Chapter 11

1936 Words
Dahil nagutom na ako ay kumuha muna ako ng makakain at inabala ang sarili, hindi pa nakakabalik si Troy mula nang kunin sya ng mama niya kanina.  Naguusap parin ba sila hanggang ngayon? Ininom ko ang huling patak ng wine na nasa baso ko st nagpasyang lumabas ng party hall, hindi ko na alam kung nasaan ako banda ng hotel pero may isang mahabang hallway akong nilalakaran, puro glass wall ang pader nito kaya kitang kita ko ang garden mula rito. Napatigil ako sa paglalakad nang may naririnig akong mga boses na naguusap, naglakad pa ako ng bahagya saka nakita ang isang bukas na pinto, nang makalapit ay narinig ko ang isang pamilyar na boses ng lalaki. Sinilip ko ang loob at doon ay tama nga ang kutob ko si Troy nga, kausap nya ang mama nya habang nakaupo sila sa parang sala, nang makarinig pa ako ng ibang boses ay sinilip ko pa ng bahagya ang loob at natigilan ako nang makita ko yung babaeng maganda kanina.  Nakaupo ito sa tabi ni Troy at ang matandang lalaking nakaweelchair ay nasa may gilid ng mama ni Troy. Masyado akong malayo para marinig ang pinaguusapan nila pero, pare-pareho silang nakangiti at parang sumasangayon sa isang bagay. Napabuntong hininga nalang ako at lumayo sa pinto saka naglakad pabalik sa party hall, napansin ko ang daanan papunta sa garden kaya pumasok ako doon. Pagkalabas ay tumingala ako at humingang malalim na para bang naginhawaan. Napangiti rin ako sa dami ng bituin na nakikita ko sa langit. "Why are you here?"  Napabalikwas ako nang marinig ang boses ng isang lalaki sa madilim na parte ng garden, nakikita ko rin ang pagilaw ng hawak nito, nilapit nya iyon sa bibig saka may umusok at binaba nya ulit ang kamay. Nanliliit ang mata ko para lang maaninag ang lalaki, hanggang sa lumapit ito sa liwanag at nakita ko ang mukha nito, si Landon habang hawak ang sigarilyo at prenteng nakatayo sa di kalayuan. "The party was suffocating, all the rich people are pretending to be nice, attending a charitable party and joining a bidding. In the end they are all just looking for their prospect investors." He said sarcasticaly,  napakunot ang noo ko saka sumagot nito. "Hindi ba mas okay iyon, mas maraming bidders may malaki ang mapupuntang pera sa charity?" Kunot noo kong tanong. Nginisian lang ako nito saka muling nagsalita. "You know nothing about the rich people, they are dangerous than you think, so if I were you, I'll runaway from them." Sambit nito saka muli akong nginisian.  He sounds creepy.  How can he say that he's one of them. Lalong nalukot ang noo ko sa sinabi nito. Bago pa ako muling makapagsalita ay nawala na ito sa harapan ko. Pumasok na sa loob? Anong problema non? Nagdesisyon nalang akong bumalik sa loob at halos naestatwa ako bago ko marating ang pinto nang makita ko si Dave na may kasamang babae. Pamilyar ang mukha ng babaeng iyon sa akin, parang nakita ko na sya kung saan.  Hindi ko lang matandaan. Abala sila sa pakikipag-usap sa ibang bisita, bahagya ko pang tinitigan ang kamay ni Dave na nakahawak sa baywang ng babae. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, bakit sya nandito? Yan na ba yung bago nyang girlfriend? Bakit parang may kirot akong naramdaman thinking na baka girlfriend nya nga yung kasama nya? I unconciously step forward, malapit lang sila sa may pinto kaya nang makapasok ako ay agad akong nakita ni Dave, bahagya pang napaawang ang labi  nito at agad na tinanggal ang kamay sa baywang ng babae. The girl even looked at me and smirked. "Dave.." mahina kong sambit. Lumapit ito sa akin at hindi makapaniwalang tinitigan ako mula ulo hanggang paa. "Ayah, why are you here? Paano ka nakapasok dito?" Tanong nito. "We need to talk, marami akong gustong sabihin sayo." He added. Hindi ako kaagad nakasagot at nakatulala lang dito, lumapit na sa amin ang babaeng kasama nya at hinawakan ito sa braso.  "Hon, whois she?" Tanong ng babae, pero hindi ito pinansin ni Dave at hinawakan ang palapulsuan ko para hatakin ako kung saan, pero bago pa man ako makahakbang ay may humawak sa kabilang kamay ko at isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko. "Where do you take my girlfriend?"  Baritonong sambit ni Troy, habang madilim ang mukha na nakatingin kay Dave, nilingon ito ni Dave at halos napaawang pa ang labi nang makita si Troy kaya lumuwag ang pagkakahawak  nito sa palapulsuan ko, agad naman akong hinatak ni Troy at pinuwesto sa likuran nya na parang may gagawing masama si Dave. "P-president Laurent, I'm sorry, maguusap lang kami ni Ayah." Utal nitong sambit saka ako tiningnan ng may pagtataka, muling hinarang ni Troy ang katawan nya sa akin kaya nabaling dito ang tingin ni Dave.  "If you have something to say, say it here." Baritonong sambit ni Troy habang nakatingin dito, nakailang kurap muna si Dave at bumaba ang tingin saka umalis, sinundan naman ito ng kasama nyang babae. Humarap sa akin si Troy at hinanap ang mata ko saka nagaalalang nagsalita. "Are you okay?"Tumango lang ako bilang tugom dito. Tahimik lang ako buong party, hindi ko akalaing makikita ko si Dave dito with his new girlfriend.  Yes I am bothered. Hindi ko malaman kung bakit.  --- "Troy?"  Boses ng babae na papalapit sa amin, yung babaeng maganda kanina, she's smiling elegantly at him.  He smiled back.  "Hi, nageenjoy ba kayo sa party?" Dugtong nito, saka sinulyapan ang mga kasama ni Troy binati naman sya ng mga ito at nagusap sila sandali. "You looked georgous Sienna, kailan ka pa dumating from Canada?" Nakangiting sambit ni Mark.  "Thank you, last week lang ako dumating, kamusta ang business balita ko magkakaroon kayo ng expansion sa Singapore, congrats!" Tugon nito, hanggang sa dumapo ang tingin nito sa akin. Humakbang ako nang bahagya palayo kay Troy, pero hinawakan ako nito sa baywang dahilan para dumikit ang katawan ko sa tagiliran nito.  "By the way, Sienna, this is Ayah Valdez, my girlfriend. Babe, this is Sienna Ruiz." Pakilala nito sa akin, ngumiti ito saka bumaba ang tingin sa kamay ni Troy na nasa baywang ko, hindi ako  mapalagay sa tingin na iyon kaya tumikhim ako, muli nitong inangat sng tingin sa akin saka muli akong nginitian.  "Hi, I'm Sienna Ruiz, I hope you're enjoying the party." Nakangiting sambi nito. Nginitian ko lang ito saka tumango.  "Nice to meet you, I'm Ayah Valdez."  "Oh, by the way Troy, Mr. Cristobal wants to talk to you, guys hiramin ko muna si Troy ah." saka nito pinulupot ang kamay sa braso ni Troy, bahagya pa akong napaawang ang labi. "I'll be back." Bulong nito sa akin bago umalis, nginitian ko nalang ito.   Nagexcuse narin ako sa mga kaibigan ni Troy at pumuntang muli sa restroom pero bago pa man ako makarating ay bumungad sa harapan ko ang mama ni Troy. She's staring at me na para bang may ginawa akong hindi maganda dito, ngumiti ito saka nagsalita. "You are Ayah right?" Sambit nito, tumango naman ako saka sumagot. "Yes po." "I heard you're my son's new secretary, is that correct?" Nakataas ang kilay nitong sambit sa akin, muli akong tumango. Nanginginig ang mga kamay ko, parang ang dami namang nangyayaring hindi maganda sa akin ngayong araw na ito. "Yes, I-I'm his secretary." Tugon ko, nakita ko ang pagngisi nito at lumapit pa ng bahagya saka ako hinawakan sa dalawang balikat at pinihit paharap sa direksyon nila Troy habang abala sa pakikipagusap sa mga ibang bisita, nasa tabi nya si Sienna habang nakapulupot ang kamay nito sa braso ng binata. I felt a sudden pain in my chest, hindi nya man lang napansin ang paglingkis ng babae sa braso nya. "Look at them, hindi ba't bagay na bagay sila? She's Sienna Ruiz the only heir of Ruiz-Mozer Interprises. She's the one I'd like to be with Troy." Sambit nito sa akin  napaawang ang labi ko at nilingon ito with disbelief. I know from the first time I saw this woman that she's meticolous but I didn't expect her to be this rude to me. "End that nonesense relationship of your's to my son. I know what kind of woman are you, how much do you want? Magkano ang kailangan mo para tapusin mo na ang relasyon nyo ng anak ko?" Dugtong nito, hindi iyon pasigaw pero rinig na rinig ko kung paano ako maliitin at insultohin nito. Naguumpisa nang mangilid ang luha ko na kanina pa gustong kumawala. Pareho kaming napalingon nang may boses ng babae akong narinig at tumawag sa pangalan ko.  "Ayah?"  It was Ms. Irene, bahagyang kumunot ang noo nito nang makita ang mama ni Troy at ang itsura ko. Agad na umaliwalas ang mukha ni Mrs. Laurent at hinarap si Ms. Irene. "Hi tita, nandito rin po pala kayo." Nakangiting bati nito sa matanda.  "Oh, hi Irene. Kamusta? Kasama mo ba ang asawa mo? Nasaan sya, kailangan naming mapgusapan ang tungkol sa business proposal ko." Nakangiting tugon nito.  "Yes tita." Aniya saka binaling ang tingin sa akin. "Ayah, are you okay?" Tanong nito nang mapansin ang hindi ko pagkibo. Muli naman syang hinila ni Mrs. Laurent para puntahan na ang asawa nito, kaya hindi na kami nakapagusap pa. Ilang beses pa ako nitong nilingon bago tuluyang makaalis. Hindi ko alam kung tama ba ang nilalakaran ko pero nagpapatuloy lang ako para makaalis lang sa party hall. Huminto ako sa gitna nang hallway nang manlabo ang paningin ko dahil sa mga tubig na parang gripong gustong kumawala sa mata ko, pinilit kong tumayong muli saka naglakad palabas ng hotel. Napatingin ako nang may humintong mercedes benz sa harap ko, bumaba ang salamin ng bintana sa passenger side nito at nakita ko sa driver seat si Landon.  "Get in." Baritonong sambit nito. Hindi ako kaagad nakakilos at sandaling nag-isip tiningnan ko muna ang paligid kung may dadaan bang taxi, ayoko sanang sumakay sa sasakyan nito. Ayokong makita nya ako sa ganitong sitwasyon, base sa pakikitungo nito sa akin kanina hindi ko gusto kung paano ako nito tingnan at kausapin. He's rude.  Pero sa takot na baka makita ako ni Troy ay sumakay narin ako, magpapababa nalang ako sa pinakamalapit na bus station para doon maghintay ng taxi.  "Are you okay?" Tanong nito saka tumingin sa akin sandali at muling binaling ang tingin sa kalsada. Yumuko lang ako at tumango. "Yes, please ibaba mo nalang ako dyan sa bus stop, magaabang nalang ako ng taxi dyan." Sambit ko nang hindi ito nililingon.  Muli ako nitong pinasadahan ng tingin at saka muling nagsalita. "Magaabang ka ng taxi wearing that? Nang-iinvite ka ba ng mga masasamang loob, ihahatid na kita sa bahay mo." Aniya saka muling binalik ang tingin sa kalsada.  hindi na ako umapila pa at binaling nalang ang tingin sa bintana. Nang makarating na sa tapat ng bahay ko ay hinubad ko na ang seatbelt saka humarap ng bahagya kay Landon. “Thank you, Mr. Alvarez, magiingat kayo pauwi.” Sambit ko saka akmang bubuksan na sana ang pinto nang bigla itong magsalita. “I told you, rich people are dangerous, masasaktan ka lang. Kaya kung ako sa’yo lumayo kana hangga’t may pagkakataon ka pa.” Baritonong sambit nito, nilingon ko ito saka binalingan ng matatalim na tingin. “Ganyan ba kayong mga mayayaman? Ang tataas ng mga tingin ninyo sa mga sarili nyo porke ba nakukuha nyo lahat ng gusto nyo?” Tugon ko rito. Ngumisi ito saka binaling ang tingin sa harap. “Iniisip mo ba talaga na hindi nagkakalayo ang mundong ginagalawan mo at ginagalawan ni Troy? Hindi lang ikaw ang unang babaeng sinindak ni tita. And I’m sure she will never stop hangga’t hindi mo nilalayuan ang anak nya.” Sarkastiko nitong sambit, napaawang ang labi ko at kumunot ang noo rito saka lumabas na ng sasakyan. Agad naman itong humarurot paalis pagkalabas ko, mariin akong napapikit at bumuntong hininga saka pumasok na sa loob ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD