I'm not sure what got into me. Sa halip na matakot pagkakita sa babae ay nkakaloko ko pa siyang nginitian. Napansin ko ang pagtitig niya sa akin. Inaasahan kong aahon ang galit niya, kaya naman labis ang aking pagtataka nang nakangisi niyang binalingan si Luke. Humalukipkip siya at nanunudyo ang mga matang tiningnan ang lalaki.
“So, kaya pala bigla ka na lang nawala huh?!” pang-aasar niya kay Luke. Then she gave me a sweet smile.
“Anong sabi mo?” nagulat na tanong ni Luke. Buhat sa babae ay itinuon niya ang tingin sa akin. Halos magkadikit na ang mukha namin dahil sa lapit ko sa kaniya. Hindi ko mapigilan ang mapatulala sa kaniya. Higit na gwapo siya sa malapitan kahit pa nga nanlalabo na ang aking paningin. Dahil sa pagkatulala ko ay nakakuha siya ng pagkakataon. Nagawa niya alisin ang pagkakayakap ko sa kaniya. Pagkatapos ay inayos niya ang nagulong damit. Nakatingin lang ako sa kaniya nang lapitan ako ng babae.
“I’m Anica,” pakilala niya sabay lahad ng kamay. Kahit pa nahihilo ako ay hindi ko maikailang maganda siya.
“J-Jade,” pakilala ko din sabay abot sa kamay niya. Hindi tulad ng inaasahan ko ay malawak ang ngiting iginawad niya sa akin. Para akong lalong nahilo at ngayon sumisipa ang epekto ng alak na naimom ko.
“Let’s go Anica,” aya sa kaniya ni Luke. Hinawakan niya ang babae sa braso at hinila na palayo sa akin.
“T-Teka lang Luke! She’s drunk and—”
“That’s not our problem. Ginusto niya ‘yan! Isa pa ay may mga kasama naman siya. Let them take care of her,” sagot ni Luke habang nakatingin sa akin, not a trace of concern in his eyes. Naikuyom ko ang kamao. Akmang tatalikod na siya nang muli ko siyang tawagin. Nakataas ang kilay niya nang lingunin ako.
“Hoy Lucas Verde!!! Hindi ko alam kung anong nagustuhan ko sa ‘yo eh! Oo nga at gwapo ka at matalino pero hanggang doon na lang pala ‘yon!” Huminto ako para habulin ang paghinga. “Ito ang tatandaan mo, ayaw ko na sa ‘yo!! Hindi na kita gusto! Napakasama ng ugali mo! At kapag ikaw naman ang naghabol sa akin ay hinding hindi talaga kita papansinin!” malakas na sigaw ko. Nababasa ko ang gulat sa mata ni Anica at ng ilan pang tao malapit sa pwesto namin na nakarinig sa mga sinabi ko. Pakiramdam ko ay sumandaling natahimik ang paligid at lahat sila ay naghihintay ng magiging sagot ni Luke. Tiningnan ko siya na noon ay nagdilim ang mga mata. Kumalabog naman ang dibdib ko sa maaari niyang sabihin.
“That won't happen. I don't see myself chasing after you. Hindi ikaw ang tipo ng babae na magugustuhan ko.”
Narinig ko ang pagsinghap ng ilang nakarinig sa amin…lalo na sa mga sinabi ni Luke. Inilibot ko ang mga mata sa paligid at kitang kita ko ang tinginan at bulungan nila. Pakiramdam ko ay sinaksak ako sa puso. I thought men rejecting women harshly happened only in movies. Hindi ko akalain na mapupunta ako sa ganitong sitwasyon. Ito ang ikalawang beses na tinanggihan ako ni Luke. Worst, sa harap pa ng marami. Ramdam ko ang pag-iinit ng mga mata ko. Alam kong ano mang oras ay babagsak na ang aking mga luha. Gayunpaman ay pilit kong pinigil iyon. I will never cry in front of him. Sa halip ay nagkibit-balikat lang ako.
“Okay! Sabi mo ‘yan ha!” kunway mayabang na sagot ko. Humakbang na ako at nilampasan siya. Hindi ko ipinahalata ang panginginig ng aking buong katawan. At tila mas lalo akong masusuka dahil sa sama ng loob.
“You jerk!” narinig kong mahinang sita ni Anica kay Luke ngunit wala akong narinig na sagot buhat sa lalaki. Hindi ko na sila pinansin. Kahit pa nahihilo ay pilit akong naglakad hanggang sa humalo na ako sa karamihan ng mga bisita na nasa dance floor. Hindi ko na nilingon si Luke kung nakasunod ba sila sa akin o ano. Tinikis ko ang sakit na nararamdaman. Kahit pa ang totoo ay gustong-gusto ko nang umiyak dahil sa sinabi niya at sa pagkapahiya. Kasalanan ko rin naman. May mali ba sa akin? May nagawa ba ako para ayawan niya ako ng husto? Pakiramdam ko ay lalong nadagdagan ang pagkahilo ko dahil sa pagpipigil ng emosyon. Pagbalik ko sa pwesto ay tanging si Andrei ang nadatnan ko doon.
“A-Asan sila?” tanong ko.
“Nandoon na sila sa dance floor. Hinihintay ka nila kanina pa.” Halos hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil sa kalasingan. Sinulyapan ko ang dance floor ngunit hindi ko naman makita ang dalawa kong kaibigan dahil sa kapal ng tao na naroon. Nawala na ako sa mood para mag-party. Ang nais ko na lang ay umuwi at umiyak sa aking kwarto. Kahit pala lasing ako ay hindi sapat para hindi maramdaman ang sakit. I can't recall Luke's exact words, basta ang alam ko ay nasaktan ako sa sinabi niya. Dinampot ko na ang bag na dala.
“Where are you going?” nagtatakang tanong ni Andrei.
“Pakisabi na lang sa kanila na umuwi na ako,” sagot ko. Sanay na sila sa ugali ko na bigla na lang nawawala sa inuman. Lalo na si Melody. Alam kong mag-aalala siya pero hindi ko na kayang magtagal dito. Natigilan ako nang makarinig ako ng tawanan sa kabilang mesa. Hindi kaya ako ang pinagtatawanan nila? Naipilig ko ang ulo. Umiiral na naman ang pagka-paranoid ko dahil sa nangyari.
“Alis na ‘ko,” paalam ko. Bitbit ang bag ay nagmamadaling ko nang tinungo ang pinto palabas. Bigla ay naramdaman kong may pumigil sa braso ko. Si Andrei iyon na puno ng pagtataka ang mukha.
“Bakit bigla ka namang aalis? May nangyari ba?”
“W-Wala. Gusto ko nang umuwi—”
“Hatid na kita?” alok niya. Nangingislap ang mga mata niya sa antisipasyon.
“Ha? H-Hindi na! Kaya ko naman umuwi mag-isa,” tanggi ko. Mas wala akong tiwala sa Andrei na ito.
“Come on! Lasing ka na. Alam kong hindi mo na kaya umuwi mag-isa. Hatid na kita,” pagpupumilit niya. Sa gulat ko ay humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at hinila na niya ako palabas. Sa bilis ng paghakbang niya ay mas lalo akong nahihilo. May mga nakakasalubong pa kaming kakilala niya na batid kong kakaiba ang iniisip sa amin.
“Oy, pre, sino ‘yan?” bati sa kaniya noong isa naming nakasalubong saka pinasadahan ako ng tingin. “Ayos ah!” komento pa nito.
“Sira ulo!” nakangising sagot ni Andrei ngunit hindi naman niya pinasubalian ang iniisip ng mga ito.
“A-Andrei, huwag na kasi,” tanggi ko. Sinubukan kong hilahin ang kamay ngunit mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. My vision is becoming increasingly blurry as we walk out of the place. Namalayan ko na lang na nasa parking area na kami. Nang buksan niya ang sasakyan ay hindi agad ako kumilos. Nagtatalo ang isip ko kung sasama ba ako sa kaniya.
“Tara na! Pakipot ka pa eh!” bulong niya sa akin.
“Ano?” inis na tanong ko. Narinig kong mahina siyang tumawa.
“I’m just kidding. Sakay na kasi. Ihahatid kita sa inyo, I promise,” aniya. Tinitigan ko siya. Inaarok ko kung mapagkakatiwalaan ko ba siya.
“Promise!” ulit niya. Napipilitan na sumakay ako sa passenger’s seat ng kaniyang kotse. Nakasunod lang ako ng tingin sa kaniya nang pumwesto siya sa passenger’s seat at binuhay ang makina ng sasakyan. Then I heard the sound of him locking the car doors.
“Andrei—” Hindi ko naituloy ang sasabihin. Bigla niya akong hinawakan sa batok at hinila papalapit sa kaniya. I realized he was about to kiss my lips kaya mabilis kong iniwas ang mukha. This is what I did to Luke a while ago, and now I realize what I did was extremely irritating! Nagpumiglas ako buhat sa pagkakahawak ni Andrei. Wala na akong pakialam kahit pa nga masipa ko na ang dashboard ng kotse niya.
“Ano bang inaarte mo? Sisirain mo pa yata ‘tong kotse ko! Alam ko namang liberated ka. Huwag ka nang mahiya, wala nang ibang makakarinig sa ‘tin dito. Come on!” ani Andrei. Nangilabot ako sa sinabi niya. My stomach is turning. At nanginginig na yata buong katawan ko. Akmang hihilahin niya ako kaya mabilis kong itinulak ang pinto ng sasakyan ngunit naka-lock iyon.
“I’m sorry, babe. Hindi mo ‘yan mabubuksan buhat dito sa loob,” nakangisi niyang sabi. Ganoon na lang ang gulat ko nang sunggaban niya ako. Halos daganan na niya ako. He planted kisses on my neck habang pilit niyang hinuhubad ang dress ko. Napasiksik na ako sa pinto. Nalaglag na ang bag na dala ko gayundin ang mga laman niyon dahil hindi ko iyon nagawang isara ng maayos.
“Andrei, ano ba! Isusumbong kita kay Daddy!” pagbabanta ko. Pilit ko siyang itinutulak. I'm acting brave, but the truth is that I'm starting to panic.
“Hmn, so what? Sino ba ang Daddy mo kumpara sa Dad ko?” natatawa niyang sabi. Mas lalo akong kinabahan dahil hindi man lang kababakasan ng takot si Andrei.
“Help me! Help me!” sigaw ko at pinaghahampas ko ang bintana ng sasakyan niya. Suddenly someone from outside pulled the door open. Dahil doon ay magkasabay kaming nahulog ni Andrei. Ako ang nasa ilalim at napadaing na lang ako dahil sa bigat niya. Ramdam ko ang pagguhit ng sakit sa likod ko dahil sa pagbagsak ko sa sementadong flooring. Then Andrei's weight vanished. That's when I realized my rescuer had snatched him.
“Sino ka ba? Bakit ka nakikialam sa amin, ha?” matapang na tanong ni Andrei dito nang makatayo ito. Ako naman ay nahirapang makabangon buhat sa pagkakabagsak.
“I didn't mean to intervene. But it's clear that the lady didn't want what you're doing to her. Have you ever heard of the word consent?”
Natigilan ako nang marinig ko ang boses ng lalaki. I slowly turned around to look at him, and his intense gaze met mine.
Luke?