Naninibago ako sa loob ng aming classroom pagpasok ko ngayong umaga. Napakatahimik kasi ng mga kaklase ko. Lahat sila ay nakaupo lamang sa kani-kanilang upuan. Abala sila sa pagbabasa ng aming mga pinag-aralan sa nakalipas na buwan. Napailing na lamang ako nang makita kong seryoso rin sa pagbabasa ang kaibigan kong si Peter. Dati-rati kapag pumapasok ako sa classroom ay sobrang ingay ng mga kaklase ko at kanya-kanyang tsismisan. Pero ngayon ay tila mababait na mga estudyante na seryosong nag-aaral. "Anong nangyari sa mga kaklase natin pati na rin sa'yo?" mahina kong bulong kay Peter matapos ko siyang lapitan. Tiningnan ko ang binabasa niyang notebook. Tama nga ako. Ang mgs pinsg-aralan namin sa mga nakalipas na buwan ang kanilang pinag-aaralan. "Hindi mo ba nakikita ang ginagawa namin, B

