Kabanata XI

1766 Words
~Lucy~ "I forgot to inform you ladies that there will be a talent portion. So, you have to show your talents for only one minute. Are we clear?" "Hai! (Yes!)" sagot naming lahat. "So, Ladies, please, proceed to the backstage first and change some clothes there that will fit to your talents," utos ni Bebang sa amin. Biglang tumigil ang iba't-ibang kulay na sumasayaw kanina at biglang napalitan ng puting ilaw. Habang naglalakad kami patungo sa backstage ay nagsasalita si Bebang sa microphone. Hindi ko masyadong inintindi ito dahil nakatuon ang atensyon ko sa pag-iisip sa talent portion na gagawin namin. Akala ko ay hindi na ito kasali dahil hindi naman niya binanggit kanina tapos ngayon meron na! Ano na lang ang gagawin ko? Wala akong alam na talent na mayroon ako. Hindi ba pweding mag-pass na Lang sa talent portion? Huhu! Nandito na kami ngayong lahat sa backstage at ang daming damit dito na pwedi naming pagpilian. Naka-hanger ang mga ito sa dalawang mahabang bakal at ang bango ng amoy ng mga ito. Mukhang bago pa ang mga ito at galing ibang bansa. Pero iyong talent na gagawin ko ano nga ba talaga? Hindi ako makakapag-decide kung ano susuotin ko rito kung wala naman akong maisip na gagawin. "Guys, anong talent ba ang ipapakita niyo mamaya?" tanong ni Shailon na namimili nang susuotin. "Hindi ko nga alam, eh! Pero feeling ko sasayaw na lang siguro ako? Sasayawan ko si Mr. Hann!" Maharot na tugon ni Cindy at tumawa nang nakakaloka. "Yuck! Pokpok lang ang datingan?" tugon naman ni Danielle, "Pero bet!" dagdag nito na tumawa rin nang nakakaloka. "I got an idea!" sambit ni Shailon at napunta lahat ang atensyon namin sa kanya, "What if, sumayaw na lang kaya tayong lahat mamaya?" "Sayaw?!" Wala sa sarili kong naiusal nang marinig ang sinabi ni Shailon. Tiningnan niya ako ng nakakunot-noo. "Why? Is there a problem kung sasayaw na lang tayo lahat? Para fair na rin sa atin." Bago ko pa man masagot ang tanong niya ay biglang tumawa nang malakas sila Lea at Chloe. Tunog pa lang ng tawa nila ay mukhang may sasabihin na naman sila tungkol sa akin. Ano na naman ba ang trip ng dalawang ito? "Kung hindi niyo na kasi itatanong, hindi marunong sumayaw si Lucy," sambit ni Lea na ngumisi pa sa akin, "Noong elementary nga kami ay naihi pa siya sa palda niya noong sumasayaw kami." dagdag pa nito. "As far as I remember, graduation natin iyon," sambit naman ni Chloe na talagang pinapahiya ako. Wala na ako nagawa sa kinatatayuan ko kundi pakinggan silang lahat na matawa sa pagpapahiya nang dalawa sa akin. Sa katunayan wala naman sa akin ang ginawa nila pero ang ipahiya ako sa mga kasama namin ay sumusobra na sila. Hindi naman nila kailangan sabihin ang bagay na iyon pero dahil walang magawa ang dalawang ito, pinahiya ako. "Well, mukhang si Lucy lang ang walang maipapakitang talent mamaya," sambit ni Lea at nag-umpisa ng maghanap nang susuotin niya. "Kung wala siyang ipapakitang talent mamaya ay baka ma-disqualified siya," sambit ni Hanna. "Hindi ako madi-disqualified," sagot ko, "Hindi lang naman kasi pagsayaw lang ang pweding ipakitang talent." dagdag ko at ngumisi rin ako sa gawi ni Lea pati na rin sa gawi ni Chloe. "Oo, nga naman! May point si Lucy," sambit ni Shailon na natawa pa, "Kung sino na lang ang gustong sumayaw, iyon na lang ang sasayaw." Agad akong lumapit kung nasaan si Lea at pumili na rin ako ng susuotin kong damit. Magkaharap kami ngayon at kita ko sa mukha niya pagka-irita sa ginawa ko. Siguro ay inaasahan niyang mananahimik lang ako sa ginawa niyang pagpapahiya sa akin. Kung narinig lang ni Bennie ang sinabi niya ay siguradong nakalbo na siya ng kaibigan ko. Nagkanya-kanya kaming bihis dito sa backstage. Seryoso talaga sila sa pagsasayaw dahil halos lahat ng kasama namin dito ay sasayaw. Ako lang yata at si Diana ang kakanta mamaya sa talent portion. Ang problema ko nga lang ay hindi ko alam kung ano ang kakantahin. Marami akong naiisip. Marami akong alam na kanta. Pero hindi ko alam kung ano ba ang kakantahin ko. Hindi rin naman ako magaling kumanta, marunong lang kumbaga. "Okay na ba ang lahat dito?" tanong ni Bebang na bigla na lamang sumulpot, "Sa tingin ko ay ready naman na kayong lahat," dagdag pa nito, "Ito nga pala ang Dj natin. You tell him what is the songs that you are going to use in your performance later. You have two minutes to do it and after that I will automatically call you to perform. Are we clear?" "Hai! (Yes!)" sagot naming lahat. "Okay, good. I will left the Dj here. You start handling your songs on him." Iniwan na kami ni Bebang at muling bumalik sa stage. Inisa-isa kami ng Dj na lapitan hawak ang papel kung saan nakasulat ang mga pangalan namin. Sinabi namin sa Dj kung ano ang kanta na gagamitin namin at pagkatapos ay bumalik na rin ito sa pwesto niya kung saan niya ino-operate ang tugtog na kasalukuyang naririnig namin. Medyo kinakabahan na rin ako dahil ang sabi sa amin ng Dj ay randomly ang pagtawag sa amin sa itaas na hindi man lang sinabi sa amin ni Bebang. "Gosh! Kinakabahan na ako! Sana lang ay alam ko pa ang steps ng sasayawin ko!" sambit ni Danielle. "Basta ako 'yong sasayawin ko na lang 'yong mga napapanood ko sa t****k," sambit naman ni Claudia. "Good luck na lang sa atin girls. Kaya natin ito!" Pagpapalakas-loob ni Shailon sa amin. Ang bait niya hindi tulad ng isa riyan! "Siguradong naman na ako ang mananalo sa pageant na ito," biglang sambit ni Lea na halos lumuwa na ang dibdib sa suot, "Kanina ko pa nga napapansin na nakatingin sa akin si Mr. Hann." tumawa pa ito na parang kinikilig. Sa akin kaya! "Oo, nga! Tapos kanina sabi niya pa back daw. Ako–ikaw yata ang tinutukoy niya. Hehehe," sambit naman ni Chloe na tila suportado pa ang kaibigan sa kung ano ang pinagsasabi nito. "Well." Nginisian kaming lahat ni Lea. "Good luck na lang sa inyo kung mapili kayo." Hinampas niya ang sariling buhok sa hangin at naglakad na paakyat ng stage ng tawagin na ni Bebang ang pangalan niya. "Grabe! Parang lumamig dito sa backstage sa sobrang kahanginan niya," komento ni Danielle na mukhang hindi nagustuhan ang inasal ni Lea. "Pinahiya niya pa si Lucy kanina," sambit naman ni Shailon. "Tumawa ka nga kanina, eh," sambit naman ni Hanna saka tumawa. "Hmp! Mga panget!" Bigla ay lumayo sa amin si Chloe at nagtungo sa gilid ng stage para panoorin ang kaibigan. "Magkaibigan nga sila." Napailing na lamang si Shailon. Pagkatapos mag-perform ni Lea sa itaas ng stage ay sunod-sunod ng tinawag ang mga kasama ko. Kinakabahan na ako dahil hindi pa ako natatawag. Tapos na rin si Diana na kumanta at lima pa kami na hindi natatawag para sa talent portion. Tinawag na ang isa sa amin at apat na lang kaming naiwan. Hanggang sa tinawag na ang tatlo at ako na lang ang hindi pa nape-perform. Ako na naman ang huling aakyat nang stage habang iyong iba ay randomly na tinawag. Mabuti na rin ito! "What are you going to do, Ms. Felicidad? Are you going to dance also like they mostly did here?" tanong ni Bebang nang tumigil ako rito sa gitna. Tumawa ako. "No, I don't know how to dance." Sagot ko. "But I know how to sing. That is what I am going to right now." Dagdag ko. "Oh, you are going to sing also! So, let us hear Ms. Felicidad in her song!" sambit ni Bebang at iniwan na akong mag-isa rito sa itaas. Pinili kong kantahin ang kanta ni Lenka na The Show dahil pakiramdam ko ay ako ang pinatatamaan ng singer. Nakikita ko kasi ang sarili ko sa mga liriko ng kanta niya. Nang sa wakas ay matapos na rin ako sa pagkanta ay agad akong nag-bow at nagpasalamat. Hindi pa man nakakabalik si Bebang ay mabilis akong naglakad pabalik sa backstage. Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko at kulang na lang lumabas ang puso ko. Mabuti na lang din ay hindi ako nagkamali kanina dahil sobra akong nadi-distract sa mga nanonood Lalo na sa lalaking iyon! "Oh, pinagpawisan ka yata, Lucy, sa performance mo," natatawang sambit ni Shailon na ngayon ay nakasuot na ng two-piece niya. "Kinakabahan kasi ako," sagot ko at nag-umpisa na rin magpalit ng two-piece. "Nakakakaba nga! Daig pa natin ang sumali sa Miss Universe," sang-ayon ni Diana. "Alam niyo ba kanina." Lumapit sa amin si Shailon. "Habang sumasayaw kasi ako napansin ko lang parang hindi interesado si Mr. Hann." "H-huh? Paano mo naman nasabing hindi interesado?" tanong ko. "Eh, kasi kanina halos ipakita ko na ang dibdib ko kakasayaw." Tumatawa na sambit nito. "Pero ang Mr. Hann na iyon hindi man lang nag-abala manood. Panay lang ang pagpindot niya sa cellphone." Ngumuso ito. "Hay naku! Kung inaakala mong ikaw lang, Shailon, ako rin!" sambit naman ni Danielle, "Hindi man lang nanood si Mr. Hann o kahit sumulyap man lang sa pinanggagawa ko." Habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi nila ay nagsisitaasan ang balahibo ko. Lahat kasi ng sinasabi nila ay iisa lamang at kapag naiisip ko ang mga tingin ni Mr. Hann kanina, para tuloy gusto ko ng magpalamon sa lupa. Ang creepy lang isipin. "Oh, kayong dalawa riyan." Baling ni Shailon kanila Lea at Chloe. "Bakit ang tahimik niyo? Hindi rin kayo pinanood ni Mr. Hann? Ang hangin-hangin pa naman dito kanina." Sarkastiko na sambit nito. Tumawa ng malakas si Lea na akala mo kontrabida sa isang palabas. "To be honest, nanood si Mr. Hann sa performance ko kanina and nginitian niya pa nga ako ng magtama ang mga mata namin." "Hindi nga maalis ni Mr. Hann ang mga mata niya sa akin kanina and sasabihin niyong katulad din namin kayong hindi pinanood?" sambit naman ni Chloe at binalingan ako ng nakangisi, "Eh, ikaw, Lucy? Obvious naman na hindi ka rin pinanood. Nagsayang ka lang ng oras sa performance mo. Sana Hindi ka na lang sumali!" "So, sinasabi mo na na hindi na rin dapat kami sumali?" tanong ni Shailon na mukhang hindi nagustuhan ang narinig. "H-huh? Hindi, ah! Hindi iyon ang ibig kong sabihin," tugon ni Chloe, "Itong babaeng 'to ang sinasabihan ko!" itinuro pa ako nito. "Hindi, eh! Ganoon na rin iyon–" "Pwedi ba? Si Lucy ang tinutukoy ng kaibigan ko at huwag na kayong emepal!" putol ni Lea Kay Shailon. "Ano ang nangyayari rito?!" sigaw ni Bebang na nakapameywang sa likuran namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD