Luke's gaze is fixed on me. Only a fraction of his face is visible in the dim light of the parking lot. Ngunit kilalang kilala ko siya. Kahit pa hindi ko lubos na makita ang mukha niya ay alam kong si Luke ang dumating. He looks very serious. Then his gaze shifted to my arms. His lips twitched, as if he didn't like what he was seeing. Awtomatiko akong napahawak sa mga galos na natamo sa braso dahil sa pagkahulog ko sa sasakyan. Pero bakit pakiramdam ko ay naninisi ang tingin niya sa akin?
“T*angina! Sino ka ba? Bakit ka nangingialam?” galit na tanong ni Andrei sa kaniya nang makabawi ito.
“Why? Do I need to introduce myself?” sa halip ay ganting tanong ni Luke sa kaniya. “Narinig ko siyang humihingi ng tulong. At nakita ko kung anong ginagawa mo sa kaniya,” mahina ngunit mapanganib ang boses niya. Sinulyapan niya ako. Muli ay naninisi ang tinging ipinukol niya sa akin.
“L-Lucas? What are you doing here?” bigla ay tanong ni Andrei. Fear is audible in his voice, despite his attempts to hide it. Mukhang ngayon lang niya napagtanto kung sino ang kaharap. “L-Lucas, b-bro, nagkakamali ka. Kusa siyang sumama sa akin. H-Hindi ko siya pinilit,” bigla ay paliwanag ni Andrei. Inakbayan pa niya si Luke.
Gusto kong sugurin si Andrei ng suntok dahil sa mga pinagsasabi niya. Matalas ang tinging ipinukol ko sa kaniya na noon ay nakatitig din sa akin. That's when Luke stepped in between us, purposefully blocking Andrei's view.
“Is that so?” Luke asked sarcastically.
“Oo naman bro! Kilala mo ako! Hindi naman ako namimilit ng babae eh! That woman…,” bulong ni Andrei sabay sulyap sa akin. “Kilala ko si Mariel na kaibigan niya. I’m sure she's also a wh0re—”
Hindi na ni Andrei natapos ang sasabihin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Bigla na lang itong binanatan ni Luke ng suntok sa mukha. Buong akala ko ay nag-uusap sila ng mahinahon.
What is wrong with him? Bakit kailangan pa niyang suntukin si Andrei? Was he offended by Andrei's remark about me? Eh, ganoon din naman siya sa akin! Masakit din naman siya magsalita sa akin. Kahit nahihilo ay pilit akong tumayo para awatin siya.
“Green!! Stop! T-Tama na!” mabilis akong pumagitna sa kanilang dalawa. Muntik pa akong matumba dahil bigla ay umikot ang paningin ko. Mabuti na lang at maaga akong nahawakan ni Luke.
“Leave,” he said firmly to Andrei.
“Okay! Okay! Ano bang ikinakagalit mo, huh? Totoo naman ang sinabi ko!” ani Andrei habang pinupunasan ang labi na dumugo dahil sa natamong suntok. Halata ang galit niya ngunit hindi naman siya nagtangkang lumaban kay Luke. Bagkus ay nagmamadali siyang pumasok sa kaniyang sasakyan pagkatapos ay pinaharurot iyon palayo.
My gosh! Dad would be furious if he found out I got into trouble again!
Naiwan kami ni Luke na nakatayo sa parking. Hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Kanina lang ay galit na galit ako sa kaniya. Ngunit ngayon ay parang nawala na lahat ng galit ko. In fact, hindi ko mapigilan ang kiligin ngayong napagtanto kong ipinagtanggol niya ako. Bakit nga ba siya nandito? Kanina ay naisip kong halos imposible nang may makarinig sa akin at tulungan akong makalabas sa sasakyan ng manyak na Andrei na ‘yon. Buong akala ko ay hindi na ako makakatakas. Hindi kaya sinundan niya ako? Bakit naman niya gagawin ‘yon? Gusto din ba niya ako? Wala sa loob na napangiti ako sa naisip. Bigla ay tumaas ang kumpiyansa ko sa sarili. Sinulyapan ko si Luke ngunit mukhang wala siyang balak na kausapin ako kaya ako na ang naunang magsalita.
