Chapter 10

2165 Words
Kabado akong lumabas ng bahay, I saw him smiling at me nang makita ako nito. Wala na yatang mas gaganda pa sa umaga kung itong mga ngiting ito ang sasalubong sayo paglabas mo. "President, ano pong ginagawa nyo dito?" Tanong ko rito nang makalapit ako. "Sinusundo ang girlfriend ko." Baritonong sambit nito, lalong nagrambulan sa pagpintig ang puso ko, girlfriend? Ang sarap naman pakinggan. Pinagbuksan ako nito ng pinto saka minandohan na pumasok, pilit akong ngumiti saka sinunod ito. Agad din naman itong umikot para sumakay sa driver's seat. Hindi ako mapakali habang nasa byahe. Natatakot na makita kami ng iba kong katrabaho, ano nalang ang sasabihin nila? I unconciously bit my lip again, napasinghap ako nang marinig ko ang boses nito. "May problema ba? Bakit parang tensyonado ka?" Sambit nito saka ako sinulyapan at muling binalik ang paningin sa kalsada. Lumingon ako dito saka nagsalita. "Um, president. Pwede bang itago nalang muna natin yung tungkol sa ating dalawa?" Nagaalangan kong tugon  rito, bahagyang kumunot ang noo nito saka ako muling sinulyapan. "Ang alin? Yung nangyari sa atin o yung relasyon nating dalawa?" Aniya saka muling binaling ang tingin sa kalsada. Bahagyang napaawang ang labi ko at maginit ang mga pisngi ko. "Ayah, I'm serious when I asked you out. Walang dahilan para itago natin ang relasyon nating dalawa." Dugtong nito with a serious tone. "Pero, ayoko lang na pag-isipan nila tayo ng masama, ayokong isipin nila na dahil sayo kaya ko nakuha yung promotion." Tugon ko saka yumuko. He heaved out a deep sighed at kinuha ang kamay ko na nakapatong sa ibabaw ng hita ko. "Don't mind them, you get the promotion because you deserved it. Don't think to much, okay?" Aniya saka hinalikan ang likod ng palad ko. Siguro ay nangangamatis na ang mukha ko ng mga oras na iyon, pero hindi ko na ininda dahil sa kakaibang emosyon na lumulukob sa  puso ko. Kagaya ng sinabi nya, halos ipalandakan nya sa lahat na girlfriend nya ako. Pagbaba palang ng sasakyan ay hawak na nya ang kamay ko kahit pa may mga nakatinging mga empleyado ay parang wala itong pakialam, samantalang ako ay halos lumubog na sa kahihiyan.  Nang makapasok kami sa lift ay bumitaw ako sa pagkakahawak nito na syang kinalingon nito sa akin. Pero agad din nitong binawi ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Pagkabukas ng lift ay bumitaw na ako sa kamay nito at halos patakbong lumapit sa table ko at umupo agad na inabala ang sarili sa computer at hindi na ito nilingon pa kahit na alam kong nakatitig ito sa akin bago pumasok ng opisina nya  hindi ko magawang magangat ng tingin dito dahil sigurado akong pulang pula nanaman ang mukha ko. Maya maya lang ay dumating si sir Charles, nakangi itong lumapit sa akin para bumati. "Good Morning,Ayah." Bati nito sa akin. Ginantihan ko rin ito ng ngiti bago sumagot. "Good morning sir Charles." Tugon ko, he tilted his head saka muli akong nginitian. "Nakaready na ba yung schedule ni Troy?" Tanong nito, kinuha ko ang ginawa kong schedule at inabot dito. "Ito po, nandyan narin po yung schedule nya this evening sa Grand Hotel." Sambit ko rito, muli ako nitong nginitian at saka kinuha ang folder. "Thank you." Pahabol nito saka pumasok na sa opisina ni Troy. Wala pang halos trenta minuto nang muling magbukas ang opisina ni Troy, tumayo ako nang makita kong lumabas ito kasunod ni Charles. "I have to go,magkita nalang tayo mamaya sa party okay? Bye Ayah." Sambit nito sa binata saka ako binalingan ng tingin at nginitian bago pumihit at naglakad papasok sa lift. Habang si Troy naman ay nakatayo lang sa gilid ko. "Let's go we need to go somewhere." Baritonong sambit nito, saka kinuha ang bag ko at hinawakan ang kamay ko papasok sa lift. "President, saan po tayo pupunta?" Tanong ko rito habang nasa lift kami. "Ayah, I'm your boyfriend, huwag mo na akong tawaging president, and don't used po or opo." Tugon nito saka humarap sa akin. "But you're still my boss." He tilted his head and smirked. "You really like arguing with me huh?" He said with a husky voice and stared at my lips.  Agad na naghurumentado ang dibdib ko nang lalo pa itong lumapit sa akin, halos magdikit na ang tungkil ng mga ilong namin at naaamoy ko narin ang mabango nitong hininga dahil sa sobrang lapit, he's ready to kiss me nang biglang magbukas ang lift. Mga gulat at nakangangang empleyado ang bumungad sa amin na hindi pa malaman kung sasakay ba sila o hihintayin nalang na magsara ang lift dahil tiningnan sila ng Troy ng masama, in the end tumayong muli si Troy sa tabi ko at sinabihan ang mga ito na pumasok na, halos gustuhin ko nalang na lumubog sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan lalo na nang makita ko ang panaka-nakang tingin ng mga ito sa amin ni Troy, habang sya ay ngumingisi ngisi pa habang nilalaro ang daliri sa labi nito.  --- Pumarada ang sinasakyan namin sa isang botique ng mga gowns at dresses. Sinalubong kami isang babae na nakasuot ng itim na uniform nang makapasok kami sa loob, magiliw itong nakangiti kay Troy na para bang kilalang kilala na nya ito. "Welcome President, nakahanda na po ang suit nyo." Nakangiting sambit nito, bahagya naman itong ngumiti saka ako hinawakan sa likod. "Thank you, can you choose her a dress for the party?" Baritonong sambit nito, binalingan ako ng tinging ng babae mula ulo hanggang paa at pilit akong nginitian.  "Sure president, mam this way please." Tugo  nito saka minowestra ang daan sa akin. Sandali ko pang nilingon si Troy na may pagtataka, pero nginisian lang ako nito. Nakailang palit ako ng mga dresses at gowns sa botique at nagstick nalang sa isang silver fitted long gown na hanggang sakong. Pinaayusam din ako ni Troy sa pinatawag nyang stylist at makeup artists, nang matapos ay lumabas na ako at nakita ko ang pagtayo ni Troy sa pagkakaupo nito, his lip parted a bit napansin kong nakapagpalit na ito ng damit, he's wearing a white tux. He's literally shining on his suit, very formal na kung hindi ko lang ito kilala ay aakalain kong model o kaya ay artista.  Nahihiya akong lumapit dito at yumuko.  "You look stunning." Nakangiting bulong nito. Napaangat ako ng tingin saka ngumiwi.  "Hindi ba masyadong daring itong suot ko?" Sambit ko. Hinawakan ako nito sa dalawang balikat ko saka hinarap sa isang malaking salamin. "You look stunning and beautiful, babe." He whispered to my ear. Hindi ko na napigilang mamula ang pisngi dahil sa sinabi nito at sa narinig na endearment. Ano daw? 'Babe'   --- "Teka, huwag mong sabihing isasama mo ako sa Grand Hotel?" Nakaawang ang labi kong tanong dito. Ngumiti nama  ito saka sumagot, "You're my girlfriend, of course you'll be my date." Nakangiting tugon  nito. "Pero for VIP's lang ang party na iyon diba? secretary mo lang ako. I shouldn't be there." Muli kong tugon rito, narinig ko ang oagbuntong hininga nito saka kinuha ang kamay ko. "I'm bringing you there because you're my girlfriend and not my secretary, okay? Just enjoy the party. Nandito lang ako." Aniya saka hinalikan ang likod ng palad ko. Hindi na ako nagprotesta pa at tumingin nalang sa bintana. It was early evening nang makarating kami sa Grand Hotel. This is my first time stepping on this majestic hotel. Mula sa entrada ay makikitaan mo na ito nang kagandahan mula sa sahig haggang sa mga pader, no wonder kung bakit ito ang pinakamahal na hotel sa bansa. Pinagbuksan ako ng pinto ni Troy saka inilahad ang braso nito sa akin , nilingkis ko naman ang kamay ko rito at pumasok na sa loob, nakangiti ang mga staff na sumalubong sa amin papasok, from the lobby isang malaking chandelier ang sasalubong sa iyo, wala akong ibang nakikitang kulay sa paligid kundi pinaghalong gold,beige at white color. Takaw pansin din ang isang grand starcase na may may red carpet. Pulang pula ito na parang hindi pa natatapakan. Dumeretso kami sa party hall kung nasaan ang charitable party ng Ruiz-Mozer Interprises. Maraming malalaking tao ang imbitado sa party, all are VIP's from  our company at iba't ibang conglomerate sa bansa. I even heard na nandito rin ang mga Montenegro, of course dahil isa sila sa mga kilalang businessman sa bansa. Lumapit si Troy sa isang chinese businessman at nakipagusap rito, hindi ako kumikibo at nasa tabi lang nito, palingat lingat sa paligid, everything here is elegant. Ako lang  naman itong kakaiba sa lahat, nakaramdam ako ng pagkilang kaya nagpaalam ako kay Troy na pupunta lang sa restroom.  Sasama pa sana sya pero agad akong tumanggi at nakakahiya namang iwan nya ang kausap nya para lang samahan ako sa banyo. Hindi pa man ako nakakalayo ay naagaw ng pansin ko ang isang magandang babae na pumasok sa party hall, she's wearing a red evening dress na kita ang buong likod, she has a perfect body at ang ganda ng pagkakadepina ng mukha nito kahit na siguro tanggalin ang make up ay maganda parin, tulak tulak nya ang isang matandang lalaki na nakawheel chair, agad silang binati ng mga bisita.  Napalingon rin si Troy sa direksyon nila at ngumiti rito, lumapit ang babae kay Troy at humalik sa pisngi nito at may binulong, para akong naestatwa sa imaheng nakita ko. They looked perfect together, kung hindi ko nga lang kilala si Troy ay aakalain ko nang girlfriend nya iyon. Bumaba ang tingin ko at tinungo nalang ang banyo, I stared myself at the mirror. Malayong malayo sa itsura ng babaeng nakita ko kanina. Naghugas ako ng kamay saka lumabas narin nang makasalubong ko si Troy, mukhang sinundan na ako nito sa restroom, ngumiti naman ito saka pinulupot ang kamay sa baywang ko, gumanti ako ng ngiti saka ito nagsalita. "I'm looking for you, may ipapakilala ako sayo." Sambit nito, lumapit kami sa grupo ng mga lalaki, kung hindi ako nagkakamali ay mga kaedaran lang ni Troy ang mga ito pero mukhang may mga sinabi sa buhay, nakakaintimidate ang mga itsura nito, ngumiti si Charles nang makita ako na nandoon rin. "Guys, I want you to meet my girlfriend, Ayah Valdez." Nakangiting sambit nito. "Babe, this is Mark Velasquez, Adrian Altamirano, Landon Alvarez and of course Charles Montenegro." Isa isa nitong pakilala sa akin, I their face with amused. Baka hindi nila akalain na isang hamak na sekretarya lang ang girlfriend ng isang Presidente ng isang sikat na  liqour company.  "Hi." Nakangiti kong bati sa mga ito.  "So, sya pala ang pinagkakabsusyhan mo ngayon Doctor Laurent ha." Sambit ni Mark saka ngumiti sa akin at nakipagkamay. "Nice to meet you Ms.Valdez." Aniya. Nakipagkamay rin ang iba at nakangiti, pero ang isa sa kanila ay ni himdi man lang ako pinagkaabalahang tingnan. Si Landon Alvarez. Tahimik lang itong umiinom ng wine. Pagkatapos non ay nagkuwentuhan na sila tungkol sa mga business nila, si Mark at Adrian ay magkasosyo sa negosyo nilang Real State at Construction Company. Landon naman ay narinig kong abala sa pagmamanage ng airline company ng pamilya nila. No wonder kung bakit intimidating ang dating sa akin ng mga lalaking ito, hindi nga ako nagkakamali.  Mga may sinasabi sa buhay at mga tagumpay pagdating sa larangan ng negosyo. Ano kayang pakiramdam ng mga nakakalaban nila sa industriya, si Troy pa nga lang parang mas gugustuhin mo nalang na iwasan kaysa ang kalabanin paano pa kaya kapag nagsama sama ang mga ito. Sabay sabay kaming napalingon nang may lumapit sa aming isang babae, may katandaan na ang babae pero bakas parin dito ang pagiging supistikada ang kagandahan ng mukha nito noong dalaga pa. Humalik ito sa pisngi ni Troy, nagtaka pa ako nang parang gulat nya itong nginitian. Saka ako nito nilingon at hinawakan ang kamay ko, dumapo ang tingin ng babae sa akin pababa sa kamay naming magkasalop. Unti-unting nawala ang ngiti nito sa mga labi at bahagya ring natigilan ang mga kaibigan ni Troy, maging si Sir Charles ay napainom bigla ng hawak nitong wine. Tumikhim si Troy saka nilipat ang kamay nito sa baywang ko. "Um, Ma. This is my girlfriend. Ayah Valdez, babe this is my mom." Sambit nito. Agad na napaawang ang labi ko at biglang nanlamig. "G-good evening po." Nautal kong bati rito, pilit lang itong ngumiti sa akin saka binaling ang tingin kay Troy at ngumiti. "Troy, anak can we talk for a second?" Sambit nito, binalingan muna ako ng tingin ni Troy parang nanghihingi ng permiso ko bago sumagot, tumango ako saka ngumiti. Pinasadahan akong muli ng tingin ng mama ni Troy na para bang may mali sa akin saka umalis, hinalikan pa ako sa pisngi ng binata bago ito tuluyang makaalis.  Tiningnan ko lang sila hanggang sa mawala na sa paningin ko, isang wirdong tingin naman ang iginawad sa akin ng mga kaibigan ni Troy nang lingunin kong muli ang mga ito. "Mukhang maglalabas nanaman ng malaking pera si Tita." Sambit ni Landon saka muling ininom ang laman ng baso, siniko naman sya ni Charles at tumingin sa akin, hindi ko naintindihan ang sinabi nito kaya binalewala ko nalang at kumuha ng wine sa waiter na dumaan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD