Naalala pa niya dati kung paano niya hangaan ang kuya ni Jane na si Lance. Matanda ito ng limang taon sa kanila. At aamin niyang ito ang naging unang crush niya na lumaon ay nawala rin ng makilala niya si Leo.
At inisip din niya ang pagkakaibigan nila ni Jane kaya kahit minsan ay hindi niya nabanggit dito ang tungkol sa naging pagtangi niya sa kuya nito noong nasa high school pa lang sila.
Pero ngayon na nalaman niya na ito pala ang nakabili ng restaurant na pinagtratrabahuhan niya ay mas lalo siyang na excite na makita ito.
Pagkatapos nilang magkuwentuhan ni Jane ay nagpaalam na ito at babalik na lang daw ito kinabukasan kasama ang Mommy nito para pormal na makilala ang ibang nagtratrabaho sa restaurant. Baka humabol naman daw ang Kuya Lance nito na sa hapon pa ang flight pauwe ng Pilipinas.
Wala pa raw sa Pilipinas si Lance at may inaasikaso itong mga bagay sa U.S bago tuluyang bisitahin ang nabili nitong restaurant dito sa Pilipinas.
Kaya pala hindi niya ito nakita agad na pumunta sa restaurant at si Jane muna ang pinapunta nito ngayon araw para makausap siya bilang siya ang manager ng restaurant na iyon para ibilin ang ilang mga bagay. Nagulat ito ng todo ng magkita sila ngayon araw,at siya raw pala ang hinahanap nitong manager ng restaurant ng kuya niya.
"Lyka, I'm so happy to see you again." Mayamaya ay hinawakan ni Jane ang kamay niya.
"Masaya akong nagkita tayong muli Jane, nagkataon pa na kayo pala ang nakabili nitong restaurant na pinagtratrabahuhan ko."
"Ano ka ba! Kay Kuya Lance itong restaurant na ito, hindi kami kasama ni Mommy.” Biro nito sa kanya. “At saka alam mo ba, wala pang asawa si Kuya Lance hanggang ngayon.” May pilyong ngiti ang sumilay sa mukha ni Jane ng sabihin iyon.
Out of curiousity ay tinanong niya si Jane kung bakit hanggang ngayon ay wala pa rin itong asawa. "Ganun ba,bakit naman wala pa siyang asawa hanggang ngayon?" takang tanong niya.
Kung 25 na siya ngayon, ay malamang na nasa 30 years old na ang Kuya Lance nito, kaya nagtaka siya ng sabihin nitong wala pa itong asawa.
"Nakuh,asa ka pa sa isa na’yun. Walang ginawa ang isa na’yun kung hindi magtrabaho. Ang mga dinadala sa bahay namin kung minsan ay puro mahaharot at maaarteng babae lang." Nakanguso nitong balita sa kanya.
Medyo nahiya tuloy siya ng bahagya ng sabihin nitong maharot,at maarteng mga babae. Ganun din kaya ang tingin nito sa kanya ng sabihin niya dito kanina na may anak na siyang babae pero wala siyang asawa?
"Ang ibig kong sabihin Lyka, yung mga babaeng dinadala ni Kuya sa bahay wala lang yun. Hindi sila ang tipo ng mga babaeng magugustuhang pakasalan ni Kuya at maging asawa, malabong mangyari yun." Pumapalatak pang dagdag nito sa una nitong sinabi habang inaayos ang nagulong buhok nito sa likuran.
"Ikaw talaga, mukhang mahihirapan talagang maghanap ng asawa ang Kuya mo kung ganyan ka." tinakot niya ito ng bahagya pero naging dahilan pa iyon para lalo itong matawa.
"Hala Lyka naman, hindi naman sa ganun, pero ayoko lang talagang mapunta sa maling babae si kuya. Mabait kasi yun at hindi niya deserve ang basta sino lang na babae hindi ba?" Paghingi pa nito ng suporta sa kanya.
Halatang mahal na mahal nito ang kapatid nito kaya siguro nasasabi nito ang mga ganoong bagay kaya hinayaan na lang niya ang pagsesenti nito.
Nang matapos naman niyang makausap si Jane ay pinagbilin naman niya sa head chef ng restaurant na kailangan nitong maghanda ng mga pagkain bukas para sa pagdating ng Mommy at kapatid ng bago nilang amo. Maging ang mga janitor at guard ng restaurant ay binilinan din niya na maagang pumasok bukas para makapaghanda.
Mula sa trabaho ay dumertso naman siya sa isang mall para makapamili ng gamit ni Allison. Maging ang pinabibili nitong mga coloring books ay hindi rin niya nakalimutang hanapin sa mall.
Nasa junior casa na ito sa isang private school malapit sa kanila at gustong-gusto nito ang mag kulay. Wala itong ginawa kung hindi ang paghaluin ang mga color sa iisang character na kinukulayan at saka masayang itatanong sa kanya…
"Mommy,do you like my masterpiece?"
Mapapangiwe na lang siya at saka niya hahaplusin ito sa ulo at iaayos ang hanggang balikat nitong buhok.
Sino ba ang mag-aakalang makakaya niyang itaguyod ang buhay nilang mag-ina sa loob ng limang taon? Parang mahirap balikan ang sakit na pinagdaanan niya ng malaman niyang buntis siya kay Allison, pero ng dahil naman sa nangyaring iyon ay namulat ang isip niya sa maraming bagay.
Katulad ng pagiging matsaga at matapang… Hindi siguro siya makakarating sa kinatatayuan niya ngayon kung basta na lang siyang sumuko at umiyak sa isang tabi ng malaman niyang buntis siya.
At higit sa lahat, wala siguro siyang Allison na matatawag ngayon. Isang anak na araw-araw niyang inspirasyon kung bakit patuloy siyang nagsisikap at nagpapatuloy sa buhay.
Si Allison lang ang lakas niya at kahinaan sa buhay. At kung sakaling mawawala ito sa kanya ay tuluyan na siyang mawawala sa sarili at manghihina.
"Lyka, anak…" tawag sa kanya ng kanyang Nanay.
"Nay..." Lumapit siya dito at nagmano pagkatapos, nakangiti naman itong nakatitig sa kanya.
"Kamusta ang trabaho mo anak?" Pangungumusta nito sa kanya. Masaya na ang Nanay niya sa bawat araw na lumipas sa kanila. At nakita nito kung paano siya hindi sumuko at nagpatuloy siya sa paglaban sa buhay para sa kanilang pamilya.
"Ayos naman po Nay’. Nga po pala,naalala nyo po ba si Jane? Yung kaibigan ko noong elementary at highschool? Yung anak ni Tita Emma?" tanong niya dito.
"Oo. Natatandaan ko pa si Jane, ang balita ko nga ay maunlad na ang buhay ng mag-anak na iyon ngayon. Lalo na yung panganay na anak nila na lalake, may negosyo pa raw sa ibang bansa ang panganay nila.” Pagkukuwento ng Nanay niya sa kanya. Buti pa ito at updated sa mga balita tungkol sa dati nilang kapitbahay.
"Sila na po ang may-ari ng pinagtratrabahuhan kong restaurant ngayon Nay’." Pagbabalita niya dito at saka ito agad napalingon sa kanya ng marinig ang ibinalita niya. Halatang hindi rin ito makapaniwala katulad niya.
"Totoo ba?"
"Opo, Nay’."
"Mainam pala kung ganoon. Mayaman na talaga ang pamilya na’yun."
Tumango na lang siya at tinulungan nilang magdrawing at magkulay si Allison sa ginuguhit nitong bahay sa isang drawing book. Mahilig talaga ito sa pagguhit at pagkukulay. Mas madalas pa itong maging busy sa paghawak ng mga papel at pang kulay kesa ang maglaro ng mga laruang manika nito.
Masaya siya dahil lumaki si Allison ng mabait at masipag mag-aral na bata. At wala na siyang ibang mahihiling pa kung hindi ang makatapos ito ng pag-aaral at maging sucessful din na tao pagdating ng panahon.