Chapter 1- Bagong Pag-asa

1071 Words
        Lumipas ang mga buwan at nakaya ni Lyka na pagsabayin ang kanyang pag-aaral habang siya ay nagdadalang tao. Kabuwanan na rin niya at natapos na rin niya ang huling taon niya sa kolehiyo.           Buti na lang at nauna na ang kanilang on the job training last year bago sila nag fourth year kaya hindi na siya nahirapan ng pumasok siya ng dalawang semester kahit na buntis siya. Pati ang mga kaklase at kaibigan niya ay tinulungan siya habang nag-aaral at hindi naman siya nakatanggap ng kritisismo mula sa mga ito. Dahil doon ay naging magaan sa loob niya ang tanggapin ang mga nangyari sa kanya dahil nasa tabi niya ang mga taong handa siyang tulungan.           Halos ilang araw na lang at manganganak na siya at kinakabahan na siya sa maaaring mangyari sa kanilang mag-ina. Hindi niya alam kung kakayanin niyang manganak ng normal pero nagdadasal siyang sana ay normal niyang maipanganak ang kanyang baby. Hindi rin kasi niya kakayanin ang bayarin sa ospital kung sakaling hindi siya normal na manganak at kailanganin na-icesarian. Tiwala naman siya na hindi siya papabayan ng Diyos at magiging maayos din ang lahat para sa kanilang mag-ina.           At isang malusog na batang babae ang isinilang niya pagkatapos ng ilang araw. Medyo na adjust pa ang date ng panganganak niya dahil sa unang beses pa lang siyang nanganak kaya medyo nanganay siya lalo na noong siya ay naglalabor.           Unti-unti, naramdaman ni Lyka na napatawad na siya ng kanyang ina. Ito pa mismo ang nag- asikaso ng mga gamit ng baby niya bago siya dalhin sa ospital. Hanggang sa makapanganak siya ay ito ang nag-alaga sa kanya at labis niya itong pinagpapasalamat.           Babawi siya sa kanyang mga magulang sa lahat ng mga ginawa ng mga nito sa kanya. Hindi man siya perpektong anak sa mga ito ay pinaramdam naman ng kanyang mga magulang kung gaano pa rin siya kamahal ng mga ito, sila ng kanyang bunsong kapatid. Nanatili ng kanyang pamilya sa kanyang likuran hanggang sa makaya na niyang tumayong mag-isa para sa kanyang anak.           Ang balak niya ay maghanap agad ng trabaho pagkatapos niyang asikasuhin ang mga credentials niya sa University na pinasukan niya. Magsisikap siyang mabuti para sa kanyang pamilya higit para sa kanyang anak.           Allison...ito ang napili niyang pangalan ng kanyang anak at isinunod niya ito sa kanyang apelido.At maging ang kanyang mga magulang ay nagustuhan ang pangalan ibinigay niya sa kanyang anak.           Mabilis na lumipas ang mga araw at buwan at halos mag-dadalawang taon na ang kanyang anak. Pinaghandaan niya ang first birthday ni Allison. Nag-ipon siya ng paunti-unting handa nito hanggang sa mapuno na ang kanilang tukador ng nga gagawing spaghetti at pansit, may salad at gagawing puto din.           Kaya ng mismong kaarawan nito ay kaunti na lang ang ginastos niya. Buti at natanggap agad siya sa isang restaurant sa Makati. Noong una ay naging cashier siya dito hanggang sa napromote siya at nanging manager dahil sa pagsisikap niya.           Wala siyang hindi ginawa para sa kanyang anak at pamilya. Sinubsob niya ang sarili sa pagtratrabaho hanggang sa makuha niya ang posisyon na inaasam niya.            At makalipas ang limang taon, lahat ng ginawa at inasam niya ay puro parte ng pangarap niya hindi lang para sa anak niya kung hindi maging sa pamilya at sa sarili niya. Gusto niyang makita ang sarili na higit na maunlad kasya sa dating Lyka na iniwan at tinapon lang basta ni Leo.           Sisiguruhin niyang hindi nito makukuha ang anak niya pagdating ng panahon at ipapamukha niya rito na kinaya niyang buhayin si Allison kahit na mag-isa lang siya. Ni katiting na tulong dito ay wala siyang hiningi dahil ayaw niyang may maisumbat ito sa kanya.            "Lyka?" Isang tinig ang narinig niya sa likuran habang inaayos ang mga papel na binasa at pinirmahan niya kanina.           "Jane? Ikaw ba yan!?" At sabay silang napatili ng makilala nila ang isa't-isa.           Kaibigan niya ito simula ng elementary at high school pero ng lumipat ito ng bahay sa Manila kasama ang mga magulang nito at ang kapatid nitong si Lance ay wala na siyang nabalitaan dito.           At ngayon nga ay hindi siya makapaniwala na nasa harapan niya ito. Napakalaki ng pinagbago ng itsura nito pati ang pananamit, talagang sosyal na at may sinasabi sa buhay.           Nagyakapan pa sila ng ilang segundo bago sila naglayo at nagtitigan hanggang pareho na lang silang natawa pagkatapos.           "Namiss kita ng sobra, Lyka!" maiyak-iyak nitong saad sa kanya. "Kamusta na ba, ha? Ang tagal nating hindi nagkita, ilang taon na nga  ba?" Kunwari pa itong nag-isip saka muling tumawa. "Anyways, ang mahalaga nagkita na tayo friend." At saka ito tumawa ng todo. Wala pa rin itong pinagbago,bungisngis pa rin ito at masayahin.           "Oo nga. Sayang hindi kita nakita kung paano ka gumanda ng ganyan!" hindi makapaniwalang saad niya sa kaibigang si Jane.           "Sus! Parang siya ay hindi gumanda ah. Ikaw nga ang mas gumanda nuh." Balik nitong papuri sa kanya, at saka nito sinipat ang suot niyang damit at maging ang itsura niya.           Kahit papaano naman ay hindi niya pinabayaan ang sarili niya pagkatapos niyang manganak, dahil parte rin iyon ng trabaho niy, ang maging presentable sa harapan ng ng maraming tao.           At nagpasya silang umupo muna sa isang bakanteng mesa na may dalawang upuan para doon ipagpatuloy ang masaya nilang kuwentuhan.           "Bakit nga pala nandito ka,Lyka?  Are you working here?”  Takang tanong nito sa kanya pagkatapos nitong uminom sa baso ng juice na inorder nila.           "Oo. Dito ako ng wowork bale manager na ako dito ngayon." Kuwento niya at doon muling napatakip ito ng bibig ng marinig ang sinabi niya.           "Really? My gosh...Lyka, ang galing mo naman!" gulat na saad nito sa kanya. Halatang masaya ito sa narating niya sa buhay. “Alam mo ba na ang bagong may-ari ng restaurant na ito ay si Kuya Lance?" Dugtong nito sa una nitong sinabi pero mas nagulat siya ng marinig niya ang pangalan ng kuya nito.           Di yata at ito ang bagong may-ari ng restaurant na pinagtratrabahuhan niya ngayon? Ang sabi kasi ng dati nilang boss ay pinagbili nito ang restaurant dahil kailangan na itong bumalik sa Spain at doon na lang ito magtatayo ng bagong restaurant. Hindi naman nila nalaman kung kanino ito ipinagbili at biglaan ang pag-alis ng kanilang dating boss. Binilinan na lang sila nito na hintayin ang pagdating nito one of these days. At kaya pala nagkita sila ni Jane ay dahil konektado ito sa bagong may-ari ng restaurant na pinagtratrabahuhan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD