~Lucy~
Papunta na kami ngayon sa mansyon at hindi naman ganoon katagal ang magiging byahe dahil malapit lang ang subdivision kung saan nakatira si Mr. Hann. Magkasama kami ngayon dito sa loob at nakaupo siya sa harapan ko at pareho kaming tahimik sa kinauupuan namin. Busy siya sa pagta-type nang kung ano man sa cellphone niya. Siguro ay may ka-text or ka-chat ang lalaking ito. Ang seryoso rin kasi ng mukha niya parang may kaaway sa cellphone.
"Mr. Hann, okay ka lang?" Pambabasag ko sa katihimikan dito sa loob.
Ibinaba niya ang cellphone at bumaling sa akin. "Yes, I'm fine. Why did you ask?"
"Ang seryoso mo lang kasi," sagot ko.
"I'm just trying to contact my lawyer. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko. Wala rin siyang reply sa text mga text that's why I'm worried na baka hindi siya makapunta ngayong gabi, paliwanag niya at kaya pala panay ang tipa niya sa cellphone.
"Eh, kung hindi makapunta 'yang lawyer mo ay pwedi pa naman sa ibang araw o bukas" tugon ko.
"It is okay to you?"
Natawa ako nang bahagya sa tanong niya bago ako sumagot. "Oo, naman okay lang 'yon. Sabi ko nga may ibang araw pa kung hindi matuloy 'yan ngayon gabi."
"Okay, but I hope my lawyer will reply ASAP as he saw my messages and missed calls," tugon naman niya.
"Sana nga," nasabi ko na lang.
"By the way, from now on stop calling me Mr. Hann. Call me on my name Yumiko or better call me yours," sambit niya na ikinatanga ko.
"Ahm, okay, yours?"
"What are you doing?"
"Sabi mo I better call you yours," sagot ko ng nakakunot ang noo.
"May pagkatanga ka pala," bulong niya sa gilid pero narinig ko iyon!
"Hindi ako tanga!"
"Okay, fine. Maybe I just didn't say it clearly," sambit niya, "What I mean in yours is, think some decent endearment for me. Iyong komportable kang itawag sa akin." paliwanag niya.
Tumango ako ng maintindihan ko ang paliwanag niya. "Okay, Yumiko."
"Yumiko?"
"Sabi mo rin pwedi kitang tawagin sa pangalan mo kaya iyan na lang itatawag ko sa'yo. Atsaka wala rin akong maisip, eh." Sabay kamot ko sa ulo ko.
Napabuga ito ng hangin. "Okay, fine. Whatever makes you comfortable will do." Sambit niya na tila napipilitan pa sa sinabi niya. Ang awkward lang kasi kung tatawagin ko siyang mahal tapos hindi ko naman siya mahal.
Binalot na kami ng katahimikan dito sa loob hanggang sa makarating kami sa subdivision kung saan nakatira si Mr. Hann. Beverly Hills nga pala ang pangalan ng subdivision at puro mayayaman ang nakatira rito. Halos lahat ng mga bahay na makikita mo rito ay puro mansyon at mukhang naglalabanan sa palakihan ng bahay. Hindi ako makapaniwala na titira na rin ako rito at sobrang layo nito kung saan ako nakatita. Doon sa tinitirhan ko ay bibig ng mga chismosa ang palagi mong maririnig samantalang dito ay sobrang tahimik. Napaka-peaceful ng buong paligid.
"Welcome back, Mr. Hann and Ma'am Lucy!"
Pagkababa pa lang namin ng sasakyan ay bumungad sa amin ang mga nakahilerang maids at bodyguards dito sa tapat ng mansyon. Limang maids at sampung bodyguards ang mayroon si Mr. Hann at ewan ko ba kung bakit hindi man lang nagsama ng kahit isang bodyguard ang lalaking ito. Siguro dahil hindi naman ganoon kalayo ang pupuntahan niya. Nakakapagtaka lang din dahil kilala na nila ako, eh, ngayon pa lang naman nila ako makikilala officially.
"Ako na po ang magdadala nang bag niyo sa loob, Ma'am Lucy." Lumapit sa akin ang maid na nakasalubong ko noong isang gabi at kinuha ang bag ko kahit hindi ko pa ito ibinibigay sa kanya.
"Bakit nga pala nila ako kilala?" tanong ko kay Mr. Hann habang nakaharap pa rin kami sa mga tauhan niya.
"Pinakilala na kita sa kanila kahapon kaya kilala ka na nila," sagot niya at biglang dumapo ang kamay niya sa beywang ko mula sa likuran na ikinagulat ko, "Let's go inside."
Bago pa man ako makapag-react ay tinangay na niya ako papasok sa loob ng mansyon. Sobrang lapit ng mga katawan namin at ramdam ko ang malambot niyang kamay sa beywang ko. Para na akong aatakihin sa puso sa sobrang bilis ng t***k nito. Hindi ako sanay sa mga ganitong eksena na may pahawak-hawak!
"Magbabanyo ako," sambit ko at tumigil sa paglalakad.
Bumitaw siya sa pagkakahawak sa beywang ko. "Oh, okay. Please, accompany her." Utos niya sa mga maids na nakasunod sa amin.
"Dito po tayo, Ma'am Lucy," sambit nang babae na lumapit sa akin at kinuha na ako sa lalaking ito para samahan na magbanyo.
Sa totoo lang hindi talaga ako magbabanyo. Sinabi ko lang iyon para bumitaw na siya sa akin dahil nanlalambot na rin ang mga tuhod ko. Kahit nga si Ron noong hinawakan lang ang kamay ko ay parang mawawalan ako ng puso sa sobrang lakas ng t***k nito. Hindi talaga ako sanay na may nahawak sa akin!
"Ahm, pwedi malaman kung ano ang pangalan mo?" tanong ko sa maid na kasama ko.
"Cindy po ang pangalan ko, Ma'am Lucy," sagot nito at nakakatandang pakinggan na tinatawag nila akong ma'am.
"Pwedi bang huwag mo na akong tawaging ma'am? Feeling ko ang tanda ko."
"Pero magagalit si Mr. Hann sa akin o sa amin kapag sinuway namin ang sinabi niya na tawagin kang ma'am," sagot nito na may pangangamba ang boses.
Tumigil ako sa paglalakad at hindi ko alam kung nasaang lupalop kami ng mansyon. "Eh, ayoko ng ma'am. Masyadong pang matanda pakinggan." Tugon ko.
"Kung ganoon ay mag-isip kayo kung ano ang gusto niyong itawag namin sa inyo. Ako na ang bahala na magsabi sa iba."
"Ahm, miss na lang itawag niyo kesa sa ma'am. Baka pweding 'yon na lang. Hehehe."
"Sige po, Miss Lucy." Tumango ito ng nakangiti. "Tara na po at baka maihi na kayo rito."
"Ay, hindi na pala ako nababanyo."
Tiningnan niya ako ng naguguluhan. "Akala ko ba ay magbabanyo kayo, Miss Lucy?"
"Ahh, eh, nakalimutan ko na naiihi ako. Hindi na ako naiihi," pagdadahilan ko.
"Ganoon po ba? Baka magkasakit kayo niyan. Baka pinipigilan niyo lang. Malilintikan talaga ako kay Mr. Hann kapag nagkasakit–"
"Sshh! Okay lang ako ano ka ba!" Natatawa kong putol sa kanya.
"Ahm, okay po. Hehehe."
"Balik na tayo kung saan natin iniwan si Mr–I mean Yumiko," sambit ko.
Habang naglalakad kami pabalik ay hindi ko maiwasan ang hindi mapatingin sa mga nadadaanan namin. Halos lahat ng makikita mong kulay rito ay napakagaan tingnan sa mata dahil puro light color lang ang makikita mo. Puti ang mas nangingibabaw na kulay rito simula kisame, pader hanggang sa tiles na inaapakan namin. Maraming gamit ang makikita rito pero dahil sa sobrang luwag ng espasyo ay hindi masakit tingnan sa mata.
Nang makabalik na kami ay nadatnan namin si Mr. Hann na prenteng nakaupo sa napakahabang sofa na may kausap sa cellphone niya. Nandito kami ngayon sa living room at nakakalat sa paligid namin ang mga bodyguards ni Mr. Hann. Ang ibang mga maids naman ay nakasalubong namin kanina at bumalik na sila sa mga ginagawa nila.
"Okay, thank you. We'll be in touch tomorrow," sambit ni Mr. Hann sa kausap niya sa cellphone at binaba na na rin ang linya, "Hey, there! Are you done?" baling niya sa akin tumayo para lapitan ako.
"Ahh, oo, tapos na. Sino pala ang kausap mo? Anong meron tomorrow?" tanong ko at hindi ko alam kung tama ba na nagtatanong ako ng ganito. Baka isipin niyang masyado akong nangingialam.
"It's my lawyer. Tumawag siya to inform us na hindi siya makakapunta ngayon dahil may sakit pala ang anak niya," paliwanag niya ng walang pag-aalinlangan na sagutin ang tanong ko, "He asked me na tayo na lang ang pumunta sa bahay nila to sort out the contract. Is it okay to you?" dagdag niya pa.
"Okay lang naman. Ikaw na ang bahala. Wala rin naman akong alam sa ganyan, eh. Hindi ko nga alam na kailangan pa pala ng contract sa pagitan natin," tugon ko.
"It is not just a contract, Lucy. The contract is all about all I have including my properties in Japan."
"Ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhan kong tanong.
"Let's just say, what is mine will become yours as well," sagot niya na ikinagitla ko, "We will get the contract to him tomorrow and we are going to settle the wedding as soon as possible so we can both sign it."
"A-ang bilis naman, Yumiko. Hindi mo pa ako ganoon kakilala para ipagkatiwala sa akin ang mga bagay na iyan," tugon ko at halos matuyo ang laway ko sa mga narinig ko.
"I already read your background. So, you don't have to worry." Ngumiti ito sa akin. "Besides, I don't have much time left." Dagdag nito.
"Naguguluhan ako," sambit ko ng nangungunot ang noo.
Tumawa siya at pinisil ang pisnge ko. "Huwag mo munang isipin 'yan. Ang lawyer ko na ang bahalang magpaliwanag sa'yo ng lahat para mas lalo mong maintindihan." Bumaba ang kamay niya sa baba ko at iniangat nang kaunti ang ulo ko dahilan para magtama ang paningin naming dalawa. "Anata wa totemo utsukushīdesu. (You're so beautiful)."
"Huh?"
"I said, do you understand?" Binitawan na niya ang baba ko.
"Ahh, oo naiintindihan ko."
"You should start learning Japanese." Natatawa niyang sambit at sinenyasan ako na sumunod sa kanya papuntang itaas.
Naglalakad kami ngayon dito sa napakahabang hagdan na gawa sa kahoy. Parang isang daang hakbang ang magagawa namin bago makarating sa second floor nitong mansyon. Ngayon ko lang din ito nakita dahil nasa likod lang naman kami ng mansyon noong unang beses ko makapunta dito. Napakalaki rin kasi dito sa loob at parang isang Robinson mall ang laki ng mansyon na ito. Sa sobrang laki ay nakakalito ang mga pasikot-sikot dito.
"Hey, Lucy, are you with me?"
"Huh?"
"I think you're not." Ngumiwi ito.
"Sorry, Yumiko, masyado kasing napakaganda nitong mansyon mo. Hindi ko mapigilan hindi mamangha sa isip ko," sambit ko habang nakatingin sa ibaba dahil nandito na kami sa itaas, "Hindi ako makapaniwalang titira ako rito."
"A woman like you belong here and this is gonna be in your name soon," tugon niya at mahihimigan mo talaga sa kanya na seryoso siya sa mga sinasabi niya.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala."
"You will get to use in here." Bigla ay ginulo niya ang buhok ko na parang aso. "Let's go in the room."
"Wa-wait! Room? Tabi ba tayo matutulog? Iisang kwarto lang gagamitin natin?" tanong ko sa gulat ng marinig ang sinabi niyang room!
"Yea, we are going to sleep in one room–"
"Baka pweding sa ibang kwarto lang muna ako matulog? Hindi pa naman tayo kasal–"
"Wala akong gagawing masama sa'yo. So, stop overthinking in your head!" Pinitik niya ang noo ko at kinuha ang kamay ko. "Let's go."
Wala na akong nagawa kundi magpatangay na lang sa kanya papunta sa kwarto niya. Parang gusto ko ng gumising sa panaginip na ito! Marami kaming kwarto na nadadaanan dito sa pasilyo pero matutulog kami sa iisang kwarto. Hindi pa nga kami kinakasal, eh! Jusqo! Imposible na walang gawin sa akin itong lalaking 'to!
"Your hand is sweating." Natatawa niyang sambit habang hawak pa rin ang kamay ko.
"Eh, sa kinakabahan ako," sagot ko.
"You don't have to worry. Hindi sa lahat ng oras nandito ako sa mansyon kaya masosolo mo ang kwarto natin," sambit niya at tumigil dito sa harap ng pinto na kulay itim.
Binuksan niya ang pinto at bumungad sa amin ang isang napakagandang kwarto. Awtomatiko na bumukas ang ilaw pagkabukas niya ng pinto. Ang sahig ay nilapatan nang kulay pulang carpet kaya halos ng makikita sa inaapakan namin ay pula. Sa gitna ng kwarto nakapwesto ang king bed size at may kulambo pa ito na kulay puti. Sa harap ng kama naman ay malaking flat screen TV na nasa pader at Banda sa may sulok naman ng kwartong ito ay may study table. May mahabang sofa rin dito na makikita pagkapasok pa lang ng pinto at may tatlong maliliit na upuan ang malapit sa kama. Mayroon pang isang pinto ang nandito sa loob at sa tingin ko banyo ito? Hindi ako sigurado.