“Hindi mo naman kailangang suntuking ‘yon tao,” basag ko sa katahimikan. Hindi siya sumagot kaya nilapitan ko siya. Tumayo ako sa harap niya at nakangisi siyang tinitigan. Nakakunot pa rin ang noo niya. At mas lalo iyong kumunot nang makita ang malawak kong ngiti sa kaniya.
“Sinusundan mo ba ako?” pilyang tanong ko.
“Baliw ka na ba? Muntik ka nang mapahamak pagkatapos ay ang lawak pa ng ngiti mo diyan?”
“Sagutin mo muna ang tanong ko. Sinusundan mo ako ‘no?” ulit na tanong ko. Napabuga siya ng hangin.
“Tss! Sinamahan ko lang si Anica sa sasakyan niya. Then narinig kitang sumisigaw.”
“Ows? Paano mo nalamang ako ‘yon? Asan si Anica?” tanong ko saka nagpalinga-linga.
“Umalis na,” sagot niya saka ako tinalikuran. Mabilis ko naman siyang hinabol.
“Luke! T-Teka lang, saan ka pupunta?”
“Saan pa? Uuwi na! You always cause trouble at ayaw ko nang madamay pa.” Naglakad na siya patungo sa sariling sasakyan na malapit lang sa pwesto namin. Nakasunod pa rin ako sa kaniya hanggang sa sasakyan niya kaya muli niya akong binalingan. “Umuwi ka na,” utos niya.
“Duh?! Paano ako uuwi eh pinaalis mo nga ‘yong maghahatid sana sa akin?” kunway pagtataray ko.
“Wow! Great! Galit ka pa na niligtas kita sa lalaking ‘yon? You’re welcome!” sarcastic na sabi niya. Halata ang matinding inis niya. “Are you stupid? Kilala mo ba ang Andrei na ‘yon? Sa dinami-dami ng lalaki dito sa kaniya mo pa napiling sumama!” Napatitig ako sa kaniya. Sa paningin ko ay para siyang nagseselos.
Nginitian ko siya ng matamis. Sa isang iglap ay inabot ko siya at muli kong ipinulupot ang braso sa leeg niya. Halata ang pagkagulat niya sa ginawi ko. Muntik na siyang mawalan ng balanse at napasandal siya sa kaniyang sasakyan ngunit wala akong pakialam.
“Hmn, huwag ka nang magselos! Ikaw lang ang gusto ko. Sa ‘yo ko naman gusto sumama eh! Kaso ang taray mo naman kanina sa ‘kin! I know you like me. Ayaw mo lang aminin,” I said playfully. Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. Then I rested my head against his chest. I catch a whiff of alcohol blended with his manly cologne. I could also hear his heartbeat. It was very soothing. Bigla ay para akong inantok.
“Jade—”
“Huwag mo muna akong itaboy, please?” pakiusap ko sa kaniya. Nararamdaman ko na ang pamimigat ng talukap ng aking mga mata. Para akong baliw. Ako ang babae pero ako pa itong ang lakas maghabol sa kaniya. Ngunit kakatwang hindi nga niya ako sinubukang itulak palayo. Kung panaginip man ito, ayaw ko nang magising.
“Asan ang mga gamit mo? Where is your bag?” mayamaya ay tanong niya.
“I don’t know,” bulong ko. Wala na akong pakialam sa mga gamit ko. Ang mahalaga ay kasama ko si Luke ngayon. Narinig ko ang paghugot niya nang malalim na hininga.
“Let’s go, Jade. Ihahatid na kita,” bulong niya. His warm breath tickled my forehead.
Hindi na ako nakatanggi nang kumalas siya buhat sa pagkakayakap ko. Dumako ang isa niyang kamay sa baywang ko para alalayan ako. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at tinulungan akong makaupo ng maayos. Matapos iyon ay inabot niya ang seatbelt. He was so close. At kaybilis ng t***k ng puso ko habang nakatitig sa kaniya. Pinigil ko na ang sarili na hawakan siya. Baka mamaya ay mawala siya sa mood at magbago pa ang isip niya. Matapos ikabit ang seatbelt ay tumunghay siya sa akin. Napigil ko ang paghinga nang magtama ang aming mga mata. I wonder why his eyes are now filled with admiration. Kanina lang ang sabi niya ay malabong magustuhan niya ako. Ah! Maybe I was too drunk and started imagining things. Alam ko naman na talagang hindi niya ako gusto. Pero bakit nga ba ayaw niya sa akin?
“L-Luke,” tawag ko sa kaniya. “I like you. Ano bang mali sa akin? Bakit ayaw mo sa akin?” tanong ko sa kaniya. Halata ang pagkagulat niya. Nanatili lang siyang nakatitig sa akin. I raised my hand to touch his cheek. Ngunit kung kailan malapit na iyong lumapat sa pisngi niya ay saka siya parang natauhan. Mabilis siyang lumayo sa akin. Isinara niya ang pinto ng sasakyan at lumiban siya sa driver’s seat.
Nakagat ko ang ibabang labi. Nababaliw na nga yata ako! This alcohol is causing me to do and say strange things. Lumalakas ang loob ko. Kung hindi dahil sa nainom ko ay hindi ako makakapagsabi sa kaniya ng mga ganitong bagay. Inayos ko ang pwesto at sumandal ako sa upuan ng sasakyan. Hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan na lang ako na buhat ako ni Luke. Nalilitong pinagmasdan ko ang paligid. Warm lighting, luxurious decor, a carpeted floor, and an elevator. Nasa hallway kami. Naglalakad siya sa hallway habang buhat ako.
“L-Luke, asan tayo?” halos wala pa sa sarili na tanong ko.
“I'm glad you've finally decided to wake up,” sarcastic niyang sabi. Tumigil siya sa tapat ng pinto na may nakalagay na room number.
H-Hotel room? Nasa hotel kami.
Inalalayan niya ako hanggang sa makapasok ako sa kwarto.
“I've already covered the cost of your stay here.”
“Hmn,” sagot ko. Ramdam ko ang pagkailang niya ngayong kami lang ang magkasama sa kwarto.
“Aalis na ako,” mayamaya ay paalam na niya. Tumalikod na siya ngunit mabilis kong inabot ang kamay niya at pinigil siya.
“Please don't leave me here,” pakiusap ko sa kaniya. “Y-You…you are welcome to stay here if you want to.”
“What?!” Nabasa ko ang pagguhit ng galit sa mga mata niya na para bang hindi niya nagustuhan ang alok ko sa kaniya. Hindi siya umimik bagkus ay marahas niyang hinila ang kamay mula sa pagkakahawak ko. Nag-panic na ako nang humakbang siya patungo sa pinto.
“Hey! Iiwan mo talaga ako dito?” hindi siya sumagot. “Hmp! Bakla ka yata eh! Bakla ka ba?” bigla ay naisip kong itanong. Noong siya tumigil sa paglakad. Dahan-daha siyang pumihit paharap sa akin.
“What did you just say?" he asked dangerously. Alam kong nasagad ko na ang pasensya niya sa pagkakataong ito ngunit hindi ako nababahala. Sa tingin ko ay matapang ako ngayon dahil sa epekto ng alak.
“Wala ba talaga akong epekto sa ‘yo? Iniisip ko na talaga na bakla ka,” pang-aasar ko pa.
“Well…,” sambit niya sabay abot sa kamay ko. Nanlaki ang mga mata ko nang pasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.
“L-Luke—”
“Allow me to prove you otherwise,” aniya saka marahas akong hinila at siniil ng halik. Hindi ako nakakilos sa matinding pagkabigla.