~Lucy~
"Hahaha! Everyone is wrong about their guesses," sambit ni Bebang na natatawa na lamang sa mga pinagsasabi nang mga kasama namin, "So, age reveal na tayo. Yumiko is already thirty-five and it's not really obvious, right? Masyadong mapanlinlang ang itsura nitong pinsan ko."
"I'm just taking care of myself, Cous. That's it!" sambit ni Mr. Hann na parang estatwang nakatayo sa gilid ng pinsan niya.
"You heard it? Iyon lang pala ang sekreto ng pinsan ko," sambit ni Bebang, "So next, Yumiko Hann is a Filipino-Japanese and don't worry because he can understand Tagalog kaya hindi tayo manonosebleed," pabiro na sambit nito, "Kaya I guess, ipapasa ko na ang microphone sa kanya para siya na ang magpatuloy sa pagpapakilala sa sarili niya and after it, the pageant will go on. So, ladies, prepare yourself for your spotlight!"
Nang ipasa ni Bebang ang microphone kay Mr. Hann ay iniwan niya ito na mag-isa sa itaas at naupo sa upuan na katabi ng lalaki. Hindi ako mapakali sa upuan ko dahil pwedi niya akong makita rito sa lamesa namin. Kaya naman kinuha ko ang panyo na ginamit sa akin ni Bennie nang i-retouch niya ang make-up ko. Pasimple kong tinakpan ang mukha ko ng panyo at sinigurado kong makakahalata na may tinataguan ako.
"Hoy, Bakla! May sipon ka ba? Nakatakip iyang panyo sa mukha mo?" tanong ni Bennie nang mapansin ang ginawa ko, "Para kang tanga riyan." dagdag niya pa.
"Huwag ka na nga maingay at manood ka na lang," tugon ko at itinuon na ang tingin ko sa itaas ng stage.
"Watashi no mae ni iru korera subete no utsukushī josei ni konbanwa! (Good evening to all these beautiful ladies in front of me!)" panimula ni Mr. Hann na hindi naman namin naintindihan, "Hahaha! I bet you did not understand it," tumawa ito ng napakasexy, "I was just saying, good evening to all these beautiful ladies in front of me especially at the back." pagkasabi niya ng huling salita ay biglang nagtama ang mga mata namin.
"Oh my gosh! Back daw ang sabi Lea baka ako iyong tinutukoy ni Mr. Hann!" kinikilig na sambit ni Chloe.
"Assumera! Paanong magiging ikaw iyon, eh, ako ang tinutukoy ni Mr. Hann." Hinampas ni Lea ang buhok niya sa hangin at nahuli niya akong nakatingin sa kanya. "Tinitingin-tingin mo riyan? Don't tell me nag-aassume ka rin na ikaw iyong tinutukoy?" mataray na tanong nito.
Imbis na sagutin ang tanong niya o sumagot sa kanya ay itinuon ko na lang pabalik ang atensyon ko sa harap ng stage. Nagsasalita na si Mr. Hann at hindi ko narinig ang sunod na sinabi niya noong nagtama ang mga paningin namin dahil sa dalawa na nasa gilid namin. Kinakabahan talaga ako sa lalaking ito. Natatakot ako sa kanya lalo na ng tumingin ito sa gawi ko. Kahit anong tago ko pa ay kaya niya pa rin akong makita rito.
"I graduated at Toyo University Hakusan Campus in the course of business management. Only child lang ako and all of my family has, sa akin napunta—"
"Is it true that you are a billionaire, Mr. Hann?!" sigaw na tanong ng babae na nakapwesto sa likod ni Bebang dahilan para maputol ang sinasabi niya.
Natawa si Mr. Hann sa tanong niya at sinabing, "Yes, it is true that I am a billionaire and whoever I will gonna choose among you girls will be a billionaire also. Whatever I have will be also yours as long as you will be a wife to me. I'm not getting any younger anymore that's explain this pageant."
"So, what do you do for a living, Mr. Hann?!" tanong na naman ng ibang babae, "Do you have a company or other business?!" dagdag na tanong nito.
"Yes, I have business but I am not the one who running it. I let my cousin to take care of it because running a business isn't my passion even I graduated on it," sagot nito, "I am into travelling that is what I do for a living." dagdag nito, "I guess, that's everyone should know about me." ngumiti ito ng tipid at muli kaming nagbigay ng masigabong palakpak.
Agad na nagtungo si Bebang pabalik sa itaas ng stage ng bumalik na sa kinauupuan niya sa ibaba si Mr. Hann. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil mag-uumpisa na ang pageant. Lalong nanginginig ang mga tuhod ko at alam kong nahahalata ito ni Bennie na katabi ko lang. Bakit kasi kailangan pang gawing pageant ang paghahanap niya ng asawa. Pwedi naman niyang hanapin na lang sa mga social medias o sa mga dating app na nauuso ngayon. Tuloy ay napasabak ako sa ganito.
"So, did you enjoy the show?" tanong ni Bebang, "I bet it is already enough for you to know about my cousin," tumigil ito at tumingin sa maliit na papel na hawak bago muling nagsalita, "Let's not make this evening too long. That is why I'm calling all the candidates to form their line here at the side of the stage."
"Bakla, pumunta ka na roon!" sambit ni Bennie na tinutulungan pa akong makatayo.
"Ano ka ba! Nakakatayo naman ako, eh!" sambit ko at tumayo na sa kinauupuan ko.
"Tanggalin mo na iyang tela sa katawan mo, bakla," utos ni Bennie na nakatayo na rin, "Ipakita mo kung gaano ka kasexy!"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Mamaya ko na tatanggalin ito. Hindi pa naman kami rarampa, eh." Kinakabahan kong sambit habang pinagmamasdan ang iba na tanging two-piece na lang ang suot.
"Okay ka pa ba, girl? Tingnan mo nga itong mga bruhildang kasama natin naka-two-piece na lang. Eh, ikaw?" Nakataas ang kilay niyang isa habang nakapameywang sa harap ko.
Napasimangot naman ako. "Oo, na! Tatanggalin ko na!"
Inilibot ko muna ang paningin ko sa mga kasama namin habang kagat ang ibabang labi ko. Sila Lea at Chloe sa gilid naman namin ay panay ang tawanan na halatang ako ang pinagbubulungan. Nang tumingin nga ako sa gawi nila ay inirapan nila akong pareho.
"Hoy! Ano na? Nandoon na sa harap 'yong iba, oh!" singhal ni Bennie dahilan para mapabalik ako sa wisyo.
"Ito na nga, oh," tugon ko at inalis na ang nakabalot sa katawan ko.
"Pumunta ka na roon at nandoon na rin 'yong dalawang bruhilda!" Itunulak na ako ni Bennie palabas ng lamesa namin. "Galingan mo! Kabugin mo silang lahat!"
Napailing na lamang ako dahil sa sobrang pagiging supportive ng kaibigan ko. Sa sobrang lakas ng boses niya ay narinig din ito ng iba at ako ang nahihiya sa ginagawa niya. Sobrang lakas ng loob niya na ako ang mananalo at as if naman ako talaga sa dami namin.
Medyo nakayuko ako na naglalakad papunta sa mga kasama ko dahil hindi ako komportable maglakad na tanging two-piece lang ang suot. Nararamdaman ko ang paggalaw ng maumbok kong pwetan sa likuran ko sa bawat lakad na ginagawa ko. Kapag naiisip kong may nakatingin sa likuran ko ay lalo akong nahihiya. Ano ba naman itong pinasok mo Lucy!
"Tsk. Akala mo naman maganda," sambit ni Chloe dahil nasa likuran niya ako.
Nakapila na kami ngayon sa ibaba ng stage at kung minamalas ka nga naman nandito ako sa pinakadulo ng pila. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Mr. Hann na nakatingin sa gawi namin at hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko sa akin lang siya nakatingin. Assuming na kung assuming pero ganoon na nga!
"Ladies, the pageant is just a piece of cake. All you have to do is to ramp yourself as I call each your name and give some introduction as well as your motto in life," paliwanag ni Bebang sa amin, "Then it will be follow by the question that will be given of Mr. Hann," dagdag pa nito, "So, that's all of it. Is everything clear to all of you, Ladies? If it's clear just say it Hai (Yes) which means yes!"
"Hai! (Yes!)" tugon naming lahat.
"Okay, let's begin the pageant!"
Biglang dumilim ang buong paligid ng stage at napalitan ang puting ilaw kanina ng mga iba't-ibang kulay na sumasayaw sa itaas ng stage. Sinabayan din ito ng tugtog na kadalasan ginagamit sa mga pageant.
"So, all these ladies we had right now are came from different barangays of Antipolo and each of them will going to compete for the position of Mrs. Hann!" sambit ni Bebang, "As I call your name, proceed here in the stage please," dagdag pa nito at inumpisahan na kaming tawagin isa-isa.
Pinanood ko kung paano rumampa ang mga nauuna sa amin at mamangha ka sa sobrang galing nilang tumayo sa mga high heels nila. Parang mga sanay na ang mga paa nila kung paano nila inirarampa ang mga sarili. Nagpatalbugan din ang mga nauna sa amin sa pagpapakilala na kanilang mga sarili. Ang iba pa nga ay nagsalita pa ng Japanese para magpa-impress Kay Mr. Hann.
"Woah! Go Shailon!"
"Galingan mo Danielle!"
"Go Lea and Chloe!"
"Kabugin mo silang lahat Lucy!"
Sobrang ingay ng mga kasama namin na naiwan sa lamesa pati ang kaibigan ko na parang nakalunok nang microphone sa sobrang lakas ng boses. Tatlo na lamang kaming naiwan dito sa ibaba at ang mga nauna sa amin ay nakatayo na sa itaas ng stage. Nanginginig na naman ang mga tuhod ko dahil pagtapos nila Lea at Chloe ay ako na.
"May I present to you the next contestant, Lea Martinez!" tawag na ni Bebang kay Lea.
"Galingan mo!" kinikilig na sambit ni Chloe sa kaibigan.
Naglakad na paakyat ng stage si Lea at nag-umpisa ng inirampa ang sarili pagkarating niya sa itaas. Sobrang galing niyang rumampa at ang ganda niyang panoorin. Pero kapag naiisip ko kung ano siya sa akin ay nawawala ang pagkamangha ko sa ganda niya. Nang tumigil sa gitna si Lea ay ibinigay sa kanya ni Bebang ang microphone para umpisahan niya ang pagpapakilala sa sarili.
"Good evening everyone especially to Mr. Hann!" bati ni Lea na puno ng sigla, "My name is Lea Martinez, 18 years old and I do believe in saying that, nothing is impossible, the word itself says I'm possible! That's all, thank you!" pagtatapos nito at muling rumampa papunta sa mga kasama naming nakatayo ngayon sa itaas.
"That is a wonderful saying, isn't it?" sambit ni Bebang nang maibalik sa kanya ang microphone, "Next is I am presenting to you, Chloe Albacino!"
Nang tawagin ni Bebang si Chloe ay halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog nito. Ako na lang ngayon ang naiwan dito at pagkatapos niya ay ako na ang aakyat sa itaas. Nakikita ko na naman sa gilid ng mga mata ko na nakatingin sa gawi ko ang lalaki. Ano ba kasing tinitingin-tingin nito? Lalo tuloy akong kinakabahan. Huhu!
"Good evening everyone and to Mr. Hann who is really has a nice good looking tonight!" pag-uumpisa ni Chloe sa itaas, "My name is Chloe Albacino, 18 years old and I believe in the saying that, obstacle are placed in our way to see if what we want is really worth fighting for! Thank you!" rumampa na papunta si Chloe sa tabi ni Lea at nag-apir pa ang dalawa sa tuwa.
"Lastly but not the least, Lucy Felicidad!" tawag na ni Bebang sa akin at para akong binuhusan nang sobrang lamig na tubig.
"Bakla! Galingan mo!" sigaw ni Bennie, "Kabugin mo sila!"
Dahan-dahan akong naglakad paakyat ng hagdan at ng makarating ako sa itaas ay rumampa na ako. Ginawa ko lamang kung ano ang ginawa ng mga nauna sa akin pero syempre kailangan may sarili akong signature. Ang dalawang kamay ko ay nasa magkabilang beywang ko habang naglalakad ako at umikot ako ng isang beses bago tumigil sa gitna. Kahit kinakabahan ako ay kailangan kong ipanalo ito.
"Thank you," sambit ko kay Bebang nang ibigay niya sa akin ang microphone.
Ipinukol ko muna ang mga mata ko sa mga nanonood sa akin ngayon. Lahat sila ay naka-focus sa akin lalo na itong lalaki na nasa pinakaharap. Nadi-distract ako sa malalim na tingin na ibinibigay niya sa akin. Kaya minabuti kong mag-focus muna sa s
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Good evening everyone." Bati ko at muli na namang napadako ang mata ko sa gawi niya. "My name is Lucy Felicidad, 17 years old and I do believe in saying that, sometimes the only way to get justice is to take it for yourself! Thank you!" Pagtatapos ko at hinampas ko ang buhok ko pagkatalikod ko para samahan ang mga nauna sa akin.