Kabanata IX

2014 Words
~Lucy~ "Bakla, naiihi ako," sambit ko habang nireretouch ni Bennie ang make-up ko. "Ano ba naman iyan! Kanina nung nagpalit ka ng two-piece mo ay hindi ka umihi." Nasapo niya ang sariling noo. "Kasalanan ko bang hindi pa ako naiihi ng mga oras na iyon?" "Sige na! Sige na! Mag-cr ka nang babae ka. Alam mo naman na kung nasaan iyon." Tumigil ito sa ginagawa niya sa mukha ko. "Hindi mo ako sasamahan?" tanong ko sa kanya. Bigla ay pumameywang siya. "Alam mo naman na kung nasaan ang cr sa loob. Saka na kita sasamahan kapag may pepe na rin ako kagaya mo!" "Edi 'wag!" Inirapan ko siya at naglakad na papuntang cr na nasa loob ng mansyon. Nakasuot na ako ngayon ng two-piece na kulay puti na ibinigay ni Tita Vik sa akin kanina. Halos lahat kami ay nakasuot ng kulay puting two-piece pero magkakaiba ang mga disenyo. Nababalot ng kulay itim na tela ang ibabang katawan ko d "Saan ka pupunta?" tanong nang isa sa mga bodyguards ni Mr. Hann na nagbabantay rito sa pintuan bago ka makapasok sa loob. "Magbabanyo lang po," sagot ko ng nakatingin sa gilid ko. Natatakot kasi ako sa laki ng katawan nito na animo'y bouncer sa bar. "Sige, bilisan mo lang sa loob at baka bumaba na si Mr. Hann," utos nito at pinapasok na ako sa loob. Mabilis akong naglakad patungong banyo at hindi ko na pinansin pa ang ilang bodyguards na nadadaanan ko. Nakatingin ang mga ito sa akin at naiilang ako sa mga tinging ibinibigay nila kaya nagmadali akong nagtungo sa banyo. Nang makarating na ako sa banyo ay agad ko ng ginawa ang gagawin ko rito sa loob. Pero hindi pa man ako nakakalabas ay may naririnig akong isang napakalalim na boses sa labas. Nagmadali na ako sa ginagawa ko dahil baka mamaya ay magtungo ito rito para magbanyo rin. Nang akmang lalabas na sana ako ay tumigil ang kamay ko na nasa doorknob nang marinig ang boses nito na mukhang nasa harap nitong banyo. Hindi na muna ako lumabas at pinakinggan ang sinasabi nito sa kausap. "How's everybody doing outside?" rinig kong tanong ng lalaking tinutukoy kong may napakalalim na boses. May accent ang pagkakatanong niya sa kausap. "Naghahanda na sila sa gagawing pageant, Mr. Hann," sagot nang lalaki na sa tingin ko ay isa ito sa mga bodyguards na nakakalat sa labas. Nang marinig ko ang pangalan ni Mr. Hann ay agad na bumilis ang t***k ng puso ko sa sobrang kaba. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang hawak-hawak pa rin ang doorknob ng pinto nitong banyo. Sobrang lapit lamang ng boses niya at naririnig ko pa rin ito hanggang ngayon. "Ano gagawin ko?" bulong ko sa sarili habang pinapakinggan ang mga boses nila sa labas. "Yumiko, you're already awake!" rinig kong sambit ni Bebang sa labas. "Yea, and I want to see the girls right now. Shall we?" tugon ni Mr. Hann at sa tingin ko ay siya si Yumiko na binanggit ni Bebang. Parang pambabae kung iisipin ang pangalan niya. "But they are still preparing outside," sambit ni Bebang. "I don't care. I still want to see them. Let's go!" maawatoridad na sambit ni Mr. Hann na ayaw magpatinag sa sinabi nang pinsan. Pinakinggan ko ang yapak ng mga paa nila hanggang sa wala na akong marinig. Bumitaw ako sa doorknob at huminga nang malalim ng sa wakas ay wala na sila sa labas. Medyo nakakatakot ang tinig ng Mr. Hann na iyon. Para tuloy gusto ko ng mag-back out at umuwi na lang pagkalabas ko rito. Kinakabahan na naman ako lalo na at nandoon na ang lalaking iyon! Naghugas ako ulit ng kamay bago ko naisipan buksan ang pinto ng banyo. Baka nagtataka na si Bennie sa pwesto namin kung bakit ang tagal ko. Dahan-dahan akong lumabas ng banyo at naglakad pabalik kung nasaan ang lahat. Napansin kong biglang nawala ang ilang bodyguards na nakakalat dito kanina. Siguro ay kasama na ito ni Mr. Hann. "What are you doing here?" Para akong binuhusan nang malamig na tubig ng marinig ang boses na iyon mula sa likuran ko. Boses pa lang ay alam ko na kung sino ito. Sobrang napalalim at nakakatakot. Akala ko ba gusto niya makita iyong mga nasa labas? Bakit nasa likuran ko siya ngayon?! "Hey! I'm talking to you. Are you deaf?" tanong nito dahil hindi ako umiimik sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan akong humarap sa kanya ng nakatungo at nanginginig ang mga tuhod. "I-I just use the comfort room." Sagot ko ng hindi nakatingin sa kanya. "Then why do you seem so scared?" Nakataas ang kilay na tanong niya at napaatras ako ng humakbang siya palapit sa akin. Hindi ko makita ang itsura niya dahil hindi ko magawa na tingnan siya. "I'm not scared. I have to go now with the others." Sambit ko at mabilis siyang tinalikuran pero bago pa man ako makalakad ay isang malamig na kamay ang humawak sa braso ko. "What's your name?" tanong nito at pinihit ako paharap sa kanya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil ang mga mata ko ay nakatuon sa kung saan. Natatakot ako na magtama ang mga mata namin dahil boses pa lang niya ay tumitindig na ang mga balahibo ko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko at masasabi kong ang lambot ng kamay niya. Nakakahiya sa kamay ko. "I'm asking you, what is your name?" muli niyang tanong na tila naiinis na dahil hindi agad ako sumasagot. "Bakla!" Agad na napabitaw si Mr. Hann sa braso ko ng biglang sumulpot si Bennie. Nakahinga ako ng malalim dahil mukhang hindi ko na kailangan sagutin ang tanong niya. Agad akong lumapit sa kaibigan ko ng hindi pa rin nililingon ang lalaking iyon. "Tara na." Agad kong tinangay pabalik si Bennie bago pa ito magtanong ng kung ano-ano sa harap ni Mr. Hann. "Madaling-madali, teh?" tanong ni Bennie habang naglalakad kami pabalik sa likod nitong mansyon. "Hindi mo pa kasi ako tapos ayusan baka mag-umpisa na 'yong pageant," pagdadahilan ko na lang at naupo na ng makarating kami. "Asus! Ang sabihin mo tinakbuhan mo lang iyong lalaking gwapo kanina," sambit niya at ipinagpatuloy Ang ginagawang pag-aayos sa mukha ko. "Si Mr. Hann ang lalaking tinutukoy mo," mahina kong sambit sa kanya habang nakatingin sa pintuang dinaanan namin. "Ano sabi mo? Si Mr. Ha—hmm!" Bago pa niya maituloy ang sasabihin ay tinakpan ko ang maingay niyang bunganga gamit ang kamay ko. "Huwag ka ngang maingay at baka marinig ka nila." Suway ko sa kanya sa napakahina kong boses. Agad siyang naupo sa tabi ko at dumikit na parang linta. "Seryoso ka ba sa sinabi mo, huh? Si Mr. Hann iyong gwapo kanina?" Bulong niya sa gilid ko. "Oo, pero hindi ko alam kung gwapo nga ba ang lalaking iyon," sagot ko habang nanginginig ang mga tuhod ko sa sobrang kaba. "Huh? Ano ba pinagsasabi mo? Eh, nasa harap—" "Hindi ko naman kasi tiningnan kaya hindi ko alam," putol ko sa kanya. "Kaloka naman itong babaeng ito! Tibom ka ba, huh? Lahat ng babae rito excited ng makita si Mr. Hann samantalang ikaw na nasa harap mo na hindi mo pa tiningnan!" sambit ni Bennie na napalakas na ang boses. "Anong sabi mo?!" Biglang napatayo si Lea na nasa gilid namin at siguradong narinig niya ito. Katatapos lamang siyang ayusan ng mama niya at mukha na siyang clown ngayon sa sobrang kapal ng make-up niya. "Naku! May chismosa pala rito, bakla," pagpaparinig ni Bennie. "Huh! Sa lakas ng boses mo hindi lang ako ang nakarinig. Kaya—" "Walang may pakialam, teh! Bumalik ka sa upuan mo at baka majombag ko iyang pagmumukha mo." "Tumigil ka nga," suway ko kay Bennie na mukhang highblood na naman. "Anong nangyayari rito?" Biglang sumulpot si Bebang sa harap namin na nakataas ang kilay. "May tinanong lang ako sa baklang ito." Inirapan kami ni Lea bago ito bumalik sa upuan niya. Tumingin sa gawi namin si Bebang na tila nag-oobserba sa amin at ganoon din ang ginawa niya sa gawi nila Lea. "Kung may alitan man kayo ay pwedi bang huwag niyo na munang dalhin dito?" Inis na sambit nito. "Huwag niyong sirain ang party na ito ng dahil lang sa walang kwentang alitan niyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Bago pa man kami makasagot sa tanong niya ay biglang natanaw ng mga mata ko ang isang matipunong lalaki na patungo rito sa amin. Matangkad ito, maputi, at kung iisipin ay parang kaedad ko lamang dahil sa napakabatang itsura niya. Nakasuot ito ng puting tuxedo na siya namang bumagay sa kanya. May kasama itong mga bodyguards at ng magpagtanto ng isip ko kung sino siya ay bigla akong kinabahan. Ang mga kababaihan sa paligid namin ay nag-umpisa ng kumalampag ang mga kipay. Rinig ang mga pasimpleng kilig at bulungan nila na pare-pareho lamang ang sinasabi na kesyo ang gwapo raw pala ni Mr. Hann. Si Lea naman at si Chloe na nasa gilid namin ay panay ang pagpapa-cute na akala mo naman sa kanila dederetso ang lalaki. Buti pa ang mga ito hindi kinakabahan na katulad ko. "What is the matter here?" tanong nito sa napakalalim niyang boses. Tumawa si Bebang. "Nothing. I just ask something to them." Pagsisinungaling nito at tiningnan kami ng matalim na ganoon din ang ginawa sa gawi nila Chloe. "Mag-uumpisa na ba tayo?" "Yes, mag-umpisa na tayo. There is someone I want to see among these girls," sagot nito na lalong nagpakaba sa dibdib ko. "Really? Sino naman sa kanila?" tanong ni Bebang. "Let's just start the pageant so I can see her," maawatoridad na utos ni Mr. Hann na hindi sinagot ang tanong ng pinsan. Pumunta na si Mr. Hann sa pwesto niya sa baba mismo ng stage na gagamitin. May isang bakante pang upuan sa tabi niya at sa tingin ko ang pinsan niya ang mauupo roon. Si Bebang naman ay nakatayo na ngayon sa stage hawak ang microphone. Tumigil na rin ang malakas na pang-party na tugtugin dahil may magsasalita na sa harap. "Good evening everyone! First of all, I would like to say thank you for coming at this welcome party of my cousin especially these beautiful ladies around me," pag-uumpisa ni Bebang sa itaas ng stage, "Before I continue this short speech, I would like to introduce first my cousin to all of you. I am asking Yumiko Hann to join me here in the stage. Please, around of applause!" Agad na umulan ng masigabong palakpak ang buong paligid ng tumayo si Mr. Hann at nagtungo sa itaas kasama ni Bebang. Sinasabayan din ng mga tilian ang mga palakpak na ginagawa ng mga kapwa kong babae lalo na sila Lea at Chloe na nasa gilid namin. Para silang nakakita ng artista pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil gwapo nga talaga itong si Mr. Hann. "Bakla! Parang gusto ko ring sumali ng pageant!" hiyaw ni Bennie. "Gusto mo ikaw na lang lumaban? Uuwi na lang ako," sambit ko at tumigil na sa pagpalakpak. "Gaga! Anong uuwi? Walang uuwi," bulong ni Bennie sa akin dahil nag-umpisa na namang magsalita si Bebang. "Now, the Mr. Hann that everybody wants to see is now in the stage with me. His full name is Yumiko Hann and yeah, it sounds like a feminine name but what can we do? It's what his parents gave to him," sambit ni Bebang at natawa ang ilan sa amin dito, "Guess what his age at his look? Do you know how old my cousin is?" tanong nito. "Maybe he is in 20's something!" sigaw nang babae na nasa harap namin. "Tama siya! Halata naman sa itsura ni Mr. Hann!" Kinikilig na sambit ni Chloe. Habang abala sila sa panghuhula kung ano na talaga ang edad ni Mr. Hann ay abala naman ako sa pagtatago gamit ang panyo na hawak ko. Nasa itaas siya ng stage at hindi imposible na makita niya ako rito sa likuran. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ako iyong tinutukoy niya kanina. Nahihiya ako dahil sa inasta ko kanina ng magkaharap kami at baka idi-disqualified niya ako kaya niya ako hinahanap!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD