Kakatapos ko lang magbihis. Nang ipatawag ako para kumain.Pagbaba ko tahimik na naupo ako sa upuan.. Pinakikiramdaman ko ang paligid.
"Sino sa kanila ang may gusto na mawala ako?" Tanong ko sa sarili ko.
"Ayos ka lang ba iha?" Tanong ni lola sa akin.
"Po?" Tanong ko sa kanya. Tumingin sila sa akin.
"Tinatanong ko kung ayos ka lang ba?" Tanong uli ni lola sa akin.
" Ahh, Ayos lang po lola."Sagot ko sa kanya.
" Mukhang malayo yata ang iniisip mo. " Sabi na naman ni lola sa akin.
" Ahh, Naisip ko lang po. Kung ako kaya
ang natamaan ng ulo ng Angel bumalik na kaya ang alaala ko?" Pagsisinungaling ko. Pero naisip ko din talaga yun kanina. Natawa si lola. Napailing naman si Kian na nasa tabi ko.
"Kung ikaw ang natamaan ng ulo ng Angel kanina. Baka hindi lang temporary Amnesia ang mangyayari sayo. Baka tuluyan ka ng makalimot sa bigat nun." Sabi nito sa akin. Inirapan ko na lang siya.
"Yabang talaga nito. Siya nga nakaya niya. Sa palagay niya hindi ko kaya ang ulo ng Angel na yun." Bulong ko sa isip ko.
"Pero pano kung imbis nga na gumaling ako. Tuluyan pang makalimot ako. Pano na ako. Haays." Bulong ko sa isip ko.
" Naku kang bata kang talaga. Bakit ba kasi yun ang nasa isip mo. Magpasalamat ka at nandun si Kian." Sabi ni lola. Napangiti si Kian sa akin. Inirapan ko ito. Umiling lang ito.
" A... Ako... Miss... Aa.. Alona.. B.. Bubuhatin ko.. Yun... Para... Sss... Sayo." Sabi ni Rey sa akin. Ngumiti ako dito. Inis na tiningnan ito ni Kian. Yumuko naman ito. Natawa si lola dito. Sinita naman ito ng Papa at mama niya.
Pagkatapos naming kumain nagyaya si lola na uminom ng tsaa sa terrace ng bahay. Pumayag ako dito. Habang nasa taas kami ng terrace nakatingin ako sa ibaba. Pinagmamasdan ko ang Angel.
"Siguro kailangan ng palitan ang Statwa na yun. Matagal na din kasi yun. Magpapatawag nga ako bukas ng magaayos niyan. Papatingnan ko narin yung buong bahay. Baka kasi may mga mahihina na pala ang pondasyon ng mapalitan na." Sabi ni lola.
" Alam kasi matagal na sana kasing pinalitan ko ang rebolto na yun. Kaso ayaw ni Kian. Kasi palatandaan niya daw yun sa mama niya." Sabi ni lola. Napatingin ako sa kanya.
" Ano po ba ang kinamatay ng magulang ni Kian? " Tanong ko kay lola.
" Car accident. Papunta sila ng airport nun ng mabangga ang kotse na sinasakyan nila." Sabi ni lola.
" Binangga po ba sila? " Tanong ko uli.
" Hindi. Nawalan daw ng break ang sasakyan nila." Sabi ni lola. Napakunot ang noo ko.
" Nawalan ng break ang sasakyan ng magulang ni Kian? " Wala sa sariling tanong ko uli.
" Oo iha. Tumagas kasi yung langis hindi napansin ng driver nila na tumatagas ang langis ng sasakyan. Buti nga hindi ito sumabog." Sabi uli ni lola. Napaisip ako. Nagpaalam na sa akin si lola nanakit na daw ang likod niya. Kaya hinatid ko siya sa silid niya.
" Haay, ganito na yata ang tumatanda madaling mapagod." Sabi nito habang humihiga sa higaan niya. Kinumutan ko ito. Saka nagpaalam na ako dito. Paglabas ko ng silid ni lola bumalik na ako sa silid ko. Napapaisip ako sa nangyari sa magulang ni Kian.Umiling na lang ako.
***XIAN POV#***
Kanina ko pa sila ni lola pinagmamasdan. dito sa baba napapaisip ako sa mga nangyayari.
"Papuntahin mo ang ibang mga tao natin dito. Kailangan ko sila." Sabi ko sa kanang kamay ko.
"Areglado Boss." Sagot nito sa akin.
Pinatay ko na ang tawag. May kinontak uli ako.
" Pwede ka bang pumunta dito may ipapakita lang ako sayo. " Sabi ko dito.
" Ano naman yan? May ginawa ka na naman ba? Dapat si Zuriel ang tinawagan mo hindi ako. Ng makausap niya yang naatrasuhan mo." Sagot nito sa akin. Uminit agad ang ulo ko. Saka tiningnan ang CP ko.
"Tingnan mo tong gagong ito. Hindi ko pa nga sinasabi kung ano ang ipapatingin ko sa kanya. Ang dami na agad sinasabi. " Bulong ko sa isip ko.
" Ano bang sinasabi mo. Sabi ko may ipapakita ako sayo. Hindi ko sinabi na may ipapaayos ako sayo. Magkaiba yun naiintindihan mo? " Sabi ko sa kanya. Tumawa naman ito.
" Sorry naman na sanay na kasi akong tumatawag ka sa amin kapag may ipapaayos ka." Sabi nito. Inis na tiningan ko ang CP.
" Ano ba yang papatingnan mo sa akin? " Tanong uli nito
" Basta pumunta ka na lang dito. Ang hilig mong magtanong. Bakit kaya pagka NBI pa ang kinuha mo dapat reporter O kaya. Imbistigador." Sabi ko sa kanya. Natawa ito sa akin.
" Sige pupunta ako diyan bukas."
Sabi nito sa akin.
"Sige hihintayin kita difo." Sabi ko sa Kanya.
Kinabukasan maaga pa ng dumating ito. katatapos ko lang magjugging ng dumating siya. Nakita ko na kausap siya ni lola.
"Ano ba kasi ang ipapakita mo?" Tanong niya sa akin. Dinala ko siya sa tabi ng Fountain kung nasaan ang putol na ulo ng Angel.
"Eto." Sabi ko saka kwenento ang mga nangyari nitong nakaraang araw.
"Na kwento nga din ni lola sa akin yan.
Napapaisip nga din ako diyan. Kung kasabwat siya bakit mukhang gusto na nilang tuluyan ito. Ibig sabihin may kinatatakutan sila na mangyari oras na magbalik ang alaala ni Alona. " Sabi nito.
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Kung ganun pala kailangan ko na siyang bantayan ng maigi." Sabi ko sa kanya.
"At eto pa ah. Ng masabi ni lola ang nagyari pinuntahan ko agad ang Angel.
Nakita ko na hindi ito kusang naputol. May nagputol nito. Sinadya nitong hindi pugutin ng buo ang leeg para pag tiningnan niyo mapagkakamalan niyo na naputol lang ito ng kusa." Sabi ni Zuriel.
" Kung ganun sino ang gustong pumatay sa kanya? " Tanong ko sa isip ko.
"Maaring nandito lang siya sa paligid niyo. Nagpapanggap lang. " Sabi uli nito.
Napaisip ako sa sinabi niya.
Gabi na naisip ko kung Sino ba ang tunay na kalaban dito sa bahay.