Kabanata V

2277 Words
~Lucy~ Nang makarating ako rito sa school namin ay nasa third subject na sila at kasunod nito ay recess na. Dumiretso na agad ako sa upuan ko at hindi na pinagtuunan ang mga tingin nilang kinakaawaan ako. Hindi ko na rin nagawa na lingunin ang kambal dahil ganoon din naman ang tingin nila sa akin. Lutang ako sa buong discussion hanggang sa matapos ito at laking pasasalamat ko na lamang ay hindi ako tinawag ng teacher namin sa recitation. “Hoy! Okay ka lang ba?” tanong ni Von nang lapitan ako rito sa upuan ko. “Mukha ba?” sagot ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan. “Alam naming hindi ka okay, Lucy, pero huwag mo namang hayaan mawala ka sa daan,” sambit naman ni Ron. Napakunot-noo ako sa sinabi niya. “Hindi ako nawawala. Okay na ako.” Tumayo ako at ngumite ng peke sa harap nila. “Sure ka, Lucy?” tanong ni Von na tila hindi kumbinsido. Tumawa ako. “Oo naman. Tara na sa canteen ilibre niyo akong dalawa!” Sambit ko at nagpamaunang lumabas ng classroom namin. Mamaya ay dadaan ako sa treasurer’s office nitong school namin para kunin ang pera sa scholarship ko ngayong taon dahil wala akong anumang perang hawak. Iyong pera na lang sa scholarship ang pag-asa ko at kailangan ko iyong pagkasyahin sa mga gastusin ko. Balak ko ring mag-working student kahit sa gabi man lang ako makapagtrabaho ng sa ganun ay hindi ako mangapa sap era. Iyon nga lang kung kayanin ko. “Hoy! Tulala ka na naman diyan!” Binatukan ako ni Von na siyang nagpabalik sa akin sa wisyo. “May iniisip lang ako,” sagot ko. “Katulad ng ano naman? About ba sa—” “Hindi iyon,” putol ko kay Ron dahil alam kong babanggitin niya sila mama at ate, “Iniisip ko kung paano ako makakahabol sa mga lesson na naiwanan ko dahil baka mamaya matanggal iyong scholarship ko sa akin.” sambit ko na lamang. “Kaya mo naman habulin iyon, Lucy, eh! Matalino ka naman at nandito naman kami ni Ron para tulungan ka. Atsaka kaunti lang naman iyong lessons na hahabulin mo. Hehehe,” sambit ni Von. Ngumiti ako at syempre peke. Hindi ko magawang ngumiti o tumawa ng maluwag sa kalooban ko. Masyadong malungkot at nakakapagod. “Salamat.” Nagpatuloy kami sa pagkain namin at katulad ng sinabi ko kanina ay nilibre nga nila akong dalawa. Ang dami pa nga nilang biniling pagkain sa akin dahil namamayat na raw ako. Ang mga estudyante naman na nadaanan namin ng pumasok kami rito sa canteen ay panay ang pagsasabi ng ‘condolence’ at tanging tipid na ngiti lamang ang naitugon ko sa kanilang lahat. Pakiramdam ko tuloy ay kaawa-awa akong nilalang dito. Natapos ang buong maghapong discussion namin ng wala man lang pumasok na kahit ano sa utak ko. Pinipilit kong intindihin ang sinasabi nang teacher namin pero wala akong maintindihan. Mabuti na lang ay puro discussion lamang ang ginawa namin sa lahat ng subject at bukas ay magbibigay ng exam ang mga teacher namin. Bibigyan na lamang daw ako ng special test ng mga subject teacher namin at pwedi raw na hindi ako mag-take ng exam bukas. Isasama na lamang nila ito sa special test na ibibigay nila sa susunod na linggo. “Sure ka ba na ayaw mo ng kasama? Samahan ka na namin habang nandito pa tayo sa loob ng school,” sambit ni Ron na kanina pa nangungulit. “Hindi na, Ron. Ako na lang ang pupunta. Mauna na kayo ni Von,” muli ko na namang tanggi sa kanya, “Mag-iingat kayo sa pag-uwi.” Bago pa ako ulit may marinig mula sa kanila ay tinalikuran ko na silang dalawa. Naglalakad na ako ngayon patungo sa kabilang building kung nasaan ang treasurer’s office, hawak ang papel na kailangan kong ipakita para makuha ang allowance ko. Noong hindi pa ganito ang kalagayan ko ng matanggap ko ang papel na hawak at ngayon ko pa lang naisipan na kunin ito. Hindi naman ganoon kalakihan ang makukuha ko ngayon pero tama na iyon para sa gastusin ko. Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto ng opisina bago ako pumasok sa loob. Nakaupo si Ms. Delna, ang treasurer, sa upuan niya habang nakatingin sa mga papel na nasa ibabaw ng lamesa niya. Mukhang abala ito ngayon kaya medyo nakakahiya tuloy na abalahin siya. “Yes, what can I do for you?” tanong ni Ms. Delna nang hindi man lang inaalis ang tingin sa binabasa. “Ahm, nandito po ako para kunin iyong allowance sa scholarship ko po,” sagot ko ng hindi gumagalaw sa kinatatayuan ko, “Ngayon ko lang po naisipan na kunin iyong allowance na dapat noong nakaraan ko pa po kinuha. May nangyari po kasi kaya ngayon lang ako.” paliwanag ko kahit alam ko hindi naman niya itatanong. Tumigil ito sa ginagawa niya at binalingan ako. “What is your name again, Miss?” “Lucy Felicidad po.” Huminga ito ng malalim na tila may hindi siya maganda na sasabihin. “Ms. Felicidad, I’m sorry to tell you that you are no longer included to the scholar here in our school.” “Ano po?!” gulat na tanong ko at para akong binuhusan nang malamig na tubig, “Ano pong ibig niyong sabihin? Hindi po pweding mawala sa akin ang scholarship ko!” “Hindi naman ako nagtanggal sa iyo, Ms. Felicidad. It was the principal and I was just following orders here,” paliwanag nito, “I’m really sorry but you won’t get any allowance anymore here in our school. If you still don’t get it or you want to know the whole reason, you can ask the principle. Kahit ako ay hindi ko rin alam ang dahilan.” Lumabas na ako sa opisina ng may bigat ang dibdib. Iyong scholarship ko na tanging pag-asa ko na lamang ay naging bula pa. Sinubukan kong dumaan sa principal’s office para komprontahin ang principal pero nakauwi na raw ito sabi ng janitor na nakakita sa kanya kanina. Kaya naman wala akong choice kundi ang umuwi na lamang. Naglalakad na ako ngayon papasok sa barangay namin. Maliwanag pa naman pero malapit ng balutin ng kadiliman ang kalangitan sa itaas dahil alasingko na rin ng hapon. Habang naglalakad ako ay pinapakiramdaman ko ang nasa likuran ko dahil parang may sumusunod sa akin. Hindi ko makita kung sino ang kasabay ko dahil hindi ko magawang lumingon. Baka mamaya ay bigla akong saksakin kaya minabuti kong bilisan na lamang ang lakad ko. “Lucy!” Napatigil ako ng marinig ang boses ni Ron sa kaliwa ko at tumatakbo ito papunta sa akin. “Bakit?” Tanong ko at pasimpleng lumingon sa likuran ko pero wala naman akong nakita. “Sino hinahanap mo?” tanong ni Ron nang mapansin ako. Umiling ako. “Wala.” Sagot ko at nagpatuloy sa paglalakad. “So, bakit?” “Anong bakit?” tanong niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. “Bakit ka nandito?” “Gusto lang kita samahan. Masama ba?” tanong niya na may ngiti sa mga labi. “Hindi naman pero hindi ko naman kasi kailangan ng kasama,” sagot ko. “Hay naku! Iisipin ko umiiwas ka sa akin, Lucy. Noong gusto kitang samahan din ay tinanggihan mo at ilang beses din iyon, ah. Tapos ngayon ayaw mo rin na samahan kita,” sambit nito ng nakanguso. “Eh, kasi hindi ko naman talaga kailangan ng kasama,” sambit ko na lamang dahil nakukulitan na ako sa kanya. “Sa ayaw at sa gusto mo sasamahan kita ngayon—” “Pero gabi na—” “Kalapit lang naman ng barangay niyo iyong barangay namin kaya makakauwi pa rin ako mamaya,” putol niya rin sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako. “Sige na nga pero uuwi ka pagkatapos natin kumain, huh? Baka ano isipin ng mga kapitbahay naming chismosa.” “Opo, boss!” Sumaludo pa ito na parang sundalo. Madilim na ng makarating kami sa bahay. Mabuti na lamang ay walang mga chismosa ang nakakita sa amin kaya matiwasay kaming nakapasok sa loob. Iniwan ko muna sa salas si Ron para magbihis sa kwarto at binalikan ko rin siya para magluto ng kakainin namin. Mayroon pa namang kaunting bigas dito at may delata pa ng corn beef kaya may makakain kami ngayon. “Kumakain ka naman ng corn beef hindi ba?” pabiro kong tanong sa kanya matapos kong isalang ang sinaing ko sa kalan. Natawa naman siya sa tanong ko. “Oo naman. Ano bang tanong iyan, Lucy?” “Nagtatanong lang baka kasi mas gusto mo ng fried chicken o hindi kaya lechon,” sagot ko at inumpisahan ng buksan ang delata na hawak ko gamit ang kutsilyo. “Nga pala, ano nangyari kanina sa pagpunta mo? Nakuha mo ba iyong sa scholarship mo?” tanong ni Ron na ikinatigil ko sandali. “Ahm, oo, nakuha ko na kanina,” pagsisinungaling ko at muling nagpatuloy sa ginagawa ko. “Mabuti naman kung ganoon. Akala ko ay hindi ka nakakuha,” sambit nito at tumawa pa. Matapos ang usapan namin na iyon ay inumpisahan ko ng igisa ang corn beef ng makakain na rin kami. Habang abala ako rito sa kusina ay biglang pumasok sa isip ko ang sinabi ni Bennie sa akin. Wala sa sarili akong napalingon sa gawi ni Ron na tila may iniisip sa salas. Ano kaya magiging reaksyon niya kapag sinabi ko sa kanya ang tungkol doon? “Ron, maglagay ka na ng plato sa lamesa,” pambabasag ko sa katahimikan namin dito. “Mabuti na lang ay luto na iyan. Nagugutom na ako, eh!” Kamot-ulo na sambit nito. “Kaya pala ang lalim ng iniisip mo riyan. Iniisip mo siguro na ang tagal ko magluto,” pagbibiro ko sa kanya. Tumawa ito. “Hindi, ah! Hindi iyon ang iniisip ko.” Sambit niya at naglatag na ng mga gagamitin namin sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko na muna pinansin ang sinabi niya at tinapos ang paglalatag sa lamesa. Hindi na rin naman siya kumibo kaya hindi na rin muna ako nagsalita hanggang sa mag-umpisa kami sa pagkain. Nang nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ay binasag ko na ang katahimikan sa pagitan namin. “Ano pala ang iniisip mo at parang sobrang seryoso mo kanina?” tanong ko, “Curious lang ako kung ano iyon.” “Nag-aalala lang ako sa kalagayan mo ngayon,” mahina na sagot niya. Tumaas ang kilay ko. “Hindi mo naman kailangan mag-alala. Okay lang naman ako at kaya ko ang sarili ko.” “Sa bahay ka na lang kaya tumira? Kilala ka naman nila mama—” “Teka,” pinutol ko ang sasabihin niya, “Niyaya mo ba ako na mag-live-in tayo?” tanong ko kung tama ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Halos mabulunan siya ng marinig ang sinabi ko kaya agad kong nilagyan nang tubig ang baso niya. Tinungga niya ito at tumingin sa kung saan. Nagpatuloy lamang ako sa pagkain ko habang hinihintay siya na magsalita. Mukha namang ganoon na nga ang gusto niyang mangyari. “Paano kung sabihin kong oo?” sambit niya na hindi man lang makatingin ng diretso sa akin, “Gusto ko na sumama ka na sa akin, Lucy. Sa bahay ka na tumira ng sa ganoon ay mabantayan kita. Hindi ako mapakali na mag-isa ka lang dito.” “Gustuhin ko man ay hindi pwedi, Ron.” Ibinaba ko ang kutsara na hawak at tumingin sa kanya. “Dito lang ako sa bahay namin at hindi ako aalis.” “Pero wala ka naman ng uuwian dito. Mas maaalagaan kita sa bahay at hindi ka mahihirapan—” “Ano ba pinagsasabi mo, Ron?” putol ko sa kanya, “Alam ko nag-aalala ka pero kaya ko ang sarili ko rito. Kaya hindi ako aalis atsaka…” natigilan ako ng maalala muli ang sinabi ni Bennie sa akin kagabi. “Atsaka ano?” tanong niya habang nakakunot-noo sa akin. “Ayoko na madamay ka sa sitwasyon ko,” sambit ko, “Kumain na tayo. Mamaya na ang usap.” Dagdag ko at nagpatuloy na sa pagkain. Nang matapos kaming dalawa ay hinugasan ko na muna ang pinagkainan namin bago ko siya muling hinarap sa salas. Naupo ako sa tabi niya at huminga nang malalim. Tahimik lamang siya sa tabi ko at parang hinihintay ako na maunang magsalita. “Ron,” mahina na tawag ko sa pangalan niya, “May sasabihin ako at sana maintindihan mo.” “Ano naman iyon?” seryoso na tanong nito sa akin. “Gusto ko na tumigil ka na sa panliligaw mo sa akin.” Bigla ay napatayo siya sa sinabi ko. “Nagbibiro ka ba? Bakit naman ako titigil? Ano naman ang iintindihin ko roon, Lucy?!” Inis na tanong nito. “May utang ako na kailangan bayaran at hindi ko alam kung paano babayaran ang mga iyon dahil isang buwan na lang ang ibinigay sa akin para—” “Utang? Pwedi naman kitang pahiramin kung nahihirapan kang bayaran iyon ngayon—” “Three hundred thousand pesos ang kailangan kong bayaran, Ron. Hindi biro ang ganoong kalaking pera at alam ko wala kang mapapahiram sa akin.” Tumayo ako at tinalikuran siya dahil ayoko makita ang mukha niya. “May sinabi sa akin si Bennie at iyon ang sulosyon sa lahat ng problema ko ngayon.” Dagdag ko habang nakatungo. “Wala akong maintindihan, Lucy,” naguguluhan na sambit niya, “Anong sinabi ni Bennie na kailangan ko pa talagang itigil ang panliligaw ko sa iyo?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD