Chapter 12

1897 Words
--- Panay ang ring  ng phone ko nang gabing iyon, hindi na ako nakapagpaalam kay Troy dahil sa nangyari, hindi ko sinagot ang tawag nito pero nagtipa ako ng text message na nauna na akong umuwi dahil inaantok na ako, saka ko pinatay ang phone at pinilit na matulog. Kinabukasan ilang katok sa pinto ang nagpagising sa akin, weekend ngayon kaya walang pasok sa opisina, sinulyapan ko pa ang alarm clock ko sa side table, alas otso palang ng umaga. Kunot-noo akong lumapit sa pintuan para buksan iyon, nanlaki ang mga mata ko at namilog ang bibig nang Makita sa pintuan si Troy dashing on his simple outfit, gray shirt at maong na pantalon at white rubber shoes, he’s dimples are visible dahil nakangiti itong nakatingin sa akin, agad kong sinara muli ang pinto at patakbong pumasok sa banyo para maligo at magpalit ng damit. Bakit ba sya nandito ng ganito kaaga? Ni hindi pa nga ako nakakapghilamos at nakakapagtoothbrush. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakaupo si Troy sa tapat ng computer table ko, tinitingnan ang mga litrato na nakadisplay doon. Nilingon ako nito nang maramdaman ang prisensya ko. Tinanggal ko ang towellete sa buhok ko at umupo sa vanity mirror saka nagsuklay, naramdaman ko ang paglapit nito kaya napalingon ako. “Why are you here President?” Tanong ko rito, yumuko ito para titigan ako. “Come with me, may pupuntahan tayo.” Sambit nito saka kinuha ang kamay ko at hinila ako palabas nang kwarto. Nakita ko si Jenny na nakangiti lang sa amin paglagpas namin ng sala. “President, saan ba tayo pupunta?” Muli kong tanong rito, nakakunot narin ang noo ko  bigla nalang nya akong hinatak palabas ng bahay at pinasakay sa sasakyan niya, hindi man lang ako nakakain ng agahan. Saka bakit ba ang aga naman yata nitong mambulabog? “I told you, don’t call me president.” Baritonong sambit nito. “And right, aren’t you going to explain to me, kung bakit bigla ka nalang nawala kagabi? Tinatawagan kita hindi mo ako sinasagot.” Dugtong nito saka bahagya akong nilingon. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi kaagad nakasagot dito nang maalala ang nangyari kagabi. “Um, nagtext ako sa’yo diba? Hindi mo ba narecieve?” Tugon ko. “But still, umalis ka nalang bigla. Nagalala ako sayo, paano ka pala nakauwe?” Tugon nito, agad akong napaahon ng tingin dito, hindi ba sinabi dito ni Landon na hinatid nya ako kagabi? “Um, n-nagtaxi na lang ako pauwi.” Nagaalangan kong tugon. Hindi na ito nagsalita pa at nginitian nalang ako. Huminto kami sa isang restaurant at kumain, pagkatapos ay pumunta kami sa isang resort na pagmamay-ari din ng pamilya nila. "Bakit tayo nandito?" Muli kong tanong kay Troy habang papasok sa loob ng reception area. "I have a meeting here, naisip kong isama nalang kita para makapagenjoy ka rin. Let's go?" Nakangiting sambit nito saka hinawakan ang kamay ko, sinalubong kami ng ilang staff. "Good morning President." Nakangiting bati nito dito, pareho kaming napalingon sa boses ng isang babaeng tumawag sa amin, nakangiti itong nakatingin sa amin habang hawak sa kamay ang isang batang babae, kasunod naman nito ang isang gwapong lalaki. A perfect picture of a happy family. "Hi, Ayah." Bungad nito sa akin. "Troy, bakit ngayon lang kayo?" Nakangiti nitong tanong. Ngumiti naman ako rito, saka ako hinawakan ni Troy sa baywang. "Troy, Mr. Rodriguez is waiting, let's go?" Sambit ni Dylan. Tiningnan naman ako ni Troy saka nagsalita. "Sumama ka muna kay Irene, tatapusin lang namin yung meeting." Sambit nito sa akin, pumayag naman ako. Pumunta kami sa villa nila Ms. Irene kasama ang anak nito, nakakatuwa ang anak nila kamukhang kamukha nya, mala anghel rin ang ganda panigurado akong maraming lalaking maghahabol dito paglaki, sambit ko sa sarili habang pinapanuod ito sa paglalaro nya ng mga manika. Napalingon ako sa babaeng umupo sa gilid ko at nagabot ng juice. "Mabuti nalang at sumama ka kay Troy, kahit papaano may kakwentuhan ako." Mahinhing sambit nito, napangiti ako saka ininom ang juice na hawak saka nagsalita. "Actually hindi ko alam na pupunta kami dito, bigla nya lang kasi ako hinatak sa bahay, wala nga akong dalang kahit na anong gamit e." Nakangiwi kong sambit. Natawa naman ito saka muling tumugon. "Alam mo, ngayon ko lang nakita si Troy nang ganyan kaseryoso sa babae." Aniya, agad na namula ang pisngi ko, hindi ko alam kung anong reaksyon ang ibibigay ko. Hindi ko akalain na sasabihin nya iyon sa akin. "M-matagal na ba kayong magkaibigan ni Troy?" Tanong ko rito. Muli itong ngumiti saka tumingin sa akin. "Yeah, nagkakilala kami sa London, actually doctor sya dati ni Dylan. Nakakatawa nga e, napagkamalan ko pa nga syang photographer noon." Aniya. Bahagyang kumunot ang noo ko, hindi naman lingid sa kaalaman kong doctor si Troy,  hindi ko nga lang alam kung anong specialization nya. Hindi ko naman kasi natatanong isa pa alam ko hindi na sya nagtatrabaho sa hospital o tumatanggap ng pasyente dahil abala na sya sa business ng pamilya nila. "Bakit? May sakit ba si Mr. Montenegro noon?" tanong ko rito, bumuntong hininga si Irene bago ito sumagot. "He has a OCD dati, pero okay na sya ngayon. Magaling na psychiatrist si Troy." Sambit nito, sandali akong napatitig dito, I didn't know that he's a psychiatrist, nabigla lang ako, totoo ngang marami pa akong hindi alam kay Troy. Hindi na ako nagsalita pa at tumingin nalang sa glass wall, naging abala naman si Irene nang tawagin sya ng anak nya. Nakakabilib na ang dami nang narating sa buhay ni Troy sa edad nyang yan, he's just twenty seven year old. Pero ang dami na nyang naachieve sa buhay, isang magaling na doctor, magaling na businessman at kinikilala sa iba't ibang bahagi ng bansa ang mga produkto ng kumpanya nya. While me, I'm just his secretary. Ano bang maipagmamalaki ko bukod sa pagkakaroon ng promotion? Ngayon ko lang unti-unting napagtatanto ang malaking pagkakaiba ng mundo naming dalawa, tama ang kaibigan nyang si Landon. Hindi, tama ang mama nya, hindi kami nararapat sa isa't isa. Mas nababagay sya sa katulad nyang mayaman rin, kay Sienna Ruiz. --- Nagpaalam ako kay Irene na pupunta muna sa villa na tutuluyan namin ni Troy, napaawang ang labi ko nang makita ang buong kwarto nito, lalo na nang dumako ang tingin ko sa beranda, nakabukas ang malaking glass window non kaya malakas na hangin ang sumalubong sa akin paglapit ko. Napakaganda sa lugar na ito, tanaw na tanaw ko ang dagat at ang lamig ng simoy ng hangin, I didn't know that there's such place like this near the metro.  Kahit siguro dito na ako tumira okay lang sa akin.  Mas presko ang hangin at nakakarelax ang ambiance. Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pares ng kamay na pumulupot sa baywang ko, agad na dumapo sa ilong ko ang mabangong amoy nito, hinalikan pa nito ang leeg ko bago pinatong nito ang baba sa balikat ko. "Tapos na ang meeting nyo?" Tanong ko rito saka hinawakan ang braso nito na mahigpit na nakapulupot sa baywang ko. He just answered me with hummed. "Tinakot ka ba ni mama kaya bigla kang nawala kagabi?"Mahinang sambit nito, napaawang ang labi ko at nanlaki ang mga mata, paano nya nalaman iyon?  "Don't listen to her." He added.  Tinanggal ko ang mga braso nito sa baywang ko at humarap dito, I looked at his mesmerizing set of eyes. Hanggang ngayon ay hindi ko parin maiwasang malunod sa mga tingin nito. "Maybe you're mom was right." Sambit ko saka yumuko, hinawakan naman nito ang dalawang kamay ko saka hinanap ang mata ko. "Hey, what are you talking about? Look at me." Sambit nito saka hinawakan ang baba ko para iangat, I bit my lip and look at him. "I don't care what other people will say, It's all about you and me, It's all about us. Ayah, I love you. From the first time I saw you, in the restaurant. Alam kong may kakaiba na akong nararamdaman para sayo, kaya nung nakita kita sa airport nagpalipat kaagad ako ng upuan and even the hotel. Para lang mapansin mo ako." Dugtong nito, bahagyang napaawang ang labi ko, hindi coincidence ang nangyari? "You mean, sinadya mong lahat ng iyon? Pero.. bakit?" "Dahil mahal kita, I tried to looked for you pagkatapos ng nangyari, hindi ko alam ang gagawin ko nung paggising ko wala kana, kaya pinahanap kita. And luckily I found you, hindi ko alam na nagtatrabaho ka pala sa kumpanya ko. I know you're not ready to face me again kaya binigyan kita ng oras para makapag-isip. Pero hindi ko na kayang patagalin pa, kaya ako umuwi dito hindi para sa negosyo, kundi para sayo." Aniya, nanatiling nakaawang ang labi ko, may kung anong lumilipad sa tyan ko at patuloy sa pagkalabog ang puso ko pero nababalot ako ng pangamba, ng takot na magkamali.  Do I deserve someone as great as Troy? Am I enough for him? What am I? Who Am I? I'm just a mere secretary who's having an affair to her boss. I am nothing compared to him. Bumaba ang tingin ko at bumitaw sa kamay nito.  "No Troy, itigil na natin ito. Naguguluhan ka lang sa nararamdaman mo. Baka napagkakamalan mo lang na pagmamahal yan dahil sa mga nangyari, dahil may nangyari na sa atin. Sooner or later, mawawala rin yan, makakalimutan mo rin yan." Tugon ko rito, bahagyang kumunot ang noo nito saka lumapit sa akin. "Ano bang sinasabi mo? Mahal kita Ayah, bago pa man may mangyari sa atin mahal na kita st alam ko sa sarili ko iyon." Aniya, saka tinaas ang mga kamay at kinulong sa mga ito ang pisngi ko at nilupig ako ng halik. Isang mainit at malalim na halik na halos ikalunod ko. Kasing tamis at init noong unang beses nya akong hinalikan, noong gabing pinagisa namin ang aming mga katawan, pinagdikit nya ang mga noo namin nang bumitaw sya sa paghalik sa akin, he even left my lip parted na kinapula ng pisngi ko dahil sa hiya. "I love you Ayah, hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin." He said huskily, parang may kung anong humaplos sa puso ko. I saw the sincerity, desire and love in his eyes na ngayon ko lang nakita at naramdaman, mahal ko na ba sya kaya nararamdaman ko ang mga ito? I don't know if this is right but I have to admit it to myself, mahal ko sya. Mahal ko na si Troy. Mariin akong napapikit saka ngumiti. "I love you too." Mahina kong sambit. Sumugal ako, sinubukan kong tumaya kahit na malabo ang tyansang manalo ako, but what should I do? That's what my heart wants, that's what I want. To give myself to him, to give another shot for love. To gamble. To surrender. Ang lahat ng pangamba at pagaalinlangan ko sa relasyon namin ni Troy ay naglahong parang bula, nagpaubaya ako sa puso ko, sa nararamdaman namin sa isa't isa. Marahan nya akong inihiga sa kama habang walang patid ang paghalik nito sa labi ko, nadadala ako sa bawat paghaplos nito at hindi ko mapigilang mapadaing, tumayo sya para hubarin ang polo habang ako ay naghahabol ng hininga at nangangatal pa ang labi, tumambad sa akin ang malaking katawan  ito. Mas lumaki ito kaysa noong unang beses ko itong nakita, mas lalo yatang nagsipag maggym, muli itong bumaba para halikan ang leeg ko pababa sa aking dibdib habang ang kanyang kamay at unti-unting tinataas ang suot kong bestida, mabilis nya iyong nahubad at tumambad sa kanya ang kabuuan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD