Sinabihan ko ang mga tao ko na subabayan ng lihim ang taong ang pamilya ng lalaking yun. Hindi ko alam pero nararamdaman ko na may kinalaman sila sa lahat. "Sana nagkakamali ako. Dahil hindi ko sila mapapatawad sa ginawa nila." Bulong ko. Pumunta ako sa kusina. Nakita ko na busy sila sa kusina. Tinawagan ko si Neal, Reeve at Primo na sumunod sa akin sa kusina. "O seniorito. May kailangan po ba kayo?" Tanong ni tita sa akin na busy sa pagaalalay sa mga katulong. "Wala po ituloy niyo lang po ang ginagawa niyo. Wag niyo po akong intindihin." Sabi ko sa kanya. Saka lumapit ako kay Tito Max na busy kasama ang iba pang tauhan ng hacienda. Nagkakatay sila ng baboy sa likod bahay. "O seniorito may kailangan po ba kayo?" Tanong nila sa akin. "Wala tutolungan ko lang kayo." Sabi ko. "May mga

