka tuluyan nang pumasok sa loob ng kwarto. --- "What do you mean Ayah? Hindi bat kakapromote mo palang? Tapos gusto mong idemote kita?" Nagtatakang tanong ni Ms. Elly nang kausapin ko ito tungkol sa demotion ko. "Please Ms. Elly, ibalik nyo nalang ako sa dati kong position o di kaya ilipat nyo nalang ako sa ibang department." Pagmamakaawa ko rito, napasandal ito sa upuan nya saka pinagkrus ang braso sa dibdib. "Alam mo Ayah, mabuti pa si President ang kausapin mo regarding that. Nasa kanya ang desisyon dahil assistant ka nya." Sambit nito, napaawang nalang ang labi ko sa narinig at sabay na bumagsak ang mga balikat.  Ano nang gagawin ko? Paano ko pa sya kakausapin? Hindi ko na nga alam kung anong mukha pa ang ihaharap ko sa kanya matapos ang sagutan namin kahapon sa bahay nya. Napahilot nalang ako sa ulo ko dahil sa pananakit nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD