Napatingin ako sa pintuan ng may kumatok. Pumasok si lola. "Kumusta kana iha?" Tanong ni lola sa akin. "Ayos lang po ako lola. Kayo po kumusta na?" Tanong ko sa kanya. "Ayos lang ako iha. Sabi ni Kian sumakit daw ang paa mo sa biyahe. Kaya pinadalahan ka ng tubig para makainom ka daw ng gamot mo. " Sabi ni lola sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Uminom ako ng gamot ko. "Dinala ko narin ang wheelchair para magamit mo pansamantala." Sabi niya sa akin. " Salamat lola." Sabi ko sa kanya. Huminga ako ng malalim. " La, may tanong po ako sa inyo." Sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. "Ano yun Iha?" Tanong niya sa akin. "Sino po siya na pinakilala niyong Kian sa akin? La bumalik na po ang alaala ko. Alam ko po na hindi siya si Kian." Sabi ko kay lola. Na

