LYKA
Pagpasok pa lang naming sa opisina ni Lance ay agad na nitong nilingap ang kabuuan ng office nito. Palagi namang malinis at maayos ang lugar na iyon kahit na nandoon pa ang dati naming amo. Simple lang ang ayos nito na may minimal na gamit.Pati ang kulay ng pader ay light gray dahil ito ang gusto ng dati nilang amo. Kung papalitan na lang nito ang kulay ng wall saka sila kikilos. And they made sure na wala kaming binago sa ayos ng office nito dahil gusto nilang ito mismo ang magsabi kung ano ang gusto nitong alisin o palitan sa opisina nito. Baka kasi ayusin nila,pero hindi naman pumasa sa panlasa nito sayang lang ang effort nila.
Pagka-upo nito sa black swivel chair sa harapan ng table nito ay agad niya akong hinarap muli.
"Ms.Ramirez, I would to make some changes in my office especially the color of the wall." Pagbibigay alam nito sa akin.
"Okay sir, I'll take note of that." Paniniguro ko sa kanya.
Habang nakatayo ako sa gilid ng table nito ay naka-upo naman ang Mama nito at si Jane sa couch sa gawing kaliwa ng opisina nito.Nakikinig lang sa sinasabi ni Lance.
"And about the reports. Have you made it?" Mababa ang tono ng boses ng tanungin niya ako pero bigla na lang ang kabang naramdaman ko ng muli niya akong tinanong. Nag prepare ka naman Lyka, hindi ba?Kausap ko sa sarili ko saglit.
Hindi ko tuloy alam kung dahil ba sa takot na may makita itong lapses sa ginawa kong report o dahil sa boses nito na dumadagundong sa loob at labas ng aking sistema? Pakiramdam ko tuloy ay para ba akong maiihi ng marinig ko ang pumainlanglang nitong boses sa ere. There's something in his voice that suddenly makes me feel uncomportable especially when our eyes met. Saglit kaming nagkatitigan ng mata sa mata at bigla akong natakot sa mga titig niya.
"Kuya...what are your plans regarding in this restaurant?I mean, do you have to stay here everyday?" Hindi na nakapagpigil pa si Jane at nagtanong na ito sa kapatid, dahil doon ay napalingon kami lahat kay Lance para hintayin ang magiging kasagutan nito sa tanong ni Jane..
"Ofcourse, I'll stay here. I want to make sure that this restaurant will be manage properly." Sagot ni Lance kay Jane. Napalunok ako sa sinabi nito sa kapatid at tila bigla naman akong nakaramdam ng kakaibang kaba dahil sa sinabi nito. Ano pa ba ang iniexpect mo Lyka na mangyari? Syempre malamang na magstay ito ng maghapon oh kung hanggang kailan nito gusto at ito naman ang may-ari ng restaurant na pinagtratrabahuhan mo!
"H-ha? Eh paano na yung ibang businesses natin kung mag i-stay ka dito?" Maktol ni Jane sa kuya nito,mukhang ayaw nitong madalas na magpunta sa restaurant ang kuya nito. May binabalak naman siguro itong kalokahan.
"Wala namang magiging problema regarding that, I can still manage our businesses kahit na dito ako mag stay. And I'm also planning to take charge of you sa ibang branches ng Jewerly Store natin para naman matuto ka na at hindi ka na bumabata, Jane.You should be responsible at your age right now." Mahabang litanya ni Lance kay Jane.
"Kuya naman.Nakakahiya kay Lyka oh..."Nakanguso pa ito habang itinuturo ang gawi ko. Nginitian ko lang si Jane para makisimpatya.
"She's your friend, so wala naman sigurong masama kung marinig niya ang totoo." He's straight forward when it comes in talking about his sibling’s lapses. Para lang silang aso't pusa.
"Lance, stop it. Inaaway mo naman ang kapatid mo. And in the first place,we're here for you to support in managing this restaurant. At kung gusto mo talagang dito mag focus muna,so be it. Mainam nga at medyo mapapahinga ka ng kaunti sa mga alalahanin sa iba nating negosyo.Sasabihan ko na lang ang Daddy mo regarding to your decision." Malumanay na pahayag ni Tita Luisa sa mga anak nito.
Pagkatapos naming mag-usap ni Lance sa iba pang bagay regarding sa restaurant ay nagyaya si Jane na magmiryenda muna para naman daw kahit papaano ay kumalma ang kuya Lance nito at hindi puro siya ang pinagdidiskitahan. Nagtawanan pa kami ng sabihin iyon ni Jane, but Lance is still quite and untouchable. Nakakatakot ngang kausapin at parang nakaka intimidate kapag nagsimula na itong magsalita.
Nagpahanda ako ng isang roosted chicken with special souce, grilled tuna at vegetable salad para sa dinner namin. Early dinner na rin kasi ang dating at halos past 5 oclock na dumating ang mga ito. Pinasarado na rin si Lance ang restaurant ng maaga para makilala nito ang iba pang mga nagtratrabaho doon kasama siya.
He also instructed na dapat ay palaging maayos ang menu sa restaurant para balik-balikan ng mga costumers ang restaurant naming. Sinabihan din nito ang dalawang chef to provide another batch of dishes na pwedeng ihanda sa restaurant para hindi lang puro ang nasa menu lang ang mai-offer nila sa mga costumers.
Nauna ng umalis si Jane at ang Mama nilto dahil may gagawin pa raw na importante ang mga ito. And as expected ay nagpaiwan pa si Lance sa restaurant para icheck ang mga report na pinasa ko kanina.
Pinauwi na rin nito ang ibang mga empleyado,except sa akin at sa dalawang guard na nasa labas ng restuarant. Hnintay ko kung ano ang sasabihin nito sa akin after nitong mabasa ang mga documents na pinasa ko dito. And fortunately, maayos naman daw ang report na ginawa ko. Kailangan lang daw na irevise namin ang mga benefits ng mga empleyado na kasama ko maski ang working hours nila.
Nang matapos nitong iayos ang mga gamit sa opisina ay nagyaya na rin itong umuwe. Nagpasalamat ako at nakaramdam ito kahit papaano. Past 9 oclock na rin kasi, panigurado ay tulog na ang anak kong si Allison pag-uwe ko.
Balak ko sana ng buksan ang cellphone ko para magpabook ng sasakyan na maghahatid sa akin sa bahay gamit ang apps na naka install sa cp ko ng magsalita si Sir Lance.
"Isasabay na kitang umuwe, saan ba ang bahay mo?" tanong sa akin ni Lance pagkatapos nitong patunugin ang kotse para mabuksan ang pinto nito.
"Nakuh, huwag na po sir...kaya ko na po umuwe mag-isa.Tatawag na lang po ako ng sasakyan na maghahatid sa akin sa bahay namin" Tanggi ko dito. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito at pagsalubong ng mga kilay ng marinig nito ang pagtanggi ko. Bigla tuloy akong kinabahan naman at inisip ko kung may mali ba akong nasabi at ganoon ang naging reaksyon nito.
"I insist, dahil naman sa akin kaya ka ginabi kaya hayaan muna akong ihatid ka sa bahay n’yo." Paliwanag nito sa akin. Nagulat ako sa sinabi niya pero napatango na rin ako ng lumaon.
Sabagay, ito naman talaga ang may kasalanan kung bakit hanggang ngayon ay nasa langsangan pa ako. Dati ay 7 pm lang nasa bahay ba ako kasama ang anak ko.
Napaisip din ako kung tama ba na pumayag ako sa gusto nito, at sa huli ay pumayag na rin ako sa offer nito. Mukha kasing hindi naman ito nagbibiro ng sabihin nitong ihahatid talaga niya ako sa bahay.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger’s seat at pumasok na ako sa loob ng kotse nito na isang Ferrari. Pagkatapos kong maisuot ang seatbelt ay saglit niya akong nilingon.
“Need help?” tanong nito sa akin. Agad naman akong napailing, pero ang totoo ay hindi ko magpagtama ang buckle ng seatbelt sa sobrang tense , oh baka naman dahil malakas lang ang aircon sa loob ng kotse nito kaya ganoong ang pakiramdam ko? But the mere fact na ihahatid niya ako sa aming bahay makes my heart beat a thousand times in a second, for she don’t know the reason why she have to feel that kind of emotion that time, with him…Napangiwi nalang ako pagkatapos kong maisuot ang seatbealt at nang makita nitong maayos na ang aking pagkakaupo ay mabilis na nitong pinaandar ang kotse nito.
Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang akong nakamasid kay Lance. Diretso ang tingin sa daan at seryoso ang mga mata nito. Medyo nagugulat pa nga ako kapag naririnig ko itong bumubuntunghininga. Siguro ay nasosora sa traffic, baka hindi sanay na sobrang tagal sa biyahe, di kaya?
Napansin ko rin na napaka cool nitong tingnan kapag isang kamay lang ang hawak nito sa manubela tapos ay nakasandal naman ang isa nitong braso sa gilid ng pinto ng kotse nito...pagkatapos ay ihahawak naman nito ang dalawang darili sa baba na parang may iniisip na kung ano.
"Nabanggit ni Jane sa akin na may anak ka na raw?" Untag sa akin ni Lance ng bigla kong ibaling ang aking tingin sa mga maliliwanag na ilaw sa labas at hindi nito makita na
pasimple ko siyang pinagmamasdan.
"Po?" Nagulat ako sa tanong nito. Talagang nichismis pa ng kaibigan ni Jane sa kuya nito ang tungkol sa anak ko at ang pagiging single mother ko. Makukurot ko talaga sa singit ang isa nay un.Inis kong turan sa sarili.
"Nasaan siya?" muling tanong nito sa akin. Hind pa nga ako nakakabawi sa pagkagulat sa una nitong tanong ay may follow-up question agad ito sa akin. Unti-unti akong nagbaling ng tingin sa kanya at kunwaring normal lang ang mga titig sa dito pati ang pakiramdam ko aysinubukan kong kontrolin para hindi nito mahalata ang kaba ko habang nakatitig dito.
"Sino po sir?" Wala sa loob na tanong ko sa kanya. Lyka naman, ano ba! Kastigo ko sa sarili ko ng mapagtanto ko kung ano bang klaseng sagot ang binigay ko sa kanya kanina lang. Kainis! Pinilit kong maging pormal ang tinig ko sa kanya na parang hindi ako naaapektuhan sa mga tinatanong nito sa akin lalo na at narinig ko naman ang maawtoridad nitong boses.
"Yung lalake na tatay ng anak mo." Hindi iyon patanong pero bigla akong binalutan ng kaba ng mahagip ko ang madilim na mga mata nito.
Kinabahan tuloy ako kung dapat ba ko bang ipatapat dito ang tungkol kay Allison maging ang naging relasyon namin ni Leo na kailanman ay hindi na sumagi sa isip ko simula ng iwanan at talikuran nito ang obligasyon nito sa aming mag-ina.
Sa huli ay napag desisyunan ko na kahit papaano ay sagutin ko ang tanong nito. Mahirap na at baka kung ano pa ang isipin nito sa akin. Kakasimula pa lang namin bilang mag boss at empleyado, ayaw ko naman na magkaproblema kami. Bantulot man ay inayos ko ang aking pagkakaupo at bahagyang humarap dito.
"Wala na po siya, sir..," sagot ko sa kanya.Talaga naman na wala na ito sa buhay namin, matagal na.
"What do you mean, wala na?" Nilingon pa niya ako nang marinig nito ang naging ko sa tanong niya sa akin.
"He was gone since I told him that I was pregnant." Diretso kong sagot dito. There's no turning back at all. Kung ano man ang nasabi ko, that's it. Hindi naman ako puwedeng magsinungaling dito at baka malaman pa nito sa iba na hindi ako nagsabi ng totoo. Tinitigan lang niya ako nang marinig nito ang sinabi ko.
Isang katahimikan ang namayani sa amin pagkatapos. Hindi ko alam kung bakit walang naging reaksyon si Lance nang malaman nito ang nangyari sa akin at ang pagkakaroon ko nang anak sa pagkadalaga. He’s just being quite as if he heard the saddess news when I confessed to him about the father of my child.
Ang mahalaga naman sa akin ay naging totoo ako kay sa harap nito at kung ano man ang isipin nito sa akin ay wala na akong magagawa roon. Gagawin ko na lang ang dapat kong gawin sa trabaho para kumita ako ng pera para sa pamilya ko lalo na para kay Allison, sa nag-iisa kong anak.
Hanggang sa makarating kami sa gate ng bahay namin ay hindi pa rin kumibo si Lance. Hinayaan ko na lang ang pananahimik niya, tanda siguro iyon na nadisaappoint siya sa nangyari sa buhay ko.
Hindi rin siguro ito makapaniwala na nangyari sa akin ang ganoong bagay, just like her parents. Lahat naman ng pinagdaan ko simula ng dumating si Allison sa buhay ko ay nakatulong ng malaki sa pagbabago ng buhay ko, sa buhay ng pamilya ko. Mas naging malawak ang pag-iisip ko at naging matapang akong harapin ang buhay gaano man iyon kahirap.
Nang inihinto na ni Lance ang kotse nito ay saka ako nagkalakas ng loob para tinagnan ito. Pero mas nagulat ako nang gumalaw ito upang unang bumaba ng kotse nito. Pinuntahan ang gawi ng pintuan ko at pinagbuksan ako ng pinto pagkatapos.
Kahit nagulat at nabigla sa ginawa ni Lance pagkatapos ng pananahimik nito kanina ay nakuha ko pa ring kumilos ng normal upang hindi nito mahalata ang kaba ko na hindi maibsan. Pagkabukas ni Lance ng pinto ay muling nagtama ang mga mata namin ng tuluyan na akong makababa ng sasakyan.
"Salamat po sir..." Ako na ang bumasag sa katahimikan na kanina pa namamayani sa pagitan naming dalawa.
"It's okay. Just get in." Turo nito sa gate ng aming bahay.
Tumango na lang ako dito at lumakad na palapit sa gate. Bago ako tuluyang buksan ang gate namin ay muli niya akong nilingon at doon ay nakatingin lang din ito sa akin ng mga sandaling iyon. Nginitian ko siya ng hilaw bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay namin at nakita ko na matiim lang itong nakatitig sa akin habang nakasandal sa hood ng kotse nito, nakapamulsa ang isa nitong kamay sa pantalon. At hindi naglaon ay narinig ko na ring umandar ang kotse nito.
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako dalawin ng antok. I totally not in the mood para matulog. Kung ano-ano kasi ang naiisip ko, lalo na ng tungkol kay Lance. The way he look at me, ang mga kilos nito na tumatak sa isipan ko at ang paraan kung paano niya ako pakitunguhan, lahat ng iyon ay nasa isip ko. Naisip ko rin ang naging reaskyon nito ng sabihi ko ang nangyari sa ama ni Allison..I can ‘t easily forget those sadness of him and being quite after that. Ginugulo nito ang buo kong sistema kung saan ay aaminin kong ngayon ko lang naramdaman sa buong buhay ko.
Kahit anong tanong ko kung bakit ganoon ang naging reasyon nito ng malaman nito ang nangyari sa akin, hindi ko pa rin mahanap ang kasagutan.
For me, he doesn't need to ask or talk about what really happened to me in the past five years. It's not his business anymore. But he did. He asked those f*****g questions that's why I felt concious and uncomfortable until now. But I’m fine when I think that he did those interrogation just because it is part of his job as my boss. Nothing more, nothing else.
At ang mas nagpapahirap sa akin ay kung paano ako dapat kumilos sa tuwing magkikita o magsasalubong ang mga landas namin sa trabaho. Hanggang sa unti-unti ay hinili na ako ng antok sa kakaisip sa mga nangyari sa akin sa buong maghapon na dumaan.