Kabanata XII

2113 Words
~Lucy~ "Tinatanong ko, anong nangyayari rito?" pag-uulit ni Bebang at naglakad palapit sa amin. Imbis na sagutin ang tanong niya ay bumalik ang lahat sa kanya-kanyang ginagawa na parang walang nangyari. Habang ako naman ay nanatili lang sa kinatatayuan ko pati na rin ang dalawa. Inis na tiningnan ni Bebang ang iba bago ako binalingan pati ang sila Lea at Chloe. Itsura pa lang niya ay alam mo ng manenermon siya. "Kayo na naman bang tatlo, huh?" tanong ni Bebang, "Pinagsabihan ko na kayo kanina, hindi ba? Kung may away man kayo ay itigil niyo na muna iyan. Kung gusto niyo pagkatapos nitong pageant ay magsabunutan kayo sa labas ng subdivision. Wala na akong pakialam! For the mean time na nandito kayo ay umayos-ayos kayo!" mahaba na sermon nito na mukhang nakalimutan ng huminga, "Nagkakaintindihan ba tayo?" "Opo," sagot naming tatlo. "Pasensya na po. Hindi na mauulit," paumanhin ko. "Aba dapat lang!" Tinalikuran na kami ni Bebang at hinarap ang iba. "Get ready now dahil magtatawag na ako para sa Q&A. Si Mr. Hann ang magtatanong sa inyong lahat so you better give your best answer to win the pageant!" Paalala nito at iniwan na kami rito sa backstage. "Lucy!" tawag sa akin ni Shailon at nagmadaling nagtungo rito sa gawi ko, "Bakit mo ginawa iyon?" "Ginawa ang alin?" Tiningnan ko siya ng nagtataka. "Wala ka namang ginagawa pero nag-sorry ka sa Bebang na iyon," sagot ni Shailon. "Oo, nga. Hindi mo dapat ginawa iyon," pagsang-ayon ni Danielle. "Ano ba naman kayo, okay lang iyon. Kung hindi ako nag-sorry ay wala rin mangyayari. Kaya ako na magpakumbaba," sambit ko. "Aw, ang bait mo naman, Lucy. Sana lang ay huwag kang kunin ng maaga ni Lord. Hahaha!" pabiro na sambit ni Shailon at natawa na lang kami. Nag-umpisa ng magtawag si Bebang nang mga pangalan namin. Randomly ulit ang pagtawag niya at nakakailang tawag na siya pero hindi pa rin ako natatawag. Si Lea at Chloe ay kanina pa tinawag at mabuti pa sila tapos na. Sana naman ay hindi na ako ang huling aakyat sa stage. Parang sinasadya kasi o baka may galit itong Bebang na 'to sa akin. Si Mr. Hann nga ang nagtatanong sa Q&A at iba-iba ang tanong na ibinabato niya. Lahat ng mga tanong niya ay tungkol lahat sa pagiging isang asawa at kung ano ang kaya nilang gawin bilang asawa. Madali lang kung iisipin ang tanong pero wala akong mahagilap na sagot. Habang naririnig ko kasi ang mga tanong ay sinusubukan kong sagutan ito sa isip ko pero. Wala akong maisip na sagot dahil hindi ko pa naman gusto pumasok sa pag-aasawa. "Nakakakaba naman ito!" sambit ni Diana na kanina pa palakad-lakad sa harap namin. "Ano ka ba naman, Diana. Maupo ka nga at kami ang nahihilo sa'yo, eh!" sita ni Hanna sa kanya habang minamasahe ang magkabilang sintido. "Ganito talaga ako kapag kinakabahan. Kailangan ko maglakad-lakad para mawala sa buong sistema ko ito!" "Baka kakalakad mo riyan ikaw na ang tawagin." Tumatawa na sambit ni Diana. "Kaya maupo ka na. Hahaha!" "Next contestant that is going to stand here for the Q&A is Diana Mendez!" tawag na ni Bebang kay Diana, "I'm calling for Ms. Mendez to come over here in the stage." Nang marinig namin ang pangalan ni Diana ay nagtawanan kami. Halata sa mukha niya ang pagkagulat at ngayon ay nakasimangot itong nakatayo sa harap namin. Kakasabi pa lang ni Hanna na baka siya ang matawag ay tinawag na nga siya. "Ikaw kasi, eh!" Panduduro ni Diana kay Hanna. "Sinabi mo pa kasi na baka ako na ang matawag ayan tuloy tinawag na ako. Hmp!" "Okay lang iyan, Diana. Kaya mo naman 'yan." Pagpapalakas-loob ko sa kanya. "Pumunta ka na roon at baka hinihintay ka na nila." Dagdag ko. "Bahala na si Batman!" sambit ni Diana at naglakad na para magtungo sa stage. Nakakailang tawag na si Bebang sa mga susunod na sasagot sa Q&A at nawala na lang ang mga kasama ko hindi pa rin ako tinatawag. Obvious ng ako na naman ang huling aakyat sa stage. Lagi na lang! Nang tinawag na ni Bebang ang pangalan ko ay huminga muna ako ng malalim bago nagtungo sa itaas. Ngumiti ako pagkakita ko sa mga audience habang inirarampa ang sarili. Tumigil ako sa gitna at lumapit sa akin si Bebang para ibigay ang microphone. "So, Ms. Felicidad, here is the question for you," sambit ni Mr. Hann na nasa ibaba at prenteng nakaupo sa upuan niya, "Why should I choose you?" "Pardon me?" Kunot-noo kong tanong dahil parang iba yata ang itinanong niya sa akin. "That is the question, Ms. Felicidad," sagot nito at ibinaba na ang microphone sa ibabaw nang lamesa. Napangiwi na lang ako at taas noong sinabing, "I don't know what is the exact answer you want to hear from me but if I'm the one who will be chosen here, I will do my best to be a wife to you. You will not going to regret in choosing me here. That's all and thank you!" pagtatapos ko at ipinasa na ang microphone kay Bebang bago rumampa papunta sa mga kasama ko na nakatayo sa likuran ko. "Tsk. Napaka-common naman ng sagot mo," bulong ni Chloe nang tumabi ako sa kanya, "Sagot mo pa lang halatang hindi ka na mapipili." "Atleast may sagot," sambit ko at itinuon na ang tingin sa mga nanood sa amin. Pagkatapos ng Q&A namin ay pinagpalit na kami ng suot ni Bebang para bumalik sa mga upuan namin. Ang sabi niya ay pwedi kaming kumuha nang gusto naming damit na nasa backstage pero hindi na ako kumuha pa at sinuot na lang ulit ang damit na ginamit ko pagpunta rito. Nang makabalik na kami sa mga upuan namin ay hindi na namin nadatnan si Mr. Hann sa pwesto niya. Siguro ay nasa loob na siya ng mansyon. "Ang sarap ng pagkain nila, Bakla," sambit ni Bennie nang maupo na ako sa tabi niya, "Sa wakas nakakain na rin ako ng Japanese food. Ganito pala ang lasa nito. Hahaha!" "Ano ba tawag diyan?" tanong ko habang tinitingnan ang mga hindi pamilyar na pagkain nasa harap namin. "Huwag mo ng intindihin kung ano ang pangalan nito. Ang mahalaga masarap!" sagot niya at hindi na nagpaawat sa pagkain. "So, special announcement for everyone especially to these beautiful ladies," pag-uumpisa na naman ni Bebang sa itaas ng stage para makuha niya ang atensyon namin, "Mr. Hann and I decided that we are not going to announce who he'll going to choose–" "Huh? So, hindi namin malalaman kung sino ang pinili Mr. Hann sa amin?" tanong ni Danielle. "Oo, nga naman paano iyon?!" tanong naman ni Shailon. "It is just simple and you will know once he got into your home. Siya mismo ang susundo sa mismong mga bahay niyo sa kung sino man ang napili niya," sagot ni Bebang. Sa sinabi ni Bebang ay biglang umingay ang buong paligid dahil sa excitement. Ang iba naman sa amin ay mahihimigan ang pagkadismaya dahil sa akalang ngayon nila malalaman kung sino ang pinili. Parang okay na rin iyong nagpagdesisyonan nila. Ewan, basta okay na rin iyon para surprise. "Ang panget naman, Bakla," komento ni Bennie na panay ang kain sa hinatid nang waiter dito sa table namin, "Pa-suspense naman itong si Mr. Hann. Hindi na lang pumili agad "So, before this night ends, Mr. Hann requested all the ladies to join him in the dining inside the mansion," sambit ni Bebang na ikinagulat ko. "OMG! Makakasama nating kumain si Mr. Hann! Kyahhh!" "Kinikilig ako. Hahaha!" "Tara na kakainin ko na si Mr–I mean kakain na tayo!" Rinig kong tilian nang mga kasama ko rito na halos malaglag na ang panty sa kakatili. Pati itong kaibigan ko ay panay hampas sa braso ko na hindi rin mapakali sa kilig habang ako ay parang naiihi sa sobrang kaba. Pwedi naman sigurong hindi na sumama! "Bakla, ano pang ginagawa mo? Tumayo ka na at baka maunahan ka ng mga kasama mo!" sambit ni Bennie na itinutulak-tulak pa ako patayo. "Hindi ako pupunta. Dito na lang ako kakain. Pwedi namang dito na lang, eh," sagot ko at nanatiling nakaupo sa upuan ko. "Ano ka ba naman baka mabawasan ang chance mo na mapili kung hindi ka pupunta roon!" "As if namang mapipili," sambit ni Lea nang dumaan ito sa harap namin kasama si Chloe. Ang iba sa amin ay nagpunta na sa loob at mukhang ako na lang yata ang hindi tumatayo sa kinauupuan ko. Si Bebang ay pababa na rin sa stage at nagtama ang paningin namin ng tumingin siya sa gawi ko. Kaya bago pa may masabi na naman ang babaeng ito ay tumayo na ako. "Oh, akala ko ba ayaw mo?" tanong ni Bennie. "Nagbago isip ko," sagot ko na lang at sumunod sa mga kasamahan ko papunta sa loob ng mansyon, "Ahm, excuse me po. Nakita niyo ba kung nasaan ang mga kasama ko?" tanong ko sa maid nang makasalubong ko ito pagkapasok ko rito sa loob. "Sa dining area po sila dumiretso, Ma'am," magalang na sagot nito. "Pwedi niyo pa ba ako samahan doon? Ang laki kasi nitong mansyon baka maligaw ako." "Naku, Ma'am, pasensya na po pero may utos kasi si Sir Yumiko sa akin sa labas," sambit nito na nagmamadali. "Ah, sige po," nasabi ko na lang. "Sige po, Ma'am." Nilagpasan na ako ng maid at nagmadaling lumabas para gawin ang iniutos sa kanya. Napapansin ko lang, si Bebang na pinsan niya ay Mr. Hann ang tawag sa kanya. Samantala naman iyong maid na nakasalubong ko, Yumiko ang tawag niya at hindi Mr. Hann. Ang gulo lang isipin na ganoon. "Nasaan na ba sila?" tanong ko sa sarili habang naghahanap nang bakas ng mga kasama ko. Sobrang tahimik dito sa hallway at wala akong makitang ibang tao rito. Kanina pagpasok pa lang dito sa likod ng mansyon ay may makikita kang nakakalat na mga bodyguards. Tapos ngayon ay halos wala ka ng makita kahit isa. Nakalimutan ko pang magtanong kanina sa maid kung nasaan ang dining area rito. Masyadong malaki itong loob at nakakalula tingnan ang kisame sa sobrang taas nito. "Nasaan na ba sila?" tanong ko habang pakalat-kalat pa rin dito sa loob. Kapag ako nainis babalik na lang ako sa labas. "You seem lost." Nang marinig ko ang boses na iyon mula sa likuran ko ay bigla akong natigilan sa kinatatayuan ko. Para akong naging estatwa dahil hindi ko maigalaw ang sarili habang naririnig ang mga yapak niya na papalapit sa akin. Sobrang lakas ng kalabog ng puso ko at napapapikit na lamang ako habang hinihintay ang susunod na mangyayari. Bakit ba laging nasa paligid itong lalaking 'to! "Am I scary to you?" rinig kong tanong niya dahil nakapikit ang mga mata ko. Binuksan ko ang mga mata ko pero sa ibang direksyon ako tumingin nang magpagtantong nasa harapan ko na pala siya. "No, Mr. Hann." Sagot ko. "Hindi mo nga ako matingnan ng diretso," sambit nito na ikinagulat ko dahil nag-Tagalog ito. Marunong naman pala magsalita nang Tagalog ang lalaking ito! Wala sa sarili akong napatingin sa kanya. "Anong hindi makatingin? Ano sa tingin mo ang ginagawa ko?" Matapang na tanong ko. "Atsaka hindi ka nakakatakot!" Dagdag ko pero sa ibang direksyon ako tumingin. "You can't even say it straight in my eyes," sambit niya at ngayon ko lang din napansin na hindi malalim ang boses niya hindi katulad kanina. "Uuwi na pala ako," sambit ko para maiba ang usapan at tumingin sa relo ko, "Baka na hinahanap na ako ni mama." pagsisinungaling ko at tinalikuran na siya. "The party isn't over," sambit niya na ikinatigil ko. Hinarap ko siyang muli. "Tapos na ang pageant. Iyon lang ang ipinunta ko rito at hindi mo pa naman ngayon sasabihin kung sino ang napili mo sa amin." Tugon ko at dire-diretso ng naglakad pabalik kung saan ko iniwan si Bennie. Hindi talaga ako komportable sa lalaking iyon. Nakakatakot pa rin ang aura niya kahit na hindi na malalim ang boses niya kanina. Baka hindi pa ako makakain kung sasabay pa ako sa kanila sa dining area. Ayoko rin makita ang dalawang bruhilda roon dahil baka ipahiya pa ako ng mga iyon. "Ms. Felicidad, where are you going?" tanong no Bebang habang magka-cross ang mga braso. "Uuwi na po," sagot ko at nilagpasan na siya para lapitan si Bennie. "Oh, nandito ka na naman–" "Uuwi na tayo," tugon ko. "Ms. Felicidad, the party isn't over," sambit ni Bebang na nakaharang sa daanan namin. "Bigla pong sumama ang pakiramdam ko kaya uuwi na kami ng kaibigan ko," sagot ko, "Excuse me po." tinangay ko na paalis si Bennie bago pa humaba ang usapan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD