~Lucy~
Tatlong araw na ang nakakalipas simula ng maganap ang pageant sa mansyon ni Mr. Hann. Wala kaming balita ni Bennie kung ano na nangyayari dahil hindi na rin pumaparito si Bebang. Hindi namin alam kung nakapili na ba si Mr. Hann o hindi pa. Pero sigurado akong nakapili na ang lalaking iyon kung sino ang gusto niyang mapangasawa.
Mag-isa ako ngayon sa bahay dahil kakauwi lang ni Bennie sa kanila. Tinulungan niya ako rito at kakatapos lang namin maglinis dito sa loob. Ang mga gamit ni mama at ate ay itinabi ko sa iisang kwarto ng sa ganoon ay magkakasama ang mga ito. Ipinasok ko ang mga gamit nila sa bag dahil balak kong lumipat kapag nabayaran ko na ang utak ko sa matabang iyon. Sa totoo lang wala akong maisip na ibang paraan para mabayaran kaagad ang utang namin. Nagdadasal pa rin ako na sana, kung sana ako na lang ang mapili ni Mr. Hann.
"Tingnan mo nga naman, Chloe," sambit ni Lea habang magka-cross ang mga braso, "Sa dami ng pwedi nating makita, ito pang babae na nasa harap natin." mataray na sambit nito.
"Kaya pala biglang sumama ang amoy ng hangin," sambit ni Chloe at tumawa nang nakakaloka.
"Kung balak niyo na naman akong pagtripan ay wala akong oras para pakinggan ang mga trip niyo," sambit ko, "May kailangan pa akong gawin kaya bahala na kayo sa anong gusto niyo." dagdag ko at nilagpasan na sila.
"Hindi pa tayo tapos!" Rinig kong sigaw ni Lea mula sa likuran ko at hinila ng malakas ang buhok ko. "Huwag mo ako tinatalikuran!" Dagdag niya pa at itinulak ako.
Nabitawan ko ang wallet na dala ko ng mapaupo ako sa semento sa pagkakatulak niya. Sobrang sakit ng likuran ng ulo ko dahil sa lakas ng pagkakahila niya ng buhok ko. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng buhok sa kanya. Sumusobra na talaga ang dalawang ito!
"Tingnan mo nga naman. Bagay lang sayo ang kinalalagyan mo ngayon dahil isa kang hampas-lupa!" singhal ni Lea sa akin na dinuro-duro pa ako ng daliri niya.
"Masyado kang ilusyunada kung inaakala mong makakaahon ka sa buhay mo!" sambit naman ni Chloe.
Naikuyom ko ang kamay ko sa sobrang inis at pinulot ang wallet na nabitawan ko kanina. Nanatiling tikom ang bibig ko ng tumayo ako para harapin ang dalawa. Habang pinagpagpagan ko ang likod ng short ko ay napansin ko na nasa amin na ang atensyon ng lahat ng tao sa paligid namin. Pero ang dalawang ito ay mukhang hindi magpapaawat at balak pa akong pahiyain sa lahat
"Umamin nga kayo, ano bang problema niyong dalawa sa akin?" kalmado kong tanong sa kanila, "Kasi sa pagkakaalam ko wala akong ginagawang masama sa inyong dalawa lalo na sa'yo Lea," tiningnan ko siya nang matalim, "Kayo lang itong laging mainit ang ulo kapag nakikita ako. Huwag niyong sabihin naiinggit kayong dalawa?" itinaas ko ang isang kilay ko.
Sa huling sinabi ko ay biglang natawa ang dalawa na parang isang biro ang sinabi ko. Wala kasi akong maisip na ibang dahilan kung bakit sila ganito sa akin. Wala naman akong ginagawa sa kanila simula umpisa noong mga bata pa lang kami. Kaya naisip ko na baka nga totoo ang sinasabi ni Bennie na naiinggit lang ang mga ito sa akin.
"Wow, huh! Ang kapal naman ng mukha mo sabihin iyan!" Galit na sambit ni Lea, "Kami naiinggit sa'yo? Masyado ka na yatang ilusyunada, Lucy!"
"Oo, nga! Kung titingnan ay dapat ikaw ang naiinggit sa amin," sambit naman ni Chloe, "May maayos kaming tirahan, nakakapag-aral kami, maganda at higit sa lahat alam mo ba kung ano ang wala ka na meron kami?" nakangisi na tanong nito.
"Ako na ang sasagot para sayo, Lucy," sambit naman ni Lea, "Ano iyon, Chloe? Sabihin mo nga at ipamukha sa babaeng ito kung sino ang dapat maiinggit."
"What is it, Ms. Albacino, tell us?"
"Mr. Hann!" Gulat na reaksyon ng dalawa mula sa likuran ko. Ano raw?
Wala sa sarili akong napalingon sa likuran ko ng marinig ang sinabi nitong dalawa. "Ikaw!" Naiusal ko ng makitang si Mr. Hann nga. Anong ginagawa ng lalaking 'to rito?!
Iba ang itsura niya ngayon noong huling beses na nagharap kami sa mansyon niya. Siguro dahil masyado siyang pormal manamit ng gabing iyon at makikita mo talaga sa kanya kung ano ang katayuan niya sa buhay. Ngayon ay para lang siyang katulad ng mga nakakasalamuha ko rito sa bayan dahil sa napakasimple niyang pananamit. Kulay itim ang suot niyang t-shirt na may printed pang logo ng Gucci at nakamaong short ito na hanggang tuhod niya. Tinernuhan niya ito ng kulay puting sapatos na siyang bumagay sa OOTD niya. Mukha pa rin siyang mayamang tingnan.
"Yes, it's me." Ngumisi ito at lumapit sa akin habang nasa magkabilang bulsa niya ang parehong kamay. "Are they bothering you, Wife?" Tanong nito ng tumigil sa tabi ko. Ano raw?
"W-wife?" tanong ni Lea na halos hindi na makabigkas nang salita.
"Nabibingi yata tayo, Leng," bulong ni Chloe na narinig naman namin.
"What you heard is right." Paglilinaw ni Mr. Hann na ayaw mag-sink in sa utak ko ang pinagsasabi niya. "I came at Lucy's house to fetch her but her friend Bennie told me that she is here." Paliwanag niya at sumulyap sa akin. So, ibig bang sabihin ay...
"Iyang babae na 'yan ang napili mo?!" tanong ni Lea na tila hindi makapaniwala.
"Bakit siya, Mr. Hann?!" Ganoon din ang reaksyon ni Chloe at tumingin pa sa akin ng masama na balak yata akong patayin sa tingin.
"She caught my attention that is why," sagot ni Mr. Hann, "So, please, excuse us with my wife. We have some things that we need to sort out."
Bago pa man ako makapag-react sa nangyayari ay hinawakan ni Mr. Hann ang kamay ko at tinangay palayo sa dalawang iyon. Bakas sa mga mukha nila na hindi nila inaasahan ang nangyari. Kahit ako rin naman ay hindi inaasahan ito dahil bigla na lang sumulpot ang lalaking ito at kung ano-ano na ang pinagsasabi. Hindi pa nga nagsi-sink in sa utak ko ito!
"Wa-wait!" Kinuha ko ang kamay ko dahilan para mapatigil kaming dalawa rito sa tapat ng mga naka-park na sasakyan.
"What?"
"Anong ginagawa mo?" Nakakunot ang noo na tanong ko.
"I'm taking what is mine now," sagot niya at itinaas ang isang kilay, "You heard what I said in front of them, right? It's true." dagdag niya pa.
"Narinig ko iyon at hindi ako bingi," tugon ko, "Pero hindi mo ako kailangan dalhin. May kailangan pa akong bilhin sa bayan."
"I told you I'm taking what is mine now–"
"Mine mo mukha mo!" putol ko sa kanya, "Hindi pa tayo kasal kaya hindi mo pa ako pagmamay-ari. May kailangan pa nga akong bilhin kaya kung gusto mo pumunta ka sa bahay at hintayin mo ako roon!" dagdag ko at nagmadaling naglakad palayo sa kanya habang dala-dala ang sobrang kaba na nararamdaman ko. Feeling ko ipapapatay niya ako sa ginawa ko! Hindi pa nga nagsi-sink in sa akin ay kukunin niya na ako!
Nang makabalik ako sa bayan ay hindi ko nakita ang dalawang magkaibigan na bruhilda. Mabuti na rin iyon ng walang masasamang loob ang nakapaligid sa akin. Mukhang mapapatay rin ako ng dalawang iyon sa mga tingin nila sa narinig kay Mr. Hann. Pero ng makita ko ang mga itsura nila kanina ay gusto kong tumawa. Hindi ko alam pero parang nakaganti na rin ako kung iisipin dahil sa dami ng sinasabi nila na kung anu-ano sa akin ay ako ang pinili.
Sinadya ko talaga na magtagal sa bayan dahil baka mamaya pumunta nga roon sa bahay si Mr. Hann. Tumambay muna ako sa plaza ng halos tatlong oras ng walang ginagawa kundi pagmasdan ang mga taong nakikita ko. Ang karaniwang mga taong nakikita ko ritong namamasyal ay isang buong pamilya at sobrang saya nilang panoorin. Iyon nga lang ay nakakainggit. Alam kong ito ang gustong sabihin ni Chloe na wala ako na meron sila. Napabuntong-hininga ako mga naiisip ko kasabay ng pangungulila ko sa pamilya kong maaga akong iniwan. Kaya naman bago pa ako maiyak sa rito plaza ay umalis na ako para bumili nang lulutuin ko mamayang gabi.
Naglalakad na ako ngayon pauwi, bitbit ang mga pinamili kong pagkain sa bayan na lulutuin ko mamayang gabi. Isang kilo ng manok at pangpakbet ang binili ko dahil last supper ko na yata ito mamaya. Wala ng lamang pera ang pitaka ko at huling gastos ko na ito ngayon kaya kailangan masarap ang pagkain ko. May bigas na rin naman sa bahay kaya hindi na ako bumili at Wala na rin naman akong pambili.
Habang naglalakad ako rito sa gilid ng kalsada ay pakiramdam ko may sumusunod sa likuran ko. Hindi ko lang sigurado kung sino dahil hindi ako makalingon. Imposible rin na kidnaper o holdaper ito kasi may mga tao sa paligid namin. Kung ganoon nga, sana kanina pa may nag-react sa mga nakakakita sa amin.
"Miss, sundo niyo yata iyang nasa likuran niyo!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ang sinabi nang tindera na nasa gilid ko. Sundo ko raw? Dahil naku-curious na rin ako lumingon ako sa likuran ko kung may sasakyan ngang nabuntot sa likuran ko. Nang mapagtanto kong meron nga ay kumunot ang noo ko. Kulay grey na limousine ito at parang nakita ko na ito kanina sa mga naka-park na sasakyan. Hmmm. Bumukas ang pinto ng driver seat ng sasakyan at lumabas ang isang maskuladong lalaki na nakausot ng itim na suit. Nakasuot pa ito ng kulay itim na shade para lalo siyang magmukhang member ng Men and Black.
"Ms. Lucy, please, get inside."
Tumingin ako sa paligid ko kung ako ba ang tinutukoy nitong lalaking nasa harap ko. Ako lang naman ang nakatayo rito kaya ang ibig sabihin ako nga ang kausap niya. Itinuro ko ang sarili ko para sa kumpirmahin na ako talaga. Baka mamaya may nakikita ang shades niya na hindi ko nakikita.
"Yes, it is you, Ms. Lucy," sambit nito.
"Huh, me? But I don't come with stranger. I'm sorry," tugon ko at akmang tatalikuran siya ng bigla itong magsalita ulit.
"Mr. Hann ask me to fetch you here. He is in your house waiting."
"Anong sabi mo? Si Mr. Hann nasa bahay ko?!" Mabilis kong tugon ng marinig ang sinabi niya.
"Opo, tama kayo ng rinig, Ms. Lucy," sagot nito. Letse! Isa rin itong alalay niya. Marunong naman pala mag-Tagalog!
Wala na akong nagawa kundi sumakay na lang sa sasakyan. Sayang ang palibreng sakay ni Mr. Hann. Sobrang lamig dito sa loob at magkabilaan pa ang upuan na nandito. Ako lang ang mag-isa na nakaupo rito at mukhang buong kwarto ko hanggang sa kwarto ni ate ang laki ng space dito sa loob. Nakakamangha ang buong kabuuan dito sa loob pero iyon nga lang ay nakakahiya dahil sa dala ko. Baka mapalitan ang mabangong amoy rito ng amoy manok na binili ko.
Maya-maya ay tumigil na ang sasakyan at mukhang nandito na kami. Sumilip ako sa bintana at nakita ko mula rito ang pigura ni Mr. Hann na nakatayo sa pintuan. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya sa ginawa ko kanina. Parang ayoko ng bumaba rito pero binuksan na ng driver ang pinto nitong sasakyan. Kaya wala na akong nagawa kundi ang lumabas, dala ang mga pinamili ko.
"Bakla!" sigaw ni Bennie nang makapasok na ako sa gate, "Ikaw, huh! Nakakahiya kang bruhilda ka! Pinaghintay mo pa si Mr. Hann talaga rito sa bahay mo." sambit niya habang sinasabayan ako maglakad patungo kay Mr. Hann, "Akin na ito. Ako na ang magluluto nang mga ito!" kinuha niya ang dala ko at nagmadaling pumasok sa loob.
"So, what did you just said to me last night?" tanong ni Mr. Hann na nakatayo pa rin sa pintuan, "Kailangan mo ng umuwi kasi hinahanap ka na ng mama mo?" tumaas ang kilay nito.
"Oh, ngayon?"
Nagkibit-balikat siya. "Nothing."
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko at pinag-cross ang mga braso ko.
"Kailangan kita," sagot niya ng walang pag-aalinlangan.
Parang nagpaulit-ulit na pumasok sa tenga ko ang mga sinabi niya. Parang gusto kong sumabog sa sobrang bilis ng t***k ng puso. Nararamdaman kong nag-iinit na ang pisnge ko dahil sa isinagot niya sa akin. Ano ba 'yang sagot niya bakit parang kinikilig ako!