Nagising ako na nasa isang silid ako. Aktong tatayo ako ng sumakit ang ulo ko napahawak ako sa ulo ko saka napahiga uli. Sakto naman bumubukas ang pintuan pumasok ang isang matandang babae. Napalapit ito sa akin ng makita na gising na ako.
"Naku gising kana pala iha." Sabi nito sa akin. Napatingin ako sa kanya.
"Ayos lang ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya sa akin.
"Nasaan ako? S.. Sino kayo?" Tanong ko sa kanya.
"Nasa Ospital ka. Ako nga pala si Lola Amor ang lola ni Kian." Sagot nito. Napakunot ang noo ko.
"K... Kian? Sinong Kian?" Tanong ko sa kanya. Nagtataka na napatingin ito sa akin. Magsasalita pa sana uli ito kaso napahawak uli ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit dito. Natataranta na pinindot nito ang botton na nasa tabi ng higaan ko. Maya maya dumating ang isang doctor at dalawang nurse. Maya maya may tinurok ang mga ito sa akin. Nakaramdam ako ng ginhawa pero maya maya nagdilim uli ang paligid ko.
Nagising ako sa mumunting ingay sa paligid ko. Pagdilat ko nakita ko ang matandang babae kausap ang doctor. Napalingon sila sa akin.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo iha?" Tanong ng doctor sa akin. Tumango ako.
"Ano po bang nangyari sa akin doc?" Tanong ko dito. Napatingin siya sa akin.
"Hindi mo ba naalala ang nangyari sayo?" Tanong niya sa akin. Inisip ko ang nangyari sa akin. Pero wala akong naalala kahit isa. Umiling ako. Napahawak ako sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit dito. Mas lalong sumasakit ang ulo ko kapag pinipilit ko alalahanin ang lahat.
"Okay! Wag mo munang pilitin kung wala kang maalala." Sabi ng doctor. Saka tinurukan uli ako nakatulog uli ako.
Paggising ko nakita ko ang matandang babae na nasa tabi ng kama ko.Ngumiti ito sa akin.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo Iha?" Tanong nito sa akin.Hindi ako umimik.
"Sabi ng doctor. Wag mo daw pilitin kung hindi mo maalala kung ano ang nangyari sayo." Sabi ng matanda sa akin.
"Pano po ba ako nakarating dito?" Tanong ko dito.
"Nakita ka nila na bumagsak sa pool ng sumabog ang condo ng apo ko sa rooftop ng tower." Sabi ng matanda sa akin. Napakunot ang noo ko. Wala akong matandaan. Magtatanong pa sana ako ng bumukas ang pintuan ng silid ko. Pumasok ang doctor at isang nurse. Ngumiti ito sa akin.
"Hi! Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ng doctor sa akin ng lumapit ito sa akin.
"Ayos naman po." Sagot ko dito.
"Wala bang masakit sayo?" Tanong uli nito umiling ako.
"Good. Ngayon may mga itatanong ako sayo for confirmation lang." Sabi ng doctor sa akin.Tumango ako.
" Maari mo bang sabihin sa akin kung ano ang mga natatandaan mo bago ka napunta dito sa ospital? " Tanong niya sa akin. Napaisip ako. Kumirot ang ulo ko. Wala akong natatandaan. Kaya umiling ako. Napatingin ang matanda sa akin.
" Naalala mo ba kung sino ka? " Tanong niya uli sa akin. May naalala ako na tumatawa sa akin na lalake. Pero malabo ang itsura niya ang malinaw lang ang tawag niya sa akin.
" A... Alona? " Sabi ko dito.
" Okay, Alona naalala mo ba kung ano ang epilyido mo? Saan ka nakatira at sino ang mga magulang mo?" Tanong uli nito sa akin. Napailing ako wala na akong naalala. Hangang napahawak ako sa ulo ko sobrang sakit nito. Tinurukan uli ako ng pang pakalma.
" Sa tingin ko po Doña Amor may temporary amnesia po siya. Nakuha niya ito sa pagkakatama ng matigas na bagay sa ulo niya ito ang dahilan kung bakit nawala pansamantala ang memorya niya. Pero wag po kayong magalala babalik din po ang alaala niya."
Sabi ng doctor sa matanda.
"Matagal po ba bago bumalik ang alala niya?" Tanong ng matanda.
"It's depends on her case. May mga kagaya ng kaso niya na days lang bumabalik na ang alala nila. Pero meron naman na years na pero wala parin silang naalala." Sagot ng doctor.
"Mas makakatulong sa kanya kung dadalahin niyo siya sa mga lugar na madalas niyang puntahan. Para mabilis bumalik ang alala niya. Pero dahan dahan lang din ang pagpapaalala sa kanya ng mga bagay bagay. Kasi baka hindi din kayanin ng memory niya kung magsasabay sabay ang pagbalik ng mga alala dito. Mas magiging dilikado kung madadamage ang ugat sa memory niya dahil maaring tuluyan ng hindi niya maalala ang lahat." Sabi ng doctor sa matanda. Malungkot na tiningnan ako ng matandang babae.
"Sa ngayon kailangan niya ng pahinga." Sabi uli ng doctor.Nagusap pa sila ng matanda. Nakatulugan ko na lang sila.
Paggising ko nakota ko ang matanda na nagbabasa ng magazine sa tabi ko. Nilapag niya ang magazine ng makita niya na gising na ako. Ngumiti ito sa akin.
"Nagugutom kana ba iha?" Tanong nito sa akin .Umiling ako.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong niya uli sa akin. Tumango ako
Ngumiti siya sa akin. Kahit may edad na ito makikita ang pagiging sosyal nito. Halata sa mga kilos nito na hindi ito basta basta na tao.
" Tawagin mo na lang akong lola Amor. Ako nga pala ang lola ng fiance mo na si Kian." Sabi nito. Nagulat ako sa narinig.
"Fiance?" Tanong ko dito. Tumawag ito sa telepono na nasa maliit na lamesa na nasa tabi ng kama ko. Nagpadala ito ng pagkain.Saka humarap sa akin.
"Oo iha, Ikaw si Alona Miranda ang fiance ng apo ko na si Kian Villa real." Sabi ng matanda habang nagbabalat ng Orange at binigay nito sa akin. Doon ko lang nakita na nakabenda rin ang kanang braso ko pati ang kaliwang binti ko. Tumama daw kasi ito sa gilid ng pool. May tahi din ako sa tiyan tinamaan daw ito ng salamin na galing sa bintana dahil sa pagsabog.
"Nung unang araw mo nandito siya. Umalis lang siya kasi may importante lang siyang inasikaso. Pero babalik din siya agad." Sabi ng matanda. Napaisip ako.
"Ako may fiance? Pero bakit parang wala akong maalala." Bulong ko sa isip ko. Hindi na ako umimik dumating ang pagkain na inorder ng matanda. Inasikaso ako nito na makakain.
Kwento ito ng kwento tungkol sa apo niya. Nagulat ako ng mapaluha ito. Nagaalala na napatingin ako dito.
"Sorry, pasensiya na iha. Masyado talaga akong iyakin lalo na pag tungkol sa apo ko na yan." Sabi niya sa akin na nagpupunas ng luha niya. Tumango ako sa kanya kahit nagtataka. Siya ang kasama ko maghapon. Mabait ang matanda pala kwento. May dalawang katulong na dumting pagdating ng tanghali pumalit sa matanda. Nagpaalam ito sa akin. Wag daw akong mailang sa mga kasama ko. Sabihin ko lang daw ang kailangan ko sa kanila.
Madal dal din ang dalawa na nagbantay sa akin.
"Ako nga pala si Pat at ito naman si Tintin mga katulong kami sa mansion." Pakilala ng matabang babae.
"Wag kang mailang sa amin ma'am Alona. Sabihin mo lang kung may kailngan ka." Sabi naman ng payat na babae na Tintin ang pangalan nakatirintas ang buhok nito sa magkabilang gilid. Tumango ako sa kanila.
"Ahhm. Matagal na ba kayong katulong nila lola Amor?" Tanong ko sa kanila.
"Oo, ako mag sasampong taon na akong katulong sa mansion si Tintin tatlong taon palang." Sabi ni Pat saka ngumiti sa akin.
"K... Kilala niyo ba si Kian?" Tanong ko sa mga ito.
"Naku ma'am Alona pasensiya na magmula kasi ng maging katulong ako sa mansion hindi ko pa nakikita si sir Kian. Kahit yung kuya niya." Sabi ni Pat napakunot ang noo ko. Kumakain ako ng apple na binabalatan nila.
"Bihira lang kasi pumunta ng Mansion ang mga Binatang Villa real. Si Siniorito Neal lang ang kilala namin kasi siya ang nagpapatakbo ng Hacienda. Saka siya din ang nakatira sa mansion. Sila Sir Kian hindi sila pumupunta ng mansion kasi laging busy ang mga yun sa mga kanya kanyang business nila. Mga kilala kasi sa lipunan ang mga anak at apo ni Doña Amor. kaya kahit may Event sa malaking bahay hindi nagpupunta ang mga yun. Kaya si Doña Amor na lang ang pumupunta sa kanila para makita niya ang mga apo niya. Pagpumunta naman sila sa Malaking bahay umaalis din agad." Paliwanag ni Pat sa akin. Napatango na lang ako dito. Ang dalawa ang kasama ko hangang sa gabi. Nakatulog ako pagkatapos kong kumain.
Nagising ako na nahihirapan akong huminga. Kaya napadilat ako nagulat ako ng makita na may nakatakip na unan sa mukha ko. Nagpiglas ako pero mas malakas siya. Nauubusan na ako ng hangin. Binunot ko ang dextros na nakatusok sa kamay ko saka ko tinusok sa kamay na nakahawak sa unan na nasa mukha ko. Nabitawan niya ang unan. Agad na tinangal ko ang unan sa mukha ko habol ang hininga ko na napatingin ako sa kanya. Nakita ko nakasuot na pang doctor ito. May takip ang mukha nito na mask.Maya maya may dinukot ito sa bulsa niya. Nanlaki ang mata ko ng makita na patalim ito. Ng akmang isasaksak niya sa akin mabilis na nakaiwas ako sabay bigwas sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko natutunan yun. Nakita ko na nagulat siya sa ginawa ko. Napahawak siya sa tagiliran niya. Pero nakabawi din siya agad. Sinugod niya uli ako. Pero mabilis na nasalag ko ang kamay niya. Saka ko siya sinipa sa tagiliran niya. Napaigik siya. Kinuha ko ang pagkakataon pinilipit ko ang kamay niya nabitawan niya ang patalim. Sinuntok niya ako sa sikmura namalipit ako sa sakit dahil tinamaan niya ang sugat ko. Ng aktong susugurin niya uli ako. Nakarinig kami ng ingay na palapit sa silid ko. Aktong tatalikod na siya nahawakan ko ang sleeve ng suot niyang uniform napunit ito tumambad sa akin ang Tattoo niya na scorpion sa braso. Hinila niya ito at nagmamadali siyang lumabas ng silid. Hahabulin ko pa sana siya kaso nanlalabo na ang paningin ko pero bago pa ako mawalan ng malay bumukas ang pintuan nakita ko na may pumasok na dalawang lalake at tuluyan ng nawalan ako ng malay.