I’ve enjoy taking pictures of all the places that I’ve been. Manghang mangha ako sa lahat ng napuntahan ko. Pasado alas otso na ng gabi pero maliwanag parin ang paligid, nanunuot narin ang lamig sa buong katawan ko kaya nagpasya na akong bumalik sa hotel.
Pagkauwi ko ay naligo na ako at nagpalit ng sweater na pink at leggings na itim, saka umorder ng pagkain at wine. This place is so magical, no wonder kung bakit maraming couples ang bumibisita rito.
Muli kong kinuha ang phone ko saka tinawagang muli ang number ni Dave pero hindi ko parin ito macontact.
I was standing in front of the glass wall while looking at my phone, i saw our pictures together at hindi ko nanaman maiwasang mapaluha. Nanghihinayang ako sa tatlong taon na pinagsamahan namin ni Dave. I still love him, I missed him.
Muling nanikip ang dibdib ko habang tinitingnan ang pictures namin sa phone ko. Hindi parin ako makapaniwalang hiwalay na kami, ala-ala nalang ang tatlong taon na pinagsamahan namin.
Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto kaya napalingon ako rito, agad kong pinunasan ang luha ko at nagtungo sa pinto pero natigilan ako nang makita ko kung sino ang nasa labas.
Si Mr. Laurent.
May hawak na isang bote ng wine at dalawang glass wine. Ngumiti ito sa akin saka tinaas ang mga hawak.
"Wanna have some drink? I thought you needed one." Sambit nito, sandali akong tumitig sa hawak nito at nagisip, wala naman sigurong gagawing masama ang lalaking ito sa akin kapag pinapasok ko sya rito diba?
"Dont worry, im not a bad person, i just want to share this to you." Muling tugon nito nang mahinuha ang iniisip ko, napakurap ako ng ilang beses saka niluwagan ang pinto.
"Sure, sige tuloy ka." Sambit ko, agad na namula ang pisngi ko.
Alam ko mamang hindi sya masamang tao, talagang malikot lang ang isip ko.
"By the way hows your tour? Nagenjoy kaba?" Tanong nito nang makaupo na sa harapan ko. Tumango naman ako saka ngumiti.
"Oo, hindi ko pa nga napupuntahan yung iba, baka bukas ulit. Gusto kong sulitin yung bakasyon ko, hindi naman kasi ako palaging makakapunta sa mga ganito." Tugon ko habang nakangiti rito.
"I can show you around, alam mo maraming magagandang spots dito sa London na hindi pa masyadong napupuntahan ng mga tao." Aniya, habang binubuksan ang wine at nagsalin sa baso at inabot ito sa akin.
"Thank you, talaga? Mukhang madalas ka dito sa london, mukhang marami ka nang alam na lugar dito e." Tugon ko rito. Ngumiti naman ito saka uminom ng wine bago nagsalitang muli.
"Actually we have businesses here." Sambit nito saka muling ngumiti. Tumango naman ako saka ininom ang baso at tumango. "So tell me, why are you crying again?" Dugtong nito, agad akong napatingin rito at napaawang ang labi.
Narinig nya ba ang paghagulgol ko kanina? Nakakahiya!
"Um, sorry. Naingayan ka ba?" Naiilang kong sambit rito saka muling yumuko at bumuntong hininga. "We were together for three years, and that night was our 3rd anniversary." Mahina kong sambit.
"Really? That man is bullshit. How can he breakup with you on the day of your anniversary?" Tugon nito habang nakaawang ang labi at hindi makapaniwala sa narinig.
"Actually, i want to surprise him with this trip, pero nakipaghiwalay na sya bago ko pa nasabi yung surprise ko." Sambit ko rito, saka mapait na ngumiti.
I saw an amused expression on his eyes. I dont know why im telling him this, but i felt relieve that i can talk to someone I barely knew about my feelings. Iba pala sa pakiramdam kapag hindi mo kakilala ang pinagsabihan mo ng nararamdaman mo, walang judgement.
"Oh, and that’s the reason why your crying again? You know what, youre beautiful and nice, i know you can find better than that." Napaangat ako ng tingin dito nang marinig ang sinabi nito.
He’s the first man who ever told me that im beautiful, kahit si Dave ay hindi pa ako sinasabihan na maganda ako, although pinaparamdam nya naman sa akin na importante ako sa kanya.
What's with this man? Everything he said seems sincere, is it because he looks so calm or because of the first empressions that i felt?
Tuhikhim ako saka tumayo at humarap sa glass wall nang makaramdam nanaman ako ng pagkailang. I don’t know but I found him intimidating whenever he looks at me. Muli kong ininom ang laman ng glass wine habang nakatingin sa labas. Naramdaman ko ang paglapit ni Troy at pagtayo nito sa gilid ko.
“This place is so beautiful. Alam mo kung anong magandang nangyari sa akin sa paghihiwalay namin ni Dave? Yung mapuntahan ko ang lugar na ito, kahit mag-isa ako.” Sambit ko, nakita ko sa peripheral vision ko ang pagharap nito sa akin.
“Well you have me now. You’re not alone anymore.” Makabuluhang sambit nito, walang emosyon akong napatingin rito, what does it mean? Sandali pa akong nakatigilan dahil para akong naubusan ng sasabihin. Hanggang sa ngumiti ito saka tinaas ang baso ng wine at dinikit sa baso ko.
“Don’t give me that look.” Dugtong nito saka nilagok ang laman ng wine glass, habang ako ay nakatitig parin rito. Wow, para syang nasa commercial. “I should go now, see you tomorrow.” Muling sambit nito saka pumihit na para umalis, nilapag lang nito ang glass wine sa lamesita at dumeretso na sa pinto, saka lang natanggal ang pagkakapako ng paningin ko rito nang tuluyan na itong nakalabas.
What did I saw just now? A prefect image of a man.
Makailang beses akong umiling at saka inubos ang laman ng baso ko para mahimasmasan. Really Ayah?Napahawak pa ako sa dibdib ko na halos marinig ko na sa lakas ng pagtibok nito.
Kinabukasan ay nagpasya akong kumain ng breakfast sa restaurant sa baba ng hotel pero halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang Makita ko si Troy na nakatayo sa may Lounge area at nakatingin sa akin, he’s dashing in his coat while smiling at me.
Kanina pa ba sya? Hinintay nya ba ako? Lumapit ito sa akin habang nakapamulsa sa coat ang mga kamay, hindi ko alam kung ngingitian ko ba ito o agad na tatanungin kung anong kailangan nito. In the end a weird smile came from my lips. Damn Ayah, you’re so pathetic!
“Hi.” Nakangiting bungad nito sa akin nang makalapit na. naiilang akong nginitian ito saka nagsalita. “I told you, I want to show you around.” Dugtong nito. Napaawang ang labi ko nang maalala ang sinabi nito kagabi, ngayon ba iyon? Parang walan naman kaming usapan na ngayon nya ako ipapasyal?
“Um, balak ko sanang magbreakfast dyan sa restaurant.” Sambit ko sabay turo sa katapat naming restaurant, nilingon nya iyon saka ngumiti. “May alam akong mas masarap na Italian restaurant malapit dito, let’s go?” Tugon nito, sandali akong natigilan at tumitig rito, sasama ba ako? Pero nakakahiya namang tanggihan ito.
Namilog ang mga mata ko nang kinuha nito ang kamay ko at hinila ako palabas ng hotel, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at paginit nito nang pagbuksan nya ako ng pinto ng sasakyan nya saka umikot para sumakay narin sa drivers seat. Nginitian pa ako nito bago sinuot ang seatbelt at pinaandar ang sasakyan.
Huminto kami sa tapat ng isang Italian restaurant and I was stunned. This place looks familiar. Sinalubong kami ng isang lalaki na nakasuit at may suot na name plate, this must be the manager. Magiliw itong nakangiti kay Troy na para bang napakaimportante nito. Naramdaman ko nalang ang paghawak ni Troy sa siko ko para alalayan papunta sa table namin, habang ako ay nakamasid parin sa kabuuan ng restaurant.
Pinaghila ako nito ng upuan saka ako umupo, ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa ginawa nito. Agad naman itong lumapit sa katapat kong upuan at umupo narin saka inabot ang menu sa waiter.
Halos nangungunot naman ang noo ko habang nakatingin sa menu. “Pwede bang ikaw nalang ang umorder para sa akin?” Halos pabulong kong sambit dito. Inangat naman nito ang tingin sa akin at ngumiti, saka tumingin sa waiter.
“Two garlic pasta and chateau musar. Thank you.” Sambit nito sa waiter, agad naman itong umalis para kunin ang order namin. Nakatingin lang ako rito habang kausap ang waiter, agad nitong binaling ang tingin sa akin pagkatapos.
“Alam mo, pamilyar itong restaurant na to, kapareho ng disenyo don sa restaurant na pinupuntahan ko palagi.” Sambit ko habang nililibot ang paningin sa paligid.
“Actually, you’re right the owner of this restaurant and in the Philippines is the same.” Tugon nito, agad na napaawang ang labi ko sa narinig and left me mouthed ‘wow’.
Maya-maya lang ay dumating na ang order namin, agad na nagningning ang mga mata ko nang Makita ko ang pagkain, natakam ako kaya agad ko iyong tinikman, halos mapapikit pa ako sa sarap ng pasta na kinain ko, pero natigilan ako nang mapansin kong nakatingin sa akin si Troy, hindi lang basta tingin. Nakatitig ito sa akin! Kanina pa ba nya ako tinititigan? Agad akong tumikhim at tinakpan ng palad ang punong-puno kong bibig.
“Sorry ha, ang sarap kasi ng pasta. Tama ka nga masarap ang pagkain dito.” Nahihiya kong sambit habang may laman pa ang bibig. natawa naman ito sa akin saka ako pinamulahan ng pisngi, mukha ba akong ewan sa itsura ko? Natakam kasi talaga ako sa pagkain, isa pa gutom na gutom narin ako.
“Cute.”
Sambit nito saka ininom ang wine, sandali akong natigilan. Did I heard it right? How can he said it so casually? Muling naginit ang mga pisngi ko at ramdam ang pangangamatis nito. Pagkatapos naman non ay tahimik na kaming kumain.
Pagkatapos ay pinasyal ako ni Troy sa mga tourist destinations na sinasabi nya, sobrang akong namangha sa mga pinuntahan naming lugar, walang mapagsidlan ang saya ko nang marating namin ang ibat ibang tourist spot sa London, gaya ng inaasahan ay alam na alam ni Troy ang pasikot-sikot sa buong London, I gasps whenever I see the charm of this place, it’s a paradise for me. Pumunta rin kami sa ibat ibang souviner shop sa lugar, namili na ako ng pasalubong ko para kay Jenny. Sigurado akong magugustuhan nya ang mga pinamili ko.
Madilim na nang magpasya kaming bumalik sa hotel, hinatid pa ako ni Troy sa tapat ng kwarto ko bago ako magpaalam dito.
“Thank you Mr. Laurent, sobrang saya ko ngayong araw na ito.” Sambit ko habang nakangiti rito, he tilted his head and crossed his arms in his chest. “Troy nalang. I’m happy that you’ve enjoyed today,Ayah.” Tugon nito, inangat ko ang tingin rito nang sambitin nito ang pangalan ko. What’s wrong with his voice? Why my heart beats fast when I hear him utter my name?
“Ayah?”
Napasinghap ako at bumalik sa ulirat nang muli nitong tawagin ang pangalan ko, pilit akong ngumiti saka nagsalita. “S-sige Troy thank you nga pala ulit. P-papasok na ako.” Halos utal-utal ko pang sambit dito. Tinugunan naman ako nito nang ngiti saka tumango.