Chapter 2

1818 Words
Pero bahagya lang itong ngumiti at sumandal sa head rest. I didn’t bother to talk again, baka gusto nyang magpahinga kaya  muli kong binaling ang tingin sa bintana. I was amazed by the view nang lumipad na ang sinasakyan namin. Hindi ko maalis alis ng ngiti sa mga labi ko habang nakatanaw rito. Sigurado akong matutuwa si Jenny kung nandito sya, sandali kong nakalimutan ang sakit na nararamdaman ko, mukhang tama nga ang kaibigan ko. Kailangan ko muna ng break sa buhay, ienjoyin ko nalang ang trip na ito. “You looks fine now.” Baritonong sambit ng katabi ko, yung lalaki kanina. Napaangat ang dalawa kong kilay at tiningnan ito ng bahagya. Ako bang kausap nya? Baka may kausap sa phone naka-earbuds lang? binalewala ko nalang ito at muling tinanaw ang bintana. “You’re not crying anymore, okay ka na ba?” Muling sambit nito. Muli ko syang binalingan ng tingin sa pagkakataong iyon ay nakakunot na ang noo ko, pero takang-taka parin rito. Nakataas na ang shades nito sa ulo kaya nakikita ko na ang kabuuan ng mukha nito. Thick eyebrows, long eyelash, a set of brown beautiful eyes, pointed nose, pinkish lips and a deep dimples on his both checks. He’s smiling! A perfect define face. Artista ba sya? “Is there something wrong with my face?” Muling sambit nito, napaubo ako at parang nabulunan sa sarili kong laway nang marealize ang pagpapantasya ko sa gwapong mukha nito. “Um, A-ako bang kausap mo?” Utal ko pang tugon. Ayah, umayos ka! “Don’t you remember me?” Nakataas ang kilay na sambit nito sa akin. Lalong kumunot ang noo ko, yes naaalala ko sya. Sya yung nakatitig na lalaki sa akin kanina sa airport right? “A, yeah. Nagkita na tayo kanina sa airport, nagkatitigan actually.” Tugon ko, sabay nagpakawala ng wirdong ngiti. What exactly did I say? s**t. Hindi na ito tumugon pa at nanatili nalang na nakatitig sa akin, kagaya ng titig nito kanina. Pero lalo akong kinabahan dahil kitang kita ko ang mga mata nya, kung paano nito parang sinusuri ang buong pagkatao ko. Tumikhim ako at saka nya lang binawi ang mga tingin at binaling sa ibang direksyon. Awkward. Muli akong lumingon sa bintana, pero natigilan ako nang may maalala ako. Muli kong nilingon ang lalaki na noon ay nakatingin na muli sa akin, he smiled when he saw me realizing something. “Wait.. are you?” Kunot-noo kong sambit rito nagalangan akong ituloy ang sasabihin ko dahil baka nagkakamali lang ako, pero inilahad nito ang kanyang kamay saka nagpakilala sa akin. “Yes, in Italian restaurant. I’m Troy Laurent by the way.” Tugon nito, napaawang ang labi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata. Salitan kong tiningnan ang kamay at mukha nito. That’s him! Sya yung lalaking nagabot ng panyo sa akin nung gabing nakipag-break sa akin si Dave. Inilahad ko ang kamay ko at naiilang na ngumiti rito.  He saw me in my miserable state.  Gosh! Oo nacucurious ako kung sino yung lalaking nagmagandang loob na nagabot ng panyo sa akin, pero hindi ko naman expected na magkikita pa kami. At dito pa sa eroplano. “Are you going to London?” Muling tugon nito. Ngumiti ako ng bahagya at saka nagsalita. “Oo, um. Bakasyon lang.” Naiilang kong sambit. “Thank you nga pala don sa panyo mo, hindi ko na naibalik sayo.” Dugtong ko, muli naman itong ngumiti saka tumango. “It’s okay, mag-isa ka lang ba magbabakasyon sa London?” Sambit nito habang nakatingin sa akin. Tumango lang ako saka iniiwas ang tingin rito. What’s wrong with me? Baka kasi dahil nakita nya ako kung paano ako humagulgol nung gabing iyon kaya ganun nalang ang pagkailang na nararamdaman ko.  “By the way what’s your name?” Dugtong nito saka bahagyang yumuko para hanapin ang mata ko, napaawang naman ang labi ko at agad itong nilingon. Oo nga pala! Ayah ano kaba? Bakit parang nawawala ka sa sarili? “Sorry, Ayah Valdez nga pala.” Tugon ko, hindi ko alam kung anong reaksyon ang pakakawalan ko dahil nakangiti habang nakatingin ito sa akin, I don’t know but I thought a light flashes on those smiles, dahil ba sa dimples nya? O nababaliw ka lang talaga Ayah? -- “Nice to meet you, Ms. Ayah Valdez.” Sambit nito nang makalabas na kami ng eroplano. Ngumiti naman ako rito saka tumugon.  “Thank you.” Maiksi kong sambit saka tumalikod na rito at umalis.  Natulog nalang ako sa buong byahe at hindi na sya kinausap pa, marahil ganun rin ang ginawa nya. Sayang at hindi ko nadala ang panyo nya, mukha naman syang mabait at baka naawa lang sya sa akin nung gabing iyon.  I do believe in destiny pero kapag ikaw na mismo ang nakaranas non, nakakaloka pala no? sa dinami-dami kasi ng mga tao sa pilipinas at sa mundo, akalain mong makakasakay ko pa sya sa eroplano. Nakakatawang isipin ang mga bagay na iyon. Malamig na klima ang bumungad sa akin nang makalabas ako ng airport, alam nyo yung kapag nagbubukas ka ng refrigerator? Yung ganung pakiramdam. Napasinghap ako at nilanghap ang hangin ng London. Finally I’m here! Sa labas ay may bus na nakaabang papunta sa hotel na pagsstay-an ko sa buong trip. Kasama iyon sa binayaran ko sa hotel, it’s a doble decker bus at sa taas ako pumwesto para makita ko ang syudad at mga madadaanan namin. Ibang- iba ang ambiance dito kumpara sa Manila, kahit papaano ay nawala ang lungkot ko sa mga tanawin na nakikita ko.  Natatanaw ko rin mula rito ang London eye, wala akong ibang magawa kundi ang mapanganga. Dati sa tv o magazine ko lang ito nakikita pero ngayon ay abot kamay ko na. Kumuha narin ako ng mga litrato. Muli akong napanganga nang bumaba ako ng bus, nakatingala ako sa taas ng hotel na binook ko, nilibot ko ang paningin sa paligid ng lobby. At wala akong ibang bukang bibig kundi ang salitang “Ang ganda”. Dumeretso ako sa reception area para makuha ang susi ng kwarto ko, nakangiti naman ang tatlong babaeng naroon at ang isa ay binati ako. “Good day mam, what can I do for you?” Tanong nito. “I have a reservation here.” Tugon ko. “Okay, what’s your name?” She asked. “Ayah Valdez.”/ “Troy Laurent.” Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko na kausap rin ng isa pang receptionist at narinig ang pangalan nito, nanlaki ang mga mata ko nang makitang muli ang lalaking kasabay ko sa eroplano. Nakatingin rin sa akin at ngumiti kasabay ng pagawang ng labi nito na parang hindi rin makapaniwala na makita ako. “Ms. Ayah Valdez?” Patanong nitong sambit sa pangalan ko, hindi ako nakasagot para akong computer na biglang nag-lag saka natawa ng bahagya. “Mr. Troy Laurent, dito ka rin ba nakabook?” Sambit ko rito, nginitian lang ako nito at tutugon na sana ngunit parehong naagaw ang atensyon namin sa receptionist na nagabot ng mga kanya kanya naming key card. Lumapit sya sa akin pagkakuha ng keycard nya saka muling ngumiti. “I can’t believe this.” Sambit pa nito, I agreed to him. Akalain mo iyon, sa dinami dami ng mga hotel sa London, dito rin sya nakabook. Sabay na kaming naglakad papunta sa lift. “How many days are you stayin here?” Tanong nito habang naghihintay kami sa harap ng lift. “Seven days, ikaw? Ano nga palang ginagawa mo dito?” Tugon ko. “I have a business here, I don’t know until when I will stay. Alam mo maraming magagandang spots dito sa London, sigurado akong mageejoy ka. Baka nga magextend ka pa ng vacation e.” Aniya, ngumiti naman ako at sumang-ayon. Di pa man ako nakakarating dito ay inalam ko na ang mga tourist spots sa London at dami ay hindi ko alam kung mapupuntahan ko lahat ng iyon. Sabay kaming pumasok sa lift at nang pipindutin ko na ang floor ng room ko ay napatingin ako sa daliring naunang pumindot ng number, napatingin ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko. “Don’t tell me, same floor tayo?” Nanlalaki kong matang sambit rito. “I guess so.” Tugon nito saka napakamot nalang sa batok. “Siguro naman magkaiba tayo ng kwarto diba?” Muli kong sambit dito, natawa naman ito sa sinabi ko pero ako ay nanatiling nakaawang ang labi. -- Halos malaglag ang panga ko habang nakatingin sa labas ng kwarto ko at katabing kwarto, nakatayo rin si Troy sa tabi ko na halos hindi rin makapaniwala, magkatabi lang ang kwarto naming dalawa. Isang wirdong tawa ang pinakawalan ko, hindi ko alam kung bakit. “Sigurado kang coincidence lang ito?” Sambit ko rito, pero imbis na sagutin ako ay inangat nya lang ang dalawang balikat at natawa sa akin. “S-sige, magpapahinga na ako.” Dugtong ko saka pumasok na sa loob ng kwarto. Kunot noo kong sinara ang pinto pero agad itong napawi nang pumihit ako at makita ang kabuuan ng kwarto, bumungad sa akin ang glass wall na may malalaking kurtina, queen size bed at isang set ng sala sa gilid may flat screen tv rin sa pader at sa kabilang banda ang kusina. Binuksan ko ang isang pinto ang bumungad sa akin ang malinis at napakagandang c.r, hindi naman kalakihan ang kwarto pero sasapat na ito para sa dalawang tao. Bumagsak ang dalawang balikat ko nang muling maalala si Dave, this is one of our bucket list. Pero ako nalang mag-isa ang tumupad ng pangarap na iyon. Kinabukasan ay maaga akong gumising para mamasyal at first stop ko ang big ben at Westminster abbey. Nagsuot ako ng itim na turtle neck longsleeves at maong na pants saka ko pinatungan ng beige na coat at boots. Malamig sa labas kaya nagdala narin ako ng gloves in case na lamigin ang mga kamay ko, niready ko narin ang camera at maliit kong sling bag saka lumabas na ng kwarto ko, sakto namang lumabas rin si Troy sa kwarto nito, sandali pa kaming nagkatitigan, he’s wearing a white inner shirt comes with a trouser at itim na coat. Ngumiti lang ito, hindi ko maiwasang titigan ang napakagandang kabuoan nito, para kasi syang artista, yung tipo nang lalaki na magugustuhan agad ng mga kababaihan sa isang tingin palang, at ang mga makabuluhang pagtitig nito, hindi ko alam kung naghahalucinate lang ako pero sa tuwing nahuhuli ko syang nakatingin sa akin para bang binabasa nya ang kaloob looban ko, kaya hindi ko maiwasang maintimidate kapag nakatingin ito sa akin, ngumiti rin ako rito saka umiwas na ng tingin.  “Good morning. Ms. Ayah Valdez.” Nakangiting bati nito sa akin. “Good morning din Mr. Troy Laurent.” Tugon ko saka tumungo na sa lift, naramdaman ko ang mga yabag nito papalapit sa akin, may kakaibang kaba akong naramdaman. Ano ka ba naman Ayah? Masyado ka namang nagiisip ng kung anu-ano malamang aalis sya, kailangan din nyang sumakay ng lift. Kindi ko alam pero ang bilis ng t***k ng puso ko. Hindi naman sya mukhang masamang tao, actually tinulungan nya pa ako e. Pero ewan, parang may kakaiba. Bago ako makalabas ng lift ay napalingon pa ako nang marinig kong tinawag nito ang pangalan ko. “Ms. Valdez.” Baritonong sambit nito, pumihit naman ako para lingunin ito. “Mag-iingat ka.” Dugtong nito. “Thank you.” Tugon ko saka ngumiti rito, tinitigan ko pa ito bago tuluyang makaalis. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD