Ilang araw lang at nagpasya na kami ni Troy na bumalik ng Manila, ayaw pa niya pero pinilit ko na dahil panay narin ang tawag ng mga tauhan niya sa kumpanya at ni Charles. Ayoko namang matambakan siya ng trabaho, isa pa hindi lang naman kami ngayon pwedeng magbakasyon, marami pa kaming pagkakataon dahil sisiguraduhin kong wala nang makakapag-hiwalay sa aming dalawa. Nakangiti kaming lumabas ng sasakyan halos ayaw bitawan ni Troy ang kamay ko, humarap ako rito saka ngumiti. “Nandito na tayo sa bahay, pwede mo nang bitawan ang kamay ko.” Sambit ko, nagdesisyon kaming sa bahay niya umuwi at ipakuha nalang sa tauhan niya ang mga gamit na naiwan ko sa hotel. Ngumisi ito saka hinalikan ang likod ng palad ko. “No, I’m going to hold your hand forever, you might runaway again from me.” Aniya,

