Kabanata XIV

2156 Words
~Lucy~ "A-anong kailangan kita? Pinagsasabi mo riyan?" tanong ko ng hindi makatingin ng diretso sa kanya. "I chose you that's why I need you to come with me," sagot niya, "There are some things that we need to sort out between you and me in the mansion." dagdag niya. "Hindi ba pweding dito na lang natin i-sort out 'yan?" "No, we can't," diretso na sagot niya, "You need to come with me." "Hindi na talaga magbabago ang isip mo?" "No–" "Eh! Eh! Mag-Tagalog ka nga marunong ka naman, hindi ba? Kanina pa dumudugo ilong ko sa inyo ng driver mo," putol ko sa kanya. Napangiwi ito at naupo sa mahabang upuan na narito sa labas. "Nasa mansyon ang kontrata na pipirmahan nating dalawa and it can be only happen there because my lawyer will be there later." Paliwanag nito na nag-English na naman. "Pwedi magtanong?" "You are already asking," tugon niya. Napairap na lang ako. "Bakit ako ang pinili mo? Pwedi naman si Lea o Chloe na lang o hindi kaya iyong iba. Bakit ako? Huwag kang mag-isip ng kung ano sa tanong ko, huh, pero wala kasi akong makitang dahilan para ako ang piliin mo." Natawa siya ng bahagya. "Ang dami mong tanong, Lucy." Tugon niya. "Curious lang ako." "Let me ask you, what is your purpose in joining the pageant?" tanong niya, "Did you join to lose?" "Syempre para manalo kaya nga ako sumali," sagot ko. "Then just be happy because I choose you not them," tugon niya at sinenyasan ako na maupo sa tabi niya. "Tutulungan ko pa si Bennie na magluto," palusot ko sa kanya pero kinuha niya ang kamay ko at hinila ako sa tabi niya. "No, kaya nga niya kinuha 'yong dala mo para asikasuhin ako rito and iiwan mo naman ako," sambit niya at bumitaw na sa kamay ko. "Ang sabi mo sa akin ay sa mansyon natin iso-sort out ito. Kaya ibig sabihin wala tayong pag-uusapan dito," sambit ko habang ang tingin ay nasa sasakyan niya na nasa labas. "You can ask question habang naghihintay tayo na matapos magluto ang kaibigan mo. I will answer it para lang may mapag-usapan tayo rito," sambit niya na katulad ko ay nasa labas din ng gate ang "Okay," sagot ko na lang at nag-isip kung ano ba ang itatanong sa lalaking ito. "What is the question?" tanong niya at nagpakadekwatro na sa tabi ko. "Saan ka lumaki? Bakit marunong ka mag-Tagalog?" tanong ko sa kanya. "I grew up here and when I was twenty, I fly in Japan then live there for almost ten years," sagot niya, "I fly back here and stayed for another years again then fly back again in Japan. Then this the first time I landed here again." dagdag niya pa. Sinabing mag-Tagalog, eh! "Ilan taon ka na nga ulit?" "I'm thirty-five years old. Why?" "Para ka pa lang sugar daddy." "What?!" Gulat na reaksyon niya. "Anong sugar daddy ang pinagsasabi mo riyan?!" Inis na sambit niya. "Totoo naman, hindi ba? Eighteen pa lang ako at ikaw thirty-five. Eh, sugar daddy ka nga," sambit ko at tumawa para maasar siya. "Tsk. You are hilarious." "Parang nagbibiro lang, eh!" Nagtuloy-tuloy ang usapan namin at panay tanong lang ako sa kanya habang siya naman ay panay sagot lang sa akin. Napag-alaman kong pumanaw na ang nanay niya noong nakaraang taon lamang habang ang tatay naman niya na hapones ay bata pa lang siya ng pumanaw ito. Nag-iisang anak lamang siya kaya sa kanya lamang naiwan ang lahat ng ari-arian na mayroon ang pamilya niya. Nalaman ko rin na siya ang pangatlo na pinakamayaman sa Japan at halos lahat raw ng nakakakita sa kanya ay kilala siya. Minsan na rin nailagay ang mukha niya sa billboard ng Japan ng kunin itong model ng isang sikat na restaurant doon. Palagi raw kasi itong nakain doon kaya naisipan ng may-ari na kunin itong model para mas makilala pa ang restaurant nila since na kilala si Mr. Hann sa Japan. "Teka, pupuntahan ko lang si Bennie sa kusina. Baka mamaya ay mali-mali ang timpla niya sa niluluto," paalam ko at tumayo na. "Start packing your things also," utos niya na nakaupo pa rin sa pwesto niya, "You are going to start living with me tonight." dagdag niya na mukhang nabasa ang nasa isip ko. Hindi na lang ako nagsalita at iniwan na si Mr. Hann sa labas. Pagkapasok ko sa loob ay dumiretso ako kay Bennie na nasa kusina. Tapos na niyang lutuin ang penakbet at adobo na ang niluluto niya ngayon. Marunong naman talagang magluto si Bennie at mas magaling pa nga itong magluto kesa sa akin. Nagdahilan lang ako na pupunta rito dahil hindi na ako komportable na kasama si Mr. Hann sa labas. Ang mga kapit-bahay na nakakakita sa amin ay panay ang silip mula sa gate dahil sa may kasama akong gwapo at may mamahaling sasakyan sa labas. Siguradong laman na naman ako ng chismis dito bukas. "Oh, anong ginagawa mo rito?" tanong ni Bebang na may hawak na sandok, "Nasaan si Mr. Hann?" "Nasa labas," sagot ko sa kanya. "Baliw ka talaga! Dapat hindi mo iniwan sa labas iyon," sermon niya. "Ano ba siya gold?" Nakasimangot kong tanong at nagsalin ng tubig sa baso. "Gaga ka talaga kahit kailan! Alam mo bang kanina pa dinudumog ng mga tao si Mr. Hann sa labas? Hindi malayong kanina pa kayo pinagtitinginan sa labas ng mga kapit-bahay," sambit niya na mukhang gusto akong konsensyahin, "Sige ka baka mamaya hablutin nang mga kapit-bahay natin iyang si Mr. Hann nawalan ka na ng asawa." pananakot niya. "Hindi pa naman kami kasal anong asawa ka riyan! Atsaka hindi makakapasok ang mga iyon dito kaya hindi mawawala iyon sa labas," sambit ko at sumulyap sandali sa pintuan, "Punta na muna akong kwarto. Pinag-iimpake ako ng isang iyon." "Okay! Pagtapos mo riyan ay kakain na tayo. First time ko makakakain ng gwapo–I mean makakakain na may kasamang gwapo!" Tumawa ito ng nakakaloka. Ang harot talaga nito! "Baliw ka talaga. Marinig ka ni Mr. Hann diyan at baka mamaya biglang umalis iyon," sambit ko, "Sa kwarto na muna ako." Iniwan ko na muna si Bennie sa kusina at nagtungo sa kwarto ko para mag-impake. Ni-lock ko ang pinto ng kwarto ko at huminga nang malalim. Para akong nanaginip ngayon dahil hindi pa rin ako makapaniwala o nanaginip lang talaga ako? Kinurot ko ang sarili ko para magising sa panaginip na ito pero nasaktan ako. Ibig sabibin ay totoo nga ito! "Wahh!!!" sigaw ko ng walang tunog ma lumalabas sa bunganga ko at mabilis na tumakbo sa higaan ko. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at nagsisigaw na parang sira-ulo. Ilang minuto akong nasa ganoong sitwasyon hanggang sa magtigil na ako. Nakatulala naman ako ngayon sa itaas, iniisip ang dahilan kung bakit ako sumali sa pageant. Dapat nga akong matuwa dahil ako ang napili at hindi ang mga kasama ko. Magagamit ko ito para malutas ang kaso ni ate. Tama! Bago pa man mabagot si Mr. Hann kakahintay sa akin ay mag-impake na ako. Hindi ko ipinasok lahat ng damit ko sa bag at iyon lamang ang magkakasya sa backpack ko. Ito lamang ang bag na mayroon ako kaya ang mga importante lang ang mga ipinasok ko sa loob. Pinaglagyan ko kasi ng mga damit nila mama at ate iyong malalaking bag na mayroon kami rito. Ipinasok ko rin ang maliit na picture frame na mayroon ako na magkakasama kaming apat sa litrato. Ito lang ang tanging litrato na mayroon ako na kasama namin si papa kaya hindi pweding iwan ko ito rito. Naglinis muna ako ng kaunti rito sa kwarto dahil mukhang matatagalan ang pagbalik ko. Hahayaan ko na muna na si Bennie ang magbantay nitong bahay dahil siya lang naman ang pinagkakatiwalaan ko rito. Palabas na sana ako ng kwarto ko ng biglang nag-vibrate ang cellphone ko na nasa loob ng pantalon ko. Nang tingnan ko kung sino ang nag-text ay si Ron ito na kinakamusta ako. "Kamusta?" Tanging nasa message niya. "Ok lang. Ikaw?" reply ko at naupo na muna sa higaan ko para bigyan ng oras ang text ni Ron. "Ok lang din." "Mabuti naman. Si Von?" "Ok lang din." Parang copy-paste lang doon sa una niyang sagot. "Ahm, may sasabihin ka ba?" tanong ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay mayroon siyang sasabihin. "Wala naman. Nangangamusta lang." "Ah, ganoon ba," reply ko pero wala na ako agad natanggap na text sa kanya kaya tumayo na ako. Ipinasok ko na sa bag ko ang cellphone ko at lumabas na ng kwarto, suot ang backpack ko sa likuran. Nadatnan ko si Bennie na nag-aayos na ng lamesa at mukhang luto na ang adobo na niluluto niya bago ako pumasok dito sa kwarto. Dito pa lang sa kinatatayuan ko ay naaamoy ko na ang bagong luto na penakbet at adobo niya. Sobrang sarap ng amoy at nagugutom na akna "Bakla, nandiyan ka na pala," sambit ni Bennie nang sa wakas ay napansin na ako. "Nasaan si Mr. Hann? Nasa labas pa rin ba?" tanong ko at isinara na ang pinto ng kwarto ko. "Ay, concern ka na, bakla?" tanong niya habang nag-aayos pa rin ng lamesa. "Hindi, ah! Nagtatanong lang." Ibinaba ko ang backpack ko sa lumang sofa namin at nagtungo sa labas kung saan ko iniwan si Mr. Hann. "Are you done packing?" tanong niya ng agad mapansin ang presensya ko. "Ahm, tapos na," sagot ko, "Tara sa loob kakain tayo. Hindi ko alam kung magugustuhan mo 'yong ulam, eh. Pero hindi naman kita pweding hayaan dito tapos kami nakain." Tumawa ito. "What are you talking about? I eat anything what's in the table." Tumayo na ito at hinarap ako. "Let's go inside. Nagugutom na rin ako." "Wait, 'yong driver mo hindi mo tatawagin?" tanong ko habang sinusubukan na silipin iyong driver niya sa tinted glass ng sasakyan, "Papuntahin mo rito para makakain din. Kawawa naman tapos siya pa magda-drive mamaya." dagdag ko. "Okay, I will call him," sambit niya at inilabas ang cellphone at nag-dial nang number, "Come over here." maawatoridad na utos niya at ibinaba na ang cellphone. "Bakit tinawagan mo pa? Pwedi naman natin puntahan na lang sa sasakyan. Nandiyan lang naman sa labas, oh!" Itinuro ko ang sasakyan niya at nakita ko na lumabas na rin ang driver niya. "It's okay." Natatawa na sambit nito. "Let's go inside." Pumasok na kami sa loob ni Mr. Hann at sumunod na rin ang driver nito sa amin. Tahimik kaming kumain at pati si Bennie na alam kong mahilig magsalita kapag kaming dalawa ang kumakain ay tahimik din. Sobrang tahimik din kasing kumain ni Mr. Hann pati na rin ng driver niya kaya nakakahiya sa kanilang dalawa. Tanging mga kutsara at tinidor na tumatama sa mga plato lang namin ang tanging maririnig dito. Pagkatapos naming kumain ay tinulungan ko muna si Bennie sa kusina. Ako na ang naghugas nang mga pinagkainan namin at nakipag-agawan pa siya sa akin dahil hindi na raw ako pweding maghugas simula ngayon. Pero hindi ako nagpatalo kaya ako pa rin ang naghugas. Hindi naman porket gaganda na buhay ko ay hindi na ako pweding maghugas. Kahit kailan talaga itong kaibigan ko! Sila Mr. Hann at ang driver niya ay nasa labas na ng bahay at ako na lang ang hinihintay nila para makaalis na kami. Nasa loob na rin ng sasakyan ang gamit ko dahil dinala na ito ng driver niya. "Bakla, ikaw na muna ang bahala sa bahay, huh?" bilin ko kay Bennie. "Ako na ang bahala rito. Huwag kang mag-alala. Basta i-text mo na lang ako kung kailan magaganap ang kasalang Mr. and Mrs. Hann, huh!" "Baliw ka talaga," sambit ko at tumingin sa gawi ni Mr. Hann na nasa labas na ng gate, "Baka mamaya ay marinig ka riyan." "Ano ka ba! Sa kasalan din naman ang ending niyo kaya magpakasaya ka na sa buhay mo roon sa mansyon." Napabuntong-hininga ako nang malalim. "Kinakabahan ako. Parang ayokong sumama sa kanya sa mansyon." "Masasanay ka rin doon," sambit ni Bennie, "Nakakainggit ka nga, eh, kasi gaganda na buhay mo. Sumali ka lang sa pageant of finding a wife ni Mr. Hann ay magiging mayaman ka na kasi ikaw ang natipuhan na mapangasawa," dagdag niya na parang gusto pa yatang umiyak sa mga sinasabi, "Isipin mo na lang kung ano ba ang dahilan mo bakit mo pinasok ito." pahabol niya. Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. "Salamat." Sambit ko at hinila siya para mayakap. Isa lang naman ang dahilan ko, ang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni ate. Kung hindi nangyari iyon ay siguradong masaya pa rin kami nila mama na magkakasama at hindi mangyayari ang lahat ng ito. Magbabayad sa akin kung sino man ang nasa likod ng pagkamatay ni ate. Kapag nalaman ko rin na may kinalaman ang Mason na iyon ay papahirapan ko ang buhay niya. Magdudusa rin siya sa lungkot! Kaya siguraduhin lang niya na malinis siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD