Chapter 3 – Birthday Party

1906 Words
I almost yawn with boredom. Mabuti na lang at napigil ko ang sarili ko. Sinulyapan ko ang lalaking nagsasalita sa harapan ko. Gusto kong batukan ang sarili kung bakit ba ako pumayag sa utos ni Daddy na makipag-date sa lalaking ito. I was ecstatic when Dad told me yesterday that someone from the Verde family wanted to get to know me. Buong akala ko ay si Luke na ang gustong makipagkilala sa akin. But this Dave Verde is nothing like Luke. While Luke speaks flawlessly, this man in front of me is the opposite. He's obviously trying to impress me, ngunit sa halip na humanga ako ay nagiging mayabang lang ang dating niya sa akin. He's been telling me about their family business, real estate investments, and everything they own. But I no longer find these things impressive. Mabuti sana kung sarili niyang pag-aari ang mga bagay na ipinagyayabang niya. Ngunit hindi. Yaman ng mga magulang niya ang ipinagyayabang niya. Muli kong sinulyapan si Dave na noon ay nakatitig sa akin. Hindi ko din nakikita sa mga mata niya ang paghanga sa akin. I'm used to men looking at me with admiration. At ang isang ito ay hindi ganoon ang tinging ipinupukol sa akin. Why would he want to get to know me? I looked at Dave’s features. He doesn’t even resemble Luke. I studied Dave's features. He bears no resemblance to Luke at all. He has a clean-shaven head and a bushy beard. Yes, matipuno si Dave. Malapad ang balikat at hakab ang malaki niyang katawan sa suot niyang polo shirt. Ngunit hindi siya katangkaran. Perhaps other women find him attractive, but I don't. “Did I bore you?” “H-Ha? Ahh, hindi. Sorry, may naalala lang ako,” palusot ko kahit ang totoo ay kanina pa ako nag-iisip ng dahilan para makapagpaalam sa kaniya. “It’s okay. Narinig ko na kababalik mo lang from US.” “Yeah,” sagot ko. Hindi na siya sumagot. Then there was awkward silence. “B-Baka pagod ka na,” nag-aalangan na sabi niya. Marahil ay nahalata niya ang kawalan ko na ng interes. “Actually, biglang sumakit ang ulo ko. I-I’m sorry,” pagsisinungaling ko. He let out a sigh. “Okay. Saka na lang tayo lumabas ulit. Kapag maayos na ang pakiramdam mo.” Hindi ko alam kung dinadaya ba ako ng aking paningin, ngunit nababasa ko sa mukha niya ang iritasyon na pilit niyang itinatago. Tipid siyang ngumiti saka tumayo para alalayan ako patungo na sa parking space kung saan naghihintay ang driver ko. Hindi ako pumayag kanina na sunduin at ihatid pa niya ako. Ngunit bago ako ganap na makasakay ng sasakyan ay may naalala ako sa kaniyang itanong. “Are you related to Lucas Verde?” Napansin kong natigilan siya at napatuwid ng tayo. Pressing his lips together, he looked away from me. Nagtataka naman akong naghintay ng sagot niya. “No,” mayamaya ay tipid niyang sagot. “No? Pareho kasi kayo ng surname kaya—” “No. We are not related,” putol niya sa sasabihin ko. Naging matalim ang mga mata niya at hindi na rin niya naitago ang inis sa boses kung kaya hindi na ako nagpumilit. It's strange, but being in his presence makes me feel totally unsafe. “O-Okay,” kinakabahang sagot ko. Hindi na sumagot si Dave. Halata ang pagkadismaya sa kaniyang mukha. Kung kanino siya nadismaya, hindi ko masabi. “Travel safe, Jade.” Tumango lang ako bago sumakay ng sasakyan. Kunway kumaway pa ako sa kaniya bago isara ang bintana ng sasakyan. Nang mawala na siya sa paningin ko ay saka ako nagpakawala ng malalim na hininga. Nakapapagod ang makipag-usap sa kaniya. Actually, hindi lang sa kaniya. Whenever I go out with someone of the opposite s*x, I always end up feeling exhausted. Paano ako magkaka-boyfriend nito? Iisa lang ang gusto ko, ngunit hindi naman ako pinapansin. Nasa biyahe pa ako nang mag-ring ang aking cellphone. Napangiti ako pagkakitang si Melody ang tumatawag. “He—” “So ano? Guwapo ba? Kamukha ni Luke?” sunod-sunod na tanong niya. “Hay! Ang layo kay Luke,” walang buhay na sagot ko. Natawa na lang si Melody sa kabilang linya. “Ikaw naman kasi! Nakarinig ka lang ng Verde, akala mo si Luke na agad.” “Hindi din daw sila magkakilala,” disappointed na sabi ko. “Ehdi mabuti! Mas masama tingnan kung kamag-anak pa ni Luke ang naka-date mo! Bakit ba kasi pumayag ka makipag-date sa lalaking ‘yon?!” “Pinagbigyan ko lang si Daddy. Kasi may inilalapit daw sa kaniya na project ang mga Verde. Alam mo naman ‘yon si Dad, kailangan niya ng support ng mga businessman para sa pagkandidato niya sa susunod na eleksyon. At itong mga Verde naman, kailangan mapa-oo si Daddy sa mga projects na gusto nila.” “Whatever!” sagot ni Melody. Halatang hindi siya interesado sa mga sinabi ko. “Tumawag ako para ipaalala sa ‘yo na bukas na ang party ni Kyle.” “H-Ha? Bukas na agad?” gulat na tanong ko. Ang bilis naman ng araw! Mag-iisang linggo na pala buhat nang umuwi ako dito sa Pinas! Hindi pa ako nakakaipon ng lakas ng loob para harapin si Luke. “Oo, bukas na! At kailangan mong pumunta.” “M-Melody, huwag na nating seryosohin ang pustahan na ‘yon! Matatanda na tayo—" “Hindi naman ‘yong pustahan ang habol ko eh! Malay mo naman, mapansin ka na ni Luke this time,” malumanay na sabi niya. “Pagkakataon mo na rin na malapitan siya. Kung hindi ngayon, eh kailan pa? Kapag hindi ka pumunta bukas eh wala na! Finish na! Goodbye Mr. Green na talaga.” Perhaps there is something seriously wrong with me. Kahit na anong tanggi ko ay nagawa akong kumbinsehin ni Melody. Buong gabi na halos hindi ako nakatulog kaiisip kung paano ko lalapitan si Luke. Hanggang lumipas din ang maghapon na hindi ako mapakali. Para akong teenager na pupunta sa party kung saan naroon ang crush ko. “Come on, Jade. Birthday party lang ‘yon ni Kyle! At hindi rin sure kung andoon si Luke,” kausap ko sa sariling repleksyon sa salamin. Kanina ay tumawag si Mariel para sabihing paparating na siya para sunduin ako. “Pero mas gusto ko pa rin kung naroon siya sa party!” biglang bawi ko. Muli kong sinuklay ang nakalugay na buhok. I made sure I look pretty. A sexy black dress. Strappy high heels. And a designer purse. Hmp! Ewan ko na lang sa ‘yong Luke ka kung hindi mo pa ako mapansin! Ilang minuto lang ay lumabas na ako ng aking kwarto. Wala pa sila Mommy at Daddy kung kaya nag-message na lang ako sa kanila na paalis ako. “Wew!” napasipol si Mariel pagkakita sa akin. Namataan ko na rin si Melody na nakapwesto sa backseat. Maging siya ay napangiti pagkakita sa ayos ko. “Mukhang matatalo ka ngayong gabi sa pustahan,” mayabang na baling niya kay Mariel. “Hmn. Let’s see.” Nagkibit-balikat lang si Mariel sa pagbabanta ni Melody. Matapos ang kalahating oras ay narating na namin ang Clover Bar na sinasabi ni Kyle. The music was blasting. Nakita namin si Kyle na nasa entrance at siyang sumasalubong sa mga bisitang dumarating. “Whoa! You look stunning!” salubong niya sa amin. May kataasan ang boses niya ngunit halos hindi pa rin namin siya marinig dahil sa lakas ng music. “Happy birthday!” bati namin sa kaniya. “Thank you! Thank you! I'm sorry, but I'm a bit busy here. Make yourself comfortable!” sagot ni Kyle. Itinuro niya sa amin ang isang pwesto. “Ugh! Don’t mind us,” mabilis na sagot ni Mariel. Kakaiba din ang ngiti niya sa lalaki. Inilibot ko ang mga mata sa loob ng bar. The place is crowded. Kayraming bisita ni Kyle na pawang hindi ko kilala. Ngunit ang hinahanap ng mga mata ko ay hindi ko matagpuan. Asan kaya si Luke? Sayang ang effort ko kung wala naman siya dito. “Karamihan sa kanila ay mga kaklase ni Kyle noong college,” ani Mariel na ang tinutukoy ay ang mga bisita ni Kyle. “Paano mo nalaman?” halos panabay na tanong namin ni Melody sa kaniya. “Well, sabi niya sa akin noong isang gabing magkausap kami,” nakangisi niyang sabi sabay taas ng cellphone na hawak. Napataas ang kilay ko sa kaniya. So, nagkapalitan na sila ng contacts? Naupo kami sa bakanteng pwesto na itinuro sa amin ni Kyle at agad na may nagdala sa amin ng inumin. Nang sulyapan ko si Mariel ay napansin kong nagsesenyasan sila ni Kyle. Mukhang nagkakamabutihan na talaga ang dalawang ito! Muli kong inilibot ang mga mata sa paligid. Asan naman kaya ang Lucas na ‘yon? I then looked over at the tables positioned in the bar's corner. There he was. And he was staring at me, too. Napaawang ang labi ko pagkakita sa kaniya. Sa tingin ko ay nahuhulaan na niyang hinahanap ko siya. May mga kasama siya sa table ngunit nanatili siyang nakamasid sa akin. This time, hindi ako nag-iwas ng tingin. I can't read the expression on his face. His face doesn't show irritation, but it's also not particularly friendly. “Ang lagkit namang titigan niyan,” panunudyo ni Mariel na napansin pala ang tinginan namin ni Luke. Nilingon ko siya dahilan para maputol ang titigan namin. “Go, girl! Lapitan mo na. Pagkakataon mo na! Alam mo sa totoo lang, willing akong matalo sa pustahan na ‘to mapansin ka lang niya!” Napangiti ako sa sinabi niya. “Go, beshy, pagkakataon mo na!” pangungumbinse din sa akin ni Melody. Inabutan niya ako ng alak at tinanggap ko iyon para pampalakas ng loob. Kahit kinakabahan ay tumayo ako. Sinulyapan ko muna si Luke na noon ay nakikipagkwentuhan na sa mga kaibigan niya. Naririnig ko ang malalakas na tawanan at biruan ng mga kaibigan niya. Napansin kong may bakanteng upuan sa tabi niya. Napalunok ako bago humakbang patungo sa pwesto nila. Paano kung ipahiya niya ako sa harap ng mga kaibigan niya? Gagawin ba niya iyon? Malapit na ako sa pwesto nila nang bigla siyang lumingon sa gawi ko. Napakunot agad ang noo niya pagkakitang papalapit ako sa kanila. Bigla siyang sumandal sa upuan habang mataman akong pinagmamasdan. Nanghahamon ang tingin niya sa akin. If he meant to scare me off, he certainly succeeded. Bigla akong naduwag. Natigil ako sa paghakbang at nanatili lang nakatingin sa kaniya. Alam kong para akong baliw na nakatayo malapit sa puwesto nila. Bigla ay may babaeng dumating at diretsong inukopa ang upuan sa tabi ni Luke. “I’m sorry I’m late,” narinig kong hingi niya ng paumanhin sa lalaki. Agad naman natuon dito ang atensyon ni Luke. Pinagmasdan ko ang babae. She looked hot in her dress and bob haircut. At nakita ko pang may ibinulong si Luke sa punong tainga niya. Sino siya? Sadyang bang naka-reserve ang upuan na ‘yon sa tabi ni Luke para sa kaniya? Never before in my life had I felt threatened by another woman. Ngayon lang. Mabuti na lang at madilim. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Nahihiya ako maging sa sarili ko. Nakita kong sinulyapan ako ni Luke ngunit mabilis na akong tumalikod at naglakad pabalik sa pwesto namin. Hmp! May girlfriend na pala siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD