"Mabuti pa magbihis kana pupunta tayo ng ospital." Sabi ni Zuriel sa akin. Napakunot ang noo ko.
"Aag ka ng umangal. Ikaw ang nagplano nito diba. Kaya pangatawanan mo. Kailangan mong pumunta sa ospital para alagaan ang fiance mo." Sabi nito. Napatingin ako sa kanila. Tinaasan lang nila ako ng kilay. Huminga na lang ako ng malalim saka pumasok sa silid ko.
Pagdating namin sa ospital. Nasalubong namin ang dalawang dalagita. Binati sila ni Zuriel. Nagtataka na napatingin ang mga ito sa amin.
"Mga katulong kayo sa mansion diba?" Tanong nito sa mga babae. Tumango naman ang mga ito.
"Nasaan si Lola?" Tanong uli ni Zuriel. Tumingin uli ang mga ito sa amin. Doon lang ito bumati sa amin.
"Pasensiya na po mga seniorito. Umuwi na po si Seniora kami po ang iniwan dito para magbantay kay ma'am Alona." Sagot ng isang babae kay Zuriel.
" Sige na kami na ang magbabantay sa kanya umuwi na kayo para magpahinga Sabihin niyo na lang kay lola dumating kamo si Sir Kian niyo para magbatay kay ma"am Alona niyo." Sabi ni Zuriel sa mga ito. Nagpasalamat ang mga ito. Pinahatid namin sa grab ang mga ito. Saka kami dumeretso na sa silid ng fiance ng kapatid ko. Nagulat kami ng pagbukas namin ng pintuan makita namin ito na nasa harap ng pintuan nakatayo habang nakahawak sa ding ding. Napakunot ang noo ko. Sesermunan ko sana ito kaso bigla itong natumba. Kaya agad na napalapit ako dito at sinalo ito. Magagalit sana ako pero natigilan ako ng makita ko ang mukha niya.
"Ano pang hinihintay mo buhatin mo siya at ihiga sa kama. Nagdudugo ang sugat niya tatawagin ko ang doctor niya. " Sabi ni Zuriel. Doon lang ako natauhan. Napatingin ako sa benda niya puro dugo na nga ito. Agad na binuhat ko ito at inihiga sa higaan niya. Saktong naiaayos ko pa lang siya ng dumating ang doctor at nurse. Inasikaso nila ito.
"Kumusta na po ang pasyente? " Tanong ni Zuriel sa doctor ng matapos nitong asikasuhin ang fiance ng kapatid ko.
" Maayos na ang kalagayan niya. Nawalan lang siya ng malay dahil mahina pa siya." Sabi ng doctor.
" Ano po ba ang nangyari bakit bumukas ang tahi niya?" Tanong nito sa amin. Sinabi namin na naabutan namin siya na nakatayo at saktong nawawalan ng malay ito. Tumango ang doctor.
" Dumugo ang sugat niya kasi bumukas ang tahi nito. Sa ngayon bawal siyang kumilos dahil sariwa pa ang sugat niya. Kinabitan na namin siya ng Catheter para hindi na niya kailangan tumayo para umihi. " Sabi ng doctor sa amin. Tumango na lang kami. Napapaisip ako kung bakit ito nakatayo at tinanggal niya pa ang pag kakakabit ng dextrose niya.
Nakaramdam ako ng pagkainis. Mas lalaong naiisip ko na nagpapangap lang ito.
"Bakit kaya siya nakatayo sa may pintuan?" Tanong ni Zuriel.
"Ano pa. E di gusto niyang tumakas kaso naabutan natin siya." Sabi ko. Napatingin sila sa akin.
"Saan naman sita pupunta e wala nga siyang naalala diba kundi pangalan niya lang." Sabi naman ni Reeve.
"Naniwala naman kayo. Siguradong umaarte lang yan. Siguradong hindi nawala ang alala niya." Sabi ko uli. Napatingin na lang sila sa akin.
"Ikaw talaga, mabuti pa antayin natin na magising na lang siya para malaman natin ang nangayari." Sabi ni Zuriel. Hindi na lang ako umimik.
"Ano pala ang balak. Dito kana maninirahan?" Tanong sa akin ni Zuriel. Napatingin ako sa kanila.
"Dito muna ako hangat hindi ko nalalaman kung sino ang pumatay kay Kian." Sagot ko sa kanila.
" Kung ganun habang nandito ka ikaw ang hahawak ng negosyo niyo? " Tanong naman sa akin ni Zuriel. Tumango ako.
" Buti naman iniisip ko kasi kung sino na ang magpapatakbo nito. Alam mo naman na may sarili din akong negosyo na pinapatakbo. " Sabi nito. Sa totoo lang isa pa yan sa iniisip ko. Dahil halos lahat kami may kanya kanya na negosyo na hinaharap at halos lahat sila kilala na din pagdating sa business industry. May kanya kanya kaming negosyo maliban sa mga negosyo ng mga magulang namin. Tanging si Kian at Primo lang ang humahawak ng negosyo ng Pamilya. Pero kami nila Zuriel mga nagtayo kami ng mga sarili naming negosyo na nakilala din. Yun nga lang iba nga lang ang sa akin dahil sa black market ako kilala. Hindi kagaya nila.
"Kung ganun hindi ko na pala kailangan magaalala sa ngayon." Sabi ni Zuriel.
"Oo kaya asikasuhin mo na ang girlfriend mo ikaw din mamaya magalit yun sayo." Biro ko sa kanya.
"Ako? Huh. Wala pa sa vocabulary ko ang mga bagay na yan. Baka itong si Reeve ang dapat na sinasabihan mo." Sabi nito saka tinuro si Reeve.
"Bat naman ako. Nakikita mong ang daming kaso akong hinaharap. Wala akong oras sa mga ganyang bagay. " Sagot naman ni Reeve.
"Baka itong si Xian. Kaya ayaw umuwi nito dito sa pilipinas dahil meron tong hindi maiwan dun." Sabi uli nito saka sabay silang tumingin sa akin.
"Kung babae lang marami. Pero wala akong interest diyan. Saka alam niyo naman ang mundo na ginagalawan ko sinong matinong babae ang papatol sa akin." Sabi ko sa kanila. Tumaas ang kilay nila.
"Kung ganun siguradong hindi na ako magtataka kung isang araw isa sa inyo sapilitan ipakasal ni lola. Dahil wala ng magpapatuloy ng apilyidong Villa real. Halos lahat kayo walang balak na magasawa. " Sabi ko sa kanila.
" Isa ka na dun. Akala mo hindi siya Villa real. Ikaw nga din wala nga ding balak na lumagay sa tahimik. " Sabi ni Zuriel. Nagkibit balikat lang ako sa kanila.
" Pero siguradong una kayong kukulitin ni lola. " Sabi ko sa kanila.
" Hindi kami baka si Primo at ikaw. " Sabi ni Reeve.
" Tingnan na lang natin. " Sabi ko sa kanila.
Tumawa sila. Nagpaalam si Zuriel sa amin may pagaaralan pa daw siyang kaso.
***OTHER PERSON POV#***
"Napatahimik mo ba?" Tanong sa akin ni Papa.
"Hindi po." Sagot ko dito.
" Ano? Ang tanga mo talaga kahit kailan!!" Bulyaw niya sa akin. Hindi na lang ako umimik. Kasalanan ko naman talaga. Ngayon lang ako nabulilyaso.
" Isang babae lang hindi mo pa napatahimik. Sadya na bang nanghihina na ang mga tuhod mo. Pati ang isang babae na nanghihina hindi mo na kinakaya!!" Bulyaw uli nito sa akin.
" Hindi lang siya pangkaraniwang babae marunong siya sa pakikipaglaban. Nagkamali ako dahil minaliit ko siya. " Sagot ko kay ama.
" Pero kahit na. Kahit sanay pa ito sa pakikipag laban babae parin siya. Di hamak na mas malakas ka sa kanya dahil lalake ka isa pa mahina pa siya ngayon dahil sa natamo niyang mga sugat. " Sermon na naman ni ama sa akin.
" Yun nga pagkakamali ko dahil inisip ko na mahina siya. Pero sa klase ng kilos niya hindi din siya basta basta. " Sabi ko kay ama. Napatingin ito sa akin.
" Kung ganun dalawa na silang problema natin. Bakit kasi hindi mo sinigurado ang kilos mo. Nagiwan ka pa ng ebedensiya. Lilinisin mo na lang ang kalat mo ngayon ka pa pumalpak. " Inis na sabi ni ama sa akin.
" Hindi naman talaga ako aalis dun hangat hindi ko pa nalilinis ang kalat kaso may biglaang dumating. " Sagot ko uli sa kanya. Inis na tiningnan niya ako. Yumuko na lang ako.
" Ang sabihin mo mahina talaga ang utak mo simpleng trabaho na lang hindi mo pa kayang gawin ng malinis. " Galit na sabi nito sa akin.
" Haays, wag na kayong magsisihan diyan. Wala na tayong magagawa nandiyan na yan. Ngayon ang dapat nating pagisipan kung ano ang gagawin natin. Sigurado na dahil sa nangyari maghihigpit sila ng bantay sa ospital. Mahihirapan na tayo kung doon natin lilinisin ang kalat niyo. Mabuti pa maghintay tayo ng tamang oras bago tayo kumilos. " Sabi ni Ina sa amin. Huminga na lang ng malalim si ama.
" Ano pa nga ba ang gagawin natin. Kundi ang maghintay ng tamang pagkakataon. " Sabi naman ni ama. Nakahinga ako ng malalim. Sisiguraduhin ko na sa susunod hindi na siya makakaligtas sa akin. Ngumise ako. Saka naalala ko ang itsura niya. Sa totoo lang hindi ko inaasahan na para palang angel ang mukha niya.
"Sayang ang ganda niya. Pero kailangan ko siyang iligpit. Sagabal siya sa plano namin." Bulong ko. Saka kinuha ko ang cell phone ko.
" Hello? " Sabi ko.
" Anong balita diyan? " Tanong ko sa kanya.