Kinabukasan ay maaga siyang nagising muli para pumasok sa trabaho. Parang ayaw pa nga nang katawan niya ang pumasok sa trabaho. Hindi naman siya dating nakakaramdam ng ganoon sa sarili. Pero ngayon na isipin pa lang niya na magkikita naman sila ni Lance ay nagdudulot na iyon na kakaiba namang kaba sa kanya.
Kung hindi lang para sa anak niya ay maghahanap na lang siya ng ibang trabaho. Doon sa hindi siya makakaramdam ng awkwardness kapag nakikita niya ang amo o boss niya. Baka sa huli magkasakit pa siya sa puso dahil palagi na lang kaba ang pumapailanglang sa dibdib niya.
Tatlong katok sa pinto ang nagpabangon sa kanya ng tuluyan. Nang buksan niya ang pinto ng kanyang kuwarto ay nakita niya si Allison na dala pa nito ang isang maliit na manika kasama nito sa pagtulog.
"Mommy..." Tawag sa kanya nito at bigla itong yumakap sa kanyang baywang.
"Why baby? May problema ba ang princess ko?" Kinilik ko siya papasok sa aking kuwarto.
"Pasok ka po ba sa work mo ngayon Mommy?" matamlay na tanong nito sa kanya muli.
"Opo,baby. Need kasi ni mommy mag work para sa family natin. Why ayaw mo bang pumasok si Mommy sa work?" Tanong ko agad sa kanya. Para kasing kakaiba ngayon ang anak niya. Hinawi ko pa ang mga takas nitong hibla ng buhok na nagkalat sa pisngi nito. Pagkatapos ay sinalat ko pa ito sa noo para siguruhin na wala itong sinat o lagnat. Sa kabutihang palad ay wala naman itong sinat o lagnat.
Naupo ito sa gilid ng aking kuwarto at nagpalinga-linga.
"Mommy,sama na lang po ako sa work mo?" Pagkatapos ay suhestiyon nito.Hindi lang naman ngayon ito umungot na sumama sa trabaho niya pero kahit kailan ay hindi pa niya ito isinama.
"Bakit? Ayaw mo ba kila lola at lolo mo maiwan? Marami ka pang coloring books dyan anak. Tapos ay may talking english book ka pa na di nababasa, hindi ba?"
"Opo, kaya lang gusto ko po sumama sa work mo baka kasi makita ko doon si Daddy."
Bigla siyang natigilan at nagulat sa tinuran ng kanyang anak. Hinahanap na naman ng kanyang anak ang Daddy nito. Sa tuwing hinahanap kasi nito ang Daddy nito ay palagi na lang niyang sinasabi na nagtratrabaho ito sa malayo.
Kahit naman sagad sa buto ang galit niya kay Leo ay hindi niya nakuhang patayin ito sa imahe at isipan ni Allison. Ipinagpasalamat pa nga niya na may nangyari sa kanila ng isang beses at nagkaroon siya ng isang Allison sa kanyang buhay. Kaya ano man ang mangyari ay hindi-hindi niya pinagsisihan ang ginawa niyang pagpapalaki sa kanyang nag-iisang anak. Ang kanyang prinsesa, ang buhay niya...
"Ganito anak, next time isasama na kita sa work ni Mommy...Okay?" Alo niya dito para maibaling ang atensyon nito at huwag nang banggitin pa ang tungkol sa Daddy nito.
"You already told that mommy, but you still didn't bring me sa work mo po..." Reklamo nito sa kanya, nakita pa niyang napanguso ito dahil sa disappointment. Mukhang mauubusan pa ata siya ng idadahilan dito ngayon. Half-day pa lang kasi ang pasok nito sa school kaya nababagot siguro sa loob ng bahay.
"Okay. Be a good girl anak sa school today, and Mommy will bring you tomorrow in my work. Saturday bukas hindi ba? So you don't have school tomorrow, right?" Baka sakaling bukas ay hindi na nito maalala ang pangako niya. Nginitian niya ito ng maluwang.
Ngumiti naman agad si Allison pagkarinig nito sa pangako niya. At para bang may mga star pa sa mga mata nito na nagniningning. Her child is adorable and cute, kaya siguro ganoon na lang din ang pag-aalaga ng kanyang mga magulang sa kanyang anak. Sa saya pa nga nito ay nagtatalon pa ito sa kama niya.
"Yehey!Yehey... thank you Mommy." Hinalikan pa siya nito sa pisngi.
Napakasarap nitong yakapin at halikan ang maliliit nitong mga kamay. Sa isang ngiti lang ng kanyang anak ay nabubuhayan na siya ng loob para magpatuloy. Ito ang kasiyahan niya at maging ang kanyang kahinaan.
Kaya ganoon na lang ang pagpapasalamat niya sa Diyos at ibinigay sa kanya si Allison. Hindi siya makakapayag na may kumuha o magpahiwalay sa kanilang mag-ina. Mamatay siya kapag nangyari iyon sa kanilang dalawa.
Pagdating niya sa restaurant ay wala pa ang kanilang boss. Kaya nakausap pa niya ang mga tauhan sa restaurant. Araw- araw niyang binibilin na maglinis at panatiliin ang good ambiance nang kanilang restaurant para magkaroon sila ng maraming costumers.
Mag-iisip din siya ng mg promos sa darating na holiday season para dumugin ang kanilang restaurant.
Naglalagay na sila ng christmas decor sa labas ng restaurant kasama ang ibang lalakeng crew ng biglang dumating si Lance.
Bahagya pa ngang umingit ang gulong ng kotse nito dahil sa biglang pagbaling nito sa parking area nang kanilang restaurant. Hindi niya direktang tiningan ang pagbaba nito sa magara nitong kotse pero in her peripheral vision ay nakita niya ang kasuotan nito.
Naka polo shirts ito ngayo na kulay gray partnered by a skinny maong pants kaya kita niya ang habit ng mg suot nito sa matipuno nitong katawan. Nagmamadali itong pumasok sa loob ng restaurant without any knowledge na nasa gilid lang sila ng restaurant at pare parehong nakatingin sa dito.
Inabot din halos ng isang oras ang pagaasisst niya sa mga staff kung saan tamang ilagay ang mga newly christmas decoration na binili nila last month. Baka kasi hindi magustuhan ni Lance ang decoration masisi pa ang mga kawawang mga empleyado nito. Kaya siya na lang ang sasalo sa mga ito kapag nagkataon at magkaproblema sa kanilang boss.
Hindi pa man siya nakakapasok sa loob ng restaurant ay humahangos na ang isang babaeng staff na lumapit sa kanya.
"Ma'am Lyka, hinahanap po kayo ni sir Lance kanina pa. Ang akala po ata ay hindi kayo pumasok," kahit hinihingal ay tuloy-tuloy pa rin nitong saad sa kanya. Sa nakikita niyang itsura nito ay parang hindi maganda ang dahilan kung bakit siya hinahanap ni Lance, bigla rin siyang kinabahan. Ano kaya ang nangyari? Mayroon ba siyang maling ginawa para hanapin nito? Napanguso na lang siya at muli niyang binalingan ang crew na inutusan nito para ipatawag siya.
"Ganoon ba. Sige papasok na ako sa loob. Guys, paki pasok n’yo na ang mga ginamit nating mga materials sa pagdedecorate. Okay?"
At huwag na huwag ninyong iiwanan dyan sa labas ang mga yan,kung ayaw ninyong magalit si Mr.Sungit sa atin. Gusto sana ni Lyka na sabihin sa mga kasamahan niya kaya lang ay baka kung ano pa ang isipin ng mga ito sa kanya.
Pagpasok niya sa loob ng restaurant ay nakita niya agad na nakasibangot si Lance sa harap ng counter. Naalangan tuloy siyang lapitan ito pero wala naman siyang choice dahil nakita n siya nito na pumasok sa pinto.
Habang papalapit siya sa kinaroroonan nito ay ramdam naman niya ang parang malamig na tubig na bumubuhos sa buo niyang katawan. Wala kasing kakurap-kurap si Lance habang nakatitig ito sa kanya ng diretso. Naconcious tuloy siya bigla. Ano ba ang mali sa ginawa niya at ganoon na lang ang reaction nito? Nagkabit lang naman sila ng decorations sa labas, kasalanan ba niyang nagmamadali itong pumasok sa loob ng restaurant kaya hindi sila nito napansin kanina?
Hindi naman siya nag-aalala sa itsura niya kaya lang ay yung tipong parang siya lang ang tao o babae sa paligid nito sa paraan ng pagtitig nito sa kanya ay talagang nakakakaba. Ni hindi nito pipansin ang mga taong nakapaligid sa kanila ng mga oras na iyon. Siya lang...sa kanya lang ito nakatingin! Nang tuluyan na siyang nakarating sa kinaroroonan nito ay binati niya ito ng magalang.
"Good morning Sir Lance," bati ko sa kanya. Pero imbis na batiin rin siya nito ay iba ang sinabi nito sa kanya.
"In my office, Ms.Ramirez." Seryoso at pormal nitong utos sa kanya, tumalikod na ito sa kanya. Napatingin tuloy siya sa iba niyang mga kasamahan na alam niyang nakatingin din sa kanila kanina pa. Nakita niya sa mga mata ng mga ito ang pag-aalala sa kanya.
“Ma’am Lyka, bakit parang galit po si Sir Lance sa inyo?” hindi na napigilang ang isang crew nila at tinanong na siya. Hindi rin niya alam ang isasagot dito, mismong siya ay walang alam sa problema nito at kung bakit ito mukhang galit sa kanya.
“Okay lang, ako na ang bahalang magpaliwanag sa kanya. Kayo muna ang bahala dito. Yung mga customers, asikasuhin ninyo.” Mahigit kong bilin sa kanila.
Hindi man siya sigurado sa kung ano ang posibleng mangyari sa pagpunta niya sa opisina nito, ang alam lang niya ay wala siyang puwedeng gawin kung hindi ang sumunod sa pinag-uutos nito.
Kaya sinundan na niya sa opisina ang magaling niyang boss bago pa ito magbuga ng apoy at masunog silang lahat sa loob ng restaurant nito!