10 years later, Abala ako sa pag-aasikaso sa maliit kong coffeeshop na nasa harapan ng malaking law firm company. Pinili kong doon magtayo sa harapan ng law firm dahil maraming nagtatrabaho lalo na ang mga inuumaga na ng uwi na mga employee ay tumatambay sa aking shop. May malaki ring school na malapit lamang sa shop ko at isang BPO company. Madalas ay napupuno ng mga call center agent ang maliit kong shop. It's been ten years magmula nang lumipat kami ng bahay mula Bulacan papuntang Maynila para dalawin ang aking ama na nakakulong pa rin hanggang ngayon.Nabigo kaming mag-piyansa kay Daddy para makalabas siya sa kulungan kaya hindi na kami bumalik pa sa Bulacan. Dito na kami ni Bryle nagtapos ng aming pag-aaral sa Maynila. Natuto kami ng kakambal ko na maging working student para makatu

