Katatapos ko lang magpatuyo ng buhok ko ng ipatawag ako para kumain. Bumaba ako. Nakita ko na nasa dining erea na silang lahat. Pinaghila ako ng upuan ni Kian. Naupo ako sa tabi niya. Wala kaming imikan habang kumakain. Naguusap si lola at ang tita niya. Napatingin sa amin si lola.
"Masarap itong crab iha tikman mo. Ipagbiyak mo nga siya Kian." Sabi ni lola napatingin si Kian dito.
Napatingin naman ako kay Kian. Huminga ito ng malalim. Aktong kukuha na ito ng crab nagsalita ako.
"Ako na, salamat na lang. " Sabi ko sa kanya. Saka kumuha ng crab tiningnan ko sila kung papano nila ito kinakain ng hindi ginagamit ang kamay. Kinuha ko ang kutsilyo sa tabi ko. Pero nahihirapan ako dahil hindi ko alam gamiti ang mga nasa tabi ng pingan ko. Nakita ko na tinatawanan niya ako. Inis na inirapan ko siya. Saka hinawakan ang crab saka biniyak ito gamit ang kamay. Kumain na ako habang kinakamay ko ang crab. Napalingon ako sa kanya. Nakakunot ang noo niya na tinitingnan ako.
" Bakit?" Tanong ko sa kanya na nakataas ang kilay. Umiling na lang ito. Natawa si lola sa akin.
Saka pinagpatuloy ang paguusap nila.
"A... Ako.. G.. Aya sa... Yo...M... Miss.. Alona." Sabi ni Rey. Saka nagkamay narin. Tuwang tuwa ito habang naglakamay.
Nginitian ko ito. Saka inirapan si Kian. Napapailing na lang ito habang kumakain. Saka huminga ng malalim. Hindi ko na ito pinansin.
Nagising ako na nababanyo ako. Bumangon ako saka nagmamadaling pumasok sa banyo. Paglabas ko nagulat ako ng makita ang isang nakaitim na lalake. Na nakatalikod sa akin. Nagulat din ito. Naka bonet ito ng itim. Nakita ko ang kamay nito na may hawak na patalim. Bigla nitong inunday sa akin. Pero naiwasan ko ito. Nahawakan ko ang braso nito. Nakita ko ang tattoo nito sa braso. Naalala ko ang lalake na nagtangka sa akin sa ospital. Agad na tinuhod ko ito sa tagiliran. Napaatras ito. Pero sinugod ako uli nito ng saksak. Pero mabilis na iniwasan ko ito pero nasikmuraan ako nito. Pero hinablot ko ang bonet niya. Nagulat ito. Nagmamadali na tumakbo ito sa pintuan. Tumayo ako saka nagmamadali na lumabas ng silid ko. Wala akong nakitang tao. Ang dilim sa labas pinatay ang ilaw. Ng aktong tatakbo ako papuntang hagdan may nakabangga ako. Agad na naging alerto ako. Tinulak ko ito saka hinanda ang sarili.
"Hey! It's me." Sabi niya napatingin ako sa mukha niya. Napakunot ang noo ko. Binuksan nito ang ilaw. Napakunot ang noo nito ng makita na nagdudugo ang braso ko. Napatingin ako sa tinitingnan niya.
"Anong nangyari?" Tanong niya sa akin. Sabay hawak sa braso ko. Magsasalita pa sana ako pero nakaramdam ako ng hilo. Bago pa ako makapagsalita nawalan na ako ng malay.
"s**t! Poisonous ang patalim na nakasugat sa kanya." Bulong ni Xian. Saka binuhat si Alona.
"Ihanda mo ang sasakyan dadalahin natin siya sa ospital bilisan mo." Sabi nito sa tauhan niya. Nagamamdali itong kinuha ang sasakyan.
Nagising ako na nasa isang silid ako. Nakarinig ako ng bulungan. Pagdilat ko nakita ko si lola at si Kian. Nilapitan ako ni lola.
"Kumusta kana iha?" Tanong ni lola sa akin.
"Ayos na po ang pakiramdam ko. Medyo nahihilo lang ng konti." Sabi ko kay lola.
"Ano bang nangyari sayo?" Tanong uli ni lola sa akin.Naalala ko ang lalake na pumasok sa silid ko.
"M.. May pumasok sa silid ko na nakaitim na lalake." Sabi ko kay lola. Napahawak ito sa bibig niya.
"Gusto niya akong saksakin lola pero lumaban ako kaya hindi niya na gawa ang balak niya sa akin." Sabi ko uli.
"Nakilala mo ba siya iha?" Tanong uli ni lola sa akin. Umiling ako.
"Naka bonet siya lola. Nang matanggal ko ang bonet niya nagmamadali itong tumakas." Sabi ko uli.
"Pero may nakita akong palatandaan sa kanya. May tattoo siya ng scorpion sa kaliwang braso. Siya din lola ang nagtangka sa akin sa ospital." Sabi ko kay lola. Napapaisip ako.
"Magpahinga ka muna iha para bumalik ang lakas mo. May lason ang patalim na nakasugat sayo. Buti na lang alam ni Kian ang first aid kaya umabot kapa sa ospital." Sabi ni lola sa akin.
"May lason ang patalim?" Bulong ko sa isip ko.
"Kung ganun may gustong pumatay sa akin. Pero bakit? " Tanong ko sa isip ko. May mali talaga sa nangyayari sa akin. Kinabukasan inuwi din nila ako.
" Pinaimbistigahan na namin ang nangyari sa bahay. " Sabi ni lola sa akin.
" Nagpadala narin si Reeve ng mga tao niya para magbantay sa bahay." Sabi uli ni lola sa akin.
Hindi ako umimik. Busy ang utak ko sa isang bagay.
"Kailangan ko siyang paghandaan alam ko na hindi siya titigil. Babalikan niya pa ako alam ko." Bulong ko sa isip ko.
"Ihatid mona sa silid niya si Alona Kian." Sabi ni lola. Tumango ito.
"Hindi na lola kaya ko na." Sabi ko. Napatingin siya sa akin. Hindi ako umimik umakyat ako sa taas at pumasok sa silid ko.
"Hindi ako pwedeng magtiwala hindi ko alam kung sino ang kalaban ko. Hindi ko rin alam kung bakit nais niya akong patayin. Hindi ko din kilala ang mga tao sa paligid ko dahil wala akong naaalala." Bulong ko habang nakahiga ako.
"Yung lalake na yun parang nagugulat siya sa kaya kung gawin. Parang hindi niya rin ako kilala. " Bulong ko. Huminga ako ng malalim. Ipinikit ko ang mga mata ko. Maya maya dinilat ko din agad. Parang nararamdaman ko na hindi ako nagiisa sa silid ko. Bumangon ako saka nilibot ang paningin ko sa silod ko. Bumango ako tiningnan ko ang CR. Walang tao. Dahan dahan akong lumapit sa closet. Saka agad na binuksan ito. Wala akong nakita. Pero bukas ang bintana dito. Sumilip ako dito nakita ko na likod bahay ito. Mataas ang tatalunan niya. Huminga ako ng malalim. Pero ng aktong lalabas na ako. Napakunot ang noo ko ng makita ang sulat sa may salamin ng tokador ko. Gamit ang lips stick.
"Umalis ka na kung gusto mo pang mabuhay. Kung hindi mamatay ka." Basa ko sa sulat. Napakunot ang noo ko.
" Sabi ko na nga ba may tao dito kanina. Pero bakit nais niya akong umalis? " Tanong ko sa isip ko. Napapaisip ako.