Nagulat ako ng may bumuhat sa akin. Napadilat ako. Nanlake ang mata ko ng makita na buhat ako ni Kian. "Anong ginagawa mo ibaba mo nga ako." Inis na sabi ko sa kanya. "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko ng magpahinga ka. Gumala ka parin kahit nanghihina ka pa. Tinanggal mo pa ang swero mo." Galit na sabi nito. Inis na tiningnan ko siya. "At sino naman ang nagsabi sayo na nanghihina ako?" Tanong ko sa kanya. Hindi siya umimik. Pinasok niya ako sa silid ko. "Ibaba mo na sabi ako. Hindi nga sabi ako nanghihina." Inis na sabi ko sa kanya. Nilapag niya ako sa kama ko. Laking gulat ko ng halikan niya ako Nanlake ang mata ko. "Next time na hindi mo sundin ang sinabi ko hindi lang yan ang aabutin mo sa akin. Now stay and rest hindi yung pinagaalala mo ako." Sabi niya saka iniwan ako

