bc

XIAN (Villa real series 1)

book_age18+
217
FOLLOW
1.7K
READ
HE
billionairess
heir/heiress
serious
like
intro-logo
Blurb

Lumaki si Alona na palaban sa hirap ng buhay. Bata pa siya ng maulila sa magulang kaya naman lahat ng klase ng pagkakaperahan pinasok niya. maliban ang pagbebenta ng laman. Mabuhay lang kaya kilalang kilala siya sa kamaynilaan. Isang araw may pinasok siyang Condo para magnakaw kaso hindi niya akalain na magiging witness siya sa isang Crimen sinunog ang buong building dahil doon nawala ang memorya niya nagkaroon siya ng Temporary amnesia at pagkagising niya isa na siyang fiance ng pinaka batang business tycoon.Sa buong mundo na si Kian Villa real. Pero ng makilala niya ang lalake parang iba ang nararamdaman /niya rito parang galit ito sa kanya. Samantalang nagpangap naman si Xian na si Kian ng malaman niya na nagkaroon ng temporary amnesia ang fiance ng kapatid upang malaman ang tunay na nangyari sa kapatid. Pano kung hindi lang ang pagkamatay ng kapatid niya ang malaman niya? Matutunan niya rin mahalin ang dalaga paano niya pipigilan ang sarili na umibig sa inaakalang niyang fiance ng kapatid niya. Mamahalin niya pa kaya ito kung malalaman niya ang tunay na pagkatao ng dalaga.?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Kumusta ang lakad mo kagabi?" Tanong sa akin ni Liam. Ang isa sa kababata ko. "Ayos naman kaya lang nandun na naman si Parak binabantayan ako." Sabi ko dito. "Kahit anong bantay naman nun sayo wala namang nagagawa yun. E mas madulas ka pa sa palos kung kumilos." Sabi nito sa akin napangiti na lang ako. Kumuha ako ng mugs at nagtimpla ng kape saka naupo sa bangko na nasa tabi ng lamesa at itinaas ang isang paa sa bangko. "Ikaw kumusta naman ang lakad niyo kagabi?" Tanong ko dito. "Wala bokya wala naman palang laman yung bahay na yun. Muntik pa kaming mahuli." Sabi nito. Natawa ako dito. "Hindi niyo muna kasi binibistahan bago niyo pasukin. Hindi yung pasok na lang kayo ng pasok." Sabi ko dito, kakamot kamot ng ulo ito. " Ikaw kasi ayaw mong sumama sa amin. Gusto mo lagi ang nagsosolo." Sabi nito. " Mas maganda kasi ang nagsosolo ka. Wala kang iniintindi na iba. Saka kung sumama ako sa inyo, di nahawa pa ako sa kabokyaan niyo ngayon. " Sabi ko dito. Natawa siya. " Bakit ka nga pala nandito? " Tanong ko sa kanya. " May nakapag sabi sa akin na marami ngayon tao sa plasa. Tingnan natin baka may mapagkakaperahan tayo. " Sabi ni Liam sa akin. " Sige antayin mo ako maliligo lang ako at magbibihis. " Sabi ko sa kanya. ****** "Grabe ang daming tao dito. Anong meron? " Tanong ko sa kanya. " Tangi fiesta kasi ngayon. " Sagot nito sa akin. " Uy! Alona." Tawag a akin ng isang lalake. Napatingin ako dito. " Sama ka sa amin mamaya. Siguradong magkakapera ka." Sabi nito sa akin. Napakunot ang noo ko. "Oo nga, may panlaban na dala sila Caloy. Alam kong yakang yaka mo yun." Sabi nito sa akin. Napatingin ako sa lalake na papunta sa gawi namin. Napatingin din sila dito. "Naku nandiyan si Parak. Batche na kami. basta daanan ka namin mamaya Alona." Sabi nila saka umalis na. "Saan na naman ang lakad niyo ha? Siguraduhin mo lang na hindi kita maaktuhan kundi sa bilibid ang bagsak mo. Sisiguraduhin ko na hindi kana makakalabas." Sabi nito sa akin. Napangiti ako dito. "Alam mo ayaw mo lang aminin na may gusto ka sa akin. Kaya gustong gusto mong malaman kung saan ang mga lakad ko dahil ang totoo nagaalala ka sa akin." Sabi ko dito. Inis na tiningnan ako nito. *Alam mo ang kapal ng mukha mo rin no. Ako magkakagusto sayo?" Sabi niya saka tiningnan ako mula ulo hangang Paa. " Sa bagay may gusto talaga ako sayo gustong guato ko talagang posasan ka at dalahin sa kulungan. dahil alam ko na ikaw na naman ang may pakana sa nakawan na nangyari kagabi sa may Pasay road." Sabi nito. Natawa si Liam. " Bakit may ebedensiya ka? Kung makapag bintang ka wagas. Akala mo nakita mo talaga na ako ang may gawa nun. " Sabi ko sa kanya. " Huh, pasasaan bat mahuhuli din kita." Sabi nito saka umalis na. Tawa ng tawa si Liam sa akin. "Whoo! Para kayong mag boyfriend. " Sabi ni Liam. " May LQ ba kayo? " Pangaasar ni Liam sa akin. Binatukan ko ito. Tawa ng tawa ito. " Halika na nga kumain na nga lang tayo ng lugaw, hindi ako magkakapera dito. " Sabi ko sa kanya. " Yown oh! Yan ang gusto ko sayo e." Sabi nito. Kumain na lang kami ng lugaw sa tawid. Pagdating ng gabi dinaanan Kami nila Roel yung kausap ko kanina. Umangkas kami sa sasakyan nito. Dumeretso kami sa lumang bodega. Nakita ko na maraming sasakyan ang nakaparada sa labas. Pumasok kami sa loob. " Hey bro! Kumusta? " Sabi ng isa sabay tapik sa balikat ni Roel. " Ayos lang bro." Sagot naman ni Roel dito. Napatingin ito sa akin. " Uy! Kasama mo pala si Alona." Sabi nito sa akin. " Ikaw ba ang lalaban sa dala nila Caloy?" Tanong nito sa akin. Nagkibit balikat lang ako. " Kung ganun maganda pala ang gabi na ito. " Sabi nila. Saka nakipag pustahan na sa mga lalake na narito. Pumasok kami sa loob. Nakita ko ang kasama na babae nila Caloy. Kulot na kulot ang buhok nito at medyo mataba ito. " Roel! Ano may dala ka na panlaban sa alaga namin? " Tanong ni Caloy kay Roel. "Oo naman at kilala mo siya." Sabi ni Roel dito. Napatingin sa akin si Caloy "Anak ng putcha si Alona pala ito. Mukhang mapapalaban ang alaga namin. Pero sinasabi namin sayo Alona magiingat ka dahil siguradong mapapalaban ka sa amin ngayon." Sabi ni Caloy sa akin. Tumingin lang ako sa babae na kasama nila. Ngumise ito sa akin. Nagusap sila Roel at si Caloy. Maya maya lumapit na sa akin si Roel. "Ayos na Alona." Sabi niya sa akin. Nagkaingay na ang mga tao. "Dating gawi." Sabi ni Roel. Tumango ako. Hinubad ko na ang suot na jacket ko saka pumunta sa gitna. Nakatirintas ang buhok ko na mahaba. Naka crop top ako na kulay itim at itim na pants na pinarisan ko ng rubber shoes na kulay puti. Pinagharap kami ng babae na kasama nila Caloy ng isang lalake. "Pwede lahat ng klase ng atake. Bawal lang ang sandata. Itaas ang kamay kapag susuko na sa laban naintindihan niyo?" Tanong niya sa amin Tumango kami. "Kung ganun umpisahan na ang laban!!" Sigaw nito. Agad na inatake ako ng babae. "Whoo! Masyado kang mainit." Sabi ko sa kanya sabay iwas. Seryoso siya na nakatingin sa akin. "Matagal na kitang gustong makaharap." Sabi niya sa akin. "Talaga? Hindi ko alam na na lihim na tagahanga pala kita." Sabi ko sa kanya ngumise siya. "Matagal ko ng gustong patikimin ka." Sabi niya sa akin. Tumawa ako ng malakas. Nainis siya. Agad na sinugod niya ako. Mabilis na umiwas ako sabay bigwas sa tagiliran niya. Napaigik siya. Naghiyawan ang mga tao sa paligid namin. "Ano na, akala ko ba patitikimin mo ako?" Pangaasar ko sa kanya. Inis na tumingin siya sa akin. Humalakhak ako. Kaya inis na sinugod niya ako. Pero mabilis na iniwasan ko ito. Sinugod niya uli ako ng sipa pero mabilis kong sinalo ang sipa niya sabay hawak sa paa niya saka siniko ko ang hita niya. Napaluhod siya sabay sipa sa mukha niya. Walang malay itong bumagsak. Sumigaw sila Roel. "Walang kahirap hirap." Sabi ni Roel. "Sabi ko na nga ba na yakang yaka mo yan." Sabi uli nito. Umiiling na nakipag kamay si Caloy kay Roel. Nagbayaran sila. Saktong inaabot sa akin ang bayad ko ng magkagulo. "s**t! Alona nandiyan ang boyfriend mong Parak sinusundo ka na naman." Sabi ni Liam. Kaya mabilis na pumuslit kami papunta sa likod. "Bwisit na parak talaga yan. Bwisit talaga sa buhay ko." Inis na sabi ko habang tumatakbo. Tawa ng tawa si Liam ng makalayo kami sa lugar nagkahiwahiwalay kami nila Roel. "So pano saan tayo?" Tanong ni Liam sa akin. "Saan pa sa dating gawi." Sabi ko dito. Dumeretso kami sa club. "Alona baby!" Tili ng isang babae sa akin sabay yakap sa akin. "Himala naalala mo ako ngayon." Sabi nito sa akin. Siya si Chesca isa ko pang kababata. Pare pareho kami na nakatira sa skwaters erea. "Wala siya kasing lakad ngayon." Sagot naman ni Liam. "Ang sabihin mo katatapos lang ng lakad niyo. Kailan pa na walan ng lakad yan no." Sabi naman uli ni Chesca. Tumawa si Liam. Naupo kami sa sulok. Tinawag ni Liam ang waiter omorder ng inumin namin. " Bakit mukhang naka bakante ka ngayon? " Tanong ko dito. " Wala si Chekwa hindi dumating kaya mahina ang kita ko ngayon. " Sabi ni Chesca. Binigyan ko siya ng alak. "Saan kayo galing ngayon?" Tanong uli ni Chesca sa amin. "Diyan sa lumang bodega." Sagot ni Liam dito. " Sa lumang bodega? Ano naman ang ginawa niyo dun?" Tanong nito sa amin . Hindi ako umimik. "Wag niyong sabihin na...." Sabi nito at hindi na tinuloy ang sasabihin niya. "Wag kang magalala yakang yaka naman ni Alona ang kalaban niya ni hindi nga siya pinagpawisan dun." Sabi naman ni Liam. "Ikaw siguro ang pasimono na naman no?" Sabi niya dito. Kumamot naman ng ulo si Liam. "Hindi ah, nakikinig nga lang ako sa usapan nila ni Roel." Sagot nito kay Chesca. "Si Roel na naman." Inis na sabi ni Chesca. Magsasalita sana ako ng kalabitin ako ni Liam saka tinuro ang pintuan. "Ang boyfriend mo dumarating." Sabi nito sa akin. Sabay kami ni Chesca napalingon dito. "Boyfriend mo mukha mo." Sabi ko dito sabay kuha ng alak at tinungga ito. Tumawa si Liam. "Ayaw mo akin na lang siya. Ang gwapo kaya niya." Malanding sabi ni Chesca sabay tayo. "Hi! Kaizar." Malambing na sabi nito ng lapitan ang pulis na laging nakasunod sa akin. "Alam mo kung hindi ko lang alam na parak yan, sasabihin ko na stalker mo yan. Lagi kasing nandun yan kung nasaan ka." Sabi ni Liam. Tumawa ako ng mapakla. Madaling araw na kami nakauwi. Dahil hinintay pa namin si Chesca. ****XIAN POV#*** "Boss may email sayo." Sabi ng tauhan ko saka inabot sa akin ang isang sulat. Binasa ko ito na lungkot ako ng mabasa ko ang sulat. Nadisgrasya ang mga magulang ko bumangga ang sasakyan ng mga ito Patay na ng dalahin sa hospital. 'Boss uuwi po ba kayo ng pilipinas? " Tanong ni Diego sa akin ang kanang kamay ko. " May darating na malaking Shipment hindi ako makakauwi." Walang imosyon na sagot ko dito. Tumango ito. Kinabukasan nakatangap ako ng tawag galing sa lola ko. "Pasensiya na La hindi po ako makakarating, may importante akong kailangan gawin. Dadalaw na lang po ako sa kanila pag natapos po ako sa gagawin ko." Sabi ko sa kanila. Hindi kasi ako pwedeng umalis ngayon kahit gustuhin ko. May malaking shipment kami na parating ngayon hindi ko pwedeng ipagkatiwala sa mga tauhan ko ang mga yun kundi malaking halaga ang mawawala sa akin at oras na mabulilyaso ito maari itong maging sanhi ng kaguluhan. Huminga na lang ako ng galit na binabaan ako ng phone nito. "Pasensiya Ma, Pa. Promise pupuntahan ko kayo pag natapos ang ang shipment na gagawin ko." Bulong ko. Alam ko na magagalit na naman sa akin ang pamilya ko lalo na ang kapatid ko. Pero wala akong magagawa iba ang mundo na ginagalawan ko kesa sa mundo na ginagalawan nila. Nalaman ko na inilibing na ang mga magulang ko ayun sa pinsan kong si Reeve. "Bakit hindi ka na naman pumunta? Alam mo ba na hinahanap ka nila dito." Sabi nito sa akin. " Alam niyo naman ang sitwasyon ko. Hindi ako basta basta pwedeng umalis ngayon may malaking shipment ako na parating. Hindi pwedeng ipaubaya ko sa mga tauhan ko ito." Sabi ko dito. " Alam ko na hindi niyo pababayaan si Kian. Kayo na muna ang bahala sa kanya. Pasensiya na pangako pag natapos ang shipment uuwi ako ng pilipinas." Sabi ko dito. Huminga ng malalim ito. " Ano pa nga ba ang magagawa namin. Kaso galit na naman sayo ang mga matatanda. " Sabi nito sa akin. " Ayos lang yun. Sanay na ako sa kanila." Sabi ko sa kanya. Tumawa ito. "Bilisan mo hihintayin ka namin." Sabi nito. Nagpalam na ito sa akin. Huminga na lang ako ng malalim saka pinatay ang phone ko. ***** "Boss, nakahanda na po ang lahat." Sabi ng tauhan ko. Tumango ako saka pumasok sa sasakyan. "Kumusta ang lagay diyan?" Tanong ko kay George na pinauna ko na sa location. "Ayos lang Boss dumating na sila dala ang kargamento." Sagot nito. "Sige standby lang kayo diyan parating na kami." Sabi ko sa kanila. Pagdating ko sa location nakita ko na nagkakalat ang mga armadong lalake. Bumaba ako ng sasakyan. Sinalubong ako ng tatlong lalake. "This way." Sabi ng isa sumama ako sa kanila. "Xian!!" Sigaw ng isang lalake na naka tuxedo. Tiningnan ko lang ito niyakap ako nito. " We meet again, Dude. " Sabi nito. "Where are your things? " Tanong ko dito. "You are still like that. Still impatient. " Sabi nito sa akin sabay tawa. Inakay ako nito sa dalawang truck na nasa likod. Sinenyasan nito ang tauhan niya tinanggal nito ang nakatakip dito. Tumumbad ang napakaraming armas. "That's new from Germany. That one is from Russia." Sabi niya. May inabot ang tauhan nito sa amin. " This is the double banger. It's brand new and you're the first one I brought it to. It's called a double banger because it fires twice." Sabi nito saka kinasa ang armas at pinaputok sa isang poste.Malakas nga ito. Inaya niya ako dun. " You see? He is stronger than normal weapons and he fires twice. He will shoot out of here and when he hits your target he will shoot again. It's not just that he can penetrate anywhere. That's how strong he is." Sabi niya sa akin. Tumango ako. Marami pa siyang pinakita sa akin na armas. Kinuha ko lahat yun. "Leonard, wala bang problema diyan?" Tanong ko dito. "Ayos lang Boss." Sagot nito. "Ok, good! Parating na kami diyan." Sabi ko uli dito. "Pakiramdaman ang paligid pag may problema tumawag ka agad sa akin." Sabi ko dito saka pinatay na ang phone ko saka sumakay na sa kotse. "Alis na tayo." Sabi ko sa driver ko. "Sa next location tayo." Sabi ko dito. Saka kinuha uli ang phone at may tinawagan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook