Chapter 16: Blood drop

3597 Words

Pagkatapos na kumuha ng aming pagkain ay nakangiti na kaming naupo sa table ng aking dalawang kasama at masaya ng kumakain. Nagawa pa naming tatlo na kumuha ng baso ng wine na mayroong halong malapot at malangsang dugo ng tunay na human. “Cheers!” nakangiting bulalas naming tatlo. Maingay na humalik ang baso ng wine sa isa't-isa, bagay na lalo pa naming ikinatawa. Nilagok namin ito ng hindi humihinga at kumukurap. Hindi ko maiwasang mangilabot habang bumababa at humahalik sa aking lalamunan ang malapot na pulang likido. Ito ang kauna-unahang pag-inom ko ng purong dugo dahil kadalasan ay may halo lang ang kinakain at iniinom namin sa dining hall. “Higit na marami ang sangkap ng dugo ng tao dito keysa sa alak na tinatawag nilang wine.” si Nyca na hindi ko alam kung para sa akin iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD