Chapter 17

1771 Words

Kanina pa ako nagpapalakad-lakad sa loob ng aking kuwarto. Hindi ako mapakali. Mayamaya lang kasi ay darating na si Dean para turuan ako. Ang usapan namin ay seven ng gabi siya pupunta rito sa bahay namin. Excited ako na kinakabahan. Dati-rati ay hanggang sa tingin lamang ako sa kanya pero ngayon ay nakakausap ko na siya at magiging tutor ko pa. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko sa kanyang harapan ngayon. "Nandito na si Dean, Brianna," malakas na boses ni Mommy mula sa labas ng aking kuwarto. Biglang kumabog ang dibdib ko at hindi ko malaman ang sking gagawin. "Brianna, gising ka pa?" tanong ni Mommy nang hindi ako sumagot. "Yes, Mom. Papasukin n'yo na lang po rito sa kuwarto ko," sagot ko. Baka kasi isipin ni Mommy na tulog na ako at pauwiin si Dean ay wala pang magtuturo sa akin.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD