Muli ako nitong nginisian saka mabilis na tinawid ang pagitan namin at mariin akong hinalikan, nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nito. Mabilis lang iyon pero bolta-boltaheng kuryente ang nagsiakyatan sa mga ugat ko. “Waiting for this huh?” He said with a husky voice, nakailang kurap ako bago ko nagets ang pangaasar nito, kinunutan ko ito ng noo. Pero bago pa ako magsalita ay hinawakan na nito ang kamay ko at hinila ako palabas ng beach house. Dinala nya ako sa karugtong na kabilang bahay ng beach house, mayroon doong malaking dining area, at nakalatag doon ang iba’t ibang klase ng seafood. Napaawang ang labi ko, parang ang sarap non! Nakaramdam ako bigla ng gutom, nakita ko ang isang matandang babae na naglalapag pa ng ibang putahe, ngumiti ito sa amin saka binati si Troy. “Good Afte

