~Lucy~
Maagang nagpunta si Bennie rito sa bahay para samahan ako sa parlor. Mamayang bago magtanghalian ang dating ni Mr. Hann at mamayang gabi naman ay may magaganap na welcome party sa mansyon nito. Gaya nga ng sabi nitong kaibigan ko kahapon ay isasabay na rin mamayang gabi ang pageant at tanging swimsuit lamang ang susuotin naming mga babae. Medyo kinakabahan ako dahil first time ko na sasabak sa pageant at magsusuot ng swimsuit. Wala ako masyadong confident pagdating sa mga bagay na ganoon.
"Bakla, mamaya pagkatapos natin sa parlor ay dadaan tayo kay Tita Vik para sa susuotin mo," sambit nito habang naglalakad kami papuntang parlor, "Sinabi ko kasi sa kanya ang tungkol sa kung anong meron ngayon at suportado ka niya kaya papahiramin ka niya ng masusuot mo para mamaya!"
"Sinong Tita Vik ba ang tinutukoy mo? Wala akong matandaan na may ipinakilala ka sa akin na ganyan," tugon ko dahil wala ako maalala.
"Actually, hindi ko pa talaga siya napapakilala sa iyo pero kilala ka niya!"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Paano naman niya ako nakilala?"
"Of course! Nakilala ka niya ng dahil sa akin. Lagi kaya kitang kinukwento sa kanya sa twing nadaan ako sa bahay niya."
"Kaya pala."
"Oo! Pero teka nga bakit ba ang tamlay mo, huh? Kumain ka naman bago tayo umalis sa bahay niyo," tanong nito ng mapansin ang pagiging matamlay ko.
Ngumiwi ako. "Eh, kasi kinakabahan ako para mamaya. Huwag na lang kaya akong tumuloy? Baka may iba pang paraan para—"
"Ano ka ba naman, bakla!" Tumigil ito sa paglalakad at ganoon din ako. "Nandito na tayo sa parlor ngayon, aatras ka pa ba?"
"Eh, kasi naman—"
"Wala ng kasi, kasi, nakapagpalista na tayo kahapon at nandito na tayo sa parlor para sa new look mo!"
"Oo, na! Tara na nga sa loob." Hinawakan ko ang kamay ni Bennie at hinila siya papasok sa loob nitong parlor.
Pagkapasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang ilang customers nitong parlor. Ang dalawa na narito ay katulad kong sasabak mamayang gabi sa pageant na gaganapin sa mansyon ni Mr. Hann. Maganda rin ang mga ito at hindi malabong isa sa kanila ay mapili.
"Oh, Lucy, nabalitaan kong sasali ka rin sa pageant mamaya," sambit ni Rody na isa ring bakla. Siya ang may-ari nitong parlor na pinasukan namin at dito nagtatrabaho si Bennie sa kanya.
"Oo, eh," tanging tugon ko habang pinapanood siya na ginugupitan ang isang matandang babae.
Limang kaming customers na narito ngayon na nakaupo at naghihintay na matapos ang dalawa na inaasikaso pa nila. Dalawa lamang ang upuan na available rito kaya two at a time ang pag-asikaso nila sa mga customers..
"Ipagdadasal ka na lang namin na sana mapili ka! Then balatuhan mo kami kapag napangasawa mo na si Mr. Hann," sambit ni Rody na ikinatawa ng ibang customers dito.
"Kung mapili siya," biglang sambit ni Lea na katulad ko ay sasali rin sa pageant.
"As if namang mapipili siya," sambit naman ni Chloe.
Kaklase ko silang pareho noong grade six at masasabi kong hindi maganda ang ugali nila pagdating sa akin. Hindi ko alam kung anong problema nila pero ang sama na ng timpla nila simula noong mga bata pa lang kami. Sa twing nakakasalubong ko naman sila sa daan ay panay irap ang ginagawa nila sa akin. Hindi ko na lang sila pinapansin dahil ayoko ng gulo.
"Wow, huh? Lakas naman ng confidence mo, Lea. As if namang ikaw ang mapipili lalo ka na Chloe!" tugon ni Bennie sa kanila na halatang mainit ang ulo sa dalawa, "Itsura niyo pa lang dalawa ay walang-wala na sa talampakan nitong kaibigan ko!" dagdag niya pa.
"Anong sabi mo?!" Napatayo si Lea na tila nainsulto sa sinabi ni Bennie sa kanya.
"Nabingi ka ba, girl? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko o hindi mo Lang matanggap na mukha ka lang talampakan ng kaibigan ko!"
"Talagang inulit mo pa iyang talampakan, huh!" Napatayo na rin si Chloe, "Eh, kaya lang naman sasali iyang kaibigan mo dahil may utang na kailangan bayaran! And I heard makukulong daw itong si Lucy." Tinapunan niya ako ng tingin.
"Well, mas mukhang nababagay ang kaibigan mo sa kulungan kesa sa mansyon ni Mr. Hann," sambit ni Lea na tinapunan din ako ng tingin sa kinauupuan ko.
"Ano ba! Tumigil nga kayong lahat!" suway ni Rody sa kanila bago pa sa kung saan umabot ang alitan nila.
Gustuhin ko mang tumayo sa posisyon ni Bennie ay hindi ko magawa dahil ayoko rin ng gulo. Hindi man halata ay sawang-sawa na ako sa kanilang dalawa. Kapag ako ang nanalo mamaya sa pageant ay makakaalis na rin ako sa buhay kong ito at mabibigyan ko na ng hustisya si ate.
"Kayong dalawa!" Binalingan ni Rody sila Lea at Chloe. "Umalis kayong dalawa rito sa parlor ko!"
"What? Seryoso ka ba, Rody? Eh, nauna kami rito kesa sa mga iyan!" Itinuro pa kami ni Lea habang masama ang tingin nito sa amin ni Bennie.
"Eh, nauna kami rito," panggagaya ni Rody sa kanya, "Wala akong pakialam Kung nauna kayo rito! Hindi kayo kawalan sa parlor ko kaya lumayas na kayong dalawa bago ko kaya kaladkarin palabas!" singhal nito.
"Whatever!" Napairap na lamang sa hangin si Chloe. "Tara na nga, Lea. Marami pa namang parlor dito. Hindi rin kawalan ito and as if namang professional!" Nag-flip hair pa ito.
Mabilis na kinuha ni Rody ang hair straightener na kasalukuyang ginagamit ng assistant niya sa customer na inaasikaso nito. "Lumayas na kayo rito kung ayaw niyong sunugin ko iyang mga pagmumukha ninyo!" Galit na sigaw nito sa dalawa habang nakataas ang isang kamay niyang may hawak na plantsa.
Hindi na nagsalita pa ang dalawa at naglakad na paalis dito sa parlor. Nagtama ang paningin namin ni Lea nang dumaan silang dalawa sa harap namin. Sa mga titig niya ay parang gusto niya akong patayin mamaya sa pageant.
"Sa wakas nawala na rin ang dalawang demonyitang iyon," sambit ni Bennie na nakahinga ng maluwag.
"Ikaw, Bennie, ah, masyadong mainit ang ulo mo sa mga iyon. Naghahanap ka yata ng away," sermon ni Rody at ibinalik plantsa sa assistant niya.
"Eh, kasi naman itong kaibigan ko, lagi na lang nanahimik. Ubos na pasensya ko sa mga iyon habang itong babaeng ito ay chill pa rin sa kinauupuan niya." Inirapan ako ni Bennie bago muling naupo sa tabi ako
"Hayaan mo na ang kaibigan mo, Bennie. Mas may utak naman si Lucy kesa sa kanila na walang alam kundi kumuda nang kumuda sa twing nagtatagpo ang landas nilang tatlo," sambit ni Rody at muling binalikan ang ginupitan niyang matanda.
"Insecure lang ang mga iyon sa iyo, Lucy," sambit naman ng matandang babae na inaasikaso ni Rody.
"Huwag na lang natin sila pansinin," tanging naitugon ko sa kanila.
"Iyan naman ang lagi mong ginagawa, bakla!" sambit ni Bennie na nasa tabi ko.
"Hayaan mo na, Bennie. Umiiwas lang si Lucy sa gulo," sambit ni Rody.
Hinintay muna namin ni Bennie na matapos ang naunang customers bago kami dumating dito. Pinutol ni Rody ang mahaba kong buhok hanggang balikat at kinulayan ito ng kulay kape. Halos hindi ko na makilala ng kaunti ang sarili ng makita ko ang bagong itsura sa malaking salamin na nasa harap ko.
"Wow! Siguradong panalo ka na mamaya, bakla!" sambit ni Bennie na tila sigurado sa sinabi ko, "Siguradong pagkakita pa lang sa iyo ni Mr. Hann mamaya ay mapapanganga mo siya. Ganda mo ba namang babae!" dagdag nito.
"Madaming sasali mamaya at malayong manalo ako. Maraming mas maganda sa akin mamayang gabi," tugon ko.
"Ano ba naman itong babaeng ito, napakanega! Think positive lang, Lucy. Alam naman nating marami talagang magaganda mamayang gabi sa pageant pero maganda ka rin naman at gawin mo lahat ng best mo para manalo," sambit ni Rody, "Ito na ang chance na makakapagbago sa buhay mo."
"Pero para kasing hindi tama." Huminga ako nang malalim. "Hindi ko naman siya mahal at ganoon din naman siya pero magiging asawa ko si Mr. Hann if ever man na manalo ako. Ang panget lang tingnan."
"Naku! Choosy ka pa ba, bakla? Kung hindi mo siya kayang mahalin, hindi mo naman kailangan pilitin," tugon ni Bennie, "Pakisamahan mo na lang o go with the flow ka na lang kung ano man ang mangyayari sa iyo kasama ang hapon na iyon!"
"Atsaka, Lucy, hindi naman ganoon kahirap mahalin ang isang tao. Malay mo matutunan mo rin mahalin iyon at mas masaya kung ganoon nga," sambit naman ni Rody na nasa likuran ko hawak ang parehong balikat ko.
Napanguso na lang ako. "Ewan! Bahala na kung ano ang mangyari sa akin mamaya."
Pagkatapos namin sa parlor ay dumiretso kami kay Tita Vik na sinasabi ni Bennie. Habang naglalakad kami, ang mga taong nakakasalubong namin ay panay ang tingin sa akin at puri dahil sa bagong itsura ko. Medyo Hindi ako komportable dahil hindi naman sila ganito sa akin. Parang nasa lugar ako ni ate ngayon.
"Bakla, nandito na tayo," sambit ni Bennie na nakaangkla ang braso sa akin.
"Bahay niya ito?" tanong ko habang nakatingin sa malaking bahay na nasa harap namin.
"Oo, ang laki ng bahay niya, hindi ba? Nakakaloka sa ganda!" tugon ni Bennie, "Sa lahat ng kamag-anak na meron ako ay si Tita Vik lang ang hulog ng langit. Iyong iba kasi mga pinadala ata ni Satanas sa sobrang sasama ng ugali."
"Hayaan mo na. Atleast may isa kang kamag-anak na mabait," sambit ko.
"Kaya nga! Tara na sa loob at baka kanina pa naghihintay si Tita Vik sa atin."
Naglakad na kami papuntang gate at si Bennie na ang nagpindot nang doorbell. Wala pang ilang minuto ay may lumabas na isang mistisang babae na sa tingin ko ay nasa 40s ang edad. Maganda ito at kulay blonde ang medyo kulot na buhok nito. May katangkaran din at kumikinang Ang suot nitong dress na sa tingin ko ay mamahalin.
"Bennie! Sa wakas ay narito na kayo," sambit ni Tita Vik habang pinagbubuksan kami ng gate.
"May mga mukhang ipis kasing epal kanina sa parlor, Tita Vik, kaya medyo natagalan kami," tugon ni Bennie.
"Ganun ba? Dapat pinisa niyo ang mga ipis na iyon," tugon nito at biglang bumaling sa akin, "Oh, wait a minute, ito ba si Lucy na lagi mong kinukwento sa akin?"
"Opo, Tita, siya nga. Ang gandang babae, hindi ba?"
"Oo, nga! Ang gandang babae nitong kaibigan mo," puri ni Tita Vik at ngiti lamang ang naitugon ko, "Oh, siya tara na muna sa loob bago pa humaba ang usapan natin dito."
Pinatuloy kami ni Tita Vik sa malaking bahay niya. Sakto lang daw ang pagdating namin dahil kakaluto lamang niya ng tanghalian. Wala siyang ibang kasama rito sa bahay at lalong wala pa siyang asawa sa edad niya. Nasa ibang bansa namang ang mga magulang niya at kapatid kaya sa malaking bahay na ito, mag-isa lang siyang nakatira.
"I heard about what happened sa family mo, Lucy, and I'm sorry for your lost," pambabasag ni Tita Vik sa katahimikan dito sa dining area niya.
Tumigil ako sa pagkain. "Paano niyo po nalaman?"
"Nalaman ko kay Bennie ang nangyari . Naikwento niya kasi noong isang araw," sagot nito.
Bumaling ako sandali kay Bennie na nagpiece sign sa akin bago ko muling binalingan si Tita Vik. "Ganun po ba. Kahit din pala sa inyo ay madaldal itong kaibigan ko."
Tumawa si Tita Vik. "It's in his nature wala na tayong magagawa kung madaldal talaga itong si Bennie. Ang dami niya ngang ikinukwento sa akin tungkol sayo na hindi ko na matandaan sa sobrang dami." Tugon nito. "Nasabi niya rin na kasali ka raw sa pageant mamayang gabi roon sa mansyon ni Mr. Hann."
"Opo, kasali nga po ako at ang sabi rin ni Bennie ay papahiramin niyo raw ako ng masusuot ko mamaya sa pageant," sambit ko.
"Yes, and don't worry! Madami kang pagpipilian mamaya na swimsuit na sure na babagay naman sa iyo," tugon ni Tita Vik, "Pagkatapos natin dito ay aakyat tayo sa taas para mamili ng susuotin mo."