LYKA
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa restaurant para makapaghanda sa pagdating ng Mama ni Jane at ng bago kong magiging amo na si Lance.
Medyo kinabahan ako ng bigla kong maisip na sa wakas ay makakaharap ko na ang kuya ni Jane at bilang bagong may-ari ng restaurant na pinagtratrabahuhan ko. Pero ng maisip ko ang kung paano ko siya pakikiharapan ay nawala ang lahat ng konsentrasyon ko sa aking ginagawa. Napaupo ako at saglit na ibinaba ang folder hawak-hawak ko sa table, at napasandal sa swivel chair na inuupuan ko.
Kahit minsan ay hindi ako kinabahan sa pakikiharap sa tao dahil parte iyon ng trabaho ko, kaya lang bakit sa mga oras na iyon ay parang may nag uunahang mga daga sa dibdib ko at tumatahip ito sa kaba? May problema ba kung makita kami muli si Lance? Dati pa naman niya akong kakilala hindi ba? Anong problema dun? Kastigo ko sa aking sarili. At isa pa, mabait naman ito katulad ni Jane. Binaliwala ko na lang ang kabang bumabalot sa aking dibdib at nag focus sa dapat kong ihanda at gawin.
Past two o’clock na ng hapon ng maisipan kong lumabas na sa loob ng opisina ko. Hindi ko pa rin natapos ang mga dapat kong ihanda para sa pagdating ng bago naming magiging amo kaya pati ang mga bagong dating na mga constumer ay pinaasikaso ko na sa isa sa mga crew at hindi ko na kaya pang pakiharapan ang mga ito.Kailangan maihanda ko ang lahat ng report ng restaurant simula ng naging manager ako sa restaurant na iyon. Panigurado ay hahanapin ito sa akin ng bagong may-ari si-Lance. Maging ang mga pangalan ng mga empleyado at monthly salary ng mga ito ay ginawan ko rin ng report. Dahil doon ay hindi nagkasya ang oras ko sa bahay para gawin ang lahat ng iyon,kaya ang ending ay ngarag to the bone ako ngayon. Ang mahalaga magawa ko ng tama ang lahat ng dapat kong gawin bago dumating ang pamilya nila Jane para hindi naman ako mapahiya dito lalo na sa kuya Lance nito.
Hindi dumating ng tanghalian ang mga hinihintay naming mga bisita.Sa palagay ko ay na delay ang biyahe ni Lance o baka may importante pa itong ginagawa kaya hindi agad nakarating. Ganoon pa man ay naiayos ko na ang lahat ng dapat iayos just in case na kailanganin itong hanapin sa akin ngbagong may-ari ng restaurant. Pagkatapos kong mailagay sa folder ang mga na print kong documents ay biglang dumunog ang aking cellphone.
Kinuha ko ito at nakita kong nakarehistro ang pangalan ng nagtext sa akin, si Jane… Naalala kong nagpalitan nga pala kami ng number kahapon at itetext na lang daw niya ako kapag papunta na ang mga ito sa restaurant kasama ang Kuya Lance nito.
Jane: Lyka, papunta na kami ngayon d’yan sa restaurant. Kuya Lance is also with us.
Hala siya...may emoji pa talaga ang text nito.Pati sa text bungisngis pa rin ito. Naisa loob na lang ko na lang. Saglit akong natigilan at tinitigan ang screen ng cellphone ko. Kasama na si Lance nila Jane papunta sa restaurant.
Malamang Lyka, siya ang may-ari ng pinagtratrabahuhan mo kaya? Napangiwi na lang ako sa katotohanang iyon.
Agad naman akong kumilos para lumabas ng aking office at sabihin sa mga kasamahan ko na parating na ang aming bagong boss kasama ang pamilya nito.
Naging maayos naman ang lahat,binilinan ko rin a ang mga crew na pagsilbihang mabuti ang mga costumers namin para makita ni Lance na maayos ang palakad namin sa restaurant nito.
Ilang minuto nga ang lumipas ay may narinig akong binati ng guard sa labas.Kinabahan naman ako bigla at medyo namutla pa ata ang itsura ko.
But I made sure na maayos at presentable naman ang itsura ko pagharap sa mga bisita namin. Nakasuot ako ng isang pencil cut dress na ngayon ko pa lang isinuot dahil hindi naman talaga ako pala suot ng mga ganoon damit. I used to wear a simple uniform like long sleeves ang skirt at teternuhan ko lang ito ng black shoes. Pero ngayon, mas pinili kong magsuot ng ibang damit para naman kahit papaano ay maging maayos ang itsura ko once na makaharap ko na ang aking bagong boss.
At wala pang isang minuto ay nasa harapan ko na ang Mama ni Jane na si Tita Luisa.Sa likod naman nito ay si Jane na may kausap pa sa cellphone. At katabi nito ay ang Kuya Lance nito na hindi ko nakilala.
Lalo itong naging guwapo sa paningin niya.Ang matikas nitong pangangatawan ay tila nagsasabing marami na siguro itong babaeng napaiyak o sinaktan plus ang itsura nito na parang pang modelo ang dating. Nakasuot ito ng three piece office attire na kulay gray at puti ang pang loob. His body is full of strength and karisma. Aaminin niya na malaki talaga ang pinagbago nito sa loob ng ilang taong hindi niya ito nakita, at hindi naman talaga niya ito madalas makita kaya siguro nanibago siya sa hitsura nito. Super hunk and hot ng dating nito sa paningin niya. Matangos ang ilong, mapang akit ang mga mata nito na bagay na bagay sa hugis ng mga labi nito na tila kay sarap halikan...
Natauhan ako bigla ng maisip ko ang kahalayang biglang sumibol sa isip ko.Posible nga kayang mabuhay ang ganong klaseng kahalayan sa isip niya ng dahil lang sa simpleng pagtitig sa guwapong mukha ni Lance?
Doon biglang nagtama ang mga mata namin ni Lance. Pormal lang ang bawat paghagod ng mga tingin nito sa akin. Parang isa-isa nitong kinikilatis ang kaubuan ko.Kaya medyo na concious ako, at bigla ay hindi ako makatingin ng tuwid dito. Naderetso lang ang tingin ko ng bangitin ni Jane ang pangalan ko.
"Lyka..."Tawag nito sa pangalan ko at inilagay na nito sa pouch ang ginamit nitong cellphone.
Una itong lumapit sa akin at saka ito humalik sa pisngi ko, at ganoon din naman ang ginawa ko kahit medyo kinakabahan at naasiwa ako bilga sa mga nangyayari sa paligid naming.
"Good morning po, Ms.Jane." Pormal kong bati sa kanya.
"Oh...why your so formal naman Lyka?" Maktol nito sa akin, bahagya pa akong napangiti sa gawi ng pakikipag-usap nito sa akin.
Nahihiya kasi akong tawagin lang ito sa first nito lalo na at kaharap namin ang mommy at kuya nito. Mainam na iyon para walang masabi ang bago niyang amo, tutal ay iyon naman ang dapat kong gawin, empleyado ako…amo ko sila. Maging ang Mama ni Jane na si Tita Luisa ay napatawa sa sinabi ni Jane.
"Ou nga naman Lyka, para namang hindi tayo magkakilala n’yan." Sentimyento rin nito. Alanganin akong ngumiti at binato ang Mama ni Jane, pinilit kong maging normal lang ang aking kilos kahit na talagang kinakabahan ako at kasalukuyang nakatitig pa rin sa akin si Lance, with those alluring eyes and lips…
"Tita Luisa..." Bati ko bigla sa Mama ni Jane para maibsan ang nerbiyos na nararamdaman ko sa pagtitig na ginagawa ni Lance sa akin. Ano ba kasing mayroon sa itsura at suot ko at hindi ito nag-aalis ng tingin sa akin? Puwede namang sa ibang panig ito ng restaurant tumingin para icheck ang mga bagay-bagay,bakit sa akin pa?
"Kamusta ka na ?Medyo matagal-tagal na rin tayong hindi nagkita. It's been what? Ten or nine years right?" saad nito na tila hindi makapaniwala na ganoon na kami katagal na hindi nagkita.
"O-opo… Tita," medyo nahihiya kong sagot dito.
Mayamaya ay napako na ang tingin ko kay Lance na nakikinig lang sa usapan namin ng kapatid at Mama nito. Ang Mama na nito ang bumasag sa katahimikan nilang dalawa.
"Lyka hija, kilala mo naman na si Lance hindi ba?" Paniniguro ni Tita Luisa sa akin.
"Opo Tita."At saka ko diretsong tiningnan si Lance na naghihitay lang siguro na pormal ko itong makausap.
"...good afternoon po Sir Lance." Bati ko sa kanya at na bahagya lang na kinibot ang labi at saka pormal din niya akong binati.
" Glad to see you again Ms.Ramirez." At inilahad nito ang isang kamay nito para makipg kamay sa akin.
Kaakibat ng paghawak nito sa aking isang kamay ay ang kabang kanina pa gusto kong pakawalan. Nang maramdaman ko ang pagpisil ng kamay nito sa kamay ko na hawak nito ay bahagyang umalpas ang kabang bumabalot sa akin at tila may isang kuryente ang biglang dumaloy sa braso niya papunta sa buo niyang sistema.
"So,where's my office?" Dugtong na tanong nito sa akin.
Hindi ako agad nakakibo ng marinig ko ang boses nito, parang kung may anong kakaibang dulot na kaba ang uri ng tinig nito.Yung bang mapapa-isip ka na lang kapag nagsalita ito kung tama ba o mali ang isasagot mo? Nakaka intimidate kasi hitsura nito lalo na kung paano ito tumingin.
At walang kakurap-kurap ay sinamahan ko ito sa magiging opisina nito kasama ang kapatid ni Lance na na si Jane at si tita Luisa. Nauna na akong maglakad at naksunod silang tatlo sa akin. Sana ay hindi nahalata ng mga ito ang kaba sa bawat kilos ko ng dahil lang sa simpleng paghaharap namin ni Lance ng araw na iyon.