Chapter 29

1863 Words

Magaan ang pakiramdam ko nang magising ako nang umagang iyon. Wala man kaming opisyal na usapan ni Dean ay tila may mutual understanding naman na kami. At kuntento na ako sa ganitong sitwasyon. Ang ganda ng mood ko ay hindi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ng mommy ko. "Ang ganda ng gising mo, Anak. Siguro nanaginip ka na naman kay Dean kagabi, 'no?" nakangiting tukso ni Mommy sa akin. Kahit hindi iyon totoo ay bigla pa rin akong pinamulahan ng aking mukha dahil sumagi sa isip ko ang halik na namagitan sa amin ni Dean kagabi. "Mommy naman," nakanguso kunwaring sagot ko sa kanya. Umupo na ako sa hapag-kainan at kumain ng agahan. Sa ganda ng mood ko ngayon ay kahit anong ulam ay kakainin ko. "Mamamanhikan na ba tayo sa kabilang bahay, Brianna?" nakangiting tukso namn ni Daddy sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD