Chapter 9

1811 Words
Agad akong napatayo nang marinig ko ang pagtunog ng lift. Muling dumagundong ang dibdib ko nang makita kong iniluwa non si President, looking dashing with his gray suit and tie. Matiim na nakatingin sa direksyon ko, kaya hindi ko maiwasang mailang at kabahan, mas lalo yatang naging matalim ang tingin nito sa akin, may nagawa ba ako? Huminto sya sa harap ko at kumunot ang noo nang mahalata nya yata ang panginginig ko. "Ms. Valdez, come to my office." Seryoso at halos hindi kumibot ang labing sambit nito.  Tumango lang ako at sumunod na rito, ilang beses akong napapalunok habang naglalakad papasok sa opisina nito, nang makapasok sa loob ay agad syang umupo sa swivel chair habang ako ay nakatayo sa harap nya. Sandali syang tumitig sa akin bago nagsalita. I constantly biting my lip because of nervousness. "Ms. Valdez." Sambit nito, agad kong inangat ang tingin dito saka halos garalgal na sumagot. "Y-yes President?" Tugon ko. Muling kumunot ang noo nito na lalong nagpakabog ng dibdib ko. "Ms. Elly said that you want to be demoted from your position, bakit?" Baritonong tanong nito habang nakatingin sa akin. Tumikhim ako saka nagisip kung sasabihin ko ba o hindi? Baka lalo lang itong magalit kung sasabihin kong ayokong magtrabaho directly sa kanya. Come on Ayah! Magisip ka ng tama! "Do you hate me that much?" He added.  Napaawang ang labi ko at agad winasiwas ang kamay para tumanggi rito.  "No president, h-hindi naman po sa ganun." Sambit ko rito, yumuko ako saka bumuntong hininga. "I just feel uncomfortable, I just want to work. At sana kalimutan na natin ang nangyari sa London." Dugtong ko saka tumingin dito, nakita ko ang pagtaas ng dalawang kilay nito at pagtango. Tumayo ito saka dahan-dahang lumapit sa akin, yumuko pa ito ng bahagya saka hinanap ang mga mata ko. Muling nagalboroto ang dibdib ko. "What should I do, I think I like you Ms. Valdez." He said, nanlaki ang mga mata ko sa narinig, tama ba ang dinig ko? H-he what? "I like you, and forgeting you is impossible for me to do." Dugtong nito saka ngumisi sa akin. "Let's date then."He huskily said, muli akong napaahon ng tingin dito, he looks serious. Napaawang ang labi ko dahil sa narinig. "P-pero president.." Utal kong tugon, pero hindi ko mapagpatuloy dahil para akong nalililo sa titig na iginagawad nito sa akin. Joke time ba to? Ano raw? Gusto nya ko?  "Kung dahil sa nangyari kaya ginagawa mo ito, hindi na kailangan, hindi naman natin kailangang bigyan ng label ang nangyari, that's just a mistake President." Dugtong ko habang nakakunot ang noo, totoong hindi namin pwedeng basta basta nalang kalimutan ang lahat pero ayoko namang maging kami ni Troy dahil lang sa may nangyari na sa amin six months ago. Ayokong mapilitan lang syang pumasok sa isang relasyong hindi nya naman talaga gusto para lang mabawi ang pride nya. "But you're responsible for me, tatakasan mo nalang ba ako matapos mong makuha ang katawan ko?" He titled his head sabay turo nya sa katawan nya, nabulunan ako sa sarili kong laway at napaubo.  He smirked at me. Teasing me. "P-pero,ikaw ang unang humalik sa akin." Sambit ko rito. "But you chose to give in, look Ayah. I'm not here to play around. And remember malaki ang kasalanan mo sa akin dahil tinakbuhan mo ako pagkatapos ng nangyari, you should pay for what you did." Sambit nito saka pinagkrus ang braso sa dibdib. Mariin akong napapikit inalala ang katangahang nagawa ko noon. He leave me no choice but to asked. "A-anong gusto mong gawin ko?" "Just one month, let's date by then." Seryosong tugon nito. Mariin akong napakagat sa labi at sandaling nagisip kahit pa alam ko namang wala akong pagpipilian. Ayoko namang mawalan ng trabaho at maging pabigat kay Jenny. Malalim akong bumuntong hininga saka muling nagsalita. "Let's broke up after one month." Sambit ko. Ngumisi ito saka muling nilapit ang mukha sa aki, dahilan para mapaliyad ako ng bahagya. "If you can." He said while smirking. --- "Did I hear it right? President said what?" Nakakunot noong tanong ni Jenny, kinaklaro kung tama ba sya ng pagkakaintindi sa sinabi ko. "H-he said that.. that he likes me. And we're dating." Garalgal kong sambit dito. Nanlaki ang mga mata nito at napaawang pa ang labi saka bumangon at umayos ng pagkakaupo sa couch.  "OMG! Friend! Iba ka talaga!" Sambit nito na parang kinikilig pa saka tinakpan ang bibig. Napangiwi naman ako at saka muling nagsalita.  "Pero, okay lang ba iyon? Nagaalala ako, baka lalo lang lumala yung sitwasyon. Nagkamali na kami noon, at ayoko nang masundan pa ng isa pang pagkakamali iyon." Sambit ko, lumapit ito sa akin saka umupo sa tabi ko. "Alam mo, napaka-nega mo. Sabi ko naman sayo e, sa London mo mahahanap ang the one mo." Nakangiting sambit nito, pareho kaming napalingon sa phone ko na nakapatong sa lamesita. "Oh look, mukhang namiss kana kaagad ni President. Mauna na akong matulog a." Tudyo nito sa akin saka tumayo at pumasok sa kwarto. Kinuha ko ang phone ko saka sinagot ito. "H-hello?"Nauutal ko pang sagot dito.  "What are you doing?" Baritonong sambit nito. Napasinghap ako nang marinig ang boses nito, muling dumagundong ang dibdib ko. "M-matutulog na President." "I'm outside of your house." Tugon nito, napaawang ang labi ko at agad na tinungo ang bintana at sinilip ang labas, doon ay nakita ko si President na nakasandal sa kotse nito, nakasimpleng jacket nalang ito at tshirt saka maong na pantalon, agad na dumagundong ang dibdib ko nang tumingala ito at makita ako. Agad akong lumayo sa bintana. Sinuklay ko pa ng kamay ang buhok bago lumabas, napasinghap ako nang makita ko si Troy.  "W-what are you doing here President?" Halos mautal kong sambit dito. "I just want to see you. And I want to retur  you this." Sambit nito saka inabot sa akin ang isang maliit na box, bumaba ang tingin ko rito at bahagyang kumunot ang noo. "Ano to president?" Tugon ko saka inabot ang box, napaawang ang labi ko nang makita ang laman nito. Yung snow globe na naiwan ko, muli kong inangat ang tingin kay Troy at ngumiti. "Tinago mo pala ito. Akala ko naiwala ko na 'to dahil sa pagmamadali.." dugtong ko pero agad ring natigilan nang marealize ko kung bakit ko nga ba yon naiwan. Nagmamadali akong umalis nang araw na iyon, natatakot akong maabutan nya ako sa hotel kaya hindi ko na tiningnan pa kung may naiwan pa akong gamit o wala. "Don't do that again. Don't runaway from me just like that." Seryosong sambit nito habang nakatitig sa akin, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero naguguilty ako kapag naaalala ko ang gabing iyon. Napangiwi nalang ako dito. "I need to go, matulog kana at huwag ka nang lumabas ng bahay, understood?" Dugtong nito. Tumango naman ako saka nagsalita. "Good night President, magiingat ka sa pagdadrive." Nakangiti kong sambit dito. "Good night Ayah."Aniya, saka ito ngumiti sa akin. Nasilayan ko rin sa wakas ang lumiliwanag nitong  ngiti at ang mga malalalim nitong mga dimples. Bago pa man ako maglaway sa harapan nya ay nagpaalam na ako na papasok sa loob. "S-sige President, papasok na ako sa loob."Utal-utal ko pang sambit dahil sa pagarangkada ng t***k ng puso ko. Tumalikod na ako saka humakbang pero agad ding natigilan nang bigla itong magsalita. "You forget something." Baritonong sambit nito, agad ko itong nilingon habang nakakunot ang noo. Ano daw? Ano namang nakalimutan ko? Bumaba ang tingin ko habang nirerehistro sa utak ang sinabi nito. Hanggang sa naramdaman ko nalang na tinaas nito ang baba ko saka ako siniil ng halik, mabilis nitong nilandas ang pagitan namin nang hindi ko man lang namamalayan. Nanlaki ang mga mata ko sa di inaasahang aksyon nito. Para akong tuod na hindi makagalaw o makakurap man lang habang sya ay nakapikit habang nakadampi ang labi sa akin. Halos sumabog ang pisngi ko sa sobrang pula nang umangat ang mukha nito saka ngumisi. Why? Paano nya nagagawang pabilisin ang t***k ng puso ko? "You've forget my goodnight kiss, aalis na ako susunduin kita bukas. Understood?" Aniya, hindi na ako nakapagsalita pa at natulala nalang pinagmasdan itong pumasok sa sasakyan at umalis. Ilang miuto pa akong nakatitig sa direksyon kung saan dumaan ang sasakyan ni Troy saka kinapa ang labi. He kissed me again nang hindi ko inaasahan!  Halos hindi ako nakatulog nang gabing iyon, iniisip ang nangyari kanina, hindi actually iniisip ang lahat ng nangyari sa  buhay ko, simula nang maghiwalay kami ni Dave, ang pagpunta ko sa London, ang pagkikita namin ni Troy at ang hindi ko maipaliwanag na emosyong nararamdaman ko.  Ano bang nangyayari sa akin? Ngayon ko lang naramdaman ito sa buong buhay ko.  It's a strange feeling na kahit kay Dave ay hindi ko naramdaman noon.  Inlove na ba ako? Pero paano? Paano mo nga bang malalaman na inlove kana sa isang tao? Bumalik ako sa realidad nang tumunog ang phone ko, isang di kilalang numero ang rumehistro rito. Bahagya akong napakunot ng noo, umayos ako ng pagkakahiga at binuksan ang message. *Kamusta? I hope you're fine. I miss you.* Napaawang ang labi ko nang mabasa ang message na iyon, inisa-isa ang bawat letra. Baka wrong sent lang? Sino namang magtetext sa akin ng ganitong oras at hindi ko pa kilala ang number? Binalewala ko nalang iyon saka nilapag sa night stand ang phone at natulog na. --- Nagising ako kinabukasan dahil sa boses ni Jenny habang kumakatok sa kwarto ko, pumikit-pikit pa ako habang papaupo sa kama. Tiningnan ko ang pinto na kulang nalang ay magiba na dahil sa lakas ng katok ng kaibigan  ko. Kunot-noo kong tinungo ang pinto para buksan iyon. "Jenny ano ba iyon? Maaga pa naman a?" Sambit ko rito pagkabukas ko ng pinto. "Friend! Maligo kana at magbihis nandyan yung sundo mo!" Halos patili na nitong tugon, lalong kumunot ang noo ko sa sinabi nito saka tinawanan nang akalain na nagbibiro lang ito. "Ikaw ha, anong sundo? Bakit? Mamamatay na ba ako?" Nakangisi kong sambit. "Ano bang pinagsasabi mo! Si President nasa baba sinusundo ka!" Aniya, sandali pa akong natigilan. Pilit na pinoproseso sa utak ang mga sinabi nito nang mapagtanto ko ay nanlaki ang mga mata ko. Agad akong tumakbo papunta sa bintana para kumpirmahin kung nandyan nga si President, nakasandal sa kotse nito suot ang isang three piece suit. Napangiwi akong tumingin kay Jenny na noon ay nakasunod din sa akin. "B-bakit sya nandito?" Tanong ko sa kaibigan. "Sinusundo ka nga. Bilisan mo na maligo kana don!" Sambit nito saka ako hinawakan sa magkabilang braso at tinulak papasok sa banyo. Nang makapagbihis at makapag-ayos na ay lumabas na ako ng kwarto naabutan ko si Jenny na nasa kusina, kinunotan ko ito ng noo saka nagsalita. "Wala ka bang pasok?" Tanong ko rito nang makalapit. "Meron, pero mamaya pa, may meeting ako malapit dito. Bilisan mo na, umalis kana kanina pa naghihintay si President sa baba  hindi ka ba nahihiya?" Sambit nito, agad akong nagmadali palabas nang muli itong maalala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD