Chapter 30

1995 Words

Nakasimangot ako at nagkukukot ang aking dibdib habang nakasakay ako sa likurang bahagi ng van na sinasakyan namin papuntang Batangas. Mago-overnight swimming kasi ang pamilya ko, pamilya ni at Ivy. Pagkatapos ng birthday ni Dean ay nagawang papagbatiin ni Tito Fred ang daddy ko at daddy ni Ivy. Kaya bilang selebrasyon ng kanilang pagkakasundo ay mag-out-of-town kaming lahat. Kaya ako nakasimangot ay dahil naunahan ako ni Ivy na maupo sa tabi ni Dean. Ngayon tuloy ay magkadikit sila sa upuan lalo na kapag medyo tumatagilid ang sinasakyan naming van nina Dean. Nginangatngat tuloy ako ngayon ng matinding selos. Mahaba-haba pa ang biyahe namin kaya nagbukas ng malalaking sitsirya muna ang mommy ni Dean para may ngatain kami habang nasa biyahe. Kumuha si Dean at iniabot sa akin. "Bry, kain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD