Kabanata VIII

1984 Words
~Lucy~ Pagkatapos namin sa bahay ni Tita Vik ay umuwi na muna kami sa bahay para makapagpahinga muna ako. Mamayang alas-kwatro pa ng hapon pwedi kaming pumunta sa mansyon ni Mr. Hann dahil iyon ang sinabing instruction sa amin ni Bebang. May dalawang oras pa kami bago pumunta roon mamaya kaya naisipan ko muna na matulog. "Bakla! Gumising ka na riyan at ng maayusan na kita!" Nakakunot ang noo kong idinilat ang mga mata ko ng marinig ang sigaw ng kaibigan ko mula sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko kung anong oras na at alas-tres pa lamang ng hapon. "Ang aga pa, ah," sambit ko at dahan-dahang bumangon. Bago pa man ako makaalis sa kama ko ay biglang tumunog ang ringtone ng message ko. Tiningnan ko kung sino ang nag-text sa akin at si Von ito na halos nakalimutan ko na dahil sa mga nangyari sa akin. Nakaramdam tuloy ako ng kaunting hiya bilang kaibigan niya. "Hi!" Ito lang ang tanging nasa text message niya sa akin. "Hello Von. Kamusta?" reply ko sa message niya. "Okay lang. Balita ko binasted mo ang kambal ko?" reply nito at kung kaharap ko lamang siya ay siguradong napakataray ng itsura niya. "I'm sorry Von." Tanging naitugon ko sa text niya. "Hindi ako nag-text para hingin ang sorry mo!" reply niya na ikinatigil ko at bago pa ako makapag-reply ay may sumunod pa na text mula kay Von, "Gusto ko lang malaman mong galit ako sa iyo! At tinatapos ko na ang pagkakaibigan natin Lucy. Friendship over!" Halos mabitawan ko ang cellphone ko ng mabasa ang sinabi ni Von sa text. Siguradong ang pangbabasted ko sa kakambal niya ang rason kung bakit ito nagalit sa akin. Suportado niya lagi kaming dalawa noong okay pa ang lahat at nais niya talaga kaming magkatuluyan. Pero dahil sa ginawa ko ay mukhang pati si Von na kaibigan ko ay nawala na rin. "Bakla?" Napabalik ako sa wisyo ng kumatok si Bennie sa kwarto ko. Mabilis kong pinunasan ang luha ko na hindi ko namalayan na tumutulo na naman. Umalis na ako ng kama at naglakad papuntang pintuan para pagbuksan si Bennie. "Akala ko natutulog ka pa. Bubuhasan sana kita ng malamig na tubig kung hindi mo pa binuksan itong pinto ng kwarto mo," sambit ni Bennie. "Kakagising ko lang kaya," sambit ko at lumabas na ng kwarto ko, "Aayusan mo na ba ako?" "Oo! Kaya maupo ka na roon sa sofa!" Inumpisahan na akong ayusan ni Bennie sa salas. Nanghiram pa talaga siya ng make-up para lang maayusan ako. Light make-up lang ang inilagay niya sa mukha ko dahil hindi ko naman daw kailangan mag-make-up ng makapal. Mamaya bago ang pageant ay pag-retouch na lang ng make-up ko ang gagawin niya. Suot ko ngayon ang kulay puti na bodycon off-shoulder na ibinigay sa akin ni Tita Vik. Ang sabi ko ay hihiramin ko lamang ito pero ibinigay na niya sa akin pati ang two-piece na susuotin ko mamaya sa pageant. Ibinigay niya rin sa akin ang suot kong high heels na may taas na 5 inches. Lalo tuloy akong naging matangkad tingnan dahil sa suot kong sapatos. "Bakla, tara na!" sigaw ni Bennie na nasa labas na ng bahay. "Teka lang!" sigaw ko pabalik habang nila-lock ang mga pinto rito sa loob. Nang mai-lock ko na lahat ay lumabas na rin ako dahil kanina pa sigaw nang sigaw so Bennie sa labas. Sapa Habang naglalakad kami ni Bennie palabas ng baranggay namin ay napatigil kami ng makita namin si Ron. Mukhang galing ito sa laro ng basketball dahil sa suot niya ngayon. Natigilan din ito ng makita kami at bakas sa kanyang mukha ang malamig niyang ekspresyon. "May lakad kayo?" tanong nito ng hindi inaalis ang tingin sa akin. "Oo! May pupuntahan kaming pageant—" Bago pa matuloy ni Bennie ang kung ano man ang sasabihin niya ay inapakan ko ang paa niya. "Manonood kami ng pageant." Pagsisinungaling ko. Tumaas ang isang kilay ni Ron. "Talaga? Baka pweding sumama." "Huh? Hindi pwedi!" mabilis na sagot ko sa sinabi niya, "Hindi pwedi kasi gagabihin na kami ng uwi at may pasok ka pa bukas." dagdag ko. "Pwedi naman—" "Mauuna na pala kami. Baka kasi mag-umpisa na iyong panonoorin naming pageant," putol ko sa kanya, "Bye, Ron." sambit ko at bago pa siya muling makapagsalita ay hinila ko na si Bennie paalis. "Talaga lang, bakla, huh?" natatawang sambit ni Bennie habang naglalakad kami nang mabilis palayo kay Ron. "Huwag ka na nga maingay. Bilisan na lang natin!" Nang makita ko si Ron kanina ay nakaramdam ako ng guilty. Kung kausapin niya ako ay parang hindi na kami magkaibigan. Parang ibang tao na ako para sa kanya. Ang sakit lang isipin na ganoon na nga. Pumara kami ng taxi pagkarating namin sa kalsada. Sinabi ko na kay Bennie na lakarin na lang namin ang papuntang subdivision kung saan nakatira si Mr. Hann pero hindi siya pumayag. Bawal daw akong pagpawisan kesyo raw masisira ang make-up ko. Sagot naman niya ang pamasahe kaya pumayag na lang din ako. Si Bennie ang may dala-dala ng backpack kung saan nakalagay ang mga gamit ko at itong kaibigan ko ay talagang suportado niya ang pagsali ko sa pageant na iyon. "Bakla, kinakabahan ka ba?" tanong ni Bennie sa tabi ko. Tumango ako. "Kanina pa paggising ko pa lang." Sagot ko. "Ano ka ba naman! Huwag kang kabahan, bakla, at baka mamaya matalo ka ng mga chakang iyon!" "Eh, huwag mo na kasi akong tanungin kung kinakabahan ba ako at naaalala kong kinakabahan ako." Nakasimangot kong tugon. "Ito na lang itatanong ko, naeexcite ka ba makita si Mr. Hann?" kinikilig na tanong nito. "Mukhang ikaw pa yata ang mas excited kesa sa akin, eh," sarkastiko kong sambit sa kanya. "Excited lang ako kasi pakiramdam ko ikaw ang mananalo mamaya," tugon niya na hinahampas-hampas pa Ang braso ko, "Pag nagkataon ay mayaman ka na at gaganda na ang buhay mo, bakla!" "Gaganda nga ang buhay ko pag nagkataon pero wala na rin naman sila mama at ate," mahina na tugon ko sa sinabi niya at heto na naman itong pakiramdam ko. "Ano ka ba naman, bakla, kung nasaan man sila ngayon ay siguradong sinusubaybayan ka nilang dalawa sa langit at masaya na sila," sambit ni Bennie. "Sasaya lang din ako kapag nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ni ate," tugon ko. Dalawapu't minuto lamang ang itinagal ng byahe namin bago kami nakarating rito sa subdivision kung saan nakatira si Mr. Hann. Ibinigay namin sa guard ang pass namin na nakuha ko kay Bebang. Bawal kasi pumasok ang kung sino-sino rito lalo na kung wala kang kakilala o kamag-anak dito. Kaya binigyan kami ni Bebang nang pass para makapasok dito sa subdivision. "Bakla, heto na!" parang kiti-kiti na sa sambit ni Bennie habang naglalalad kami kasama ng gwardya. Sinasamahan kami ngayon ng gwardya papuntang mansyon ni Mr. Hann dahil hindi naman namin alam kung saan ito hahanapin dito. Ang sabi sa amin ni kuya ay may ilan ng mga nauna sa amin ang hinatid din niya sa mansyon ng sinadya namin dito. Panay pa ang puri nito sa akin na kesyo mukhang ako raw ang mananalo sa magaganap na pageants mamaya. "Ito na po ang mansyon ni Mr. Hann," sambit nang gwardya ng tumigil kami rito sa harap ng napakalaking bahay. Nandito pa lang kami sa tapat ng gate ay naririnig na namin sa sobrang lakas ang tugtugan na pangparty. Mukhang nagkakasiyahan na sila sa loob habang naghihintay pa sa amin at sa iba. Siguradong pagpasok namin ay mas lalo kami mamangha sa kung ano man ang makikita namin sa loob. "Balik na po ako sa pwesto ko. Mag-doorbell na lang po kayo kung papasok na kayo sa loob," dagdag nang gwardya. "Okay po, Kuya. Maraming salamat po sa paghatid niyo sa amin dito," pasasalamat ko sa kanya. Naiwan kaming nakatayo ni Bennie rito sa tapat ng mansyon ni Mr. Hann. Hindi ko alam kung tutuloy ba ako o hindi dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Kinakabahan ako sa mangyayari kapag pumasok na ako sa loob. "Bakla, tara na!" Hinila na ako ni Bennie papuntang gate at siya na ang nag-doorbell nang ilang beses. "Kapag ikaw ang nanalo sa pageant sa iyo na rin itong mansyon, bakla!" Mahina na bulong niya sa akin. "Manahimik ka nga. Baka may makarinig sa iyo. Nakakahiya at baka mamaya ano isipin nila," mahina na tugon ko sa kanya. Bago pa makapagsalita si Bennie ay biglang bumukas ang gate at bumungad sa amin si Bebang na nakasuot ng puting blouse at jeans. May hawak itong clipboard at ballpen kung saan nakasulat ang mga inaasahan lang na dadalo ngayon sa welcome party. Ang bawat kalahok sa pageant ay pweding magdala ng kasama pero isa lamang ang maaaring isama. "Pumasok na kayo sa loob at naroon na rin ang iba," maawatoridad na utos ni Bebang at pinapasok na kami, "Nandoon sila sa likod nitong mansyon. Doon kayo aaw dalawa." dagdag nito. Katulad nga ng sabi ni Bebang ay dumiretso kaming dalawa nitong kaibigan ko sa likod ng mansyon. Mabuti na lamang ay tinulungan kami ng isang maid kaya hindi kami naligaw sa kung saan. Masyado rin kasing napakalaki ng espasyo rito sa labas at nakakatanga kung mag-isa mo lang lalakarin. Sinamahan kami ng maid hanggang sa makarating kami bakanteng lamesa na katabi lang ng kanila Lea at Chloe. Nandito na pala silang dalawa. "Naaamoy mo ba iyong naaamoy ko, Chloe?" maarteng tanong ni Lea nang maupo kami sa katabing lamesa nila. Tumawa nang mahina si Chloe. "Hindi, eh. Ano ba iyang naamoy mo, Lea?" "Naamoy ko lang naman ang amoy ng isang ambisyosa at bakla," sagot ni Lea at tiningnan pa kami sa gawi namin bago sila tumawa. "Bwiset na—" "Hayaan mo na sila." Pigil ko kay Bennie nang akmang tatayo ito para sugurin ang dalawa. "Baka makagawa tayo ng eskandalo rito." Dagdag ko. "Kung makapagsalita akala mo hindi rin ambisyosa," inis na bulong ni Bennie sa tabi ko, "Mas ambisyosa pa nga ang gaga!" "Huwag na lang natin silang pansinin. Nagsasawa rin ang mga iyan." "Sana ikaw ang manalo, bakla, tapos sampalin mo silang pareho sa magkabila nilang makakapal na mukha!" "Ikaw na lang kaya ang gumawa? Ikaw lang ang galit na galit sa mga iyan, eh." "Lagi ka kasi nilang pinag-iinitan kahit wala ka namang ginagawa. Ako na lang din ang papatay sa kanila dahil wala ka ring ginagawa," inis na sambit niya. Napangiwi ako sa sinabi niya. "Ayoko lang magsayang ng oras kaya hindi ko na lang sila pinapansin." "Sabagay, isang pag-aaksaya lang ang patulan iyang dalawa!" "Kaya nga huwag na lang natin sila pansinin. Magsasawa rin ang mga iyan." Ngumiti ako sa kanya. "Hay naku! Hulog ka talaga ng langit, ano? Huwag ka sanang kunin ni Lord nang maaga," pagbibiro nito. "Bwiset ka talaga kahit kailan," natatawa kong sambit sa kanya. Ilang minuto pa kami naghintay rito sa lamesa namin bago nakumpleto ang lahat ng inaasahang dadalo sa welcome party. Sa harap namin ay may mini stage na gagamitin mamayang pageant at puno ito ng dekorasyon na kulay puti. Parang halos naman yata rito ay puro kulay puti ang makikita at siguradong ito ang paboritong kulay ni Mr. Hann. Speaking of Mr. Hann, hindi pa namin siya nasisilayan dito. Ang rinig namin ni Bennie na usap-usapan ng mga katabing table namin ay nasa loob ito ng mansyon nagpapahinga. Nagsisimula na tuloy akong ma-curious kung ano ang itsura niya. Alasyete ang umpisa ng pageant at ang oras na natitira ay ilalaan namin sa preperasyon dito mismo sa pwesto namin. Hindi na kailangan pa ng judge dahil si Mr. Hann mismo ang magiging judge kasama ang pinsan niyang si Bebang na may hawak ng mga profile background namin. Medyo kinakabahan na ako lalo na't unang beses ko itong sasali sa pageant. Dalawapu't lima kaming mga kababaihan ang maglalaban-laban mamaya at lahat kami ay nakasuot lamang ng swimsuit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD