Hindi ako umimik tiningnan ko yung minitor namin. Kitang kita dito na may tao na nakaitim sinundan ko ito hangang sa pool ng biglang may pumalo sa ulo ko na laglag ako sa tubig. saktong dumarating si Alona. Nakita niya na nasa tubig ako. Tumalon ito sa pool at hinila ako pataas. Kitang kita din ang ginawa ko pati ang ginawa niya sa akin. "Ouch ang sakit nun Boss ah." Sabi ni Leonard. Tiningnan ko ito ng masama tummahimik ito agad. " Kunin mo na lang dun yung first aid kit." Sabi ko sa kanya. Natatawa na sumunod ito. " Sino kaya yung nakaitim na yun. Saka bakit nandun siya anong ginagawa niya dun? " Tanong ko. Napapaisip ako. " Eto na Boss. " Sabi ni Leonard. kinuha ko yun at ginamot ang sugat sa ulo ko. " Boss sa tingin ko sadyang pinasunod ka niya sa Pool. Ikaw talaga ang puntirya

