Pagkatapos ng hindi sinasadyang pagkikita namin ni Peter sa loob bg aking coffeeshop ay kaagad niya akong tinawagan para makipagkita sa akin matapos kong ibigay sa kanya ang aking phone number. Sa halip na makipag-meet ako sa kanya sa labas ay sinabi ko na lamang sa kanya ang address ng bahay ko. Ang bahay na tinitirahan ko ay ang dating apartment na tinirahan namin noong bago pa lamang kami sa Maynila. Binili ko ang apartment sa may-ari at pagkatapos ay ipina-renovate naman ni Bryle. Ang kapatid ko ang gumastos para pampa-renovate sa binili kong apartment na ginawa kong sariling bahay. Siya naman kasi ang mas malaki ang naipon at saka doon din naman siya uuwi kapag bumalik na siya sa Pilipinas "Dito ka lang pala nakatira, Brianna? Malapit lamang ang bahay ko rito," wika ni Peter matapos

